bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

book_age18+
118
FOLLOW
1.5K
READ
HE
heir/heiress
drama
tragedy
lighthearted
office/work place
secrets
war
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Si Kany ay isang kolehiyala, ipinanganak sa Davao ngunit lumaki at nag-aral siya sa Canada dahil doon nagta-trabaho ang kanyang ama. Sa araw ng bakasyon pinili niyang magbakasyon sa Pilipinas at doon gustong manatili sa kanyang pinsan. Hindi siya spoiled brat pero medyo may pagka-OA minsan at pihikan sa lalaki. Kaya naman hanggang sa nag-college siya ay wala siyang naging crush, in short wala siyang naging boyfriend. Sa kanyang pananatili sa lugar ng kanyang pinsan na pulis, nakilala niya si Knight na isang trainee ng kanyang pinsan na hepe— ang lalaking unang bumihag ng kanyang puso. Si Knight, isang fresh criminilogy graduate na taga-Manila at doon siya ina-sign sa Mindanao. Sa isang linggo niya sa Mindanao nakita at nakilala niya si Kanny, ang pinsan ng kanilang hepe. Unang kita niya sa dalaga at nagustuhan niya na kaagad ito. Kaya kahit medyo strict ang kanyang hepe dahil nag-iisang pinsan nito na si Kanny at dahil nag-aaral pa ito, pinalakas niya ang kanyang loob upang ligawan ang dalaga. Nagtagumpay naman siya kaya naging masaya ang kanilang relasyon, kahit pansamantala na naging LONG DISTANCE RELATIONSHIP (LDR) muna sila. Pero dahil sa trabaho ni Knight hindi maiwasan na dumating ang isang pagsubok sa kanilang pagsasama. Nagpanggap si Knight na namatay para sa kaligtasan ng buo niyang pamilya lalo na kay Kanny. Nagkaroon ng anxiety si Kanny at medyo nawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ni Knight.But years later, kung saan nakabangon na si Kanny at tanggap niya nang hindi na babalik si Knight, saka naman nagpakita si Knight. Dahil natapos na ang kanyang misyon. Muli kaya silang magkabalikan at maging masaya kung sa pagbalik ni Knight ay ikakasal na si Kanny sa taong tumulong sa kanya kung paano ituloy ang kanyang buhay? Ipaglalaban ba ni Knight si Kanny, gayong masaya na si Kanny sa piling ni Doktor Isagani? Sino ang pipiliin ni Kanny? Si Knight na una niyang minahal ngunit biglang naglaho? O si Isagani na hindi siya iniwan sa mga panahon na nawalan na siya ng ganang mabuhay sa mundo? Could it be Kanny give another chance to Knight? Dahil kahit ilang taon man ang lumipas mahal niya pa rin ito. Or Kanny will still choose Isagani dahil isang mabait, marespeto, at hindi siya iniwan at lagjng nariyan lang sa kanyang tabi. Tunghayan natin ang pag-iibigan na kayang ipaglaban at isakripisyo ang pagmamahal at sariling kaligayan para sa kaligtasan ng buong bayan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
KANY "Hello Philippines! It's nice to be back again." Malakas ko'ng sigaw paglabas ko ng Laguindingan airport. After 15 years sa wakas nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Hindi ko pinansin ang mga tao na nakatingin sa akin. Basta gusto ko lang maging masaya dahil ang sarap talaga sa pakiramdam kapag makabalik muli sa bansang sinilangan. 3 years old pa lang ako nuon n'ong pumunta kami ni Mama sa Canada para sumunod kay Papa dahil duon si Papa nag ta-trabaho sa isang kompanya. Naging masayang buhay namin kaya sa Canada na kami nanirahan. At sa Canada na rin ako nag-aaral. Second year college na ako ngayon sa kursong Business Management. Semistral break namin kaya napili ko'ng magbakasyon sa Pilipinas. Kahit bata pa ako n'ong umalis ako dito sa Pilipinas. Hindi ko pa rin makalimutan ang Lugar kung saan ako ipinanganak. Excited na ako'ng mamasyal sa lugar ni Kuya Jonathan dahil malapit na ang fiesta sa kanila. Ang araw ng Banisilan ang kanilang tema. Unang beses ko pa lang magbakasyon dito. Mabuti nalang pinayagan ako ni Mama at Papa dahil na rin kay Kuya Jonathan. Dahil pina-alam ako ni Kuya Jonathan kay Mama at Papa. Ang pogi ko'ng pinsan na paborito ko at mahal ako. Saka ayaw ko sa Davao pumunta para magbakasyon. Wala ako'ng ka close na iba ko'ng kamag-anak. Mas gusto ko sa bahay ni Kuya Jonathan sa Banisilan. Saka gusto ko din samahan muna si Kuya dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin nakita si Ate Mia. Hindi pa naman kami ni Ate Mia nagkakilala sa personal o kahit sa cellphone. Pero na i-kwento na ni Tita at Tito sa akin ang tungkol sa nangyari kay Kuya Jonathan at Ate Mia. Sana lang talaga sa kanilang pagkikita muli, maging sila pa rin. Mabuti nalang pa unti-unti nang nakabangon si Kuya. Excited na ako'ng mayakap siya at makita ang kanyang Jona Mia bakeshop. Mahilig ako'ng mag bake pero mas mahilig ako'ng kumain. Pero kahit mahilig ako'ng kumain, sexy pa rin ako at hindi tumataba. Pero ang isang kilala ko'ng Kanny mataba. Napangiti nalang ako sa aking iniisip. Habang naghihintay ako ng sundo ko, umupo muna ako sa waiting area at nag iisip ng una ko'ng gagawin kapag makarating na ako sa bahay ni Kuya. Sinabi ni Kuya Jonathan kanina n'ong nasa Manila airport ako, on the way na daw siya. Pero parang ang on the way niya, ay baka nasa bahay niya pa lang siya. Kaya hihintayin ko nalang siya hanggang sa dumating siya. After 30 minutes nakatanggap ako ng message mula kay Kuya Jonathan na nasa tapat na daw siya ng airport. Nizzan pickup ang kanyang sasakyan na kulay puti. Kaya tumayo ako upang hanapin ang sinasabi niyang sasakyan. Nang makita ko, kumaway ako, bumukas ang bintana kaya sure na si Kuya Jonathan na nga . "Kuya." Sigaw ko. Parang ako lang ang tao kung maka sigaw. Lumabas ang ulo ni Kuya Jonathan at ngumiti sa akin. Pagkatapos bumisina si Kuya Jonathan para i-park ang kanyang sasakyan. Kaya naghintay ako dahil hindi ko kaya ang apat na luggage ko'ng dala. Isa lang naman kasi ang gamit ko. Ang tatlong luggage ay mga pasalubong ko sa mga pamilya namin na pinadala ni Mama at Papa sa mga kamag-anak namin sa Davao. Sasamahan naman daw ako ni Kuya pumunta sa Davao sa susunod na araw para bisitahin din si Tita at Tito na magulang ni Kuya. Nang makalapit si Kuya Jonathan niyakap ko siya kaagad. NagNlambitin pa ako sa kanya saka hinalikan siya sa pisnge. Kahit sa cellphone lang kami nag-usap ni Kuya, sobrang close kami sa isa't-isa. Ginulo niya lang aking buhok saka sinabi na dadalhin niya muna ang luggage ko sa kanyang sasakyan. Kinuha ko ang isa, at ang dalawang luggage kay Kuya. Pagkatapos mailagay ni Kuya ang apat na luggage sa likuran ng kanyang sasakyan. Pumasok na rin kami sa loob ng kanyang sasakyan. "Salamat Kuya, akala ko gabi mo pa ako susunduin. Limang oras na kaya ako naghihintay." Nakangiti ko'ng sabi pagpasok namin sa kanyang sasakyan. "Joke lang Kuya. Salamat Kuya. Na-miss kita Kuya." Malambing na sabi ko saka yumakap ako ulit kay Kuya Jonathan. "Parang bata ka talaga. Na-miss din kita. Kamusta ang byahe? Kamusta sila Tita? Ma traffic kaya na late ako ng dating. Kumain ka na ba?" Tanong ni Kuya habang inaayos ang kanyang seatbelt. "Hindi pa ako kumain Kuya, pero hindi pa naman ako nagugutom. Excited na akong makarating sa bahay mo. Ikaw Kuya, baka nagugutom ka na. Pwedi ka naman muna kumain. 3 hours pa naman ang byahe natin." Ani ko sa kanya. "Hindi pa naman ako gutom." Sagot ni Kuya saka pina-andar na ang kanyang sasakyan. At nag-umpisa nang bumyahe. "Kuya kamusta ka? Hindi mo pa rin ba alam kung nasaan si Ate Mia?" Tanong ko kay Kuya habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Malakas siyang bumuntong hininga saka nagsalita. "May lead na ako, ko'ng saan siya. Naghihintay lang ako na bumalik siya. Gusto ko muna siyang bigyan ng oras. Pero kapag dumating siya, hindi ko na hahayaan na umalis siya." Sagot ni Kuya sa malungkot na boses. Tumango naman ako sa sinabi ni Kuya. "Mabuti naman Kuya, para maging happy ka na ulit. Saka kailangan mo nang magpa gupit ng buhok Kuya. Ang pangit mo na, baka kapag makita ka ni Ate Mia, sa halip na magustuhan ka ni Ate Mia. Mas lalong lalayo siya kapag makita ka kapag ganyan ang hitsura mo." Natatawang sabi ko. Dahil ang haba ng kanyang buhok at balbas. Pero kahit ganun ang hitsura ni Kuya gwapo pa rin siya. "Tsk!" "Baka gusto mo'ng ihatid kita sa Davao at duon ka nalang. Ayaw ko pa naman ng maingay sa bahay." Napanguso nalang ako saka tumingin sa labas. Ang ganda talaga ng Lugar ng Mindanao. Kaya kung papiliin ako, kung saan ako manirahan. Mas gusto ko dito sa Mindanao. "Kuya, pwedi na ba ako'ng mag boyfriend?" Pagkuwan na tanong ko. Wala kasi ako'ng maisip na sasabihin. Parang hindi kasi ako mapakali kapag hindi ako makapag salita. Parang nanghihina ako kapag matagal na hindi ako makapag salita. Hindi naman ako tsismosa. Basta gusto ko lang may kausap palagi. "Kung ganyan ang ugali mo na parang bata, baka walang may magkagusto sa iyo. Saka bawal ka pa'ng mag boyfriend. Kailangan muna tapusin mo ang pag-aaral mo. Saka ang hirap ngayong panahon. Mahirap makahanap ng totoo lalaki kagaya ko." Wika niya, ngunit napangiti siya sa huli niyang sinabi. "Grabi Kuya, akala ko pa naman makahanap na ako dito. Pero tama ka Kuya. Gusto ko maging boyfriend ang katulad mo. Idol kita saka ikaw talaga ang paborito ko'ng pinsan. Kaya kapag wala ako'ng mahanap na kagaya mo. Hindi ako mag bo-boyfriend. Basta mahanap mo lang si Ate Mia para maging happy ka na ulit." Nakangiti na sabi ko sa kanya. "Kuya marami ka ba'ng tauhan sa bakeshop mo. Saka bakit ganun ang pinili mo'ng negosyo? Pa'ng babae kasi." Curious ko'ng sabi. "Para kay Ate Mia mo kasi, saka malaman mo kapag maka punta ka duon." "Saka ako lang naman ang pinsan mo, kaya ako lang talaga ang magiging paborito mo. Saka kapag may iba ka pa'ng pinsan, hindi mo naman sila kasundo dahil ang ingay mo. Ako lang naman ang makatiis ng ingay at ka kulitan mo." Pa ngiti-ngiti niyang sabi. Kaya inirapan ko nalang siya at bumalik ng tingin sa labas. Habang tumitingin ako sa dinadaanan namin. Medyo nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa upuan hanggang sa hindi ko namalayan. Napa himbing na pala ang aking tulog. Nagising nalang ako ng naramdaman ko'ng may tumapik ng mahina sa aking balikat. Pagmulat ng aking mata, nasa tapat na kami ng bahay. Nakita ko si Kuya Jonathan na nasa labas na ng sasakyan. Naka suot na siya ng kulay puti na t-shirt at basketball short. "Nandito na tayo, para ka'ng mantika ko'ng makatulog. Natapos ko nang ipasok sa loob ang apat na luggage. Nakaluto na ako ng lunch natin. Tulog ka pa rin. Kung hindi kita ginising baka hanggang gabi dito ka pa rin sa loob ng sasakyan. Bumaba ka, at sa kwarto mo nalang ikaw magpatuloy sa pag tulog. Pero kung nagugutom ka na. Kumain ka muna bagal matulog ulit. Pupunta ako mamaya sa opisina. Kaya kapag hindi mo ako makita, huwag mo na akong hanapin. Feel at home habang nandito ka sa bahay ko." Saad ni Kuya Jonathan. "Salamat Kuya." Pasalamat ko kah Kuya Jonathan saka. Bumaba ng kanyang sasakyan. Para pumasok sa kanyang bahay. Mag-isa lang siya, pero ang laki ng kanyang bahay. Parang may sampung anak si Kuya sa laki ng kanyang bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook