bc

I'M in love with my PROBINSYANA MAID

book_age18+
3.9K
FOLLOW
67.2K
READ
HE
escape while being pregnant
age gap
second chance
stepfather
sweet
lighthearted
office/work place
small town
sentinel and guide
assistant
like
intro-logo
Blurb

BLURB Si Haide ay galing sa mahirap na pamilya at panganay sa limang magkakapatid. Namatay ang kanilang mga magulang dahil sa aksidente habang nag-aani sila ng palay sa bukid. Natabunan sila ng lupa nang may mangyaring lindol sa kanilang lugar . Kaya naman naisipan ni Haide na sumama sa kanyang kaibigan na lumuwas ng Manila para magtrabaho bilang isang katulong. Upang makapag aral ang kanyang mga kapatid at mabigyan ng maayos na buhay. Ngunit sa kanyang pagdating sa Manila, isang strikto, suplado ang kanyang magiging amo na apo ni Donya Mila. Ano kaya ang magiging kapalaran ni Haide sa kamay ng kanyang amo na may lihim na pagtingin pala sa kanya. Tunghayan natin ang kwento ng pag-iibigan ng dalawang puso. Isang boss at katulong na na-in love sa isa't-isa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
HAIDE Nagising ako ng marinig ko ang iyak ng bunso naming kapatid. Kaya bumangon ako mula sa mahabang upuan gawa sa kawayan. Kakagaling ko lang sa pag-putol ng tubo. Sa sobrang pagod ko kanina pagdating ko bahay kaagad akong nakatulog. Pinuntahan ko si Mara na nasa sahig habang umiiyak. Apat na taong gulang pa lamang siya. Binuhat ko siya at hinalikan sa kanyang pisnge. Nagtaka ako kung bakit wala si Rose Rina at Tom kaya tinawag ko sila. Lima kaming magkapatid si Rose ay 14 years old, si Rina 11 years old at si Tom naman ay 9 years old. At ako naman ay 17 years old. Mula ng mamatay ang aming mga magulang n'ong nakaraang buwan ihindi na kami nakapag ng pag-aaral dahil wala kaming pera. Maraming kamag-anak namin na gustong kunin ang mga kapatid ko pero ayaw nila dahil hindi daw nila kaya na magkalayo kami. Kahit ako ayaw ko din na magkalayo kami ng mga kapatid ko. Pero nasa kanila pa rin ang desisyon pero ayaw talaga nila. Kaya tiniis ko ang pagod at init sa tubohan para kahit paano may makain kami. Namatay ang mag magulang namin habang umaani sila ng palay sa bukid dahil biglang lumakas ang ulan at lumindol. Kaya natabunan ang kanilang katawan ng lupa. Sobrang hirap n'ong nawala sila, ngunit kinaya ko ang lahat ma-alagaan lamang ang aking mga kapatid. Kaagad naman na pumasok si Tom na may mga buhangin pa sa kamay. "Ate, pasensya na po kung nagising ka sa iyak ni Mara. Humihingi kasi siya ng pagkain nagugutom na daw siya. Kaya naisipan namin ni Ate Rina at Ate Rose na kumuha ng kamote sa likod bahay. Wala na ho kasi tayong bigas Ate." Saad ni Tom. Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso. Mabuti nalang maraming mga tanim si Nanay at Tatay na kamote, kamoteng kahiy at mga gulay, kaya kahit papano may makukuha kami. Pinahiran ko ang luha ni Mara na patuloy pa rin sa pag-iyak at humingi ng kanin. Mamaya ko pa kasi makuha ang parte ko sa pag-ani ng tubo. Tapos na kasi ang anihan ng palay at mais kaya ang pagputol naman ng mga tubo ang trabaho namin. Hindi kami umakyat sa truck para ilagay ang mga tubo. Pinuputol lang namin pagtapos ang mga lalaki ang magbuhat para ilagay sa truck. Umupo ako sa upuan habang buhat ko pa rin si Mara at pinapatahan. "Baby Mara huwag ng umiyak huh. Mamaya bibili si Ate ng bigas at sardinas. Saka bibili din si Ate ng candy gusto mo ba yun?" Kausap ko sa aming bunso. "Talaga Ate, may sardinas mamaya? Yehey! sasabihin ko na kaagad kay Ate Rina at Ate Rose na mangkuha din kami ng talbos ng kamote para ilagay mamaya sa sardinas Ate." Masayang turan ni Tom. Kaya tumango ako sa kanya. Mabuti nalang kahit ano lang ang maibigay ko sa kanila wala akong reklamo na marinig mula sa kanila. "Oo Tom, kaya sabihin mo sa dalawa mong Ate na bilisan nila kumuha ng mga kamote para maluto na kaagad. Pupunta na ako kay Mang Ensing para kunin ko ang parte ko sa tubo. Kaya ikaw muna ang bahala kay Mara. Para makabalik ako kaagad." Ani ko sa aking kapatid. Medyo malayo pa kasi ang Hacienda Pula. Si Mang Ensing ang taga bigay ng sahod namin. Siya ang right hand ni Don Jose ang may-ari ng Hacienda Pula. Kailangan lang namin ipakita ang listahan kung ilan ang tubo na, na tipon namin. "Sige Ate, sandali lamang po! Sabihin ko muna kay Ate babalik ako kaagad." Wika ni Tom at kaagad na bumalik sa labas. Mabuti at tumigil naman sa pag-iyak si Mara. Binuhat ko siya papasok sa maliit naming silid para magbihis. Pagkatapos ko magbihis sakto pumasok ulit si Tom. Kaya nagpaalam na ako na aalis para maaga kong makuha kay Mang Ensing ang pera. Mabuti paglabas ko ng bahay dumaan si Mang Ben upang pumunta din sa Hacienda Pula para kunin din ang sahod niya, kaya umangkas ako sa kanyang motor. Mabuti nalang talaga mga mabait ang mga kapitbahay namin. Kaya kahit papano kampante ako na iwanan ang mga kapatid ko sa tuwing magtrabaho ako. Minsan si Rose at Rina tumatanggap ng labahan kaya kahit papano makabili kami ng galunggong. "Maraming salamat Mang Ben. Mabuti nalang naabutan kita, kung hindi hanggang ngayon lumalakad pa ako papunta dito sa Hacienda Pula Mayor." Pasalamat ko many Ben ng bumaba na ako sa kanyang motor. Nakarating kami kaagad sa Hacienda Pula. Marami na rin sa mga kasamahan namin ang nandito. "Sus wala 'yun. Hindi ko naman alam na nasa bahay niyo pa rin ikaw. Mabuti nalang sakto dumaan ako. Ang akala ko kanina ka pa pumunta dito. Sa susunod sabihin mo sa akin para madaanan kita sa inyo. Napaka bait at masipag mo talagang bata. Kaya kung nasaan man ang mga magulang mo sigurado proud na proud sila sa'yo. Kung may pera lang sana ako tutulungan ko kayo ng mga kapatid mo. Pero kita mo naman na pareho lang tayo. Kaya laban lang Haide malay mo balang araw swertihin ka din sa buhay. Kaya lagi kayong mag-ingat ng mga kapatid mo. Alam ko na ginagabayan din kayo ng mga magulang mo." Turan ni Mang Ben. Kaya hindi ko mapigilan na yakapin siya habang umiiyak. Pakiramdam ko parang may Tatay ako ngayon na kausap. "Maraming salamat ulit Mang Ben. Hayaan niyo po kapag ako makakita ng Afam at yumaman, ikaw talaga ang una ko'ng tutulungan." Pagbibiro ko sa kanya. Lagi ko kasing naririnig sa mga kasamahan ko na hahanap sila ng Afam para makaalis sila sa kahirapan. Kahit naluluha ako ngumiti ako kay Mang Ben. Ginulo niya naman ang buhok ko at niyaya na pumasok na sa Kubo upang kunin ang aming sahod. May Kubo sa gilid ng mansyon ni Don Jose kaya dito kami pumupunta sa tuwing kukunin namin ang maing sahod. Pagpasok namin pinakita ko kaagad ang aking listahan. Kaagad naman ni binigay ni Mang Ensing. Nagpasalamat ako saka sumama ulit kay Man Ben. Nagpa iwan ako sa tindahan dahil kailangan ko pa bumili ng bigas. Masaya ako dahil 700 ang binigay sa akin na sahod. Kaya bumili ako ng limang kilong bigas. Dalawang sardinas saka tatlong milo at sampong piso na asukal. Bumili din ako ng tinapay at lollipop na candy. "Nanay, Tatay salamat sa pag gabay sa amin sa araw-araw. Sana po balang araw maiahon ko din ang mga kapatid ko sa kahirapan. Nanay, Tatay miss na miss ko na po kayo. Mahal ko kayo Nanay, Tatay. Tiyak masaya mamaya ang kapatid ko pag-uwi ko dahil may bigas at ulam na akong dala." Kausap ko sa hangin na nakatingala sa langit habang nakapikit. Pagkatapos pinahiran ko ang aking luha at nag-umpisa ng maglakad pauwi sa bahay. Alas singko na ng hapon kaya sakto pag-uwi ko magluto kami para sa aming hapunan. Mabilis ang mga hakbang ko pauwi ng bahay. Pwedi naman sumakay sa trysikel ngunit sayang ang kinse pesos. Kaya bumili ako ng noodles. Pagdating ko sa bahay narinig ko ang boses ng mga kapatid ko na nag-uusap. Kaya kaagad akong pumasok sa loob ng maliit naming bahay. Nakita ko sila na nakaupo sa sahig habang nasa gitna ang kamote na kinakain nila. Nang nakita nila ako tumayo sila ng sabay at lumapit sa akin. Kinuha ni Tom ang dala kong bigas at dinala sa maliit naming kusina. Nagpasalamat silang lahat sa akin ng makita nila ang mga pinamili ko. Kinuha ni Rose sa aking kamay at tinago muna ang tinapay para bukas na lang daw nila kainin dahil may kamote naman. Niyaya nila ako na kumain ng kamote. "Ate, magpahinga ka lang muna Ate. Kami na po ang gagawa dito sa loob ng bahay. Kami na rin po ang magluto ng hapunan natin. Ate maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa amin. Kahit hindi man tayo makapag aral dito nalang kami sa bahay mag-aral Ate. Turuan nalang namin ni Rina si Tom magbasa at magsulat. Kaya Ate palagi kang mag-ingat sa trabaho mo. Mahal ka namin Ate." Naluluha na sambit ni Rose. Hindi ko mapigilan na umiyak sa kanilang harapan. Kaya lumapit sila sa akin at nagyakapan kami. Pagbalik ni Tom galing kusina yumakap din siya sa amin. Hinalikan namin si Mara dahil pumalakpak siya at tumawa ng malakas. "Mahal na mahal din kayo ng Ate. Gagawin ko ang lahat huwag lang tayo magkalayo. Kaya kunting tiis lang muna kayo huh! Malay niyo may maligaw na Afam dito at mapansin ako." Pagbibiro ko sa kanila. Kaya kahit may mga luha sa aming mga mata nakangiti kami habang pinagpatuloy ang pagkain ng kamote.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook