KABANATA 5

1064 Words
"Abegail!" Nahinto si Abby sa paglalakad. There goes Queenie the forever muse of PNHS(Pangasinan National High School) she look the same, parang hindi tumatanda. Hindi kaya nadis-cover na ng kaibigan ang fountain of youth? She look so young and glowing. Mukhang sabik na sabik si Queenie na lapitan at makipag-beso-beso sa kanya dahil wala itong paki kahit nakatakong habang tumatakbo. Mabuti na lang at sementado ang driveway sa bahay ni Irene. Yup, may driveway at mukhang nadagdagan ang mga accessories sa lawn nito. Mayroon na doong man-made fountain at water falls sa isang sulok ng pader. May mga naka-display na din na mga dwende, goose at pink flamingo. Mukhang pinag-handaan ng magaling niyang kaibigan dahil halatang bagong- bago. Naramdaman niya ang bahagyang paglayo ng kaibigan mula sa pagkakalingkis nito sa kanya at saka siya hinawakan sa kanyang balikat na para bang inuuri. "Abby, my gosh look at you. Mukha kang....stress? What happened to you? Sabi ko naman sa iyo susunduin ka namin eh." Umikot ang mga eyeballs ni Abby sa pagka- exaggerate ni Queenie. Humakbang siya palayo dito nang mamataan ang dalawa pa niyang kaibigan na tila naglalakad sa gitna ng buwan papalapit sa kanila. Diane like Queenie is gorgeous. Halos mukha ng manikin sa kinis at puti. May isang anak na, 5 years old, habang si Queenie na newly wedd lang last year ay nagpa-plano na daw magka-baby this year. Si Irene ? She's currently like a walking watermelon. Pangalawa na ang nasa tiyan pero ang nakakainis maganda pa rin ang bruha. Samantalang siya, single, no kid, pero Hagardo Versoza lang ang peg. She consciously tuck the strands of hair that was covering her eyes and she almost cursed when Aileen squinted and  smirk evilly on her . Well sa paningin lang naman niya. Nang makalapit ang dalawa ay bumeso din. Kailan nga ba nagsimula ang besohan sa kanila? Eh dati naman para silang mga bulateng inasnan at nagtititili muna bago mag-group hug. Iyon ang batian nila. Ah, maybe when they started to be tied up..isa pa may mga sinabi sa buhay ang mga napangasawa ng mga ito. "Ah Abby, it's good to see you again." Hilaw ang ngiting bati ni Irene. "You still look the same Abegail." Ngumiti si Abby kay Diane pero hindi niya mawari kung ang ibig sabihin ba nito ay wala siyang pinagbago sa positibong paraan o sa kabaligtaran iyon? Either way, nakisabay na lang siya sa agos. Matatapos din ito.  "Let's get in, naghihintay sa loob ang mga bisita. And Abby, Brainer wants to see you." Ani Irene . Tinutukoy nito ang anak na 10 years old na at inaanak niya. Buti na lang may dala siyang gift para dito. "Ganoon ba? Tamang-tama may dala akong pasalubong para sa kanya." "What is it? Toy gun? Puzzle board? Abby, binatilyo na ang inaanak mo..baka nga bukas makalawa mas matangkad na iyon sa iyo." Birong pasaring nito. Naglapat ang labi ni Abby at hindi na lang iyon pinansin. "Irene , give her a break. Kadarating lang ni Abby inaalaska mo na." Sita ni Queenie sa kaibigan. "What? Wala naman akong sinabing masama. Right Abegail ?" "Stop it girls. Abegail must be tired, tara Abby, may pagkain sa loob. I'm sure gutom ka na din." Akay naman ni Diane sa dalaga. "You should be more sensitive Irene ." Narinig pa ni Abby na sabi ni Queenie. "Whatever..you guys." Siring ni Irene at saka nauna nang naglakad. Napa-buntong hininga nalang si Abby. Wala pa siyang ilang oras at hindi pa nag-iinit ang mga talampakan niya sa pamamahay ng kaibigan pero para na siyang magkaka-diarhea sa umaahong emosyon sa dibdib niya. Naramdaman niya ang pagtapik ng dalawa niyang kaibigan sa likod niya na para bang isang reassurance. She smiled even though her chest felt heavy from doing so. Kung maganda sa labas ay di hamak na mas maganda sa loob. Irene sure hit the jackpot ng mapangasawa nito si Zaldy. Spacious at high cealing. Housewife pero well pampered sa asawa. Nasa kusina ang mga asawa ng mga kaibigan niya. Kasalukuyang nagme-meryenda habang may mga tig-iisang bote ng beer. Nang makita siya ng mga ito ay agad siyang binati, kumaway at itinuro ang mga nakahain sa mesa, nag-aaya. "Mabuti naman at nakarating na ang ating muse." Si Teo, asawa ni Diane ang nagsalita. Tinanguan naman siya ni Elton, asawa ni Queenie. "Upo ka Abegail, matagal ba ang byahe?" Ani Zaldy na tumayo pa at ipinag-hila siya ng silya. "Hindi naman lumpo si Abby honey, ako itong buntis tapos hindi mo ako ipinag-hila ng upuan." Taas kilay na sita ng kaibigan niya sa asawa nito. Tumawa lang si Zaldy at saka inabot ang kamay ni Irene . "Sorry honey, dito ka kase sa kandungan ko pu-pwesto." Kumuha nalang si Abby ng sapin-sapin at doon itinuon ang pansin. Nagulat na lang siya nang may malamig na bagay ang dumikit sa batok niya kaya agad siyang napalingon. Napangiti siya, si Brainer ang inaanak niya na may hawak na magnum ice cream. " Ninang Abby." Malaki ang ngiting bati nito sabay mano at lagay ng icecream sa kamay niya. "Awe, ang sweet naman ng baby boy namin." Gigil na hinalikan niya ito sa pisngi. Irene might not know pero madalas silang magka-chat ng bata. "May dala kang gift ko ninang?" "Ofcourse meron. Nasa sala, yung blue na paper bag." Aniya at saka ginulo ang buhok nito. Mabilis na tumalilis si Brainer pabalik sa sala. Nakangiting sinundan niya ito ng tingin. Si Brainer ang una niyang inaanak kaya malapit siya dito. Buti na nga lang at hindi nahawa sa kaibigan niya. Nang muli siyang bumaling sa pagkain niya ay nagtaka pa siya ng makitang sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat. "Bakit?" Takang tanong niya. "You know Abby, you'll be a great mother someday.." Komento ni Diane na sinang-ayunan ng iba pa, well maliban kay Irene na matamang nakatitig sa kanya. "Mommy! Mommy look!" Napalingon silang lahat kay Brainer na tuwang-tuwa nakataas pa ang kamay sa ere hawak ang regalo niya dito. "Ninang got me a portable console!" "Abby, mahal iyon ah.." Natitigilang sabi ni Irene . "So? Once a year lang naman kami magkita ng inaanak ko. Pinag-ipunan ko talaga yan para sa kanya." Ano ba talagang eksena mo Irene ? Gusto niyang isatinig pero nilipad iyon sa hangin nang lumapit ang anak nito at excited na ipakita iyon sa lahat. Masaya na rin naman siya kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD