HAIDE
"Rose, rose! Aalis na ako. Kayo na muna ang bahala dito. Nakaluto na ako ng almusal niyo. Si Mara huwag niyong pabayaan huh! Mag-ingat kayo dito." Mahinang gising ko kay Rose. Alas kwatro na ng umaga kaya ginising ko muna si Rose para magpaalam na aalis na ako. Baka kung hindi ako magpaalam sa kanila matatakot naman sila kung saan na ako. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako na hindi nila alam. Parang na trauma sa nangyayri sa aming mga magulang. Naalala ko kasi n'ong umalis ako ng maaga para mag-ani ng palay. Hindi ko siya ginising para magpaalam. N'ong umuwi ako sa bahay naabutan ko sila na nagyakapan silang apat habang umiiyak at may mga hawak na damit. Ang akala daw nila iniwan ko na sila. Ang akala daw nila hindi ko na sila mahal. Nasa kabilang baranggay kasi ako nag-ani ng palay kaya hindi nila alam kung saan ako pumunta. Sobrang awa ko sa mga kapatid ko nang makita ko ang kanilang sitwasyon. Kaya sinimula nuon kahit saan ako magpunta. Kahit tulog sila ginigising ko si Rose para nagpaalam bago umalis. Kinusot-kusot naman ni Rose ang kanyang mata at bumangon.
"Ate, anong oras na ba? Bakit hindi mo ako ginising? Sana ako ang nagluto ng baon mo. Saka parang madilim pa naman Ate?" Tanong ni Rose na pumikit-pikit pa.
"Alas kwatro ng umaga na. Mabuti ng maaga para hindi masyadong mainit. Saka hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. Basta ikaw na muna dito ang bahala sa mga kapatid natin. Kailangan kong agahan para makarami. Para may pambili na naman tayo mamaya ng sardinas. Kaya mag-ingat kayo dito. Sige na matulog kana muna ulit. May pagkain naman sa mesa kaya kahit mamaya pa kayo magising." Bulong ko kay Rose para hindi magising ang tatlo. Nagulat ako ng yumakap si Rose sa akin habang umiiyak.
"Maraming salamat Ate, mag-ingat pa palagi. Pangako po, alagaan ko ang mga kapatid natin habang wala ka. Maraming salamat Ate sa pag-alaga mo sa amin. Alam kong nahihirapan ka na pero kinakaya mo pa rin dahil sa amin. Ate payagan mo na kasi ako na samahan kita. Marunong naman po ako pumutol ng tubo para hindi ka na masyadong mahirapan at mapagod." Humihikbi na wika ni Rose. Kaya hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na umiyak habang magkayakap kami ng mahigpit. Hinaplos ko siya sa kanyang ulo at hinalikan.
"Huwag ka ng mag-alala sa akin. Kakayanin ko basta kasama ko lang kayo. Alam ko na pati kayo nahihirapan din sa sitwasyon natin. Pero huwag lang tayong mawalan ng pag-asa Basta sama-sama tayo. Saka kahit nandito ka lang sa bahay pagod ka rin sa pagtrabaho dito at pag-alaga sa mga kapatid natin. Kaya huwag mong sabihin na wala ka'ng trabaho. Sige na tahan na, baka magising ang mga kapatid natin at mag-iyakan din. Baka sabihin pa ng mga kapitbahay natin na maaga tayong nag drama." Saad ko na nakangiti habang may luha pa rin sa aking mata pinahiran ko ang pisnge ni Rose at hinalikan ko siya sa kanyang noo.
"Mag-ingat kayo dito huh! Maaga akong uuwi mamaya. Huwag ka ng mag-alala sa akin. Ako pa, yakang-yaka ni Ate mag tabas ng tubo." Pagbibiro ko kay Rose para hindi na siya mag-alala sa akin. Pinasigla ko ang aking sarili para ipakita sa kanya na ayos lang ako. Ayaw kong ipakita sa kanila na minsan pinanghihinaan din ako ng loob. Lalo na kung wala ng anihan ng mais at palay. Mabuti nga ngayon pwedi na kami maka tabas ng tubo. Nuon kasi mga lalaki lang ang pwedi. Ngayon pwedi na kahit babae. Sinabi kasi ni Don Jose para mabilis matapos para hindi maabutan ng pag-sara ng galingan ng tubo. Kaya laking tulong din sa amin.
"Mag-ingat ka din Ate, mahal ka namin Ate." Malambing na wika ni Rose.
"Salamat, Rose. Sige na matulog ka na ulit. Mamaya mo nalang gisingin ang mga kapatid mo. Mahal ko din kayo." Saad ko at sinara ko na ang pinto at lumakad na papunta sa tubuhan.
"Haide, Good morning! ang aga natin ngayon ah? Sakto pala na maaga din akong umalis ng bahay. Maka sabay ko naman ang mabait, masipag at magandang dalaga dito sa ating Lugar." Bati sa akin ni Kokoy ang kasamahan ko din sa pagputol ng tubo. Inambangan ko siya ng suntok at inirapan. May pa English pa'ng nalalaman. Sumabay siya sa akin sa paglakad at ang iba pa naming mga kasamahan. Magkapitbahay lang kami kaya sabay-sabay na kami papuntang tubuhan. Marami na rin ang lumalakad sa kalsada. Ang iba naghahanda para sa kanilang mga trabaho. At ang iba naman naghahanda para pumasok sa eskwelahan. Minsan nakaramdam ako ng lungkot para sa mga kapatid ko. Na sana kahit sila manlang ang makapag patuloy ng pag-aaral.
"Tsee! ang aga aga mo Kokoy mambola. Sa tuwing umaga, maaga ka naman pumupunta sa tubuhan hindi lang ngayon. Bakit ako naman ang nakita mo? Nasaan ba si Bella? Nako kapag makita niya na magkasama tayo aawayin ka naman nun." Napakamot lang sa kanyang ulo si Kokoy. Tinutukso namin Bella at Kokoy dahil may crush si Bella kay Kokoy. Pero palaging sinasabi ni Kokoy na iba ang crush niya. Alam ko din kung sino ang crush ni Kokoy dahil nagpapalipad hangin siya sa akin. Ngunit wala talaga sa isip ko ang mga bagay na 'yan.
"Haide, Alam mo naman na ikaw ang crush ni Kokoy. Kaya nga palaging maaga dahil sinasadya niya talaga para makasabay ka. Kahapon nga hinihingal ng dumating sa Hacienda Pula para daw maabutan ka. Ngunit laglag ang balikat dahil hindi ka niya naabutan." Wika ni Mang Tonio. Kaya tinukso ng kasamahan namin si Kokoy. Katulad ko hindi din nakapag patuloy ng eskwela si Kokoy dahil wala na rin itong mga magulang. Namatay naman ang kanyang mga magulang dahil malunod ng baha sa kasag-sagan ng bagyo. Habang tumatawid sila sa sapa, sakto naman na may parating na rumaragasa na malakas na tubig galing bundok. Napakamot nalang si Kokoy sa kanyang batok at namula ang kanyang buong mukha. Masaya kaming nagbibiruan papunta sa tubuhan. Panay ang tukso nila jay Kokoy. Pulang-pula naman ang mukha ni Kokoy dahil binuking siya ng mga kasama amin. Baliwala naman sa akin dahil wala naman akong naramdaman para kay Kokoy. Patuloy ang asaran nila hanggang sa dumating kami sa tubuhan. Kaya seryuso na kaming lahat at pwenisto na sa linya ng tubo para simulan ang trabaho. Mabilis ang aming mga galaw dahil hindi pa mainit. Pagsapit ng alas nuebe ng umaga nagpahinga kami para kumain ng almusal. Masaya naman kaming nagtipon-tipon sa gitna ng tubuhan at sabay sabay na kumain ng almusal. Pagkatapos pahinga naman ng limang minuto at balik ulit sa pagputol ng tubo. Almusal at tanghalian lang ang aming pahinga. Dahil katulad ko rin gusto din ng mga kasamahan ko na makarami. Para may pambili na naman ng pangangailangan sa bahay. Pagsapit ng alas dos ng hapon. Tumigil na kami para umuwi. Ganito ang trabaho dito sa amin. Kahit anong oras sa umaga mag-umpisa .Basta pagsapit ng alas dos kailangan ng tumigil dahil ang iba kinukuha na ang parte at pagputol ng tubo. Ayaw jasi ni Don na maabutan ng gabi sa pag pa-sweldo. Ang gusto niya alas singko ng hapon matanggap na lahat ang sahod. Isa-isa na kaming nag-ayos ng mga gamit namin. Naisipan ko na dumiretso nalang sa Hacienda Pula para kunin ang parte ko ngayong araw. Nakita ko si Mang Ben na papunta sa akin kaya binati ko ito. Hindi kami kanina nagka sabay papunta dito dahil pagdating namin sakto naman ang pagdating nila ni Aling Pacit ang kanyang asawa dahil may motor sila. Niyaya ako ni Mang Ben kung gusto ko daw umangkas sa kanila dahil pupunta din sila ni Aling Pacit Hacienda Pula. Kaya sumabay na ako sa kanila para makauwi ako ng maaga. Akmang aangkasa na sana ako ng lumapit sa akin si Kokoy at sinabi kung pwedi daw sabay nalang kaming maglakad papunta sa Hacienda Pula. Ngunit sinabi ko na kailangan ko'ng umuwi ng maaga. Saka ayaw ko din pag-usapan kami sa ng mga kasamahan namin. At baka kung ano pa ang isipin ni Bella. Kaibigan ko din si Bella kaya ayaw ko ng gulo. Malungkot siya nagpaalam sa amin saka nauna ng maglakad.
"Maraming salamat Aling Pacit, Mang Ben." Pasalamat ko sa mag-asawa pagkatapos namin nakuha ang aming sweldo. Masaya ako na naka wantawsan ako ngayong araw.
"Walang anuman iha. Napa sipag at bait mo talaga. Ka-awaan ka palagi ng panginoon." Sabi sa akin ni Aling Pacit.
"May daanan ka pa ba? O uuwi ka na? Sumabay ka nalang sa amin ni Ben. Uuwi na rin kami. Daan lang kami sa talipapa para bumili ng isda." Tanong ulit ni Aling Pacit. Naisipan ko na bumili ng isang pirasong bangus para makatikim naman ang mga kapatid ko ng isda. Sabawan ko mamaya at lagyan ng talbos ng kamote. May tindahan naman ng tinapay sa gilid ng talipapa kaya binili na rin ako ng tinapay.
"Sige po Aling Pacit sasama po ako sa inyo. Salamat po talaga." Ngumiti naman ang mag-asawa sa akin pagkatapos binuhay na ni Mang Ben ang kanyang motor. Pagdating namin sa talipapa bumili kami kaagad ng isda. Sandali akong nagpaalam kay Aling Pacit na tatawid muna sa kabila para bumili ng tinapay ng mga kapatid ko. Habang nasa tindahan ako nakita ko na may bigas din na binibinta kaya bumili ako ng limang kilo, saka bumili na rin ako milo, kape at asukal. Nag-iwan lang ako ng dalawang daan para may pambili ang mga kapatid ko kapag nasa ako. Pagkatapos bumalik ako kaagad kay Aling Pacit.
"Maraming salamat ulit Aling Pacit, Mang Ben." Masiglang pasalamat ko sa mag-asawa n'ong nakababa na ako sa kanilang motor.
"Walang anuman Haide, sige pumasok ka na sa bahay niyo. At kami naman ay uuwi na ni Ben." Sagot ni Aling Pacit. Pagka-alis nila inayos ko ang aking bag para sana pumasok na, ng marinig ko ang sobrang lakas na boses.
"Haide best friend!" Namilog ang mga mata ko ng makilala ko ang boses ni Ana Mae. Ang best friend ko na, nagta-trabaho sa Manila.