"Shit.."
Mariing bigkas ni Ron nang makita sa glass panel ng The Sweet Side ang grupo ng media na naghihintay sa labas. Tumalikod siya sa gawi ng pintuan. Sana lang ay hindi pa siya nakikita ng mga iyon.
"Ah, you've been cornered again."
Malamyang sabi ni Hubert nang mapadaan sa gawi niya, habang nakatingin din sa labas.
Ron scratch the back of his head and sigh out of annoyance. Recently ay nagiging paborito na naman siyang headlines ng mga tabloids, blind items at social media vloggers. So far na pinakamalaking eskandalo pa naman niya ang nangyaring gulo sa club sa Makati. Well, he deserved that one though. Ilang araw din siyang nagpahinog dahil sa inabot niya sa kaibigang si Gibson. He purposely pissed him off knowing that hell bent his frustration on him. Mabuti na lamang at naresolba na ang problema nito at nagka-ayos na sila. Pero ngayon naman ay ang video sa isang mall ang pinagpi-pyestahan ng madla.
Ahh I can't wait to go out of town and breath.
"The hassle of being a celebrity huh?"
Muling dagdag ni Hubert. Kumunot ang noo niya dito at saka ito nilingon.
"I'm not a celebrity dude."
Tanggi niya. He's just a model, well yeah and a singer. But he's barely seen on national TV. Mas madalas na sa magazines at billboards siya makikita. Mabibilang sa daliri ang mga talk shows na nilabasan niya sa mga TV stations.
" A recording artist is considered as a celebrity Rony."
Hubert pointed out. Muli siyang napakamot sa ulo. Yes he can sing pero ni sa hinagap ay hindi niya naisipang maging singer o recording artist. Pero dahil sa isang insidente nang minsang rumampa siya para sa isang clothing line na kung saan isa siya sa main model ay na-provoke ang ego niya. He sang live. Kumalat iyon sa sangkalupaan at makmak na offers ang bumungad sa kanyang pintuan. He declined ofcourse. Pero ang mommy niya, ibinenta ang kaluluwa niya sa isang malaking recording company sa bansa. Okay that maybe too much pero parang ganoon na nga. Nagulat na lang siya na may kontrata na siya as a recording artist. Kung paano niya napirmahan ang kontrata na iyon ay hindi niya alam. Wala siyang maalala. To make the long story short pakana ni Ma. Candida Valliente ang pagiging manganganta niya.
"I'll be stock in here.."
Walang magawang muli niyang sinilip ang labas. Natitiyak niya na gagabihin siya doon.
"Want me to help you out?"
Hubert smiled wickedly.
***
"Damn that little piece of.."
Gigil na pinagpagan ni Ron ang buong katawan. He cringe when he sniff himself. Puro mantsa na ang suot niyang jacket at t-shirt, maging ang pants niya ay mamasa-masa na rin sa ilang bahagi. Akalain ba niyang papasakayin siya ni Hubert sa likod ng container van kung saan isinasakay ang mga back order na ingredients at iba pang goods na nag-leak o hindi naman kaya ay about to expire na.
Huminga siya nang malalim at saka binuhay ang ignition ng kanyang sasakyan. Atleast nakalusot siya sa mga media na nag-aantabay sa kanya sa labas ng shop. Hindi na siya makapag-hintay na matapos ang kontrata niya bilang isang manganganta. Maybe he'll quit modeling too? Although passion niya ang modeling dahil bata pa siya ay iyon na talaga ang nakamulatan niya, hindi naman niya akalain na hindi lang camera mula sa mga shoot ng fashion magazines at pagrampa sa mga events ang kakaharapin niya. He enjoyed it at first, sure why not, who doesn't like the attention and lime light, but as he gets older and appreciate the peace of being alone with friends and family, those attentions and constant ambush interviews are getting on his nerves.
Pagdating sa tinutuluyang condo unit sa kaagad siyang naligo. Nagbabad siya sa tub hanggang sa magsawa siya at mangulubot ang balat ng kanyang mga daliri. Nang matapos ay hindi na siya nag-abalang magbihis sa halip ay dumiretso siya sa kanyang kama ay ibinagsak ang katawan doon. Nagpaalam na siya sa manager niya para sa isang linggong bakasyon. Hindi iyon pumayag dahil may mga commitments pa daw siya pero dahil disidido siyang makalayo at mapag-isa ay pinatayan niya ito ng cellphone. Marvin, his acting manager knew him so well. If he said no, there's no one stopping him.
Inabot niya ang booklet na nakapatong sa ibabaw ng kama isang dipa mula sa kanya, kasama doon ang card key sa penthouse ni Gibson. Napangisi siya dahil kahit alam niyang banas na banas pa rin sa kanya ang kaibigan ay ipinadala pa rin nito sa kanya ang kailangan. They might be an asshole, but they're friends.
"Well, see you tomorrow Geneva's Paradise."
Usal niya habang tinitingnan ang booklet na naglalaman ng itenerary at tourist offers sa resort ni Gibson.
***
"Kaya mo bang bumiyahe ng mag-isa?"
Tanong ni Linda kay Abby habang sumasabay sa paglalakad nito palabas ng bahay.
"Nay, treta y uno na po ako."
She pointed out na nakapag-pasimangot sa nanay niya.
"Isa pa, hindi naman ito ang unang beses na medyo malayo ang pupuntahan ko, at saka malay mo, sa Pangasinan ko makita ang magiging tatay ng mga apo mo."
Pagbibiro niya pa, pero dahil desperada ang nanay niya ay kaagad na lumiwanag ang mukha nito. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit nasabi-sabi pa niya iyon.
" Naku talaga ba? Kung gayon ay sige, humayo ka na. Basta mag-iingat ka doon ha? "
Naiiling na nangingiti na niyakap at hinalikan na lang niya ito sa noo at saka lumapit sa tatay niya na as usual ay nakaharap sa TV at nanunuod.
"Hindi baling wala ka pang makita ang mahalaga naman ay mag-enjoy ka doon sa pupuntahan mo."
Sabi ng tatay niya matapos niya itong bigyan din ng yakap at halik sa medyo napapanot na nitong ulo.
"Sige po, tatandaan ko iyan."
Aniya at saka dumiretso nang lumabas upang sumakay sa tricycle patungong sakayan ng jeep.
Pero ang katotohanan ay hindi alam ni Abby kung ma-e-enjoy nga ba niya ang pagpunta sa Pangasinan. Natutuwa siya na makikita muli ang mga kaibigan matapos ang isang taon, pero hindi rin niya maialis sa sarili ang magdalawang isip.
Hindi bale na, hindi naman ako magtatagal doon.
Aniya sa isip bago itinuon ang atensyon sa paligid.