CHAPTER ONE
THIRD PERSON
"Mahal ko! Paki-usap umalis ka na! Kailangan mo ng iligtas ang sarili mo malapit na sila." Umiiyak na pakiusap ni William kay Maribel. Alas otso ng gabi kaya naisipan na nilang umalis. Isang lider ng mga rebelde si William ngunit mas pinili niyang sumama sa kanyang kasintahan upang magbagong buhay. Ngunit naka tunog ang mga kasamahan ni William kaya sila nasundan.
"Mahal ko! Bakit kailangan mo pang magpa iwan? Sumama ka na sa akin, tayo na! Hindi ko kaya na magkalayo tayo.. Paparating na ang mga tauhan ni Lolo para tulungan tayo. Kaya pakiusap mahal ko! sumama ka na sa akin." Umiiyak na pakiusap din ni Maribel kay William. Balak na sanang sumama ni William kay Maribel sa kanilang lugar para magbagong buhay. Ngunit naka tunog ang mga kasamahan niyang mga rebelde sa kanyang pag-alis sa grupo. Limang buwan makalipas ang medical mission ng grupo ni Maribel sa South Cotabato. Bumalik siyang mag-isa sa lugar para mag medical mission ulit. Dahil kailangan ng mga bata ng check-up at vitamins. Bumalik siya hindi lamang sa mga bata kundi kay William. isang taon na silang magkasintahan ngayon. Kahit nuon na bago pa lang silang nagkita at nagkakilala. Lalo na magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan. Pareho nilang minahal ang isa't-isa. Isang lider ng mga rebelde si William na kumakalaban sa mga militar para sa kanilang prinsipyo at panindigan. Kahit anong pigil ng naramdaman nila sa isa't-isa ay hindi talaga nila mapigilan ang kanilang puso na mahalin ang isa't-isa. Kaya pinili ni William ang pagmamahal niya kay Maribel kaysa kanyang mga kasamahan at paniniwala. Pina-ngako naman sa kanya ni Maribel na hindi siya nito pababayaan. Humingi ng tulong si Maribel sa kanyang Lolo na isang General para matulungan si William at ang mga hinaing ng kanyang mga kasamahan. Lalo sa kanilang mga lupa na pilit kinukuha ng mga gobyerno. Minsan hindi din masisi ang mga rebelde dahil hindi naman lahat masama. Ngunit maraming gahaman ang nasa position na namumuno sa gobyerno. Kaya sila nanindigan na walang batas kundi ang tanging kamatayan ng mga nasa position ang tanging nasa isip nila. May mga kasamahan si William na sumang-ayon sa plano ni William. Ngunit mas marami ang tumututol lalo na si Arturo. Dahil sa kanilang paniniwala na may mga traidor sa kampo ng mga Militar. At tanging kamatayan lamang ng mga militar at may mataas na katungkulan sa gobyerno ang kanilang nais.
"Dito sila dumaan, hanapin niyo. H'wag niyo silang hayaan na makatakas. Bilisan niyo, hindi tayo papayag na iiwan nalang tayo ni Ka William ng basta-basta. Matagal ng panahon na nakipag laban tayo sa ating mga karapatan. Dahil lang sa isang babae na taga nayon, ay ipagpalit tayo ni Ka William." Narinig nila ang boses ni Arturo ang nag lider-lideran sa grupo at may sariling masamang llano laban kay William. Sa sobrang takot ni Maribel mas lalong humigpit ang kanyang yakap kay William. Pilit naman na kinukuha ni William ang kamay ni Maribel sa kanyang kawatan upang maka alis na.
"Mahal ko, pakiusap umalis ka na. Kailangan mo na talaga makalayo dito. Ako na ang bahala sa sarili ko." Pakiusap ulit ni William. Ngunit umiling lamang si Maribel.
"Mahal ko! huwag ng matigas ang ulo. Lagi mo'ng tandaan kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Kailangan mo'ng iligtas ang sarili mo. Sige na tumakbo ka na. Dumiretso ka lang huwag na huwag kang lilingon kahit anong mangyari o ano ang maririnig mo. Hindi nila ito alam na daan. Pagdating mo sa labas ng gubat may makita kang maliit na bangka. Sumakay ka kaagad, heto makatulong ito sa'yo. Kapag may makasalubong ka, kaagad mo'ng barilin. Alam mo naman kung paano humawak at bumaril dahil ilang beses na kitang tinuruan nito."
"Pero mahal ko, hindi ko kaya na iwan ka. Sumama ka nalang sa akin. William please I'm begging you!' Umiiyak na saad ni Maribel.
"Mahal ko! kapag sumama ako. Baka mahuli nila tayo. At kapag nagkataon na mahuli nila tayo. Baka ano pa ang gagawin nila sa'yo. Kilala ko ang ugali ng mga kasamahan ko. Mga hangal ang kanilang kaluluwa mahal. Baka gahasain at pag pasa-pasahan ka nila sa harapan ko. Kaya iligtas mo na ang sarili mo pakiusap. Kailangan ko silang iligaw para hindi ka nila masundan. Tandaan mo habang buhay ako. Ikaw at Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Kaya Mahal ko! umalis kana." Saad ni William at siniil niya muna ng maalabaab at mapusok na halik si Maribel bago ito tinulak palayo. Dahil naririnig na ni William ang mga yapak palapit sa kanilang kinaruruonan. Kaya kahit masakit sa kalooban ni Maribel yumakap muna siya at humalik kay William bago ito umalis. Dahil naisip niya na baka nga tama si William na parehas silang mamatay kapag maabutan sila. May tiwala siya kay William na maka ligtas ito. Sumiksik si Maribel sa malaking puno na may makapal na mga damo. Dahil narinig niya ang sigaw ng mga kasamahan ni William.
"Andun siya bilisan niyo. H'wag niyo siyang hayaan makatakas ang traidor na 'yan. Kailangan siyang maparusahan." Narinig ni Maribel na sigaw ni Arthuro. Maya-maya narinig ni Maribel ang boses ni William.
"Patayin niyo ako Arturo. Hindi ako natatakot na mamatay dahil wala akong kasalanan sa inyo. Kinausap ko kayo para magbagong buhay pero ayaw niyo. Alam ko naman na matagal ka nang may galit sa akin. Kaya n'ong nalaman mo'ng may plano akong umalis sa ating samahan. Ginawa mo ang pagkakataon upang bilogin ang ulo ng mga kasamahan natin. Na gusto din sana magbagong buhay. Oo ina-amin ko matagal na tayong nakipag laban para sa prinsipyo natin..Ngunit naisip ko din na hindi pakipag laban o pakipag p*****n ang solusyon sa pakipaglaban natin sa ating mga karapatan. Kaya nga nakiusap ako sa inyo na payagan niyo akong lumuwas ng bayan upang humarap sa lider ng militar at sa may mataas na katungkulan upang mag kaisa tayo. Upang maging mapayapa ang ating buhay kasama ng mga pamilya natin." Turan ni William kay Arturo.
"Dahil sa pagmamahal mo sa taga bayan naging tanga ka. Walang tutulong sa akin kundi tayo lamang. Kaya kung gusto mo'ng iwanan kami at mas gusto mo'ng sumama sa babae mo. Pwes hindi kami makapapayag na iniwan mo lang kami ng ganun-ganun lang. Mas mabuti pa'ng patayin ka nalang namin." Matigas na sambit ni Arturo habang tinututukan ng baril si William. Kahit na nanginginig si Maribel sumilip pa rin siya upang tingnan si William. Madilim ang paligid ngunit sa sinag ng buwan makikita ni Maribel si William. Nakita niyang nakaluhod ito habang may tali sa kamay at paa. Nanlaki ang kanyang mata ng makita niyang pinalo ni Arturo si William sa ulo gamit ang mahabang baril. Tinakpan ni Maribel ang kanyang bibig upang hindi marinig ang kanyang pag-iyak. Gusto niyang tulungan si William ngunit wala siyang magagawa dahil sobrang marami ang mga kasamahan ni Arturo. Maya-maya pinalo ulit ni Arturo si William. Nakita ni Maribel na napa ubo si William at may lumabas sa dugo sa kanyang bibig.
"Hayop ka Arturo. Patayin mo na ako. Dahil sa oras na binuhay mo pa ako. At makaligtas ko sa mga kamay mo. Ako mismo ang papatay sa'yo." Sambit ni William habang pini-pilit na ibuka ang kanyang bibig. Lihim na nagdadasal si William na sana nakalayo na si Maribel at hindi mahuli ng kanyang mga kasamahan.
"Huwag kang atat Ka William dahil papatayin talaga kita. Pagkatapos hanapin ko ang Doktor mong kasintahan. At kapag nakita ko siya, pagsasawaan ko muna ang kanyang katawan bago isunod sa'yo." Sambit ni Arturo at humahalakhak na parang demonyo. Bigla nakaramdam ng takot at kaba si Maribel sa narinig. Kaya dahan-dahan siyang gumapang upang makalayo sa lugar. Ngunit biglang gumuho ang kanyang mundo ng makarinig siya ng sunod-sunod ng putol na baril. Dahil sa kanyang pag lingon nakahandusay si William sa lupa habang naliligo sa sariling dugo na wala ng buhay. Sobrang nanghihina ang buong katawan ni Maribel sa nangyari kay William. Kaya kahit pakiramdam niya mawalan siya ng malay pilit niyang nilakasan ang kanyang loob at sinunod ang sinabi ni William sa kanya. Habang papalayo siya. Nakarinig siya ulit ng maraming putok ng baril. Sa sobrang hina na ng kanyang katawan. Sumiksik siya sa isang malaking bato upang magtago.
"I love you William, Mahal ko! " Huling sambit ni Maribel ng mag dilim ang kanyang paningin at tuluyan siyang nawalan ng malay.