KABANATA 6

1160 Words
"Welcome to Geneva's Paradise" Iyon ang basa ni Abby sa malaking arko. Literal na nakanganga si Abby. Nasa bungad pa lamang sila ng resort ay busog na busog na ang mga mata niya. Parang hindi dagat ang pupuntahan nila kundi isang asyenda. Hindi pinahihintulutan ang sasakyan sa loob maliban na lang sa mga service cart na ginagamit ng mga guest doon. The scenery is breathtaking. May mga naglalakihang bato na halos 6ft tall ang taas na iba-iba ang hugis na naka-kalat sa paligid at nababalot ng rose vines. Bawat isa niyon ay iba't-ibang kulay ng rosas. May mga bonsai na buko at papaya na hitik sa bunga, mga citrus at mangilan-ngilang puno ng prutas gaya ng guyabano, chesa, caimito, at mangga. Ang higit na tumawag sa pansin ng dalaga ay ang man made pond at  tila isang balon sa tabi niyon. Hindi iyon kalakihan sa tantya niya ay singlaki lang ng isang regular na swimming pool. May lotus flower doon at pares ng swan. Bumalik sa reyalidad ang naglalakbay at tila nahipnotismong dalaga ng marinig ang sunod-sunod na dating ng service cart upang ihatid sila sa main hotel. Ayon kay Zaldy na siyang nagsu-supervise sa naturang hotel ay by booking ang pag-babakasyon sa resort. Hindi rin hinahayaan na mag-overcrowding doon kahit na kung tutuusin ay kaya naman daw mag-accommodate ng resort ng mga turista sa mas malaking bilang. Swerte daw sila dahil pinagbigyan sila ng may-ari na maging bisita doon dahil na rin sa matagal ng tapat na empleyado si Zaldy doon. Pagdating sa hotel ay hindi masisi ni Abby kung bakit ayaw ng may-ari ng masyadong crowded at limitado lamang ang bilang na pwede doon. Kumpara sa ibang resort na napuntahan na ng dalaga lalo na at beach ay lubhang tahimik sa lugar na iyon. Makatawag pansin ang man-made staircase na naka-sentro sa gitna ng hotel, pero mistula iyong fountain. Ang tubig ay malayang bumababa sa hagdan patungo sa open canal kung saan may mga Koi fish. "Here's the key to your suite Abby." Abot ni Zaldy sa dalaga. Doon lamang niya napansin na nakaipon na ang mga kaibigan kasama ng mga asawa nito patungo sa elevetor at siya nalang ang tila hinihintay. *** May tatlong oras pa si Abby bago mag-ayos ng sarili at dumalo sa engagement party ng pamangkin ni Irene. Gaganapin daw iyon sa event center na naka-hiwalay sa building ng hotel kaya bago iyon ay nagpasya ang dalaga na umidlip muna. Pabagsak at halos lumubog ang katawan ni Abby sa kama sa lambot niyon. Inabot niya ang unan at mariing pinisil bago dinala sa ilong at sinamyo. Mabango ang buong silid, maaliwalas at kagaya sa ibaba, masyadong tahimik. Para bang ipinasadya ang lugar na iyon para sa nag-hahanap ng katahimikan hindi lamang ng paligid kundi ng isip. The place is warm and inviting, homey and beautiful. It's not a bad decision after all. Usal sa isip ni Abby bago hinayaan ang sariling igupo ng pagod at antok. Malalakas na katok ang nakapag-papitlag kay Abegail buhat sa malalim na pagkatulog. Sa simula ay tulala pa siyang napatitig sa pinto ng kanyang silid bago inilibot ang mga mata sa paligid. Kunot noong iniisip kung kailan pa gumanda ng ganoon kaganda ang kanyang kwarto. Subalit sa kabila ng tila lumilipad pa niyang huwisyo ay para siyang ginising sa isang hipnotismo ng pabalabag na bumukas ang pintuan ang iluwa niyon ang tila binabad sa sukang mukha ni Irene. "Irene?.." Anas ng dalaga ng makita ang mabilis na pagpalit ng kulay sa mukha nito na ngayon ay pulang-pula na sa galit. "What the hell are you doing Abegail! Anong klaseng tulog ang ginagawa mo at hindi mo man lang marinig ang pag-ring ng cellphone mo at pagkatok namin!" "Hey, calm down." Nag-aalalang pumagitna si Diane at saka hinawakan sa balikat si Irene. "H-Hindi ko napansin.." Katwiran ng dalaga. Hindi niya alam na ganoon kalalim ang tulog niya para hindi marinig ang pag-ring ng cellphone niya. "My God Abby, you almost made us call the police. Akala namin ay kung ano na ang nangyari sa iyo diyan sa loob. Tulog mantika ka lang pala!" "I-I'm sorry. Hindi ko naman gustong pag-ala-" "Whatever! Save your breath and just fix your self. Kanina pa nagsisimula ang engagement party ni Shiela. Bumaba ka nalang kung gusto mo pang dumalo." Angil ng kaibigan sa kanya at saka nagma-martsang tumalikod na. Diane apologetically look at her and give her a soft smile. " Pasensya ka na kay Irene, nag-alala lang talaga iyon sa iyo. Anyway, do you want me to help you do your make up? " Offer nito sa kanya pero umiling si Abby bilang tugon. She already felt devastated at ayaw niyang abalahin pa si Diane dahil sa kapabayaan niya. " Thanks Diane. Pero ba-baba din ako. I'll just take a quick shower. " " Sige, call me if you need anything okay?" Anito na parang matandang nagbibilin sa iiwanang paslit. Irene can be a loud mouth, rude and a b***h most of the time. Pero at that moment, Abby saw how worried Irene was, but even if she knew about it, Abby can't take Irene seriously. That's why she felt horrible. Matapos mag-muni-muni ay kumilos na si Abby upang mag-shower, hindi siya nagtagal sa banyo. Mabilis siyang nagpahid ng lotion at tinuyo ang buhok gamit ang blow dryer. Kinuha niya ang isusuot na bistida at saka iyon itinapat sa katawan niya. Mula sa salamin ay matabang siyang napangiti sa sarili. The dress look good, hanggang sakong ang haba at may slit na aabot hanggang tuhod. Light material, off shoulder at free size, mayroon lamang iyong string na nagsisilbing sinturon upang ilapat sa kanyang bewang. Nang maisuot niya iyon ay lalo siyang napangiwi. *You look like a trying hard teenager wanna be. * Pero dahil iyon lang ang dala niya ay nilunok na lang ni Abby ang insekyuridad. *** "Wait! Please hold up!" Dinig ni Ron na pakiusap ng babaing tumatakbo patungo sa papasara nang elevator na sinasakyan niya. But call him an asshole, but he's not gonna stop it. Atleast that's what he thought, but  in a few more seconds before it closes he saw a glimpse of the woman panting and weazing as she stop midway realizing that she won't make it. Crap I knew her.. That voice in his head became restless telling him to go back kaya paulit-ulit niyang pinindot ang floor number kung saan naroroon ang babae. Nang muling pumaitaas ang elevator ay hindi mapigil ni Ron ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Who would have thought that he'll saw her there of all places? But once it stop and opens, she's no longer there. He look around the hallway, even waited for a few more minutes but she never appeared. Upon wondering to himself why did he even waited, Rony shake off his thoughts and instead of loitering around, he decided to just went back to his suite. Maybe my mind was just playing tricks on me..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD