THIRD PERSON "Kayo na nang apo ko? Kailan pa? Magka bati na ba kayo?" Seryusong tanong ni Don Salvador kay Shawn. Alam kasi ni Don Salvador na galit na galit ang kanyang apo kay Shawn dahil sa maling akala. Nandito sila sa loob ng opisina ni Don Salvador. Pagkatapos nilang kumain ng lunch. Kaagad na pinatwag ni Don Salvador si Shawn. Pumasok naman si Analyn sa kanyang kwarto. Gusto niya sanang samahan si Shawn ngunit sinabi ni Shawn na siya lang muna ang haharap kay Don Salvador. Hindi mapakali si Analyn habang nasa loob siya ng kwarto. Iniisip niya na baka paalisin si Shawn ng kanyang Lolo. Habang sa opisina naman napalunok si Shawn saka umayos ng tayo at deritso na tumingin kay Don Salvador na seryuso din na nakatingin sa kanya. "Si-Sir, sorry sa nakita mo kanina. Actually hindi pa po

