KABANATA 22 (What happens back then .P. 2)

1221 Words
He tasted the bitterness of rum along with the sweetness of her mouth. She's so warm, hot even, and though her kisses are sloppy, out of the experience, he finds himself clutching her closer to his body. He started to move his lips and conceded to her.  "I said I like you," Muling bigkas ni Abby habang nakatingala kay Rony. Kaagad na pinigilan ni Rony ang dalaga nang magtangka itong muli na abutin ang labi niya. Nabibigla, naiiling, nalilito, hindi niya alam kung anong emosyon ang mas dapat ma-una. Nakalimot siya, at sinagot ang kaagresibuhan nito. "Stop it Abegail. Hindi mo alam ang sinasabi at ginagawa mo." Mariin niyang sabi matapos na magtagumpay na maikalas ang mga braso nito sa kanyang leeg. Pinanood niyang magbago mula sa tuwa, pagtataka, at kalungkutan ang reaksyon nito. "What made you think so? Maaaring lasing nga ako, pero alam ko ang ginagawa ko. I kissed you and told you I like you. Kung wala ako sa impluwensya ng alak, oo siguro nga ay hindi ko magagawa ang ginagawa at sinasabi ko ngayon. But that is how I feel. Isn't it rude to question someone's feelings? I just confess to you Ron! " " Infatuated ka lang Abegail. And it's actually understandable. You're not the only girl who told me that they like me. A bunch of them did, and I think you're not an exemption from those who just admire me and think that it's something deeper than that." Pinilit niyang sabihin iyon sa paraang mas mauunawaan nito. Pero kahit sa sariling bibig ay matabang iyon sa panlasa niya at hindi maarok ng pang-unawa niya. Mas gustong tanggapin ng isipan niya na iba ang nararamdaman nito at hindi basta infatuation lang kagaya ng sinabi niya. "Tama ka naman, infatuated ako sayo, Infact matagal na akong may crush sa iyo. Sa magazine pa lang kita nakikita nakuha mo ang buong atensyon ko. Sinong babae ba ang hindi? Pero iba na ngayon eh! Kung hindi mo pinaramdam sa akin na kamahal-mahal din naman ako, na para bang kapag tinitingnan mo ako ako lang yung maganda sa paligid mo, yung mga kilos mo? Paanong hindi liliko sa pagka gusto ang paghanga ko sa iyo kung ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan para mahulog ako! " Halos isigaw na iyon ni Abby kaya napalingon pa siya sa kaibigan nito sa pag-aalalang baka magising nila iyon. Pakiramdam niya ay mag-aabot na ang mga kilay niya sa labis na pagkakakunot ng kanyang noo. He can't disregard the fact that she's high and drunk, that she's just emotionally overwhelmed. But above all things, he can't deny that surge of emotions inside of him. Something that he's not ready to feel. "You can't say that." "Why not! Bawal na bang umamin sa totoong nararamdaman? Bawal na bang magpakatotoo? Mas matatanggap mo ba kung sa halip ay sabihin kong mahal kita? Ikaw ang unang pag-ibig ko Ron. Ikaw ang unang halik ko, at ikaw ang unang lalaking pinangarap ko.." Mangiyak-ngiyak nang sabi nito. " Just stop it Abegail! I have a girlfriend! " He almost shouted on her face while he grabs her shoulders and shakes her. " I don't wanna hear any more of it..do you understand?! " " You tried to kiss me back then. When we're in Pangasinan. It almost felt like..you like me too... " " It was a mistake! Entertaining you, being your host, and using you..to cure my doldrums. It's not like, you didn't enjoy it..didn't you? That's what you called a fan service Abegail. " He wanted to take back his words when he saw how hurt she is. But she needs to wake up sooner. If what she really feels is true, she's just bound to get hurt anyway. Hindi niya kayang suklian ang nararamdaman nito. If her eyes can spit fire , he'll be burning right away. She didn't say a word after that. She just turns her heels and walks to the door. "Where are you going!?" "Kung iniisip mo na luluha ako ng dugo dahil lang sa ni-reject mo ako? Dream on Mr. Fan service! Hindi lang ikaw ang lalake sa mundo. Magkaka-love life din ako kahit hindi sa iyo!" Anito bago siya binagsakan ng pintuan. Sandali siyang hindi nakahuma at napatitig na lang sa nakapinid na pintuan, bago siya naka-recover at humabol dito. Hindi niya ito maaaring hayaan na tumambay sa Ibaba. Kulang na lang ay takbuhin niya ang hagdan upang mahabol si Abegail pero hindi pa siya nakakarating sa unang baitang niyon ay natanaw na niya si Erick at Joey na nakaharang sa dalaga, gayun din ang lalaking nangulit dito na kung tama ang memorya niya ay nagpakilalang Glenn. "Glenn will take her home after she cooled down a little." Ani Erick nang makalapit ito sa kanya. Hindi siya kumibo, pinanood lang niya ang Glenn na iyon na dalhin si Abby sa bar counter at bigyan ng inumin. "Don't worry, he promised that he'll behave and won't do anything stupid." Tapik pa nito sa likod niya.  *** "Babe?!" Nabibiglang anas ni Illana nang mahigpit itong yakapin ni Rony mula sa likuran. Dinala niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito bago humugot ng malalim na hininga. "Why? Okay ka lang ba talaga?" "Let's get married." Sa halip ay sabi niya. Kumawala si Illana sa mga bisig niya at saka umikot paharap. Ilang saglit siyang tinitigan. Bakas ang pagtataka, pag-aalala at gulat sa maganda nitong mukha habang sinusuyod ng mga mata ang bawat anggulo ng mukha niya. Pilit humahanap ng kahit na anong senyales kung ayos lang nga ba talaga siya. Hinawakan niya ang pisngi nito at banayad iyong hinaplos bago ngumiti. "Pagkatapos ng concert, Illana..magpakasal na tayo?" Awang ang labi at hindi makapaniwala sa narinig ang dalaga. May balak naman talaga silang magpakasal, pero iyon ang unang pagkakataon na si Rony ang unang nag-open vocally tungkol doon. Imbis na matuwa ay kinain pa ng kaba ang dibdib ng dalaga sa inaakto ng kasintahan. "W-what did you say?" "I'm financially stable babe. Kayang-kaya ko nang bumuo ng pamilya, kahit malaking pamilya pa. I have morethan enough money for our future. I'm currently planning on building my own agency, may mga nakausap na ako na interasadong maging business partners ko. Mom's right..ano pa nga ba ang hinihintay natin? We ain't getting any younger anyway. Don't you think so?" Ron waited for Illana's reply, but as the minutes passed by, he became restless. He put his fingers to his temple and massage it. " Ilang araw ka nang ganyan Rony, you look troubled of something. Ever since you came back from your little getaway, parang lalo ka lang naging problemado. You're making me worried babe. Ayokong isipin na nagde-desisyon ka dahil lang pressured ka. You know that I can wait for us to settle down." Rony felt a pang of guilt from what she said. She didn't know what kind of internal battle he's dealing with inside of him. Ni hindi niya matagalan ang mga mata nitong buong pagsuyong nakatitig sa kanya. Habang tumatagal ay lalo lamang siyang hindi makatingin dito nang diretso. "It's alright, Rony. I'm here. Kung ang pagpapakasal lang ang makakapagpagaan ng kalooban mo, then let's do it. Let's get married after your concert okay?" Nakayakap na ani Illana. His chest aches for her. Illana is always there for him. Always have, and always been. He can't afford to hurt her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD