CHAPTER ONE
ANALYN
"Hoy, bruha! Bakit nakasimangot ka d'yan? Kanina lang parang inasinan ka sa kilig ng napanuod mo naman ang idol mo. Ngayon parang kang natalo sa lotto. 'Yung mukha mo parang nakakain ng balimbing na hilaw." Talak sa akin ni Khala. Nandito kasi ako ngayon sa kanyang condo. Ang ganda na kanina ng mood ko ng makita ko na naman sa mga video clips si Kateyki na body guard ni Inday Sara. Ngunit nasira n'ong tumawag si Lolo na kailangan ko ng umuwi sa aming probinsya. Ang Lugar na ayaw ko na sanang balikan. Sapagkat sobra akong nasaktan 5 years ago. Isang linggo matapos ang aming graduation. Ang akala ko nga hindi na ako kukulitin ni Lolo na umuwi dahil sinabi kong mag hahanap na ako ng trabaho dito. Pero kanina nagulat nalang ako na pinapa-uwi niya na ako. Kaya kahit ayaw ko, wala akong magagawa. Baka matigok pa siya ng wala sa oras at mumultuhin niya pa ako. Pero joke lang. Napangiti nalang ako sa aking iniisip.
"Paano kasi, tumawag si Lolo. Kailangan ko na daw umuwi Smsa amin. Sa akin niya na ipasa ang pamamahala ng mga taniman niya ng mga prutas. Dahil matanda na raw siya." Sagot ko sa aking kaibigan. Na nag-aayos ng kanyang mga gamit. Bigla naman siyang napatingin sa akin.
"Talaga, kailan?" Excited niyang tanong sa akin. Napanguso naman ako dahil parang ayaw ko pa talaga bumalik sa amin. Masaya na ako dito at nakalimutan ko na siya. Kaya nga ayaw ko na munang umuwi.
"Sa makalawa daw. Birthday niya, kaya kailangan kong umuwi saka para duon na din tumira." Nakasimangot kong sagot. Bigla naman namilog ang kanyang mga mata.
"Best, tamang tama. Gusto ko munang magbakasyun. Kaya kung uuwi ka sa probinsya niyo, pwedi ba akong sumama? Kailangan ko lang ma experience ang simpleng buhay. Malayo sa syudad. Walang Yaya at body guard." Wika ni Khala. Bilib talaga ako sa kaibigan kong 'to. Napaka yaman ngunit napaka simpleng babae. Ang ibang mayayaman gusto mag bakasyun sa ibang bansa. Ngunit siya m, gustong pumunta ng probinsya.
"Siguro ka ba talaga best, na sasama ka sa akin ? Baka kapag dumating ka na duon magsisi ka. Malayo ang mga mall sa amin saka tindahan lang ang meron duon. Hindi pa kumplito." Paliwanag ko kay Khala dahil ngayon na ang alis namin papunta ng probinsya. Mas excited pa siya sa akin.
"Yes best. Hindi nga ako nakatulog kagabi. Nag research na ako kagabi sa lugar niyo . Ang ganda saka malapit pa sa dagat. Pagdating natin duon best ilibot mo ako sa dagat at maligo tayo." Masaya at excited niyang sabi. Pero ako hindi talaga excited at walang gana umuwi. Kung hindi lang talaga kay Lolo, hinding-hindi na ako babalik sa amin. Si Lolo nalang kasi ang kasama ko sa buhay. Maaga pa akong iniwanan ng aking mga magulang. Mas pinili nilang samahan si San Pedro kaysa sa akin.
"Hoy, best bakit ka umiiyak? Hindi ka ba excited na makita muli si Lolo mo at ang Lugar niyo?" Hindi ko pala namalayan umiiyak na ako. Naalala ko kasi ang aking mga magulang. Kitang- kita ko kung paano sila nawalan ng buhay matapos mabangga ang kanilang sinasakyan. Pitong taon pa lamang ako nuon ng mawala sila. Kaya si Lolo na ang tanging nag-alaga at nagpa laki sa akin. Kaya kahit labag sa loob ko na umuwi. Kailangan ko pa din umuwi. Pinahiran ko kaagad ang aking luha saka kiming ngumiti kay Khala.
"I'm sorry, best! Naalala ko lang sina Mama at Papa kaya 'yun ang rason kung bakit hindi ako excited na umuwi. Parang hanggang ngayon kasi sariwa pa ang nangyari sa kanila." Paliwanag ko kay Khala dahil alam niya rin ang tungkol sa mga magulang ko. Niyakap niya naman ako. Na nagpa-gaan ng aking kalooban. Nagpasalamat talaga ako na naka tagpo ako ng kaibigan katulad nila ni Marlyn. Tatlo kaming magkaibigan. Si Marlyn, Khala at ako. Si Marlyn talaga at si Khala ang unang naging magkaibigan dahil high school pa lamang sila magkasama na sila. Umalis lang si Marlyn n'ong nag college na sila. Sumama si Marlyn sa kanyang Lolo para duon mag-aral sa ibang bansa. Tapos pinakilala lang ni Khala si Marlyn sa akin sa messenger kaya naging magkaibigan din kami ni Marlyn.
"Malampasan mo din yan Best. Lagi mong tandaan nandito lang kami ni Marlyn. Pero bago tayo ma late sa flight natin. Halika na kanina pa naghihintay sa atin si Kuya Ambo." Nakangiti na wika ni Khala. Si Kuya Ambo ang kanyang driver. Kaya si Kuya Ambo ang maghatid sa amin sa airport. Habang papalapit ako sa aming sobrang bilis ng pag t***k ng aking puso na Hmhindi ko mawari. Sa pagbalik ko ba dahil na pre-pressure na maging taga pamahala ng taniman ni Lolo? O makita siya muli?" Tanong ko sa aking isipan. Ang akala ko nakalimutan ko na siya. Pero hindi pa rin pala siya nawala sa puso ko. Pero hindi ko din makalimutan kung ilang beses niya akong ni-reject. At paulit-ulit sinabi na kahit kailanman hinding-hindi niya ako magustuhan.
"Maraming salamat Kuya Ambo. Ingat sa byahe pabalik. Pakisabi kay Mommy at Daddy na safe mo kaming hinatid ni Analyn sa airport." Masayang turan ni Khala kay Kuya Ambo. Nagpasalamat din ako kay Kuya Ambo pagtapos nag check-in na kami ni Khala papuntang Mindanao. Habang nasa loob kami ng eroplano. Bumalik ang mga alaala sa aking isipan kung paano ako nagkagusto sa driver/ bodyguard ni Lolo. At kung paano din akong labis na nasaktan. Inaamin ko, siya ang aking first love kahit na labing limang taon ang agwat ng edad niya sa akin. Iniisip ko kung paano ko siya haharapin. Ilang araw na akong hindi mapakali. "Hay bahala na." Kausap ko sa aking sarili bago pumikit. Nakapikit kasi si Khala habang nakikinig ng tugtog sa kanyang cellphone.
"Thank you Lord." Pasalamat ni Khala ng nag landing na ang eroplano. Kanina pa talaga siya excited. Samantala ako pinipilit na maging excited sa kanyang harapan. Ayaw ko naman maging bitter sa kanyang harapan. Kaya minabuti kong sakyan ang kanyang kasiyahan.
"Alam mo best. Feeling ko talaga parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Yung tipong nakalabas ako sa ibang mundo. Yung nakagalaw ako na walang Yaya at Bodyguard. Alam mo 'yung feeling na kada galaw mo walang mag-alala sa'yo. Kasi ang Yaya ko kahit bag ko sila ang magdadala. Ang mga body guard ko parating naka alalay sa akin. Ginagawa nila akong sanggol. Pero ngayon kita mo best. Ako ang nag dadala ng luggage at bag ko. Ang sarap sa feeling best." Nakikita ko talaga sa mga mata ni Khala ang tunay na saya . Pumikit pa siya at binuka ang kamay na parang dinadama ang preskong hangin. Nandito na kami sa labas ng airport. Naghihintay sa aming sundo na walang iba kundi ang driver ni Lolo. Sapagkat bago kami umalis sa Manila kanina. Tumawag na si Lolo para ipaalam na ang kanyang driver ang susunod sa amin. Nagreklamo pa nga ako na sana si Kuya Jun nalang. Ang driver ko nuon pero busy daw. Kaya ang body guard niya ang susundo sa amin. Habang naghihintay kami mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib na parang sasabog na ito na tindi ng lakas. Ilang minuto lang ang hinintay namin may humintong sasakyan sa aming harapan.
"Good afternoon ladies. I'm sorry, medyo na late. Ma-traffic sa daan." Biglang kumabog ulit ng malakas ang aking dibdib ng masilayan ko muli ang kanyang mukha. Kung hindi humawak sa aking balikat si Khala hindi ako nakaalis sa aking kinatatayuan. Para pumasok sa loob ng sasakyan. Bumaba siya upang kunin ang aming mga luggage.
"Salamat Kuya." Pasalamat ni Khala ng kinuha ng driver ni Lolo ang aming luggage . Ngunit hindi siya nakatingin sa driver. Dahil abala ang kanyang mga mata sa pagtanaw sa mga tanawin. Mabuti nalang hindi niya mahalata ang aking kilos.
"Kamusta." Biglang nanindig ang aking buong balahibo sa katawan ng marinig ko ang baritonong niyang boses malapit sa aking tainga. Pero tinaasan ko lang siya ng aking kilay. At hindi pinansin.
"Best ang ganda dito. Ang presko pa ng hangin. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa probinsya malayo sa ingay at usok." Masayang turan ni Khala. Habang buma-byahe na kami papunta sa bahay ni Lolo. Tumingin naman ako kay Khala at ngumiti.
"Hayaan mo best. Ipasyal kita bukas sa lugar namin bago kita hanapan ng bahay." Ang loka kasi gustong mamuhay mag-isa kaya gusto niyang tumira sa maliit na bahay. Dahil support ako sa desisyun niya hinyaan ko nalang. Total safe naman sa aming Lugar.