CHAPTER THREE

1771 Words
HAIDE "BEST FRIEND." malakas na sigaw ni Ana Mae habang tumatakbo palapit sa akin. May dala pa siyang dalawang plastic bag. Malaki ang ngiti ko habang hinihintay siya na makalapit sa akin. Malaki ang pinagbago niya simula n'ong pumunta siya ng Manila para magtrabaho bilang katulong sa isang Doktor. "Best friend!" Sigaw ko din sa kanya. Magkababata kami ni Ana Mae. Siya ang tagapag tanggol ko nuon sa tuwing may nag-aaway sa akin. Kasangga ko siya sa lahat ng bagay. Wala na rin siyang Tatay. Ang mga kapatid niya ay may mga pamilya na rin at duon nakatira sa lugar ng kanilang mga asawa. Sila nalang ni Aling Gloria ang magkasama sa buhay. Pumunta si Ana Mae sa Manila upang magtrabaho dahil gusto niya din matulungan si Aling Gloria. "Best friend, I miss you." Sambit niya ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nagyakapan kami kaagad ng mahigpit. Sobrang na-miss namin ang isa't-isa. "Best friend na miss kita! Mabuti at naka bakasyon ka? Ang ganda at ang puti mo na lalo. Kailan ka pa dumating? Saka bitawan mo na lala ako. Nakalimutan ko, mabaho lala ako ng pawis, baka mahawaan ka." Ani ko ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at hinampas sa aking balikat. "To na naman kung makabaho. Miss din kita best friend. Saka Ikaw din naman ah, hiyang-hiya ang kutis ko sa kutis mo. Porda sa initan ka pa nag ta-trabaho pero Ang puti-puti mo parin. Sabon reavel naman diyan." Pagbibiro niya sa akin. Dahil totoo talaga na kahit anong pa-araw ko hindi talaga ako umiitim. Kami ng mga kapatid mga maputi ang balat. May dugong Amerikano daw Kasi si Tatay. "Kanina pa nga kita hinihintay na umuwi sa bahay mo. Kagabi pa ako dumating sa bahay, alas dyes na ng gabi kaya hindi na kita napuntahan. Tapos pag-gising ko kanina alas dyes na rin ng umaga. Pupuntahan sana kita kaso sinabi ni Mama na sa tubuhan ka raw. Grabi ka best parang hindi bagay sa'yo magtrabaho sa tubuhan. Sobrang bilib talaga ako sa'yo. Kaya nga proud na proud ako na ikaw ang bestfriend ko. Kahit anong trabaho kinakaya mo." Masayang turan nito sa akin. Hindi kasi kaya ni Ana Mae magtrabaho sa mainit. Hindi naman sa sosyal siya, kundi nagkasakit siya kaagad kapag magtagal siya sa mainit. Kaya pinili niya na mamasukan bilang katulong sa Manila. "Gusto sana kitang puntahan sa tubuhan kaso naalala ko naka rejuv pala ako kaya sayang ang kutis at rejuv ko." Sabay flip ng kanyang buhok at tumawa. Kaya nahampas ko siya sa kanyang balikat at tumawa din. Ganito kami nuon sa tuwing nagkasama kahit mahirap ang buhay lagi kaming may dalang good vibes. "Edi ikaw na ang maputi at naka rejuv. Samantala ako, lab lang. Labada." Pagbibiro ko din ko sa kanya. Kaya malakas ulit kaming nagtawanan. N'ong naalala ko na nasa labas pa pala kami ng bahay. Sinukbit ko na ang bag ko saka niyaya siyang pumasok sa bahay. "Siya nga pala best friend may gusto talaga akong sabihin sa'yo. At marami akong dalang pasalubong sa mga kapatid mo. N'ong sinabi ni Dok na pwedi ko dalhin ang mga chocolate sa loob ng ref. Naisipan ko kaagad ang mga kapatid mo, kaya lahat na makita ko dinala ko na." Sambit niya na natatawa sabay taas ng dalawang plastic bag. Sobra akong nagpasalamat kay Ana Mae na hindi niya pa rin nakalimutan ang mga kapatid ko. Kaya hindi ko mapigilan na tumulo ang aking mga luha. "Salamat best friend! Kung hindi dahil sa'yo hindi maka tikim ang mga kapatid ko ng chocolate. Hanggang lollipop lang ang kaya ko. Hayaan mo kapag maka bingwit ako ng Afam bibigyan kita ng dolyar." Pagbibiro ko sa kanya habang naluluha. Humaba naman ang kanyang nguso na naluluha din. "Kahit wala ng dolyar best friend basta magka Afam din ako." Pagbibiro niya din sa akin kaya sabay kami tumawa at nag apir. "Pagpasok namin sa loob ng bahay, narinig ko ang boses ng mga kapatid ko sa likod ng bahay kaya nilagay ko muna ang bag ko sa mesa ganun din ang hawak ni Ana Mae. Saka pumunta sa pinto palabas. Nakita namin ang aking mga kapatid na masayang nag-uusap habang may ginagawa. Si Rose ay kumakayod ng niyog. Si Rina ay binabantayan ang apoy dahil may nakasalang na malaking kaldero. Si Tom naman nakaupo habang kasama si Mara. Hindi nila kami napansin dahil abala sila sa kanilang mga ginagawa. Hindi ko muna sila tinawag sapagkat hinintay ko muna kung ano ang kanilang gagawin.Nakita ko na binuksan ni Rina ang kaldero. "Ate luto na! Pwedi na ito Ate." Wika ni Rina. Kaya tumayo muna si Rose saka lumapit kay Rina. Nakita ko na saging pala ang nakasalang sa malaking kaldero. Naramdaman ko na humawak si Ana Mae sa aking balikat. Habang nakatingin din sa ginagawa ng mga kapatid ko. "Lumayo ka muna, Rin. Kukunin ko lang baka ma paso ka, tapos kapag hindi na mainit umpisahan mo ng balatan para maumpisahan na natin. Baka mamaya darating na si Ate. Sigurado pagod at gutom si Ate. Kaya kailangan natin matapos bago siya dumating." Sambit ni Rose. Nahulaan ko na kaagad ang kanilang ginagawa. Gagawa sila ng nilupak sila ng saging at lagyan ng kinayod na niyog. Ganito nuon ang ginagawa namin sa tuwing wala kaming bigas. Kung hindi kamote, saging na may kinayod na niyog. "Ate!" Sambit ni Mara. Kaya bumaling si Rina at tinanong kong gusto ba ni Mara ng saging. Nang tumango si Mara, nagbalat ng saging si Rina at hinipan niya ito hanggang sa hindi na mainit pagtapos binigay niya kay Mara. Tuwang-tuwa naman si Mara at sinubo kaagad. "Dahan-dahan lang Mara. Baka mabulunan ka. Gutom ka na ba? Hintayin lang natin si Ate Rose makatapos masarap kapag may niyog." Sambit naman ni Tom. "Grabi bestfriend ang babait ng mga kapatid mo. Nakaka touch bestfriend." Bulong ni Ana Mae. Panay naman ang pahid ko ng aking mga luha. Naiiyak ako pag masdan ang aking mga kapatid. Kaya kinalma ko ang aking sarili at niyaya muna si Ana Mae na babalik sa loob para kunwari hindi ko nakita ang mga ginawa ng mga kapatid ko. Pagdating namin sa loob ng bahay. Duon ko na sila tinawag. Sabay-sabay naman silang sumagot sa akin. Maya-maya unang pumasok si Rina na buhat si Mara na kumakain pa rin ng saging. Kasunod si Tom na may dalang pinggan at sa huli si Rose na may dala din na isang pinggan na may laman na linupak na saging. "Ate, nandito ka na pala? Gumawa kami ng saging Ate." Sambit nila pagpasok nila sa loob. Hindi nila nakita si Ana Mae dahil nagtago ito sa likod ng pintuan na kawayan. Maya-maya namilog ang kanilang mata n'ong lumabas na si Ana Mae sa kanyang tinataguan. "Ate Ana Mae!" Magkasabay nilang sigaw n'ong makita nila si Ana Mae. Malaki naman ang ngiti ni Ana Mae at binuka ang kanyang kamay para yakapin ang aking mga kapatid. "Talaga Ate Ana, para sa amin lahat ito? Wow salamat po! Ang ganda niyo na ang bait niyo pa po! Maraming salamat po talaga Ate Ana. Sa T.V ni Aling Basyon ko lang ito napapanuod. Pero ngayon matikman na namin ang imported na chocolate." Masayang turan ni Tom. Nakikinig lamang ako sa usapan nila ni Ana Mae habang nakaupo na kami sa upuan at pinagsaluhan ang saging na gawa ni Rose. "Sa inyo lahat 'yan Tom. Dinala ko talaga 'yan para sa inyo ng mga Ate mo at ni Mara." Saad ni Ana. Lihim akong nagpasalamat sa panginoon na binigyan niya ako ng kaibigan na mabait at tinuring din na kapatid ang mga kapatid ko. "Kaya ang ganda ganda mo talaga Ate dahil binigyan mo kami ng chocolate." Wika ulit ni Tom. Si Mara naman kumakain na ng tobleron. "Sus maganda lang pala ako dahil may chocolate ako'ng dala? Kung wala ako'ng pasalubong hindi ako maganda?" Tampo-tampohan na tanong ni Ana Mae. "Hindi naman po, Ate! syempre maganda pa rin po at mabait kagaya ni Ate ko. Pero mas maganda si Ate." Wika ni Tom sabay tawa. Kaya nagtawanan na rin kami. "Rose, may dala ako nandun sa loob ng bag ko. Kayo muna ni Rina ang bahala may pag-uusapan lang kami ng Ate Ana niyo. Saka isama niyo muna si Tom at Mara." Ani ko ko Kay Rose. "Okay po Ate, salamat po, kami na apo ang bahala. Sige po Ate Ana salamat po sa pasalubong." Magalang na pasalamat ni Rina at Rose. Nagpasalamat ulit si Tom ganun din si Mara. Pagkatapos pumunta na sila sa maliit naming kusina. "Bestfriend ang totoo ito na nga ang sasabihin ko sa'yo. Bago ako umalis sa bahay ng amo ko. Sinabi niya sa akin na kung pwedi humanap ako ng katulong na medyo bata pa. Para sa kanyang kaibigan. Si Donya Mila naghahanap ng katulong para sa kanyang apo. Isang engineer ang kanyang apo. Nasa Europe pa ito. Pero pauwi daw sa Pilipinas. Kaya gusto ni Donya Mila maghanap. Walang ibang trabaho kundi sa apo niya lang. May katulong naman si Donya Mila kaso mas gusto daw ni Donya Mila ka edad ko. Para daw hindi masyadong mapagod. Minsan daw kasi kahit hating-gabi gusto uminum ng kape o may pina pagawa ang kanyang apo. Lalo na kung may kailangan na tapusin na trabaho ang kanyang apo. Kaya ikaw kaagad ang naisip ko bestfriend." Turan ni Ana Mae. Napaisip din ako pero iniisip ko din ang mga kapatid ko. Tumingin ako sa mga kapatid ko na masayang kumakain ng chocolate. Kaya humarap ako kay Ana Mae. "Bestfriend pag-isipan ko. Lalo na kung sakaling aalis ako. Sino ang kasama ng mga kapatid ko? Baka kung umiiyak lang sila ng umiiyak dahil baka akala nila iiwan ko sila at hindi na babalik. Alam mo naman na, na trauma sila sa nangyari sa mga magulang namin." Malungkot kong turan kay Ana Mae. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil. "Best friend. Nasabi ko na kay Mama. Tapos sinabi niya na siya daw ang bahala sa mga kapatid mo. Naawa na rin daw siya sa'yo. Dahil kahit panglalaki na trabaho. Ginagawa mo pa. Kaya sinabi ni Mama na siya daw mag-alaga sa mga kapatid mo. Sayang kasi bestfriend. Ten tawsan ang sahod sa isang buwan." Saad ni Ana Mae. Nang marinig ko ang ten tawsan nagliwanag kaagad ang aking mata. "Ten tawsan bestfriend isang buwan?" Panigurado ko sa kanya. "Yes bestfriend saka malapit lang ang bahay ng amo ko sa magiging amo mo kung sasama ka sa akin. Si Mamma na ang bahala sa mga kapatid mo. Para hindi na rin si Mama pupunta sa ibang bahay para maki chismis." Sambit niya na natatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD