bc

My Secret Husband (Completed)

book_age18+
2.3K
FOLLOW
9.9K
READ
love after marriage
billionairess
drama
office/work place
reckless
wife
husband
naive
passionate
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

MY SECRET HUSBAND

#Teaser

"Sandali, Love. Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Arthur at tinitingnan ng makahulugan si Cindy.

"Love, this is Judge Clementio. He is my professor in the University. Sir, this is my husband to be Arthur Ken Vidal" pakilala ni Cindy sa isat isa nina Judge Clementio at Art.

Nanlaki ang mga mata ni Art. Tila hindi rumerehistro sa utak niya ang sinabi ni Cindy. Husband to be? Meaning ikakasal sila ngayong gabi.

"Nice to meet you, Mr. Vidal. You're lucky to have Cindy in your life" anang Judge Clementio. At inilahad ang kamay para makipagkamay kay Art. Napilitang tanggapin iyon ni Art.

"It's my pleasure to meet you too, Sir Clementio" sagot ni Arthur saka pilit ma ngumiti dito.

"Cindy, do you have the ring?" baling na tanong ni Judge Clementio.

"Yes, Sir" sagot ni Cindy.

"Okay, shall we start?" tanong ulit ni Judge. Tumango ng ulo si Cindy. At si Art ay halos walang reaksiyon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Good morning, Mom" masayang bati ni Cindy sa ina. Hinalikan nito sa pisngi ang ina at nakangiti ding binati ang ama. Napansin ng mag asawa ang maaliwalas na mukha ng anak nila. Kaya napangiti na din sila dito. "Good morning, Dad" saka hinalikan din ito sa pisngi. "Hija, maupo ka na at nang makapag almusal bago ka pumunta sa University" nakangiting utos ni Carmen sa anak. Sumunod naman si Cindy sa sinabi ng ina at umupo sa katabing upuan ng Mommy niya. Nilagyan na ni Cindy ng fried rice, sunny side up egg at sausage ang kanyang plato. "Mom, Dad hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi mamayang gabi. Dahil po sa may tatapusin pa po kami sa thesis namin" imporma ni Cindy sa mga magulang. "It's okay, Hija. Kung anong oras ka uuwi ay tawagan mo na lang ako para maipasundo kita" sabi ng Daddy nitong si Harold Morales. Hindi niya ito puwedeng payagan na umuwing mag isa. Lalo na sa gabi. Kaligtasan pa din ng nag-iisang anak ang dapat iniuna niya. "Thank you, Dad. Pero dadalhin ko po ang kotse ko. Kaya hindi niyo na kailangan na mag-alala pa sa akin." nakangiting tanggi ni Cindy sa ama. Saka itinuloy na ang kanyang pagkain. Cindy Morales ay isang fourth year college student sa isang University, exclusively for girls. Ang Saint Mary University. She is taking up Political Science. Pagkatapos ay kukuha siya ng Law para maging abogada. Pangarap niya talagang maging abogado. At ipagtanggol ang mga taong walang pambayad sa para ipagtanggol ang sarili. Si Cindy ay isang mapag-kawanggawa na babae. Mabait, maganda at matalino pa. Pero ayaw sana ito ng mga magulang niya— Ang pagiging mahilig nito sa mga institusyon na tumutulong sa mga mahihirap. Pero ipinagpilitan niya ang gusto niya. Kaya siya pa din ang nasunod. At sinuportahan na lang siya ng mga magulang niya. Kilala ang ama ni Cindy na si Harold Morales sa larangan ng negosyo. Hindi mabilang ang napagtagumpayan nitong mga achievement sa pagnenegosyo. Marami itong naipundar na mga negosyo. At nag iisa lamang na anak si Cindy ng kaniyang asawa. Gusto ni Harold na sumunod sa yapak niya ang nag iisang anak na babae. Pero hindi ito ang gusto ng kaniyang anak. Kaya wala siyang nagawa kundi sundin sa ngayon ang kagustuhan ni Cindy. Nagmamadaling uminom ng gatas si Cindy at tumayo na ito para umalis. "Anak, dahan dahan naman" saway ni Carmen sa anak. "Sorry po, Mommy. Medyo late na po kasi ako sa University" pagrarason ni Cindy. Tumango ng ulo si Carmen at ngumiti sa anak. "I have to go" paalam ni Cindy sa parents niya at humalik ulit sa Mommy at Daddy niya. "Mag iingat ka. At huwag bilisan ang pagdadrive" mga bilin ng Ginang. "I will, Mom. Thanks." nakangiting sagot ni Cindy. At umalis na ito. Sakay ng kotse niya si Cindy at papunta siya ngayon sa usapan nila ni Arthur. Hindi totoo na late na siya sa pagpasok sa University. Dahil wala silang pasok ngayon. At ngayon ang araw na pinag usapan nila para magkita ni Art. Arthur Ken Vidal, isang simpleng empleyado ng ama ni Cindy sa kompanyang pag aari nila. Ang pamilya nila Art ay hindi kasing yaman nina Cindy. At nanirahan ang mga magulang at isang kapatid ni Art sa malayong probinsiya. Kaya nuong unang nagkagusto siya sa dalaga ay pinigilan niya. Dahil sa madaming dahilan. Si Art ay sekretarya ng Daddy ni Cindy. Kaya laging nagkakausap at nagkapalagayan sila ng loob na dalawa. Twenty seven pa lamang si Art at gwapo. Iyon lamang ay isa itong mahirap at tiyak ito na ilalayo ng mga magulang ni Cindy ang dalaga sa kanya. Kapag nalaman ang lihim nilang relasyon. Ipinarada ni Cindy ang kanyang kotse sa harap ng apartment ni Art. At lumabas na ito ng kotse niya. Masayang kumatok si Cindy sa pinto ng apartment ni Art. Ilang sandali pa ay binubuksan na iyon ng binata. Nakangiting nabugaran ni Art ang kasintahan sa harap ng pintuan ng apartment niya. Kinabig niya agad ng yakap ang dalaga. At pagkatapos ay hinapit niya sa bewang si Cindy para mahalikan sa labi. Iginiya ni Art ang dalaga papasok sa loob ng apartment niya. Pinaupo niya ito sa pangdalawahan na sopa sa sala. Maliit lang ang apartment ni Art na mayroong isang kuwarto. At tamang tama lamang kay Art. Tumabi ng upo si Art sa dalaga. "Anong gusto mong gawin natin ngayong araw, Mahal ko?" matamis ang ngiti na tanong ni Art kay Cindy. "I just want to spend my whole days with you. Alam mo na pagkatapos nito ay madalang na naman tayong magkikita" may lungkot na sagot ni Cindy. Ngumiti si Art. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Cindy. Kahit siya ay nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa. Gusto sana niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal si Cindy pero hindi maari. Dahil baka ito pa ang maging mitsa ng paghihiwalay nilang dalawa. "Okay, mahal ko. Kung anong gusto mo iyon ang gagawin natin. Mahal na mahal kita" wika ni Art at muling niyakap ang nobya. "I love you too" bulong na sagot ni Cindy sa tenga ni Art. Masayang nagluluto si Art ng pananghalian nilang dalawa ni Cindy. Nagpaalam siya na hindi papasok ngayong araw. At pinayagan naman siya ng Boss niya. Ang Daddy ni Cindy na si Mr. Harold. Pinagmamasdan ni Cindy si Art na nakatalikod sa kanya.ay suot itong apron na kulay pink. At ang cute nitong tingnan kahit na nakalikod ito sa kanya. Masyadong maasikaso si Art sa kanya. Every time na they will spend together kahit na nasa bahay lang ng binata. She insisst na siya na ang magluluto pero ayaw ni Art. Gusto niya ang pinagsisilbihan siya kapag magkasama silang dalawa. Tutal madalang naman ang mga ganitong pagkakataon na mas mahaba silang magkakasama na dalawa. "Baka matunaw na ako niyan" birong sabi ni Art at humarap saglit kay Cindy. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatitig sa likuran niya. Napangiti si Art nang makita na namumula ang pisngi ni Cindy. She is blushing in that simple act of Art. Kinikilig din siya sa kahit anong sabihin nito sweets sa kanya. Minsan nga naiisip ni Cindy na kung sama lang ay malaya sila sa labas na magkasama at nagdadate. Siguro mas magiging masaya silang dalawa. Pero kapag naiisip na niya ang parents niya ay parang umaatras siya sa laban nilang dalawa ni Art. Ayaw niya mawala si Art sa buhay niya. Si Art ang nag iisang lalaking minahal niya ng sobra pa bukod sa Daddy niya. At siyempre ang huling lalaking mamahalin niya. "Lumapit ka na, Mahal ko" request ni Art dito. Tumayo naman si Cindy at lumalpit kay Art. "Can you kiss me?" hiling ni Art na nakapagpangiti kay Cindy. Walang alinlangan na hinalikan ni Cindy si Art. Hanggang sa lumalim ang paghahalikan nilang dalawa. Pilit na inilalayo ni Cindy si Art sa kaya. Pero ayaw huminto ni Art. "Love, 'yung niluluto mo. Baka masunog" sabi ni Cindy sa pagitan ng mga halik nila. Napahinto sandali si Art sa paghalik kay Cindy. At ngumisi. "Pinatay ko na ang kalan. Kaya ikaw naman ang iluluto ko sa pagmamahal ko" sagot ni Art at hinalikan muli si Cindy. Namula naman ang mukha ni Cindy dahil sa sinabi ni Art. This is why she loves Cindy so much. Ang simpleng gesture niya na nakikita niya kung paano nagrereact ang katawan ni Cindy sa bawat paghaplos niya sa katawan nito. Pagkatapos ay bihuhat ni Art si Cindy na hindi pinuputol ang halik nila. At si Cindy ay naiyakap ang mga binti sa beywang ni Art. Saka naglakad si Art papunta sa kuwarto niya habang mapusok na naghahalikan sila. Inilapag ni Art ng maingat si Cindy sa kama niya at nagsimulang maghubad sa harapan ng nakaupong si Cindy. Namula na naman ang mukha ni Cindy habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ni Art. "Love, hindi ka pa din ba nasasanay?" may ngising nakakalokong tanong ni Art kay Cindy. "Nah, huwag mo naman akong ipahiya" nahihiyang sagot ni Cindy at tinakpan pa ang mukha. Nilapitan ito ni Art at tinanggal ang kamay nito sa mukha niya. Pero nakapikit ang mga mata ni Cindy. Lalo namang napatawa si Art sa ginagawa ng katipan. "Love, tingnan mo ako" utos ni Art. Inimulat naman ni Cindy ang kanyang mga mata at titig na nakatingin sa mukha ni Art. Kinuha ni Art ang isang kamay ni Cindy at iginiya sa kanyang mukha pababa sa leeg nito. Hanggang sa umabot sa leeg ng binata pababa sa matipunong dibdib ni Art. Bumaba pa ang kamay ni Cindy sa tiyan ng binata at tinanggal ni Art ang kamay niya na nakahawak sa kamay ni Cindy. Dinama ni Cindy ang mga pandesal ni Art at napakagat ng labi. Hanggang sa bumaba iyon sa beywang ng binata. Pero pinigil na ni Art ang kamay ni Cindy. Nagtatanong ang mga mata ni Cindy. Sinagot naman ito ni Art ng mapusok na halik at hinawakan ang laylayan ng blouse nito at itinaas iyon para matanggal. Si Cindy na ang kusang nagtaas ng kamay niya para maghubad ang blouse niyang suot. Saka muling hinalikan ni Art si Cindy at inihiga sa kama. Pinagsaluhan nila Art at Cindy ang pag iisa ng kanilang katawan. Ang pagmamahal nila sa isat isa ay ipinaramdam nila. At walang makakahadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Kahit pa ang mga magulang ni Cindy. "I love you, Cindy. Mahal na mahal kita" buong pagmamahal na sabi ni Art pagkatapos ng mainit na tagpo sa kanila ni Cindy. Hinawakan ni Cindy ang pisngi ni Art at inilapit sa kanya para halikan ng smack sa labi. "I love you too so much" at matamis na ngumiti. Pinaunan ni Art ang kanyang balikat kay Cindy at iniyakap ang kaliwang kamay kay Cindy. Narinig ang mga pinong hilik ni Cindy na tanda ng mahimbing na pagtulog. Saka ipinikit na din ni Art ang kanyang mga mata. Kailangan nilang nagpahinga dahil alam niyang napagod niya si Cindy. Naging masaya ang buong araw nina Cindy at Art na magkasama. Sumapit ang gabi at maghihiwalay na naman silang dalawa. Malungkot na nakatayo si Cindy sa may pintuan. Pauwi na kasi siya at mabigat ang pakiramdam niya na iiwan niya muli si Art. Hindi na naman sila magkakasama na dalawa. Although magkikita naman silang dalawa sa opisina ng Daddy niya. Pero iba pa din ang magkasama silang dalawa. At naipapadama kung gaano nila kamahal ang isat isa. Cindy heaved a very heavy sighed. She dont want to go. She want to stay one more day to be with Art. Niyakap ni Art si Cindy nang makita na parang naiiyak na ito. "Magkikita naman tayo bukas, Love. Kaya huwag ka nang malungkot" alo ni Art kay Cindy. Hindi na talaga napigilan ni Cindy ang luha niya. Kumawala na ito at tiningnan si Art. "Namimiss na kita kaagad. Hindi ko talaga kaya na malayo pa sayo. Kung puwede lang na lagi tayong magkasama katulad ng mga normal na couple" naiiyak na sabi ni Cindy. Nahabag naman si Art sa nobya. Kahit siya ay wala ding magawa. Ipinanganak siyang mahirap at kung kasalanan man na mahalin ang isang katulad ni Cindy. Okay lang na magkasala siya. Basta ang mahalaga ay mahal din siya ng mahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook