MARIBEL
AFTER FIVE YEARS
"Wife, Iniisip mo naman ba siya? Umiiyak ka na naman. Napanaginipan mo naman ba siya?" Malumanay na tanong ni Jefferson ang aking asawa. Tama ang nabasa niyo may asawa na ako. Nang gabi'ng nangyari ang pag patay kay William ng kanyang mga kasamahan. Nang mawalan ako ng malay, pag-gising ko nasa kama na ako naka higa. Limang taon na ang nakaraan pero hindi pa rin mawala sa isipan ko si William lalo na sa aking puso. Kahit mahal ko pa siya, napilitan akong magpakasal kay Jefferson para sana mawala sa isip ko si William. Nagpasalamat ako kay Jefferson na nan'dyan siya sa tabi ko para tulungan ako'ng makabangon sa bangungot na pinagdaanan ko sa aking buhay. Alam niya din ang tungkol sa aking nakaraan. Si Jefferson ang tumulong sa akin at nagdala sa kanyang bahay. Napaka bait niya at husband material. Kaya kahit hindi ko siya mahal, hindi ako nag-sisi na pinakasalan ko siya. Hands on siya sa akin at sa apat na taon naming pagsasama wala pa'ng nangyari sa amin. Magkatabi kami sa pagtulog ngunit hanggang yakap at kiss lang ang namagitan sa amin. Handa daw siyang maghintay kung kailan ko, kusang ibigay ang aking sarili sa kanya. Kaya sobra ako'ng nagpasalamat sa kanya dahil sa may respito siya sa akin at ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa akin.
"Hubby nandito ka na pala..I'm sorry kung hindi ko maiwasan. Kamusta ang trabaho mo hubby!? Pagod ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kararating ko lang din galing sa hospital na pinag trabahuan ko. Kahit sinasabi niya na huwag na akong magtrabaho ay gusto ko pa din magtrabaho dahil kapag nandito lang ako sa bahay. Mas lalo ko lang isipin si William. Yumakap si Jefferson at humalik sa akin bago tumabi ng upo.
"A little bit, Wife. Ikaw napagod ka ba? Kamusta ang trabaho mo?" Malambing niyang tanong sa akin.
"Okay lang hubby. Nag i-enjoy nga ako sa aking trabaho. Mas nawala ang kaba at takot na naramdaman ko. Salamat hubby sa pag intindi mo sa akin. Promise from now on, hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya. Salamat sa pagmamahal mo, Hubby." Malambing ko'ng sabi at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Wow! nagpapa lambing ang asawa ko. Alam mo naman na mahal kita. Simula n'ong pinakasalan kita, pina-ngako ko na samahan kita sa hirap at ginhawa. Kaya palagi kitang intindihin. Kaya huwag ng umiyak, okay? Ano ang gusto mong kainin ipagluto kita." Tanong niya habang inaayos ang magulo ko'ng buhok.
"Kaya nga hindi ako nag-sisi na pakasalan ka dahil the best husband ka. Thank you hubby." Ani ko at hinalikan siya sa kanyang labi. Hinaplos niya ako sa aking ulo at tumugon sa aking mga halik. Patuloy kami sa paghalikan hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang kamay na pumipisil sa aking baywang. Kumapit din ako sa kanyang leeg at mas lalong dumikit sa kanya. Ngunit maya-maya tumigil siya at inayos ang akin buhok.
"As much as I want you, wife. But not now, gusto ko na angkinin ka, kapag ready ka na para sa akin. I know na mahal mo pa rin ang ex mo. Gusto ko na kapag ibigay mo na ang iyong sarili sa akin, ako nalang. Kaya handa ako'ng maghintay kung kailan wife. Hindi kita minamadali. I always understand you. I love you, Maribel." Aniya at hinalikan muli ako sa aking labi. Pagkatapos tumayo siya para magpaalam na magbihis upang mag luto ng aming hapunan. Pagka alis niya,. napaisip ako kung makalimutan ko nga ba si William? Dahil kahit anong gagawin ko. Hindi ko talaga siya makalimutan.
Kahit na perfect husband si Jefferson Xantander isang CEO ng oil kompanya dito sa Pilipinas at ibang bansa. He blessed with a great physique, sobrang puti at linis ng kanyang kutis na parang mas malinis at makinis pa sa akin. Ang tangos ng ilong, kulay abo ang kanyang mata dahil may lahi siyang half German. He has a kissable lips at alaga ang katawan sa gym. Kaya masasabi ko, na kaya Jefferson na ang katangian ng isang lalaki na halos pangarap ng mga kababaihan. Pero kahit napaka perfect niya. Mas lamang pa rin sa puso ko si William. Minsan nga na gi-guilty na ako. Dahil si Jefferson ang katabi at kayakap ko sa aking pagtulog. Subalit napanaginipan ko pa rin si William at sinasambit ang kanyang pangalan. Kahit naririnig ni Jefferson, ngunit ang tanging sinasabi niya lamang ay it's alright, makalimutan mo din siya. Kaya sobrang swerte ko na nakatagpo ako ng isang Jefferson Xantander. Habang nasa malalim ako ng pag-iisip. Nagulat ako ng may tumikhim sa aking likuran. Si Jefferson na nakasuot na ng pambahay. Kaya kaagad ako'ng tumayo upang sumama sa kanya sa kusina. Dalawa lang kami dito sa kanyang condo sa Manila. Mas pinili ko na dito manirahan sa Manila kaysa sa aming Lugar sa Masbate. Simula n'ong nagising ako n'ong gabi'ng 'yun. Ayaw ko na bumalik sa Masbate. Hindi na rin ako nagbukas ng social media. Ayaw ko na may malaman tungkol sa mga Rebelde nuon kung ano ang nangyari sa kanila. Tanging si Mommy at Daddy lamang ang aking tinatawagan. May kapatid ako na Doktor din at duon siya sa hospital ng Mindanao naka assign. Pero balita ko uuwi daw siya upang ipakilala ang kanyang boyfriend at gusto na nilang magpakasal. Kaya sa susunod na linggo uuwi kami ni Jefferson sa Masbate.
"Wîfe, kung ice cream lang ako. Kanina pa ako natunaw sa lagkit ng titig mo sa akin." Sambit niya n'ong tumingin siya sa akin. Nandito na kami sa kusina habang siya ang naghahanda na kanyang lulutuin. Ako naman ay nakaupo lamang. Nakatingin lala ako sa kanya habang iniisip ang pagpunta namin sa Masbate.
"Ang gwapo mo kasi Hubby. Kaya hindi ko maiwasan na titigan ka." Ani ko parang hindi na siya mag-alala. Baka isipin niya naman na iniisip ko si William. Ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Sa'yo lang ito ang ka gwapuhan ko wife. Kaya malaya mo ako'ng titigan hanggang gusto mo. Ikaw lang ang makakita ng ka gwapuhan ko." Pilyo niyang sabi sabay kindat sa akin. Kaya yumakap ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
"Ano ba ang lulutuin mo hubby?" Malambing ko'ng tanong sa kanya.
"Basta ako ang bahala, umupo ka lang muna dito para makapag simula na ako sa pagluluto. Alam kong pagod ka, kaya kailangan maging masarap ang lulutuin ko." Aniya at bumalik na sa kanyang ginagawa.
"Kailan ba naman hindi masarap ang niluluto mo. Lahat naman ng luto mo masarap. Gwapo na, isang CEO pa, matalino at masarap pang mag luto kaya super perfect husband ka na talaga hubby." Ani ko sa kanya.
"Talaga ba? I'm perfect husband? So you already love me?" Tanong niya, kaya bigla akong na tahimik at umiwas ng tingin sa kanya.
"I know wife. And it's okay." Aniya at nagpatuloy sa kanyang pagluto.
"Wife, Let's eat." Yaya niya sa akin ng matapos niyang ihain sa mesa ang pagkain. Ang bango at mukhang masarap. Nilagyan niya ako ng kanin at ulam sa aking plato. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Uhm! Ang sarap hubby." Sambit ko n'ong sinubo ko na ang sweet and sour fish.
"Syempre para sa Reyna ko. Sasarapan ko talaga. Kaya kahit pagod ako, gusto ko pa rin ipagluto ang Reyna ko. Mahal na mahal kita Maribel." Aniya at sinubuan ako ng kanin. Hindi ko naman maiwasan na mamula ang aking pisnge. May puwang na rin sa puso ko si Jefferson ngunit mas lamang pa rin sa puso ko si William, dahil siya ang first love at first boyfriend ko.
"Wife, paano kung buhay pa pala si William? Diba hindi nakita o natagpuan ang kanyang bangkay? Naki balita ako nuon sa nangyari. Pero wala akong nakita o nalaman na libing ang katawan ni William." Tanong ni Jefferson sa akin n'ong nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Nagulat ako kung bakit naisipan niyang itanong sa akin.
"Paano nga ba kung buhay si William? Ano ang gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili.
"I'm sorry Wife kung nagtanong ako. Bigla kasing sumagi sa isipan ko. Kaya gusto ko lang malaman kung buhay nga si William at bumalik sa'yo. Sino ang pipiliin mo?" Hindi ako kaagad nakasagot sa kanyang tanong. Kaya napansin ko ang pagka dismaya sa kanyang mukha.
"Sino ba ang kasama ko ngayon? Sino ba ang nasa harapan ko ngayon? Sino ba ang asawa ko?" Tanong ko sa kanya.
"Talaga ako Ang pipiliin mo?" Tanong niya na parang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Ikaw ang pipiliin ko, dahil ikaw ang Asawa ko." Ani ko at sinubuan siya ng ulam.