KABANATA 8

1227 Words
To Abegail a moment with a popular ramp model and singer is already a dreame come true. Ang ipaghila siya nito ng upuan at alalayang ma-upo doon, ang panaka-naka nitong pag-aayos sa ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha, at ang pag-uusap nilang tila ba kaytagal na siya nitong kakilala. Rony is perfect gentleman a woman could ask for and she can't help but felt lucky especially when she's seeing the envy of the people that witness that side of him. "It's a good thing na hindi ka kita sa video, worst case scenario..pati ikaw madadamay sa gulo ng social media, perhaps even the press might take interest on you." Ani Ron habang nilalaro ng kutsarita ang chocolate sa fondant nito. "Oo nga eh. I'm sure na ikaw ang pinag-pyestahan dahil doon. Kitang-kita ka eh." Alanganing napangiti si Abby pero umiling lang si Ron at saka nangalumbaba sa harap niya. "I'm kinda used to it. Ano palang ginagawa mo dito sa Pangasinan? " Pag-iiba nito ng usapan. "Uhm, shower party ng kaibigan ko bukas. Eh ikaw?" "Just wanna breath some fresh air." Kaswal nang sagot ni Ron. "Ang layo naman ng narating mo." "Libre kase dito." Anito bago pagak na natawa. "Actually, kaibigan ko ang may-ari ng resort na ito, I'm using the privilege of having a rich friend." "Mayaman ka din naman. Infact kahit yata hindi ka na magtrabaho mabubuhay ka pa rin. You've been working since you were a kid right?" "Middle class lang ang family namin dati, I just have to work at a young age because my mother at that time was sick so we need an extra income for her medications. Luckily, my modeling career helps hanggang sa nagustuhan ko na, itinuloy-tuloy ko na. What about you? " " Ako? " " Yes, what keeps you busy? " " Ah, pre school teacher ako, kapag ganitong bakasyon nag-pa-part time job ako. Gusto mo bang pumunta bukas sa shower party ng kaibigan ko? I'm sure matutuwa sila kapag nakita ka. " Enthusiastic na tanong ni Abby pero sa pag-shift pa lang ng itsura ni Ron ay batid na niyang malabo iyon. " I'm sorry Abegail but I'm trying to keep my distance from crowded places. As much as possible, I don't want anyone to know where I'm staying at the moment.." Apologetic na hayag ni Ron. Nalungkot man ang dalaga ay hindi na siya nagpilit pa. Infact sobra-sobra na nga na kasama niya ang binata ng gabing iyon. Naintindihan din niya kung bakit, dahil kahit private resort ang lugar na iyon ay hindi pa rin sigurado na walang maglalabas ng impormasyon tungkol dito. "I'm really sorry abegail.." Muling hinging paumanhin ni Ron nang mapansin niya ang lungkot na nakabadha sa mukha ni Abby. "Naku okay lang.." Iginalaw-galaw pa niya ang kamay kasabay ng pag-iling. "Ang demanding ko..nakakahiya nga sa iyo." "It's fine, kung naiba-iba lang ang pagka-kataon, I'll be happy to join with you. Anyway.." Ipinaling nito ang tingin sa suot na relo. "It's already late. I guess we should called it a night." Kinambatan ni Ron ang waiter upang makapag-bayad na. Nang makalapit at i-abot nito ang resibo ay kumapa siya sa kanyang bulsa para lang matigilan. "What the freaking hell.." Usal niya sa sarili. Nang marinig ang pigil na tawa ni Abby ay napa-angat siya ng tingin dito. She's ramaging through her sling bag,fished out her wallet and handed her card to the waiter. "Diba nawawala yung wallet mo?" Natatawang paalala ng dalaga. Ron's eyes widen as realization hit him. He brushed his hands on his face, internally scolding himself. "Crap, this is so uncool. I totally forgot about it." Nahihiyang aniya. "It's okay. Hindi naman nakakabawas sa pagkalalake kung babae ang magbabayad paminsan-minsan." Assurance ni Abby matapos na mai-abot ang card. "I owe you one then," Ron smiled awkwardly. *** "You look happy." Bahagyang siniko ni Queenie si Abby na tahimik na naka-upo sa beach bed. Inabutan siya nito ng isang beer in can. "Alam mo namang mahina ang tolerance ko sa alcohol." Anang dalaga matapos kunin iyon. "Hindi ka naman siguro malalasing sa isang beer? Isa pa mahina lang ang alcohol content niyan." Ani Queenie at saka naupo sa tabi niya. "What happened last night? Mukhang naka-recover ka na kaagad," "Wala iyon..at as usual, Irene won't take my outburst lightly." Hindi na kase siya pinansin pa ni Irene. Sa mga sandaling iyon ay shower party na, at hindi magtatagal ay ire-reveal na ang gender ng baby nito. "She's always like that naman, anyway..you look good on that sarong. Alam kong babagay talaga sa iyo." Puri ng kaibigan habang nakangiting minamasdan siya. Queenie also wear the same sarong, iba lang ng kulay. Nakasuot siya ng one piece swimsuit sa ilalim niyon kahit na urong-sulong siya kung lalabas ba siya sa silid niya o hindi. It took alot of courage for her to wear something so small, although kung ikukumpara sa iba ay parang mas balot na balot pa siya. "Thanks, you also look great," "Hoy kayong dalawa!" Tawag pansin ni Teo sa kanila. Nang lumingon sila sa gawi nito ay kinambatan sila upang lumapit. "The gender reveal will start, come here." Pag-aaya ni Teo. "Coming!" Balik sigaw ni Queenie. Sabay na tumayo at lumapit ang magkaibigan sa umpukan ng pamilya at iba pang kaibigan ni Irene. Nang mag tama ang mga mata nila ni Irene ay napakagat labi nalang si Abby nang taasan siya nito ng kilay at saka siya ignorahin at talikuran. Kasabay nang papalubog na araw ay ang pagsabog sa kalangitan ng isang malaking pink fire works bago iyon nasundan ng maliliit pa. Napangiti siya dahil iyon ang indikasyon na babae ang susunod na anak ni Irene. Nilingon niya ang kaibigan na mahigpit na nakayakap kay Zaldy. They look so happy. Even Brainer jump with joy while trying to hug his mommy. Nagsimulang maglapitan kay Irene ang mga kaibigan at pamilya nito upang batiin. Abegail tried to find her cue to approach her and give her gift. Nang sa wakas ay umunti ang lumalapit dito ay sinamantala na niya ang pagka-kataon na iyon. "Irene.." She called her name with hesitation. Nang hindi ito magsalita ay inabot niya ang paper bag. Inside is a hand made white baby robe with matching mittens. Pinag-tyagaan niya iyong i-knit at burdahan. "Congratulations, I'm happy for you. " "Oh..You are really such an old maid Abby." Taas ang sulok ng labi na komento ni Irene nang mabukas at mausisa ang laman niyon. "Irene!" Saway ni Zaldy sa asawa na kakalapit lang. Even some of the people that heard Irene look at her with wide eyes. "What? I'm actually appreciating her gift. It's just a side comment." Kibit balikat nito, pero parang piniga ang puso ni Abby sa sinabing iyon ng kaibigan. She's making fun of her hobby, along with her age. She bit her inner cheek to suppress her tears. " What's wrong with knitting and getting older Irene? " Anas ni Abby bago tiningnan ng may hinanakit ang kaibigan. "Abegail, I'm sorry, I think Irene's just having her mood swings.." "That doesn't give her the rights to insult Abby, does it?" Sabay-sabay pa silang napalingon sa nag-salita. Nilunok ni Abby ang bikig na iyon sa kanyang lalamunan habang nakapako ang tingin kay Ron. Dinig pa niya ang pag-singhap at bulung-bulungan sa biglaang pagdating na iyon ng hindi inaasahang bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD