bc

KUYA MAX (SPG): RATED X SERIES #1

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
family
HE
age gap
second chance
stepfather
heir/heiress
drama
tragedy
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Si Max Maverick McKenzie, 37 taong gulang at CEO ng MaxMav corporation. Tumigil siya na maniwala sa forever matapos ipagpalit at ipalaglag ng ex-fiancée ang anak nila. Biglang dumating si Katie Garcia, mas bata sa kaniya, maganda, mabait, at muling binigyan ng init ang kaniyang matigas na puso. Pero isang aksidente ang nagbura ng alaala niya at nakalimutan niya si Katie.Ngayong bumalik na ang alaala ni Max, may pag-asa pa ba silang dalawa? O huli na para habulin ang pag-ibig na minsan niyang binitawan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
KATIE Habang naka sandal ako sa upuan sa aming sala dahil nagpapahinga ako pagkatapos ko'ng ayusin lahat na mga gamit ko. Umupo si Mama sa tabi ko na galing kusina. Alas dos ng hapon kaya siguro manuod siya ng kaniyang paboritong palabas sa tv. "Kat, naayos mo na ba lahat na dadalhin mo? Baka bukas mo pa ayusin kung saan aalis ka na? Tandaan mo Katie dalaga ka na at kasama mo na bukas ang Kuya Max mo. Strikto iyun at ayaw sa mabagal at dugyot. Saka kahit lalaki siya gusto niya ang malinis na bahay at hindi na kailangan pa'ng mag utos kung ano ang gagawin. Kaya kailangan mo'ng baguhin ang sarili mo dahil wala ka na sa bahay." Paalala ni Mama sa akin. Bukas na kasi ako luluwas ng Manila, para maging personal assistant ni Kuya Max. Hindi pa kami nagkita at nagkakilala ng personal ni Kuya Max. Gusto ni Mama na Kuya ang tawag ko sa kaniya dahil iyun ang sabi ni Mama. Si Kuya Max, ang sponsor ko sa aking pag-aaral pati sa kapatid ko mula ng mamatay si Papa. Si Papa ang personal body guard at driver ni Kuya Max. Habang si Mama daw ang ay nag trabaho sa mansyon ng mga magulang ni Kuya Max at duon nagka kilala si Papa at Mama kaya sila naging mag-asawa. Nang mag-asawa si Mama at Papa. Tumigil si Mama sa pag trabaho nang pinagbubuntis niya ako. Pero si Papa nanatiling driver ni Kuya Max. Bata pa lang kami ng kapatid ko ng naaksidente daw ang sinasakyan ni Papa at ni Kuya Max kaya binawian ng buhay si Papa. Kaya mula nuon ang mga magulang ni Kuya Max na ang nagbigay ng pag-aaral sa amin ng kapatid ko. Pero n'ong naging CEO na si Kuya Max siya na ang nagbibigay kay Mama. May naipon naman si Mama at napundar n'ong buhay pa si Papa kaya hindi rin nahirapan si Mama na alagaan kami. Kahit masakit na nawalan kami ng haligi ng tahanan kailangan pa rin namin bumangon. Fresh new graduate ako bilang Doktor dahil iyun talaga ang pangarap ko. Sinabi ko kay Mama na gusto ko muna magpahinga ng dalawang buwan bago kumuha ng board exam. Sakto daw na naghahanap si Kuya Max ng personal assistant kaya sinabi ni Mama kay Kuya Max na ako nalang daw muna. Kahit ayaw ko sana, kaya lang nakahihiya naman Kay Kuya Max dahil malaki ang utang na loob namin sa kaniya. Kaya bukas na ako luluwas ng Manila para magsimula sa trabaho bilang personal assistant. Duon na rin daw ako titira sa condo ni Kuya Max kasama siya. Hindi ko pa nakita kahit isang beses si Kuya Max kaya naisip ko na baka matanda na siya katulad ni Papa. "Opo ma, lahat na gamit ko naayos ko na. Saka lahat ng bilin mo tatandaan ko Ma. Saka magtrabaho ako ng maayos, nakahihiya naman po Kay Kuya Max kapag kukupad kupad ako. Baka mas lalo siyang tumanda." Natatawang sabi ko. "Ikaw na bata ka, hindi pa matanda ang Kuya Max mo. Basta ang mga bilin ko tandaan mo. Iwasan ang pagka loka-loka mo duon. Saka bawal muna mag boyfriend." Paalala muli ni Mama. "Opo Ma, kailangan ko muna maging Doktor bago mag-asawa. Saka gusto ko afam." Natatawang sabi ko kaya kinurot ako ni Mama sa tagiliran. "Mama naman ang sakit kaya. Nagbibiro lang naman, saka malay mo afam ang magiging manugang mo. Instant millionaire ako. Hindi ko na kailangan mag trabaho." Pagbibiro ko ulit saka tumakbo na dahil handa ulit ako'ng kurutin ni Mama. Tinawag niya pa ako, ngunit ningitian ko lang siya at dumiretso sa labas. Gusto ko muna mag lakad-lakad sa labas sa huling araw ko dito. "Ate, bakit parang may humahabol sa iyo? Saka ready ka na ba bukas?" Tanong ni Mat nang makasalubong niya sa ako sa pinto. May hawak siyang bola at may basa ng pawis, kaya tiyak galing siya sa basketball court. Si Matteo ay nasa second year college na rin at kumuha ng engineering. "Gusto ko lang lumabas para maglakad lakad. Gusto ko lang sulitin ang araw ko dito bago ako umalis bukas. Saka ready na ako bunso." Sagot ko saka lumabas na ng bahay. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ko na si Kristen. Graduate na rin siya bilang teacher at naghihintay rin siya para sa kaniyang board exam. Kaya pumunta kami sa parke na malapit lang para mag chikahan muna. Sakto may ihaw-ihaw na nagtitinda kaya bumili muna kami bago pumunta sa swing at umupo. "Girl aalis ka na talaga? Iiwan mo na talaga ako. Paano break na tayo?" Pag da-drama ni Kristen kaya natampal ko siya sa balikat. "Bruha ka, kapag may makarinig akala nila totoo. Baka ma trending pa tayo. Alam mo naman na ang bilis ng tsismis. Mabilis pa sa kasong Maleta scandal." Natatawang sabi ko kaya napatawa rin siya. "Pero seryuso ma-miss kita Kat. Saka mag-ingat ka duon. H'wag mo ako'ng kalimutan. Chat tayo palagi." Aniya. "Oo naman, Ikaw kaya ang kaibigan ko kaya hindi kita makalimutan. Saka good luck sa board exam mo ma'am. May teacher na akong kaibigan." Nakangiti na sabi ko. "Ako rin may Doktor na rin na kaibigan kaya good luck din sa iyo." Aniya. "Maraming salamat Ten. Ma-miss rin kita. Mag-ingat ka rin dito. Saka kapag may manligaw sa iyo kailangan ko muna makilatis kung pasado ba siya sa akin." Pa ngiti-ngiti ko'ng sabi. "Oo naman, saka ikaw rin, kapag may manligaw din sa iyo kailangan ko din muna makilatis kung pasado rin ba siya sa akin." Sagot ni Kristen kaya nag apir kaming dalawa. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap habang kumain ng isaw, beta max, paa ng manok, leeg ng manok saka hotdog. Bumili rin kami sa dumaan na nagtitinda na buko juice. Unti-unti na rin dumarami ang mga tao sa parke dahil hapon na. Pagkaubos namin kainin ang kinakain namin. Naglakad lakad kami si Kristen para mag selfie. Kahit ano nalang ang ginagawa namin para Marami kaming memories na magkasama. Alas-sais na ng gabi kami naghiwalay para umuwi. "Ba-bye Kat. Mag-ingat ka bukas. Hindi na kita maihatid dahil bukas din ang alis namin papunta sa family reunion." Saad ni Kristen. "Salamat Ten. Mag-ingat ka rin dito. Saka enjoy sa family reunion niyo. Sige na ba-bye na. Baka makurot na naman ako ni Mama sa singit dahil gabi na." Natatawang sabi ko. Kaya napangiti rin si Kristen. Nagyakapan kami saka tuluyan nagpaalam sa isa't-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
726.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
962.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
348.9K
bc

Not just, the Beta

read
343.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook