Iniiwasan ni Abby na mag-salubong ang mga mata nila ng kaibigang si Irene. Ilang ulit niya kase itong nakikita mula sa sulok ng kanyang mata na masama pa rin ang timpla nito sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman siyang kinalaman sa engagement party na iyon ng pamangkin nitong si Shiela. Ang tanging ipinunta lang niya sa Pangasinan ay ang shower party nito kaya kahit na hindi siya dumalo sa nasabing salu-salo ay hindi naman malaking issue. Sadyang dati na talagang mabigat ang dugo niya Kay Irene.
"Huwag mo nalang seryosohin si Irene. She's really temperamental over nonsense things, it's just hormones..hormones you know."
Bahagyang binunggo ni Queenie ang balikat ni Abby. Napangiti siya sa kaibigan bago nakapangalumbabang itinuon ang mga mata sa harapan kung saan may mga nagsasayaw.
" Dati ko naman nang alam na pasmado ang ugali ni Irene pagdating sa akin, kahit noong mga teenager pa lang tayo."
She blandly replied and glance where Irene is sitting.
"Abby, Irene cared about you. Kung hindi ka mahalaga sa kanya, kukunin ka ba niyang ninang ni Brainer ? Iimbitahan ka pa ba niya sa shower party for her second baby if she didn't think about you?"
"I don't know Queenie..sa tagal kase na mag-kakasama tayo, hindi ko maramdaman na tinuring niya akong kaibigan kagaya ng kung paano niya kayo ituring ni Diane. All I remember was her being mean, pointing out the negative and ugly parts of me until I believed her. Alam mo ba kung gaano kalake ang naging epekto ng mga sinasabi sa akin ni Irene noon, hanggang ngayon? "
" Abegail..I didn't know that you felt that way. "
" Ofcourse you wouldn't felt it, kase ako iyon eh. Irene's words planted deep within me, nag-kaugat at nanatiling nakatanim sa dibdib ko. Whenever I saw my self in the mirror, I doubted the image right before my eyes. Look at me. I'm already thirty one, and yet.."
Nahinto si Abby sa pagsasalita nang kabigin siya ni Queenie at yakapin. She didn't even realized that she's already crying.
Nang makita niya si Irene na nakatayo sa harapan niya at gulat na nakatitig sa kanila ay kaagad siyang kumawala sa bisig ni Queenie. Umiwas siya ng tingin at saka pinunasan ang mga pisngi ng kanyang palad.
"I'm sorry, pero mauna na ako sa inyo."
Paalam niya. Hindi na niya hinintay pang makapag-salita ang alin man sa dalawa niyang kaibigan . Kaagad na siyang tumayo at tinahak ang labasan.
Walang direksyon ang bawat paghakbang at tanging sa kanyang mga paa lang nakatutok ang pansin ni Abby. Gusto niyang batukan ang sarili dahil hinayaan na naman niya ang sariling magmukhang kawawa sa harap ng kaibigan, iyon ang unang pagka-kataon na bumigay ang depensa niya at umiyak lalo na at nasaksihan iyon ni Irene. Dati rati'y idinadaan lang niya sa ngiti ang bawat masasakit na salita at pasaring nito sa kanya. Pinagkikibit balikat ang pagtatanggol ni Queenie at Diane dito at kinikimkim ang mga salitang sa tuwina ay nag-iiwan ng tanong sa sarili niyang halaga.
Nang mapagod kakalakad ay tumalungko ang dalaga sa dalampasigan paharap sa dagat kung saan banayad na na aabot ng tubig dagat ang kanyang paa. Bahagyang madilim sa kinaroronan niya ngunit sapat ang liwanag para makita ang buong paligid. Tiwala naman siya na safe sa resort na iyon. Matapos ang halos kalahating oras ay nagpasya na si Abby na bumalik sa hotel nang kumulo ang tiyan niya. Nakangiwing dinama ng kanyang palad ang naghuhuramentadong sikmura. Hindi man lang siya naka-kain bago mag-walk out.
Nasa harapan na ng gusali ang dalaga nang mapansin ang lalaking papasok din sa entrance. Nasa kabilang bahagi iyon dahil napapagitnaan sila ng open canal. Naka-side view ito sa gawi niya at mukhang may kinakapa sa mga bulsa ng suot na trouser bago bumaba ang tingin sa sahig at magpalinga-linga ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap. Nang sa wakas ay pumaling ang mukha nito sa direksyon niya. Gulat ang unang lumarawan sa mukha nito na natitiyak niyang siya ring reaksyon niya ng mga sandaling iyon. Maya-maya pa ay umangat ng sulok ng labi nito na para bang ngingiti, pumaling ang ulo na tila ba sinusiguro kung sino siya bago umiling-iling at sa wakas ay ngumiti na ng tuluyan.
Humugot ng malalim na hininga si Abby nang magsimula itong maglakad papalapit sa kung saan siya nakatayo na tila isang tuod. Nanatiling naka-pako ang kanyang mga mata dito. Minamasdan, namamangha sa bawat hakbang nitong mistulang naglalakad sa entablado. How come that Rony Lucas is in the same place as hers?
"Fancy seeing you here,"
Bati ni Ron kay Abby nang tuluyan silang magtagpo.
"A-uh."
Ang tanging namutawi sa labi ng dalaga na lalong ikinaluwang ng ngiti ni Ron.
"Hi Abegail..you look stunning. You've been on a date? "
Tanong niya pero sa halip na kumalma ito ay tila lalong inalihan ng kaba ang dalaga.
"Earth to Abegail."
Tapik niya sa pisngi nito. Kumurap-kurap ito at nanlalaki ang mga matang napa-urong ng ilang hakbang palayo sa kanya.
"Oh..uh, hi..sorry."
Marahil ay napagtanto ng dalaga na utal-utal ang naging sagot niya ay mabilis nitong itinakip ang mga palad sa mukha. Natatawang hinawakan niya ang kamay nito at saka iyon inalis doon. Bahagya siyang yumuko upang mag-abot ang height nila at mabistahan nang maayos ang namumula nitong mukha.
So I'm not hallucinating after all. She's really here.
"Don't cover your face, you're blocking the view."
Aniya at saka inayos ang tayo nito paharap sa kanya. Hawak sa magkabilang balikat ay malayang napagmasdan ni Ron ang kabuuan ng dalaga, pero napakunot ang noo niya ng mapansin ang namumula nitong mata at ilong.
" Nag-away kayo ng boyfriend mo? "
He ask without even knowing that he's tracing her undereye with his thumb.
Abby pouted, shaking her head mumbling. Wala nga akong boyfriend
And he didn't know why but he bursted out laughing. Masama ang tinging inirapan siya nito bago akmang tatalikod na pero mabilis niyang nahuli ang braso nito at saka pilit na hinamig ang sarili.
"Sorry, I just..I didn't mean to offend you. You're just too cute.."
Sa halip na matuwa ay lalo lang sumama ang tingin nito sa kanya.
"Come'on, loosen up a little will ya? How about I treat you some snack?"
"Are you bribing me? Am not a child you know."
"Yeah I can see that.."
"Are you saying I'm old?"
Hindik na bulaslas ni Abby. For the second time at that moment, Ron laugh out loud.
"Holy crap, you amuses me."
Aniya ng makabawi sa kakatawa. Kinuha niya ang kamay nito at saka marahang hinila papasok sa loob ng hotel.
"Stop talking woman and come with me."
Abby smiled while watching his back and his hand that's holding hers. Did he even realized that? It's like as if they're not strangers, that it's just the second time that they've met again and yet, he casually talk to her, jokes around her, and to Abegail's surprise..she felt at ease and calm now. Gone were the nervousness, tuttering and loud beating of her heart. It's almost felt natural.