KABANATA 17

1276 Words
Muling napa-baba ang mga mata ni Rony sa magkahugpong nilang kamay ni Abby. Hila-hila siya nito at nauuna patungo sa lounge seats. She feels different, or it's safe to say that she's more comfortable with him now. "Wala ka bang kasama Ron?" Lingon nito sa kanya. "I was supposed to meet my friend. He can wait." Sagot niya. "Bakit hindi mo nalang tawagan. Pwede kayo doon sa table namin. Joey won't mind." "Joey?" Ulit niya, the name rings a bell. "Siya 'yung nag-aya sa amin ni Amanda. Oh ayun sila." Turo nito kaya sinundan niya iyon ng tingin. Nagulat pa siya nang makita si Erick na naka-upo sa kung saan ituro ni Abby. "Erick?" Nakangiwing bulong niya sa sarili. Nang makalapit sila sa pwesto nila Abby ay mabilis niyang naagaw ang atensyon ng mga ito. Partikular ang kay Erick at Joey na siyang make-up artist sa tuwing may mga projects siya. "Ronny?!" Sabay pang bulaslas ng dalawang lalake. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang tingin ni Erick sa mga kamay nila ni Abby, kaya pa-simple niya iyong binitawan bago niya inalalayan sa pag-upo. "Small world." Aniya matapos makipagkamay kay Joey. "You must be Amanda." Bati niya sa kaibigan ni Abby na maluwang ang pagkakangiti sa kanya. "Yes. Finally, nakita din kita." Dumukwang ito upang maabot siya at saka humalik sa kanyang pisngi. Iyong tipo na pahigop at tila nais ubusin ang amoy niya at saka tila isang kiti-kiti na naupo muli. "Fan mo ako, kaming dalawa ni Abby." Dagdag pa nito. "I'm flattered." Natatawa niyang sabi at saka muling umayos sa pagkakaupo. Inabutan siya ng shot glass ni Erick na kaagad niyang dinala sa bibig at ininom. "You knew each other?" Takang tanong nito, nang-uusisa o sadyang curious lang. "Ay, oo Erick. At alam mo ba, hindi lang isa o dalawang beses na nagkasama sila." Daldal ni Amanda na tila lalong ikina-intriga ni Erick sa kanya. Napalingon siya kay Abby na halatang nagulat din sa kadaldalan ng kaibigan. Pero mukhang patay malisya lang ito at mas excited pa sa ibinalita. " Amanda, " Pigil dito ni Abby. " Why? Totoo naman eh, buti sana kung hindi. At may utang pa iyang kiss sa iyo diba?" Buong kahihiyan na tinakpan ng mga kamay ni Abby ang mukha habang nagkasamid-samid naman si Joey sa pagtungga sa beer nito. "Seriously?" Hindi makapaniwalang anas ni Erick. Nanunumbat ang tinging ipinupukol sa kaibigan. "Those are all honest coincidence Erick. I first met Abegail..well actually I accidentally bump into her in a mall. The second time was in Pangasinan. Do I really have to explain myself?" May bahid ng inis na tanong niya dito. "And what about that kiss?" "It was a.." Singit ni Abby pero naunahan siya ni Rony. "It was nothing." Saad nito bago binigyan ng nagbabantang tingin si Erick  kaya umurong ng tuluyan ang dila ng dalaga. "Don't look at me that way Rony. We both knew na mainit pa ang mga mata ng press sa iyo. And besides, you wouldn't want your girlfriend to be to  stressed out over those hear says." Rony's jaw clenched when he heard that. Pinagdiinan pa talaga ni Erick na may girlfriend siya, at alam niya na may nais itong iparating sa sinabi. Ngunit higit na mas nagulat si Abby at Amanda sa narinig. Binalot ng kahihiyan ang katawan ni Abby dahil sa naging akto niya ilang minuto pa lang ang lumilipas. She's trying to make a move..at least that's what she thought when she grabbed his hand and tugged him along with her. "Where are you coming from Erick? Are you insinuating something about me or Abegail here?" "Pina-pa-alalahanan lang kita." "I don't need it!" "Hoy, umiinit na yata kayo d'yan ah. Iinom nalang natin ah." Awat ni Joey na kinuha ang bote ng rhum at sinalinan ang mga shot glass nito. Sa kawalan ng masasabi ay tumawa nalang ng peke si Amanda matapos sulyapan ang lalong natahimik na kaibigan. Pakiramdam niya ay hinipan niya ang isang usok na hindi naman dapat kaya ngayon ay nag-aapoy na. Inabutan niya beer si Abby na hindi naman nito tinanggihan. Matapos ang nakakailang na katahimikan ay bumalik din naman sa normal ang takbo ng usapan o iyon ang gustong paniwalaan ni Abby habang nakikinig lang sa mga kasama. "Abby! Sayaw tayo!" Gulat pang siyang napatingala kay Amanda na hawak na ang kamay niya at bahagya siyang hinihila patayo kaya nagpatianod nalang siya. May mangilan-ngilang sumasayaw lugar nila pero bumaba pa sila ni Amanda para makihalo sa tila hindi mahulugang karayom na dance floor sa ibaba. She used to dance before, kaso puro folk dance dahil madalas siyang isali ng nanay niya lalo na kapag may school program. Pero wala naman siya sa school program, at lalong hindi stage ng school o Tinikling o Pandango sa ilaw ang sinasayaw ng mga nasa club. Muli siyang hinila ni Amanda patungo sa bar island. "Kuya, bigyan mo ako ng malakas, yung nakakawala ng hiya." Ani Amanda. "Ma'am kahit ano?" Napapakamot sa ulong sabi ng bartender. "Oo kahit ano." Nang iprepara nito ang drinks nila ay halos buong bigat na naupo sa bar stool si Amanda. Nilingon nito si Abby na noon ay nakitingin din sa kanya. "Sorry friend." Aniya sabay pulupot ng mga braso dito. "Anong sin-sorry mo d'yan? Umariba lang ang bibig mo pero wala kang kasalanan." Lukot ang mukha na humiwalay si Amanda ng yakap. "Juiceko lowd naman parang mas masakit sa tenga Abby. " Bone dry Martini. " Nakangiting inilapit ng bartender ang drinks nila. Sinipat ni Abby ang inumin. Parang wala namang espesyal doon bukod sa slice ng lemon at maliit na dahong nakalutang. " Hindi kaya matuyo talaga buto natin dito?" "Okay lang yan, kaysa naman bulsa natin  ang matutuyo." Pikit matang ininom iyon ni Abby, at kakatuwang mas nalasahan niya ang lemon at ang dagdag na lasa ng mint doon. "Isa pa nga.." Request niya sabay tulak sa nasaid niyang baso. Pero ibang uri na ng drinks ang ibinigay ng nag-se-serve sa kanila. Death in the afternoon  na pinagtawanan pa nila ni Amanda dahil sigurado daw na baka para nga silang patay pagkatapos. Nasundan pa iyon ng pink lady, bloody marry, s*x on the beach, Daiquiri, pero nakadalawang round siya ng Paloma na masasabi niyang paborito na niya. "S-sasabihin ko sa boss mo na very good ka." Nakangiting ani Abby bartender na kina-career yata ang trabaho sa kanila. Dumukot din siya sa dalang pouch at inilabas ang ilang pirasong papel doon at saka iyon hinalikan bago inilapag. "S-syempre may tip ka sa akin." Sinundan din iyon ni Amanda na halatang may tama na sa paniningkit ng mga mata nito. Gulat pang nagpalipat-lipat ng tingin ang bartender sa kanila at sa pera sa harapan nito. "Single ka ba? Kung single ka mas malaki tip mo sa akin." "May asawa na po ako ma'am." Natatawang sagot nito. "Okay lang po na walang tip. Bayad na po ang service ko." Anito na muling itinulak pabalik sa kanila ang pera. Kinuha iyon ni Abby at sa mabuway niyang kilos ay dinukwang niya ito at isinilid ang pera sa bulsa ng suot nitong uniform bago tinapik sa dibdib. "Masama ang tumanggi sa grasya. Don'tya know that?" She grinned and took her remaining drink in one swig. Hinila niya si Amanda sa prenteng pagkakaupo nito patungo sa dance floor. Kung ilang beses pa siyang muntikang mabalya sa likot at dami ng sumasayaw pero sa nanlalabo niyang paningin ay natawa pa siya bago itinaas ang mga kamay at unti-unting iginalaw ang balakang. Naghahalo ang iba't ibang amoy ng pabango, alak, sigarilyo at pawis, pero hindi iyon alintana ng magkaibigan. They just sway their hips, bob their heads to the loud music, and laugh like they never used to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD