KABANATA 21 (What happens back then..)

1188 Words
"What's that?"  Nagtatakang sambit ni Erick nang makarinig sila hiyawan at tawanan mula sa ibaba. Sa pag-aakalang nagkakagulo doon ay tumayo sila at sinilip mula sa itaas ang nangyayari.  "S-si Abby at Amanda iyon ah!" Nabibiglang turo pa ni Joey sa dalawa na siyang sentro ng atensyon sa gitna ng dance floor.  Hindi makapaniwala at halos mapanganga si Rony sa nasasaksihan. Kung pagbabasehan niya ang ikinikilos ng dalawang magkaibigan ay nasisiguro niyang lasing ang mga ito. Wala ng sapin sa paa si Abby, ang suot na damit nito ay nakalilis na. Iyong tipo na isang yuko lang ay kita na ang langit. Bahagya na ding lumilitaw ang puklo ng dibdib habang umi-indayog ang balakang sa saliw ng musika.  Isa-isang inabot ng dalaga ang mga baso ng shotglass sa mga malapit dito. Inilagay nito ang isa sa tuktok ng ulo habang hawak ang dalawa pa at dumipa. Unti-unting gumalaw ang mga kamay at binti, mabagal, nang-ha-halina at kahit lasing ay nag-iingat upang huwag iyong malaglag. Nanliit ang mga mata niya nang lumapit ang isang lalaki at painumin ito mula sa sarili nitong baso. Matapos niyon ay lumapit ang isa pa at ibinalanse naman ang hawak nito sa braso ni Abby, na ginaya ng isa pa. Abby laugh and continued to dance, while Amanda cheered, clapping and walking around her. Hanggang sa may isa pang lumapit at humawak sa balakang nito. Naghiyawan sa tuwa ang mga naroroon na lalong nagpakulo sa dugo niya.  "Saan ka pupunta?" Pigil sa kanya ni Erick nang magsimula siyang humakbang. "That!" Turo niya sa direksyon ng dance floor. "That should stop! She's clearly intoxicated and those assholes are taking advantage of them." Gigil na sabi niya.  "Calm down.." "Then do something!"  "I'll go down. Hindi ka dapat masangkot sa kahit na anong gulo Rony." Ani Joey. "At pwede ba huminahon ka muna. You're shaking dude." Naiiling na dagdag pa nito, gayong kapansin-pansin din naman na nanggigigil din ito.  Nabubugnot na tinungga niya ang natitirang laman ng kanyang baso upang makalma ang sarili bago sumunod kay Erick at Joey pa-baba. Dumiretso siya sa bar counter at naupo sa isang stool habang hindi inaalis ang paningin sa dalawa. Kasunod ni Erick ang bouncer nito na naka-sivillian din na mukhang sinasabon nito habang naglalakad patungong dance floor dahil paulit-ulit niyong kinakamot ang ulo habang nakayuko. * Maya-maya pa ay nahawi ang nagkukumpulan doon, bitbit ng bouncer ang lalaking halos ipulupot ang mga kamay kay Abby kani-kanina lang, nanlalaban ito sa bouncer at kahit nalulunod ng maingay na musika ang boses nito ay paulit-ulit pa rin itong nagmumura. Mula sa kumpol ng mga tao doon ay lumabas si Joey na inilang hakbang ang layo sa lalake tsaka ito inundayan ng sapak. Napangisi siya dahil sa halip na iiwas ng bouncer ay ginamit pa nito ang katawan upang masalo ang nawalan ng balanseng lalake at bahagyang itulak paharap dahilan upang muling masapo ng mukha nito ang isa pang unday ng kamao ni Joey.  Hila-hila ni Joey si Amanda na tila ano mang oras ay makakatulog na, habang si Abby ay nakangiting kumakaway pa sa mga naiwan sa dance floor habang naka-alalay naman dito si Erick. Nang makalapit sa kanya ang mga ito ay iginiya ni Erick ang dalaga patungo sa kanya.  "I'll just talk to the guy outside. " Tukoy ni Erick sa lalaking dinala ng bouncer palabas.* "What did he do?" Kunot-noo'ng tanong niya, habang hawak sa siko si Abby. * "You'll be violent again if I told you ." Anito at saka tumalikod na. Gustuhin man niyang humabol kay Erick ay nabaling naman ang atensyon niya kay Abby. Bagaman nakakatayo pa ito ay tila wala namang kontrol sa sariling katawan. Mapungay na mapungay ang mga mata at butil-butil ang pawis sa mukha at leeg hanggang dibdib. Iniiwas niya ang tingin bago pa man sumentro ang mga mata niya doon.  "P're, kailangan ko na sigurong iuwi itong si Amanda." Ani Joey. Sunod-sunod ang naging pagbuntong-hininga niya nang makitang halos nakasampay na ang katawan ng kaibigan ni Abby sa braso ni Joey. Lupaypay ang mga kamay at magka-ekis ang mga binti.  "May kwarto si Erick sa itaas, perhaps let's just put them there to rest a little, then take them home after."  "Sure ka, okay lang"  "Yeah, it's no big deal, isa pa..Abegail doesn't look good." Lingon niya sa dalaga na sisigok-sigok habang gumagala ang mga mata sa paligid. And he's pretty sure that her visions are swaying that's why.  Matapos madala si Amanda sa silid ay nagpaalam si Joey na suaundan si Erick, naiwan siyang nagbabantay sa dalawang lasing. Habang ang isa ay komportable nang natutulog sa sofa bed doon, si Abby naman ay panay ang lingon, at sa totoo lang ay tila nahihilo na rin siya sa trip nito. Kung hindi lang niya alam na alak ang tinira nito, malamang ay mapagkamalan niya itong high.  Buhat sa isiping iyon ay bigla siyang napatayo. Nanlaki ang mga mata niya habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Gegewang-gewang ang katawan nito, mawawalan ng balanse ngunit bago pa tuluyang bumigay ang mga binti ay muli itong nakakatayo ng ayos pagkatapos ang hahagikgik. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya kay Abby at saka niya ito hinawakan sa balikat. "Did you take a Molly!?"  "R-Ron..*" Sa halip ay anas nito at tila pusa na ikiniyakis ang ulo sa kanyang dibdib at maglambitin sa kanyang leeg. "I..feel sooooo good." "Tsk," * Inihiwalay niya ito sa kanyang katawan, sinapo ang panga at saka pinatingala sa kanya.  "Look at me Abegail, look straight into my eyes." Mariin niyang utos dito. Nakasimangot na ipinilig ni Abby ang ulo.  "You're mad."  Halos magkiskisan ang mga ngipin niya sa pinipigil na galit. Hell yeah, he's f*****g mad. But not with her. "Open your eyes sweetheart, I'm not mad at you."  Really, you're not? I don't like it when you're frowning at me, or when you're ignoring me..it hurts here." Turo nito sa dibdib. His eyes soften and cupped her face between his palm.  "I'm not angry, I'm not mad..now please sweetie look at me.." Abby oblige, and he have to bite his tongue in order for him to make his emotions at bay. Kaya pala ayaw ipaalam ni Erick kung bakit nito babalikan ang lalake, kaya pala gayun nalang kung makasapak si Joey doon. He put his palm on her chest.  " What are you doing?" A sly smile formed on her lips, before she bites it. "I'm touching your heart."  "Really? It's actually beating fast. It's because of you.." She whispered. Just like she said, her heart really beats fast. He wanted to say that it's not because of him. Her dilated pupils, her heart rate, her hyper energy, and her aggressiveness. Abby was drugged.  " How do you feel? " " I felt like floating...I didn't know that being drunk can make me feel so..alive." She giggled.  "Yeah? I'm pretty damn sure that you'll curse the universe after it died down." Natatawang aniya. Somehow, watching her on her carefree, and high as f**k self amuses him. But on the other hand, her being drugged by some s**t face makes his blood boil. Who knows what that t**t is planning.  " I like you Rony Lucas Valliente. " "W-what?"  Tila nabibinging tanong niya. Ngunit tila ba lalong naglaho ang lahat ng ingay sa paligid nang pumulupot ang mga braso ni Abby sa kanyang leeg at sunggaban ang labi niya. Hindi niya magawang kumilos o kumurap man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD