Story By Virgo69
author-avatar

Virgo69

ABOUTquote
Hello everyone🥰. I enjoy reading stories .Sa tagal ko na nagbabasa bilang reader parang gusto ko narin magsulat nang sarili kung story🥰🤞So i decided to write my own story coming from my imagination hope you like it🥰
bc
ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant
Updated at Mar 10, 2026, 17:25
BLURB Si Kany ay isang kolehiyala, ipinanganak sa Davao ngunit lumaki at nag-aral siya sa Canada dahil doon nagta-trabaho ang kanyang ama. Sa araw ng bakasyon pinili niyang magbakasyon sa Pilipinas at doon gustong manatili sa kanyang pinsan. Hindi siya spoiled brat pero medyo may pagka-OA minsan at pihikan sa lalaki. Kaya naman hanggang sa nag-college siya ay wala siyang naging crush, in short wala siyang naging boyfriend. Sa kanyang pananatili sa lugar ng kanyang pinsan na pulis, nakilala niya si Knight na isang trainee ng kanyang pinsan na hepe— ang lalaking unang bumihag ng kanyang puso. Si Knight, isang fresh criminilogy graduate na taga-Manila at doon siya ina-sign sa Mindanao. Sa isang linggo niya sa Mindanao nakita at nakilala niya si Kanny, ang pinsan ng kanilang hepe. Unang kita niya sa dalaga at nagustuhan niya na kaagad ito. Kaya kahit medyo strict ang kanyang hepe dahil nag-iisang pinsan nito na si Kanny at dahil nag-aaral pa ito, pinalakas niya ang kanyang loob upang ligawan ang dalaga. Nagtagumpay naman siya kaya naging masaya ang kanilang relasyon, kahit pansamantala na naging LONG DISTANCE RELATIONSHIP (LDR) muna sila. Pero dahil sa trabaho ni Knight hindi maiwasan na dumating ang isang pagsubok sa kanilang pagsasama. Nagpanggap si Knight na namatay para sa kaligtasan ng buo niyang pamilya lalo na kay Kanny. Nagkaroon ng anxiety si Kanny at medyo nawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ni Knight.But years later, kung saan nakabangon na si Kanny at tanggap niya nang hindi na babalik si Knight, saka naman nagpakita si Knight. Dahil natapos na ang kanyang misyon. Muli kaya silang magkabalikan at maging masaya kung sa pagbalik ni Knight ay ikakasal na si Kanny sa taong tumulong sa kanya kung paano ituloy ang kanyang buhay? Ipaglalaban ba ni Knight si Kanny, gayong masaya na si Kanny sa piling ni Doktor Isagani? Sino ang pipiliin ni Kanny? Si Knight na una niyang minahal ngunit biglang naglaho? O si Isagani na hindi siya iniwan sa mga panahon na nawalan na siya ng ganang mabuhay sa mundo? Could it be Kanny give another chance to Knight? Dahil kahit ilang taon man ang lumipas mahal niya pa rin ito. Or Kanny will still choose Isagani dahil isang mabait, marespeto, at hindi siya iniwan at lagjng nariyan lang sa kanyang tabi. Tunghayan natin ang pag-iibigan na kayang ipaglaban at isakripisyo ang pagmamahal at sariling kaligayan para sa kaligtasan ng buong bayan.
like
bc
I'M in love with my PROBINSYANA MAID
Updated at Oct 28, 2025, 02:34
BLURB Si Haide ay galing sa mahirap na pamilya at panganay sa limang magkakapatid. Namatay ang kanilang mga magulang dahil sa aksidente habang nag-aani sila ng palay sa bukid. Natabunan sila ng lupa nang may mangyaring lindol sa kanilang lugar . Kaya naman naisipan ni Haide na sumama sa kanyang kaibigan na lumuwas ng Manila para magtrabaho bilang isang katulong. Upang makapag aral ang kanyang mga kapatid at mabigyan ng maayos na buhay. Ngunit sa kanyang pagdating sa Manila, isang strikto, suplado ang kanyang magiging amo na apo ni Donya Mila. Ano kaya ang magiging kapalaran ni Haide sa kamay ng kanyang amo na may lihim na pagtingin pala sa kanya. Tunghayan natin ang kwento ng pag-iibigan ng dalawang puso. Isang boss at katulong na na-in love sa isa't-isa.
like
bc
TAHONG ni KHALA RICH GIRL SERIES ONE
Updated at Apr 17, 2025, 10:41
BLURB Nang makapagtapos si Khala sa kanyang pag-aaral bilang isang Business Administration, nakiusap muna siya sa kanyang Mommy at Daddy na bigyan siya ng isang taon para makapagpahinga. Gusto niya kasing mamuhay ng normal at simple sa isang probinsya. Ipinanganak si Khala Castro na may gintong kutsara sa kanyang bibig. Mula bata hanggang sa lumaki siya ay maraming siyang yaya at mga bodyguard na nakapalibot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Kaya nang makatapos siya sa kanyang pag-aaral bilang Magna Cum Laude, ang tanging gusto niya lamang na regalo mula sa kanyang mga magulang ay payagan siyang makapunta sa probinsya kasama ang kanyang mga kaibigan. Kahit mayaman ang pamilya ni Khala hindi sila kagaya ng ibang mayayaman na mga matapobre. Kaya lumaki din si Khala na hindi namimili ng taong kakasalamuhain niya. Mayaman o mahirap pantay-pantay ang kanyang tingin sa mga ito. Katunayan nga ay mahal siya ng lahat ng kanilang mga tauhan sa mansyon. Dahil sa maganda na siya'y mabait, malambing at may respeto pa sa kapwa.Sa kanyang pagsama sa kanyang kaibigan sa probinsya doon niya makikilala si Kennedy Chrysler. Na ang tanging trabaho ay sumisid sa ilalim ng dagat para manguha ng tahong. Si Kennedy Chrysler ay binatang may matipuno at makisig na pangangatawan. Gwapo pero napaka-suplado naman. Anak siya ng isang dayuhan na nakilala ng kanyang nanay. Matapos buntisin ang kanyang nanay ay iniwan na lamang ito dahil may sariling pamilya pala ang dayuhan na minsan napunta sa kanilang lugar. Nang nagka-isip at lumaki si Kennedy mailap siya sa mga tao. Iilan lang ang kanyang kinakausap maliban sa mga kasamahan niyang sumisisid din ng tahong. Sa unang pagkikita ni Khala at ni Kennedy, na-star struck kaagad si Khala kay Kennedy. Kahit na 25 years old na si Khala, NBSB siya o NO BOYFRIEND SINCE BIRTH at hindi pa siya nakaramdam katulad ng nararamdaman niya kay Kennedy. Ngunit ang binata ay hindi man lang magawang tapunan ng tingin si Khala. Tanging nasa isipan kasi ni Kennedy na ang mga dayuhan ay pansamantala lamang sa kanilang lugar. Na kagaya lang sila ng kanyang tatay, matapos makuha ang gusto ay mang-iiwan na lang sa ere. Pero ginawa ni Khala ang lahat mapansin lang siya ng binata. Hanggang sa nagtagumpay nga si Khala na mapansin din siya ng binata. At unti-unti na ring nahuhulog ang loob ng binata para sa dalaga. Pero ang hindi alam ng binata na isa pa lang mayaman si Khala, at pinaka-ayaw niya ito sa lahat... ang isang mayaman. Dahil namatay ang kanyang nanay sa mga kamay ng mga mayaman na pinagtrabahuan ng kanyang nanay sa Manila. Hanggang sa nalaman ni Kennedy na ang pinagtrabahuan ng kanyang nanay ay ang sa mansyon mismo nila Khala. Sa natuklasan ni Kennedy mananaig ba ang pagmamahal niya sa dalaga o gagamitin niya ang dalaga upang makapaghiganti sa nangyari sa kanyang nanay. May pagkakataon ba na magkatuluyan ang isang mayaman sa isang taong mahirap na labis na labis ang galit sa mga mayayaman? Tunghayan natin kung paano manaig ang pagmamahal laban sa paghihiganti.
like
bc
Suddenly Got MARRIED
Updated at Jan 29, 2025, 10:51
BLURB Si Mia Crisostomo at Aron Dela Fuentes.— parehong nagtatrabaho sa Saudi. Matagal na silang magkasintahan kaya balak na nila ang magpakasal. Ngunit sa pagproseso ni Mia ng kanyang mga papeles para sa kasal. Nalaman niyang kasal na siya sa isang pulis na si Chief Jonathan Mendoza. Hindi rin alam ni Chief Jonathan na kasal na siya sa babae. Dahil isa lamang ito larong kasal-kasalan para sa kanila. Ngunit hindi nila alam na ang pinirmahan nilang papel ay tunay na marriage certificate pala at naisama ito ng sekretarya ng kaibigan nilang abogado. Sa araw na iyon ay nahuli ni Mia si Aron na may iba itong babae. Ito na ba ang magiging rason na totohanin nina Mia at Jonathan ang pagiging mag-asawa? Dahil legal naman ang kanilang kasal. O ipapawalang bisa ito, dahil hindi naman niya mahal ang binata.
like
bc
Just ONE Night
Updated at Mar 11, 2026, 15:19
BLURB Isa si Richel sa libu-libong babae na nangangarap maging mayaman. Namulat siya sa mahirap na buhay. Walang trabaho ang kanyang tatay pero lahat ng bisyo ay nasa kanya na. Habang ang kanyang ina ay tanging paglalabandera naman ang trabaho Minsan kahit wala silang bigas mas inuuna pa ng kanyang Tatay ang kanyang bisyo, kaysa sa pangangailangan nila. Kinukuha niya ang bayad sa pinaglabahan ng kanyang Nanay para ipambili nito ng alak. Lima silang magkakapatid, at si Richel ang panganay. Hindi din sila nakapag-aral dahil minsan nga natutulog silang walang laman ang tiyan. Ewan ba niya sa kanilang mga magulang, ang hirap-hirap na nga ng kanilang buhay pero dinamihan pa nila ang anak. At hindi niya rin alam sa kanyang nanay kung bakit nagtitiis sa ugali ng kanilang tatay dahil marami na ngang bisyo, sinasaktan pa siya nito. At mas lalong hinayaan na anakan lamang siya. Kaya naman nang tumungtong sa labing-limang taon gulang Richel ay mas pinili nito na sumama sa kanyang tiyahin sa Manila para magtrabaho. Dahil gusto niyang makatulong sa kanyang Nanay. Pero pagdating niya sa Manila ang akala niya ay may magandang trabaho na naghihintay sa kanya para maiahon niya sa kahirapan ang kanyang mga kapatid. Dahil mas lalo pang naging masalimuot ang kanyang buhay nang ginawa lang siyang katulong ng kanyang tiyahin. Wala naman siyang magagawa dahil wala siyang alam sa lugar sa Manila. Isang gabi muntik na siyang gahasain ng kanyang tiyuhin kaya nagdesisyon siyang umalis sa poder ng kanyang tiyahin. Sa kanyang pag-alis, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Habang naglalakad siya, muntik na siyang masagasaan ng isang traysikel. Dito niya nakilala ang taong tumulong sa kanya para makapag trabaho sa isang malaking bahay. Nakilala niya ang kanyang amo na isang mayaman at isang CEO ng kompanya. Ang akala ni Richel katulad sa mga binabasa niya na mga nobela at pinapanuod niya sa t.v na ma-i-inlove ang boss sa katulong. Pero hindi pala. Crush niya ang kanyang amo, naging maayos naman ang kanyang trabaho. Ngunit pagdating ng dalawang taon isang pangyayari ang nagbago sa buhay ni Richel. Umuwi ng lasing ang kanyang amo at may nangyari sa kanila. Paggising ni Rocky masakit ang kanyang ulo. Ngunit mas lalo itong sumakit ng makita niya ang kanyang katulong na katabi niya sa kama at pareho silang walang suot na damit. May dugo pa siyang nakita sa kobre kama. Sobrang galit ang naramdaman niya sa babae kaya hinaklit niya ito patayo at pinalayas. Dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend at hindi siya makakapayag na isang katulong lamang ang makakasira ng relasyon nilang dalawa. Bago umalis si Richel binigyan ni Rocky ng sampung milyon kapalit ng kanyang virginity. Sinabihan niya pa ito ng masasakit na salita na siyang nakapagpadurog sa puso ng dalaga. But, later on he realize that he is already in love to Richel. After 10 years muling nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit hindi na bilang Richel kundi sa ibang katauhan na. Makilala kaya ni Rocky si Richel? Manunumbalik kaya ang pag-ibig ni Richel kay Rocky sa kabila ng kasalanan nito sa kanya? Tunghayan natin ang pag-ibig ng isang mayaman sa isang mahirap na sinaktan muna bago minahal.
like
bc
THE MAYOR'S First Love
Updated at Feb 23, 2026, 15:29
BLURB Makalipas ang pitong taon na nagkalayo, muling nagkita ang landas nila Jerlyn at Arnel. High school pa sila noon nang maging magkasintahan sila Jerlyn at Arnel. Mahal nila ang isa't-isa, pero dahil sa maling akala nagkahiwalay silang dalawa. Umalis si Jerlyn sa kanilang lugar para magtago at makalimutan si Arnel. Samantalang mas pinili naman ni Arnel na pumunta sa ibang bansa para doon mag-aral ng college at para maka-move-on na rin sa sakit ng kanyang puso dahil sa kanilang pahihiwalay ni Jerlyn. Sa kanilang muling pagkikita iba na ang Arnel na nakilala noon ni Jerlyn, dahil ang dating Arnel na mabait, malambing, mapagmahal at maalaga — ay isa ng cold hearted, masungit, seryoso, strikto na parang galit sa mundo. Na kahit kay Jerlyn ay hindi niya magawang ngumiti at ayaw niya na itong kausapin. Mahal niya ang dalaga dahil first love niya ito. Ngunit kailangan ni Arnel na ipakita sa dalaga na galit siya dito dahil sa ginawa noon sa kanya ni Jerlyn. Na hindi manlang muna nagtanong o inalam ang totoo bago gumawa ng desisyon na nakapagpawasak ng kanilang dadamin. Mahal pa rin ni Jerlyn si Arnel ngunit sa pagbabalik ng binata sa Pilipinas ibang-iba na ang ugali nito. Kaya naisipan ni Jerlyn na mag give-up na lang sa pagsuyo kay Arnel. May chance pa ba na muling silang magkabalikan dahil mahal pa naman nila ang isa't-isa? O mas paninindigan ni Arnel ang pagiging cold niya kay Jerlyn dahil nga sa ginawa noon ni Jerlyn sa kanya? Tunghayan natin kung muling mabubuo ang pag-ibig ng dalawang tao na naghiwalay lamang dahil sa maling desisyon.
like
bc
Allergic to LOVE
Updated at Feb 20, 2026, 09:54
BLURB Minsan sa buhay natin ay mayroon talagang hindi mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Iyan ang naranasan ni Sienna Quinn Valliere sa kanyang Nanay mula pagkabata, hanggang sa nagdalaga siya. Hindi sila magkasama na lumaki ng kanyang mga kapatid kaya malayo din ang loob nila sa isa't-isa. Lumaki siya nang walang pagmamahal na nararamdaman galing sa kanyang Nanay ganun din sa iba niyang mga kapatid. Nag-aral siya ng highschool hanggang college bilang working student. Nag-focus lamang siya sa trabaho at pag-aaral. Hindi na niya naisip na magkaroon ng boyfriend sapagkat iniisip niya na hindi nga siya minahal ng kanyang pamilya, ibang tao pa kaya? Ngunit nang mag-umpisa na siyang magtrabaho bilang nurse, nakilala niya ang isang doktor na nagmamay-ari din ng hospital kung saan siya nagta-trabaho. Biglang nag-iba ang kanyang pananaw sa pagmamahal. Tommy Lim Alfaraz o mas kilala bilang Tom, lumaki sa hirap ngunit may mapagmahal at masayahin na pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman nila na isa pala silang anak mayaman. Kaya naman natupad niya ang kanyang pangarap bilang isang Doktor. Mabait at magalang siya sa lahat ngunit hindi niya nagawang magkaroon pa ng girlfriend dahil pinangako niya sa kanyang sarili na katulad ng kanyang Nanay at mga kapatid na babae ang gusto niyang maging girlfriend o asawa. Hindi siya ang tipong lalaki na gusto lang magkaroon ng fling-fling dahil para sa kanya, ang mga babae ay nire-respeto, at hindi pinaglalaruan. Hindi rin siya mahilig mag-party. Kapag may lumapit sa kanya na babae na gusto lang siyang akitin ay ekis na agad sa kanya. Minsan nga ay napagkamalan pa siyang bakla dahil allergy raw siya sa babae. Ngunit nang makilala niya ang isang nurse sa kanyang ospital ay nagbago ang lahat. Ginawa niya ang lahat upang mapansin lamang siya nito. Dahil sobrang ilap ng nurse na ito sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Makukuha niya ba ang babaeng gusto niya? Dahil ito ay ma-ilap sa mga lalaki at nabansagan din na allergy sa mga lalaki gaya niya na allergy naman sa mga babae. Tunghayan natin kung paano mapapa-ibig ng isang doktor na allergy sa babae, ang isang nurse na allergy rin sa lalaki.
like
bc
WANTED Daddy
Updated at Dec 31, 2025, 02:36
BLURB Si Joy Bautista, twenty two years old. Isang dalaga na lumaki sa probinsya. Mahirap ang kanilang buhay kaya naman napilitan siyang ibenta ang kanyang pagkababae sa isang lalaki na hindi niya kilala. Kailangan niyang gawin iyon para may pambayad siya sa operasyon ng kanyang Papa Eric. Brent Sandoval, CEO at nag-iisang tagapagmana ng Sandoval Company. Nagkaroon ng bachelor party kasama ng kanyang mga kaibigan dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend. Bilang regalo ng mga kaibigan niya sa kanya, nagbayad ang mga ito ng babae para sa huling gabi ng pagka-binata ni Brent. Ngunit ang isang gabing iyon ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya tinuloy ang kasal dahil ginugulo siya ng babaeng naangkin niya ng gabing iyon sa bar. Lalo na at virgin pa ito. Makalipas ang limang taon ay muling pagtatagpuin ng tadhana sina Brent at Joy. Dahil nag-apply si Joy ng trabaho sa kompanya ni Brent at magiging sekretarya siya nito. Makikilala ba nila ang isa't-isa, dahil pareho silang lasing noong may nangyari sa kanilang dalawa?
like
bc
HOTTIE Probinsyana
Updated at Dec 28, 2025, 03:49
BLURB Yell Fernandez, babaeng walang filter ang bibig kung magsalita pero NBSB. No kiss at no touch sa edad na 35 years old at naka-focus lamang siya sa kanyang sari-sari store. Parang nawalan siya ng gana sa mga lalaki at sa usaping pagkakaroon ng ssawa, dahil sa maaga nag-asawa ang kanyang mga kapatid. Umaga pa lang nag-aaway at nagsisigawan na ang mga ito kaya naisip ni Yell na kung ganun ang buhay niya na may asawa mabuti na lang na tumanda siyang dalaga, kasama ang kanyang sari-sari store. Ngunit ng makilala niya si Nathaniel Geroche biglang nag-iba ang ihip ng hangin.Nathaniel Geroche, 25 anyos. Sa murang edad ay isa na siyang CEO ng sarili niyang kompanya. Sa kanyang pagpunta sa kanyang tito na governor sa probinsya para mag-unwind and relax dahil sa sunod-sunod na schedule sa kanyang kompanya, nakilala niya ang isang magandang dalaga. Marami na rin siyang nakasama na babae pero fling-fling lang. Wala siyang naging seryoso na babae. Dahil hindi niya nakikita ang kanyang sarili na ikakasal at magkakaroon ng isang pamilya. Pero n'ong nakita at nakilala niya si Yell, ibang-iba ang kanyang pakiramdam. Kahit matanda ito sa kanya'y nagustuhan niya pa rin ang dalaga sa taglay na kagandahan at alindog nito. Kung hindi pa nalaman and kanyang edad ay masasabi na parang 18 years old lamang ito. May pag-asa ba na magkatuluyan sila Nathaniel at Yell? Dahil allergy si Yell sa mga lalaki lalo na kay Nathaniel. Ano kaya ang gagawin ni Nathaniel para lang magustuhan siya ng dalaga? Tungyahan natin kung paano makuha ni Nathaniel ang puso ng isang hottie probinsyana.
like
bc
MY PROBINSYANA Substitute BRIDE
Updated at Dec 11, 2025, 01:17
BLURB James Enriquez, mayaman at CEO ng Enriquez Motorcycle and Auto parts dito sa Pilipinas. Meron siyang longtime girlfriend at malapit na sila nitong ikasal. Ngunit nang makilala niya si Ana Mae na katulong ni Dok Valdez, ay nag-iba ang kanyang plano. Inalok niya ang dalaga na magpakasal sa kanya kapalit ng limang milyong piso. Sapagkat kailangan ni Ana Mae ng malaking halaga para sa operation ng kanyang kapatid. Ito na lang ang naisip na paraan ni James upang makasama niya ang dalaga. Dahil sa hindi na nakapag-isip ng maayos si Ana Mae, hindi siya tumanggi sa offer sa kanya ni James. Ngunit may kasunduan sila, na kapag dumating ang fiancee ni James ay maghihiwalay sila kaagad. Sa kanilang pagsasama sa condo ni James mas lalong minahal ni Ana Mae ang binata. Hanggang sa dumating ang fiancee ni James. Kahit masakit para kay Ana Mae, siya na ang kusang humingi ng annulment kay James. Pagkatapos pumirma ni Ana Mae sa annulment ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa upang mag-aral ng culinary arts at para na rin makalimutan ang binata. Nang makapagtapos si Ana Mae sa kanyang pag-aaral ay nagpatayo siya ng sarili niyang restaurant gamit ang pera na naipon niya noon na binigay pa sa kanya ni James. After 3 years, naging successful ang kanyang restaurant. Nagkataon naman na may out of the country meeting si James at doon siya pumasok sa restaurant na pagmamay-ari ni Ana Mae upang kumain ng lunch, kaya naman muling nagkita ang landas nilang dalawa. Sa kanilang pagkikita, may pag-asa ba na magkabalikan silang dalawa? Dahil hindi naman talaga natuloy ang kasal ni James sa kanyang fiancee. At lalo ng hindi pa pala annuled ang kasal nilang dalawa at mahal pa rin nila ang isa't-isa.
like
bc
Secret AFFAIR with my sister's FIANCÉ (SPG)
Updated at Sep 21, 2025, 05:32
BLURB Si Maribel ay isang Doktor. Nagkaroon sila ng medical mission sa lugar sa Mindanao sa South Cotabato kung saan halos liblib ang lugar at malayo sa bayan. Gusto nilang tumulong sa mga bata na may sakit doon na hindi kayang ipagamot ng kanilang mga magulang sa hospital. Dahil malayo sila sa pagamutan. Sa kanyang pagpunta sa South Cotabato, makikilala niya si William— isang lider ng mga rebelde na lumalaban sa mga militar at pilit pinaglalaban ang kanilang prinsipyo. Ngunit ng makilala nito si Dok Maribel ay nagbago ang lahat. Mahal niya si Dok Maribel, kaya mas pinili niyang iwanan ang pagiging lider ng rebelde at baguhin ang kanyang buhay kasama si Dok Maribel. Ngunit sa kasamaang palad, nalaman ng mga kasamahan ni William ang plano niyang pag-alis sa grupo. Pinagplanuhan siya ng mga itong patayin. Kaya naman napilitan siyang itaboy palayo si Dok Maribel para sa kaligtasan nito. At sa pag-aakala naman ni Maribel na namatay si William dahil kitang-kita niya kung paano barilin sa katawan si William ng mga rebelde at humandusay ito sa lupa. Makalipas ang isang taon nagpakasal si Dok Maribel sa taong tumulong sa kanya mula sa bundok kung saan siya nakita habang nagtatago. Upang burahin sa kanyang isipan si William dahil lagi niya pa rin itong napanaginipan kung paano ito pinatay at naligo sa sarili nitong dugo ay nagpakasal si Dok Maribel sa lalaki. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil makalipas ang limang taon, nalaman ni Maribel na buhay pa pala si William. At sa kanilang muling pagkikita ay mahal pa rin nila ang isa't-isa. Ngunit may asawa na si Maribel at fiancee naman ni William ang kanyang kapatid. Handa ba silang sumugal muli para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan? Kahit na ito ay bawal? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't-isa dahil maraming tao ang masasaktan.
like
bc
THE Billionaires INNOCENT Lover
Updated at Jul 19, 2025, 02:54
BLURB Si Jing, isang simpleng babae na ang tanging pangarap lamang ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Ngunit nang matagpuan ng kanyang Ate Esmeralda ang tunay na pamilya nito ay nagbago ang buhay ni Jing at ng kanyang pamilya. Kahit hindi niya tunay na kapatid si Esmeralda ay tinulungan pa rin sila nito at pina-aral sila ng kanyang kuya Remy sa America. Naging tahimik ang buhay ni Jing hanggang sa pagtungtong niya ng college. Ngunit sa pagdating ni Harvey sa buhay niya, doon ay biglang nagulo ang kanyang tahimik na buhay at puso. Nang mag-isa na lamang si Jing sa America upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa college ay sinamahan siya ni Harvey sa America. Sa araw-araw nilang pagsasama at panliligaw ni Harvey sa kanya ay nahulog ang loob ni Jing kay Harvey. Pero kung kailan naman masaya na si Harvey at Jing sa piling ng isa't-isa ay doon naman dumating ang babaeng pinangakuan ni Harvey ng kasal. Sumapit ang graduation ni Jing at sa mismong Family dinner nila ay sinabi ni Harvey na ikakasal na sila ni Sampaguita- ang babaeng kababata nito na pinangakuan nito ng kasal. Sobrang nadurog ang puso ni Jing at labis siyang nasaktan. Kaya nagdesisyon si Jing na lumayo at bumalik sa kanilang probinsya sa Mindanao, upang kalimutan si Harvey. Ngunit makalipas ang isang taon ay muling bumalik si Harvey sa buhay niya. Kaya ba ni Jing pagbigyan muli si Harvey ng isa pang pagkakataon? O kakalimutan niya na lang ang tuluyan ang binata dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang sakit na binigay sa kanya noon ni Harvey.
like
bc
Marlyn THE Secret HEIR
Updated at Jul 4, 2025, 13:46
BLURB NBSB o NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ang tawag kay Marlyn dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang pagbo-boyfriend. Siya ang dalaga na hindi naniniwala sa pag-ibig. Hindi rin siya naniniwala na may forever, dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang. Naghiwalay ang mommy at daddy niya dahil nahuli ng mommy niya ang panloloko ng kanyang daddy. Kaya lumaki siyang hindi nakakasama ang kanyang ama. Pagka-graduate niya ng high school ay sumama siya sa kanyang lolo sa ibang bansa upang doon mag-aral ng college. Sa pagbabalik niya sa Pinas ay makikilala niya si Rafael. Dahil kay Rafael ay nagbago ang kanyang pananaw sa pag-ibig. Nagtagpo ang kanilang landas no'ng kasal nila Khala at Kennedy. Agad na nagkagusto si Marlyn kay Rafael. Na ang akala niya ay gusto rin siya nito, dahil pinakita at pinaramdam ni Rafael sa kanya na espesyal siya dito. Dalawang buwan si Marlyn sa Pilipinas at unti-unting nahulog na ang kanyang ang loob kay Rafael kahit na alam niya ang tungkol kina Khala at Rafael. Kaya naman nang ligawan siya ni Rafael ay walang pagdadalawang isip na sinagot niya agad ito. Paulit-ulit din na sinabi sa kanya ni Rafael na may gusto din ito sa kanya at agad naman siyang naniwala. Gustong sorpesahin ni Marlyn si Rafael kaya pinuntahan niya si Rafael sa kanyang opisina. Ngunit sa halip na si Rafael ang masorpresa, siya ang nasorpresa dahil narinig ni Marlyn ang pag-uusap ni Rafael at ng kaibigan nito na mahal niya pa rin si Khala at hindi niya ito makakalimutan. Dahil sa sobrang sakit ng kanyang narinig ay agad siyang bumalik ng Switzerland na walang paalam kahit kay Analyn at Khala. Sobrang sakit ang naramdaman ni Marlyn dahil ginawa lang pala siya ni Rafael na panakip butas. Sa pag-alis ni Marlyn doon naman mari-realize ni Rafael na mahal niya nga pala talaga ang dalaga. Sobra ang kanyang pagsisisi sa pag-alis ni Marlyn. Ngunit huli na ang lahat dahil nawala na sa kanya ang dalaga. Makalipas ang apat na taon nagkita muli ang landas nilang dalawa sa kasal naman ni Analyn at Shawn. Sa muli nilang pagkikita maipagpapatuloy na ba nila ang naudlot nilang relasyon? Pero paano kung sa pagkikita nilang muli ay ikakasal na pala si Marlyn sa isang lalaki dahil sa kagustuhan ng lolo nito. Tuluyan na bang susuko si Rafael o ipaglalaban niya ang kanyang pagmamahal kay Marlyn?
like
bc
MY GREATEST Heartbreak
Updated at May 31, 2025, 11:02
BLURB Katrina Garcia,16 years old at taga-Silay Negros Occidental. Pumunta ng Manila para magtrabaho sa mansyon ng mga Weinstein at doon niya makikilala at makikita ang isang lalaking mala-Adonis sa sobrang gwapo. Sa murang edad ay nagkagusto siya sa binata na sampung taon ang agwat nito sa kanya. Ngunit si Harlem Weinstein ay may kasintahan na, kaya hindi siya pinapansin ng binata. Parang isang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Lihim na minahal ni Katrina si Harlem. Habang tumatagal ay mas lalo niya itong nagugustuhan. First crush niya ang binata at masasabi niyang first love niya rin talaga ito. Dalawang taon ang makalipas. Isang gabi, umuwi si Harlem na lasing kaya sa hindi inaasahang ay may nangyari sa kanilang dalawa. Ang akala ng dalaga ay gusto din ni Harlem ang nangyari sa kanila. 'Yun pala ay dala lamang iyon ng kalasingan. Nalaman kasi nitong niloloko siya ng kanyang kasintahan. Sobra ang galit ng binata sa kanya at inunsulto ang kanyang pagkababae, kaya naisipan niyang magpakalayo-layo. Sobrang nasaktan si Katrina sa ginawa sa kanya ni Harlem, kaya tinatak niya sa kanyang isipan na hindi na siya muling iiyak pa dahil lang sa isang lalaki, lalo na kay Harlem Weinstein. Si Harlem Weinstein ang kanyang greatest heartbreak. Ngunit sa kanilang pagkikitang muli, magkaroon na ba ng puwang sa puso ng binata ang dalaga? Mahal pa rin ba ni Katrina si Harlem? Tunghayan natin ang mala-fairy tale na pag iibigan nina Katrina Garcia at Harlem Weinstein.
like
bc
PAPAYA ni ANALYN Rich Girl SERIES 2
Updated at May 22, 2025, 14:13
BLURB Sa murang edad ni Analyn ay nagkagusto siya sa driver/bodyguard ng kanyang Lolo. Una niyang masilayan si Shawn ay nagkaroon na siya kaagad ng paghanga sa binata. First year high school siya nang dumating sa bahay ng kanyang Lolo si Shawn upang magtrabaho. Kahit anong pagpapapansin ni Analyn sa binata ay hindi man lang siya nito pinapansin. Ilang beses nang umamin si Analyn na may gusto ito sa binata ngunit binalewala lamang iyon ni Shawn. Paulit-ulit nitong sinasabi na bata pa siya at kahit kailan ay hinding-hindi niya ito magugustuhan, sapagkat 15 years ang tanda ni Shawn sa dalaga. Pero hindi sumuko si Analyn. Hanggang sa nakapagtapos ng high school si Analyn. Gumawa siya ng paraan na makuha si Shawn. Ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa kanyang pagkabigo at hiya nagpaalam siya sa kanyang Lolo na sa Manila na lamang siya magpapatuloy ng pag-aaral sa college. Para doon ay makalimutan niya rin ang binata. After 5 years, pagka-graduate ng college ni Analyn, at dahi matanda na ang kanyang Lolo Salvador. Pinapabalik na siya ng kanyang Lolo sa kanilang lugar upang mamahala ng kanilang malawak na lupain na ang pangunahing produkto ay pinya, saging at niyog. Pero ang higit sa lahat ay ang papaya na ini-export pa nila ito sa ibang bansa. Sa kanyang pagbabalik sa probinsya, siya na ang pinaasikaso ng kanyang Lolo sa lahat. Kaya muling magkita ang landas nilang dalawa ni Shawn, dahil si Shawn ang naging bodyguard/driver ni Analyn na ang Lolo niya mismo ang nag-utos. Sa muling pagkikita nila ng binata, may chance ba na mapansin na ng binata si Analyn, dahil isa na itong tunay na dalaga at may magandang hubog ng katawan? May nararamdaman pa ba si Analyn sa binata? Dahil ilang beses siyang ni-reject nito noon. May pag-iibigan bang mabubuo sa pagitan nilang dalawa sa muli nilang pagkikita at pagsasama?
like
bc
Esmeralda Ang Babaeng Walang Pahinga
Updated at Apr 16, 2025, 04:47
Blurb. Esmeralda Garcia, babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Masipag, masayahin, matulungin at mapagmahal sa mga taong nakakasalamuha niya. Ngunit dumating ang pagsubok sa kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang nanay at naisanla ang kanilang lupain sa isang intsik at nabaon pa sila sa pagkaka-utang. May dumating na sulat galing sa kinakasama ng kanyang tatay sa Manila. Bago daw namatay ang kanyang tatay ay may iniwang malaking halaga. Nang nabasa niya ang laman ng sulat, wala siyang sinayang na oras at agad na pumunta sa Manila. Pagdating niya sa lugar ng kanyang tatay ang malaking halaga pala na sinasabi sa sulat ay isa ring malaking pagkaka-utang. Kaya nong siningil sya ng bombay na pinagkaka-utangan ng tatay niya'y, tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa may nakitang siyang kotseng nakaparada at doon siya pumasok at nagtago. Doon nagtagpo ang landas nila ni Doc Arvey Smith na pinipilit na ng kanyang mommy na mag-asawa dahil matanda na raw siya. Sa pagkikita nila'y magbabago ba ang buhay ni ISMERALDA? O mas magiging masalimuot ito kasama si Doc Arvey?Dahil malalaman nito na binayaran ng Mommy nito si Esmeralda para paibigin si Doc Arvey kapalit ng limang milyon pambayad sa kanilang lupa. Tunghayan ang kwento ng pag-iibigan ni Esmeralda at Doc Arvey.
like
bc
IT'S ALL STARTED IN A DARE
Updated at Jan 6, 2025, 10:09
"BLURB"Christine Alonzo 20 years,isang working/scholar student na tanging pangarap nya ay makapagtapos at maging isang ganap na pulis!!Mark Anthony Ferrer 25years old,one of youngest billionaire naging pusong bato at nawalan nang tiwala sa mga babae simula nang niloko sya nang kanyang fiancé na dapat ay ikakasal na sila.Sa di sinasadyang pangyayari nagkatagpo ang landas nina Mark at Christine dahil sa isang laro ng magkakaibigan!Sa kanilang pagsasama unting-unti natutunan nilang mahalin ang isat-isa,hanggang sa naibigay na nang dalaga ang buo nyang pagkatao sa lalaki na akala ni Christine wala nang hahadlang at totoo na ang ibigay ni Mark na pagmamahal sa kanya,ngunit Ang lahat nang ito Ang pagkukunwari lamang dahil nawalan Pala sya nang alaala at nang bumalik ang kanyang alaala natuklasan ni Christine na bumalik na pala ang dating fiancée nang lalaki at palagi silang nagkikita at ang masakit matuloy ang kanilang engagement !.Kaya napag desisyunan ni Christine na lumayo at duon nya nakilala ang kanyang tatay!! Sa nakalipas na anim na taon nagtagpo muli ang kanilang mga landas,ito naba ang simula para ipagpatuloy ang naudlot kung ano man ang mayruon sila nuon?o tuluyan nang wakasan dahil may kanya kanya na silang buhay,at alam nila pareho na nagsimula lamang sa ITS ALL ABOUT IN A DARE!!
like