"Here, eat some more Illana."
Magiliw na muling nilagyan ng buttered prawns ni Candida ang plato ni Illana.
"Baka tumaba na ako ng sobra Ma."
Anang dalaga bagaman hindi iyon tinanggihan.
"Kuuh, ang sabihin mo, dapat ay kumain ka pa nang kumain. Pareho kayo nitong anak ko, tamilmil sa pagkain."
Baling nito kay Rony na mas binigyan ng pansin ang vegetable salad.
"Oo nga pala hijo, may plano na ba ulit kayo kung kailan ang kasal?"
Natigil sa pagtusok ng lettuce si Rony sa narinig. Tumaas ang mukha niya upang tingnan ang mommy niya bago pumaling kay Illana.
"Hindi pa namin napag-uusapan."
"Bakit hindi pa? Ano pa ang hinihintay ninyo? Aba'y ilang taon na din kayong mag-karelasyon, kasal na lang kulang. Bakit hindi natin pag-usapan pagkatapos nating kumain."
Excited na dagdag pa nito. Kumunot ang noo niya, huminga nang malalim at saka pinunasan ng table napkin ang labi.
" Mom, Illana, and I will get married if we want to, not because you want us to. "
Pigil ang inis na sagot niya. Hindi niya alam kung bakit naiirita siya. Dati naman nang nakikialam ang mommy niya sa mga desisyon niya, mapa-personal man o trabaho.
"Please excuse me, I'm done."
Paalam niya.
"What's wrong with him? Did I say something offending? Eh, tama naman ako, right hija?"
Tanong ni Candida sa dalaga na pilit na ngumiti bago nilingon ang papalayo na nitong kasintahan.
"He's just tired Ma."
Totoong pagod sa trabaho si Rony. Madalas na kapag pupunta ito sa pad niya ay sa couch na lang nakakatulog lalo pa at inaayos na ang huling major concert nito. He's quitting his singing career as well as modeling..but his mother Candida didn't know any of that.
"Iyon naman lagi ang dahilan n'un. Anyway hija, I have something to ask..err a favor."
Tila alanganin pang sabi nito. Ngumiti si Illana at hinintay na mag-salita ang ginang.
"You know..recently, alam mo naman na hindi kami masyadong nagkakasundo niyang si Rony Lucas sa ilang mga bagay, at..uhmn kabilang na doon ang allowance ko na ibinibigay niya. Bukod sa binawasan na niya eh, ni-cut na din niya ang ilang credit cards ko..you see-"
Matabang ang ngiting gumuhit sa labi no Illana. Minsan, hindi niya masisi si Rony kung bakit ayaw nitong umuwi sa ina kahit gaano nito kagustong makita iyon.
" How much do you need Ma? "
Tanong niya dito. Maluwang na ngiti ang naging sagot nito at saka siya inabot ng mahigpit na yakap.
"Ang swerte talaga ng anak ko sa iyo Illana hija."
Anito bago sinabi ang halaga na kailangan. Hindi birong pera ang hinihiling nito, pero walang salita niyang inabot ang bag at inilabas ang cheque book doon.
"Ayaw ko na magalit si Rony sa akin Ma, kapag nalaman niya ang tungkol dito. So please let's keep it to our selves."
"Ofcourse hija..he won't know. Thank you so much."
Anito habang minamasdan ang tseke sa kamay.
Matapos na maibigay ang favor na hiniling ni Candida ay nag-paalam na si Illana na pupuntahan ang anak nito. Bitbit ang tray ng greentea ay nagtungo siya sa back garden at hindi siya nabigo nang makita si Rony na naka-higa sa duyan at mukhang nakatulog. Kabisado na niya ang kahit yata kasuluk-sulukang parte sa tahanan ng mga Valliente. Sa tagal ng relasyon nila ni Rony ay kabisado na niya ito maging ang ina nito.
She knew when he is mad, happy, or bothered with anything. And at that moment, she's certain that there's something troubling him. Hindi naman siya nagtatanong dahil kusa iyong nagsasabi. Mostly, wala naman itong ibang issue kundi ang ina nito na walang kontrol sa pera.
Lumapit siya sa binata at inilapag ang tray sa mesita. Napangiti pa siya nang kawitin ng braso nito ang bewang niya at igiya siya pa-upo. Dinala niya ang kamay sa buhok nito at nilaro iyon ng mga daliri. Rony sigh and grab her hand before drawing it to his lips.
"What happened babe?"
Tanong niya dito.
"I don't know.."
Sagot nito na ikinataka ni Illana.
"I'm sorry babe, you know I wanna marry you right?"
Sa puntong iyon ay iminulat nito ang mga mata. Nakangiting tumango siya at marahang pinisil ang kamay nito.
"Ofcourse."
Sagot niya dito. Siya lang naman ang humiling na ipagpaliban na muna ang tungkol sa kasal. They've been engaged for years and she's happy about that.
"I don't wanna hurt you."
"What are you saying all of a sudden? I know that. And I know you won't."
Ngiti lang ang naisagot ni Rony sa sinabi niya. Nagtataka man ay pinabangon niya ito para makapag-tsaa. She felt him kissed the side of her head so she turn to him and say *I love you*in which he answered with a peck on her lips.
" I'm hungry. "
Maya-maya ay sabi nito.
"Hindi ka naman kase kumain."
"Pakiramdam ko kase ay may bayad kapag kinain ko ang inihain ni mommy."
Naka-ngiwing katwiran nito. Natatawang pinalo niya ito sa binti.
"You're bad."
Nakaismid na aniya.
"Anyway, will you be leaving again?"
Tanong nito matapos niyang i-abot ang tasa ng tsaa.
"Nope."
May paninigurong sagot niya. Ilang buwan din kase siyang nawala, hindi naman iyong tipo na bigla na lang nawala. Nagpaalam naman siya dito.
"I thought you like that job in Taiwan?"
Malamya siyang nangiti bago umiling. She's a freelance graphic designer for cosmetic brands there.
"I like it here with you."
***
"Madalas ako dito dati bago ako nasampa sa barko."
Nilingon ni Abby si Glenn nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Sumalubong sa kanya ang matamis na amoy ng cakes at ang aroma ng kape, ngunit higit na umagaw sa atensyon niya ang mga shelves na puno ng libro na nagmimistulang divider. Para siyang nasa library.
Inakay siya nito sa isang section na medyo tago, ipinaghila ng upuan at inabutan ng menu kahit na nasa harapan lang nila iyon. Captain in training na daw ito para sa isang cruise ship.
"Masarap ang blue berry cheese cake nila dito, actually halos lahat ng nasa menu nila masarap."
"Ikaw na ang bahala para sa akin."
Aniya habang palapit naman ang waitress. Nang maka-order si Glenn ay muli nitong itinuon ang mga mata sa kanya. Hindi lang siguro siya sanay na tinititigan ng isang lalake, o binibigyan ng atensyon, pero hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mailang sa tuwing naka-sentro sa kanya ang atensyon ng binata.
"I'm serious about you Abegail. Aminado ako na may pagka-presko ang approach ko sa iyo, but I really mean it when I said that I like you the very first time that I laid my eyes on you."
Pakiramdam niya ay uminit ang buong paligid. Hindi niya pa rin mapaniwala ang sarili sa mga sinasabi ni Glenn kahit na nasabi na nito iyon nang dalawin o ayun dito ay ligawan siya. Nang ilahad ni Glenn ang nangyari ng gabing malasing siya ay gustong-gusto niyang ibaon ang sarili sa ilalim ng lupa sa kahihiyan. Siya daw ang nag-tanong dito kung may girlfriend ito, at nang sabihin nitong wala at interesado ito sa kanya at liligawan siya ay um-oo siya ,na kahit na wala na ang ligaw. Siya din daw ang nag-tanong kung gusto niyang mai-hatid siya pauwi. At siya din ang nagsabi na bumalik ito kina-umagahan.
Hiyang-hiya siya hindi lamang dito, kundi maging sa sarili niya. Hindi niya akalain na nagawa at nasabi niya ang mga iyon. Na, aabot sa punto na desperada na siya para sa isang relasyon.
"Let's forget about what happened at the club."
Nakangiting sabi nito, pero gayun na lang ang gulat niya nang abutin nito ang kamay niya at marahang pisilin bago buong kaseryosohan na tumitig sa mga mata niya.
"Gusto kitang ligawan Abegail, gusto ko'ng patunayan na seryoso ako nang sabihin ko'ng gusto kita. I really, really mean it. And I'm hoping that you'll let me."