Nagising si Abby na masama ang pakiramdam. Nananakit ang halos buong katawan, at tila mabibiyak sa dalawa ang ulo niya. Gusto niyang bumangon subalit sa simpleng pag-galaw pa lang ay parang aahon na ang lahat ng kung anumang laman ng tiyan niya sa kanyang lalamunan kaya nanatili siya sa pagkakahiga.
Nakarinig siya ng ungol at daing kaya kahit tila hihiwalay ang espirito niya sa kanyang katawang-lupa ay pinilit niyang ibangon ang sarili. Nakangiwing minasdan niya si Amanda na nakadapa sa sahig, may maliit na timba sa ulunan na kung tama ang hinala niya ay naglalaman ng suka nito. May supot ng ice tubes na nakapatong sa ulo na tila kakabili lang.
Tatanungin sana niya ang kaibigan kung ayos lang ito, kahit na kita naman niya na hindi, pero hindi pa man niya naibubuka ang bibig ay naramdaman na niya ang paglalaway at ang pag-ahon ng maasim na likido sa kanyang tiyan. Mabilis niyang inalis ang kumot at halos magkandarapa pa sa pagmamadali patungong banyo.
Kulang na lamang ay yakapin niya ang toilet seat upang iduwal ang lahat ng laman ng kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay mas magiginhawaan siya kung isasama na rin pati bituka niya. Sumasabay ang p*******t ng ulo, pagka-liyo at pangangasim, sa kanyang pagsuka kaya para siyang papanawan ng ulirat. Ngayon niya pinag-si-sisihan kung bakit tumikim-tikim pa siya ng alak. Itinatak niya sa isip na hinding-hindi na niya iyon uulitin pa.
"Kahabag-habag ang mga itsura ninyo."
Ani Joey nang mapilit nito sina Abby at Amanda na lumabas ng silid para sa pananghalian.
"Parang nawawala ang mga lamang loob ko Joey."
Hawak ang tiyan ay tila maiiyak pa si Amanda.
"Magpakalasing ba naman kase kayo eh. At hindi basta-basta lang ang mga ininom ninyo. Mataas ang alcohol content ng mga nilaklak ninyo kagabi, sinabayan niyo pa ng pagsayaw..natural para talaga kayong nilumpo ngayon. Para kayong mga..nakawala sa kural."
Napasimangot si Abby sa narinig. Ang tanging naabot ng ala-ala niya ang pagpunta nila ng kaibigan sa dance floor, pagkatapos niyon ay malabo na sa kanya ang iba pang nangyari.
Habang sinesermunan sila ni Joey ay naghahain naman ito ng sinigang para sa kanila. Mainam daw ang mainit at maasim na sabaw sa may hang-over.
"Next time-"
Muli sanang mag-pa-paalala si Joey nang sumingit si Amanda.
"Hindi na po mauulit itay."
Gagad nito. Saglit na nagpalitan ng masamang tingin ang mga ito sa isa't isa bago itinuloy ang pagkain.
"I'm just concern Amanda. Kahit gaano kaganda ang security ng club wala pa rin kasiguraduhan na hindi kayo mababastos doon."
"Ano..Joey,"
Tawag pansin ni Abby dito.
"Nakakahiya man na itanong pero...ano bang nangyari kagabi?"
"Hindi mo natatandaan? Actually sa inyong dalawa nitong kaibigan mo, mas buhay na buhay ka pa kagabi, kahit na nang makauwi tayo. Wala ka talagang na tatandaan?"
Naninigurong tanong nito.
Ginapangan ng kaba at labis na kahihiyan si Abby habang nakatitig kay Joey. Maging si Amanda ay nahinto sa pag-higop ng sabaw sa narinig. Ilang beses siyang napalunok bago ngumiti nang pilit at umiling.
" You-ah.. "
Nabubugnot na napakamot ng ulo si Joey ng makarinig nang sunud-sunod na katok. Napipilitan tumayo ito sa harap ng hapag at nilabas ang bisita.
"Ikaw Amanda? May natatandaan ka ba kagabi?"
Kinakabahan na tanong niya sa kaibigan nang maka-alis si Joey.
"Wala din eh.."
Natatawa pa nitong sagot.
"Pero sa tingin ko, safe naman tayo..kase kung may ginawa akong kalokohan baka habang tulog pa lang ako eh sina-sakal na ako ni Joey."
Hindi ma-i-alis ni Abby ang pagkabalisa, unang beses niyang malasing na halos blangko at walang matandaan, gayong ang sabi ni Joey ay may huwisyo naman siya. Kung ganoon ay ano ang kalokohang ginawa niya at hindi siya mapalagay?
" Nandito ang boyfriend mo Abby."
Sigaw ni Joey mula sa sala.
"Siraulo ka ba? Kailan pa nagka-boyfriend si Abegail?"
Ganting sigaw ni Amanda dito.
"Mga ilang oras pa lang ang nakakaraan."
Hindi maipinta ang mukhang sagot ni Joey nang makapasok sa kusina. Kasunod nito ang sinasabing boyfriend daw ni Abby.
"Hi, good afternoon."
Bati ng bagong dating at saka inilabas ang bouquet ng paboritong bulaklak ni Abby na Rananculus o buttercups. Pero paano nito nalaman ang tungkol doon?
"For you.."
Nabibigla man ay nagawa pa rin niyang abutin ang bouquet. Tiningnan niya si Amanda nang may nagtatanong na mga titig, pero parang ito ang mas maraming tanong sa kanya na pinipigilan lang isatinig.
"S-salamat.."
Aniya bago ibinaba ang tingin sa mga bulaklak. She likes buttercups the most, especialy the yellow ones.
"Upo ka. Nag-lunch ka na ba pare?"
Singit ni Joey na sadyang mas pinalalim ang boses.
"Uh yes, kakatapos lang."
"Matanong ko lang hano..sineryoso mo ba yung kalokohan ninyo kagabi?"
Tanong ni Joey bagaman madaling araw nangyari iyon at iilang oras pa lamang ang lumilipas. Batid niyang wala sa sariling katinuan si Abegail dahil sa impluwensya ng alak, pero hindi niya akalain na susulpot din kaagad ang lalake sa bahay niya. For him, that's just ridiculous.
"Uhm, Glenn bakit hindi ka kumain muna ulit? Masarap ang sinigang."
Hinila ni Abby ang kamay ng boyfriend daw niya at pina-upo. Iniusog niya dito ang mangkok ng sinigang.
"Saglit huh, kausapin ko lang si Joey."
Aniya, at bago pa man makasagot si Glenn ay tumayo na siya at inakay ang binata. To the rescue naman ang kaibigan niyang si Amanda dahil oras na tumalikod siya ay narinig niyang pinapa-ulanan na ito ng papuri ng kaibigan.
" Joey, anong nangyayari? "
Kaagad niyang tanong nang makarating sila sa labas ng bahay. Wala sa hinagap na maiisip niyang makikita muli si Glenn, ang lalaking nangulit sa kanya sa club, at lalo na nang i-anunsyo ni Joey na boyfriend niya ito.
"Seriously Abegail, hinding-hindi ka na dapat makatikim ng alak dahil nag-iiba ka ng pagkatao."
Naiiling na natatawang sabi ni Joey. Nanlamig si Abby sa senaryong naglalaro sa kanyang imahinasyon.
"May ginawa ba akong..karima-rimarim?"
"What?"
Lalong lumakas ang halakhak ni Joey nang makita ang reaksyon niya.
"It's nothing like that. Nakipag-sayaw lang naman kayo ni Amanda sa ilang bilang ng mga lalake sa dance floor. Pinuntahan ka namin nila Erick, at Rony. You're totally wasted. Dinala ka ni Rony sa office room para mahimasmasan ka. Nang bumalik kayo, nag-hanap ka pa ng maiinom. Hindi ka namin mapigil, and then, that dude came out of nowhere and greeted you. Ang sabi mo kilala mo siya. The two of you drink together, then poof! After a few more drinks and few more chitchats you told us you finally got a boyfriend, and that bastard actually ride with your charade. "
" W-ha-ano? "
Nanlalambot na napa-talungko na lang si Abby matapos magsalita ni Joey. Wala siyang maalala isa man sa sinabi nito.
" Oh, at oo nga pala. Siya din ang naghatid sa iyo pauwi. "
Dagdag pa nito na lalong nagpasakit sa ulo niya. Paano niya magagawang maalala ang mga nangyari, gayung kahit anong kalkal niya sa utak niya ay wala talaga siyang matandaan.
"Ano pang mga pinag-ga-gawa at sinabi ko kagabi.."
Frustrated na tanong niya sa sarili. Gusto niyang maalala, lalo pa at sinabi ni Joey na nakasama niya si Rony. What happened at that moment?
"Try mo'ng tanungin ang boyfriend mo, baka makatulong 'yon."
Nakangising suhestyon nito bago siya tinapik sa balikat at tinalikuran. Sakto naman na palabas at patungo sa kanya si Glenn na maliwanag pa sikat ng araw ang pagkakangiti sa kanya.