HAIDE
"Wow! Ate ang sarap po! Salamat po talaga Ate sa masarap na ulam. Sana ganito nalang tayo araw-araw Ate nuh? Huli ako naka kain nito n'ong nandito pa si Nanay at Tatay. Tapos 'yung adobo na baboy. Pero ngayon wala na, pero ayos lang Ate. Masarap naman po ang sardinas at noodles na may talbos na kamote at kangkong po." Magiliw na saad ni Tom habang kumakain kami ng hapunan. Sinabawan na bangus ang ulam namin na maraming gulay. Hindi na ako kumuha ng bangus dahil binigay ko sa kanya ang parte ko.
"Tom, pasalamat nalang tayo kay Ate kung ano ang makaya niya na ipakain sa atin. Hayaan mo bukas may ihatid dito si Aling Besing na labanan. Binili naman tayo ng galunggong tapos sabawan din natin lagyan natin ng kankong. Basta ikaw ang bahala kay Mara." Saad naman ni Rose. Nakikinig lang ako, dahil inaasikaso ko si Mara. Saka humahanap din ako ng tyempo na nagpaalam sa kanila na magtrabaho ako sa Manila. N'ong sinabi kanina ni Ana Mae na ten tawsan ang sahod kada buwan. Naisip ko kaagad na pwedi ng bumalik sa pag-aral ang mga kapatid ko. Mabait si Aling Glorya kaya alam ko na hindi niya pabayaan ang aking mga kapatid. Ipadala ko sa kanya lahat ng sahod ko, kung sakaling maka trabaho na ako.
"Oo nga! Tom. Bukas ikaw ang bahala kay Mara. Kami ang bahala sa labahan ni Tae Rose para may pambili tayo ng galunggong at tinapay ninyo ni Mara." Sambit din ni Rina. Sobrang nagpasalamat talaga ako sa panginoon na mga mabait ang mga kapatid ko at naiintindihan nila ang aming buhay. Hindi pa masyadong maintindihan ni Tom kaya mabuti nalang marunong magpa intindi si Roe at Rina. Kaya kung sakaling aalis ako. Maasahan ko na sila na hindi nila pabayaan ang kanilang kapatid.
"Di ba sabi ko sa inyo na kahit ano gagawin ni Ate basta hindi lang tayo magutom. Mabuti medyo malaki ang parte ko kaya naisipan ko na bumili ng isda. Hayaan niyo sa sunod litson manok naman. Gusto niyo ba 'yun?" Tanong ko sa kanila.
"Yehey! Talaga Ate? Binili ka ng litson manok? Ahm! Pero Ate kung wala Ate okay lang po Ate. Masarap naman po ang sardinas at kamote po! Basta huwag ka lang mapagod Ate. Kapag lumaki ako maging Doktor. Ako naman po ang mag-alaga sa'yo. Hindi ka na po magtrabaho. Kaya lang po paano pala ako maging Doktor kung hindi ako nag-aaral? Pero sige nalang po Ate. Kahit hindi ako maging Doktor. Ako pa rin po ang mag-alaga sa inyo. Kaya po susundin ko po ang mga sinasabi niyo po at ni Ate Rose at Ate Rina po." Masiglang turan ni Tom habang patuloy sa pagkain. Kaya ginulo ko ang kanyang buhok. Palihim ko'ng pinunasan ang aking luha. Parang may kung anong kirot sa puso ko dahil malaki ang pangarap ni Tom, pero Hindi n matutupad dahil hindi ko sila kayang pag-aralin. Pero baka kapag nasa Manila na ako. Baka matupad ang pangarap ni Tom na makapag aral.
"Bilisan na natin kumain. Pagkatapos may sasabihin ako sa inyo." Saad ko habang sinubuan si Mara. Napansin ko na tumingin si Rose at Rina sa akin ngunit hindi ko muna pinansin. Patuloy lang ako sa pag-asikaso Kay Mara. Alam niya naman kumain pero kung nandito ako sa bahay inaasikaso ko siya. Para kahit wala si Nanay at Tatay maramdaman niya pa rin na parang may Nanay at Tatay siya na nag-alaga sa kanya. Pagkatapos namin kumain nagtulong si Rina at Rose sa pagligpit at pag hugas ng aming pinagkainan. Nauna kami ni Tom at Mara sa labas sa maliit naming sala. Medyo kinakabahan ako dahil baka umiyak sila kapag nagpaalam ako sa kanila. Pero para sa kanila naman ang pag-alis ko. Pupunta din ako bukas sa bahay ni Aling Glorya upang kausapin siya. Pagkatapos pupunta ako sa Hacienda Pula upang magpaalam kay Mang Ensing.
"Ate, sasama ikaw kay Ate Ana!?Duon ka na rin magtrabaho? Tapos kapag umuwi ka marami ka'ng chocolate na dala katukad din ni Ate Ana , Ate?" Tanong ni Tom sa akin. Pagkaupo ni Rose at Rina sinabi ko na kaagad sa kanila ang pinag-usapan namin ni Ana Mae.
"Oo, Tom. Gusto mo ba 'yun? Tapos mag-aral ka muli. Para balang araw magiging Doktor ka. Kaya kapag wala si Ate huwag kang pasaway kay Ate Rose at Ate Rina mo ha? Lalo na kay Aling Glorya. Diba mabait naman siya sa inyo? Kaya duon muna kayo habang wala si Ate okay ba?" Malumanay na saad ko kay Tom.
"Ate, sigurado ka na ba? Kung 'yun talaga ang gusto mo Ate. Mag-ingat ka duon huh? Saka magpakabait po kami dito Ate. Maging masipag po kami at hindi magpasaway kay Aling Glorya. Tutulong pa kami sa gawaing bahay. Aalagaan ko po ang mga kapatid natin. Lalo na si Mara, hindi ko siya pabayaan Ate. Basta Ingatan mo ang sarili mo duon Ate. Mahal na mahal namin po kayo. Saka lagi kaming magdadasal na gabayan ka ni Papa Jesus." Naluluha na sambit ni Rose.
"Ate! Hindi namin pabayaan si Tom at Mara Basta mag-ingat ka din duon Ate. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Saka magpakabait kami kay Aling Glorya at susunod kami sa utos niya para hindi siya magalit sa amin. Mahal ka namin Ate. Kapag may trabaho na kami Ate Ikaw naman ang tutulungan namin. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa amin. Ikaw lang ang dalaga dito na kahit isang damit wala kang binili para sa sarili mo. Kami palagi ang inuuna mo. Kaya sana Ate kapag nasa Manila kana at may pera bumili ka din ng para sa'yo Ate." Naluluha din na sambit ni Rina. Kaya lumuhod ako sa kanilang harapan at binuka ko ang aking kamay para mayakap silang apat. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili na umiyak ng malakas. Kaya tuloy mag-iyakan kaming apat. Kahit na walang alam si Mara sa aming pinag-usapan umiyak din siya nang makita kami. Kaya umiiyak kami habang tumatawa.
"Mahal na mahal kayo ni Ate. Kaya gagawin niAte ang lahat para sa inyo. Basta mag tulungan lang tayo. May awa sa atin ang dios. Saka alam ko'ng kahit hindi natin kasama si Nanay at Tatay ginagabayan parin nila tayo. Kaya magpakabait lang kayo. Malay niyo duon ako maka kita ng Afam . Edi instant milyonarya na ako kaagad pag-uwi ko dito." Saad ko, kaya sabay naman kaming nagtawanan habang may mga luha sa aming mga mata.
"Ate gusto ko din ng bagong damit at pantalon po huh..Sobrang luma na jasi ang binigay ni Jun-jun. Saka hindi na po kasya sa akin." Nakangiting sabi ulit ni Tom kaya ginulo ko ang kanyang buhok.
"Kahit Lima pa ang bibilhin ko para sa'yo.
Basta huwag ka lng magpasaway sa dalawa mong Ate. Tapos sa unang sweldo ko binili kayo ng litson manok at gatas. Tapos makabili na kayo ng isang sakong bigas. Basta magpakabait lang muna kayo dito. Kapag naka ipon na ako. Uuwi ako dito para magkasama ulit tayo." Masayang turan ko sa kanila.
"Ate Lollipop." Sambit ni Mara. Kaya nagtawanan ulit kami.
"Lollipop lang ba ang gusto mo? Ayaw mo ng chocolate?" Tanong ko jay Mara sabay haplos ng kanyang mukha.
"Shiken po." Sagot niya sa akin. Kaya binuhat ko siya at pinugpog ng halik.
"Yun lang pala ang gusto ng bunso namin eh! Hayaan mo bunso kapag nagtrabaho na si Ate at maka sahod na binili kayo ni Ate Rose, Ate Rina at Kuya Tom ng manok. Okay! Basta maging mabait sa dalawang Ate at kay Kuya Tom huh. Saka huwag magpasaway kay Aling Glorya para hindi niya kayo paalisin sa bahay niya." Kausap ko sa aming bunso.
"Opo Ate, bait po ako. lab yu Ate ko." Malambing na sagot ni Mara at hinalikan ako sa aking pisnge.
"Ang sweet sweet ng bunso namin. Kaya lab-lab ni Ate eh." Saad ko sabay kiliti sa kanyang kili-kili. Nakisali na rin si Tom sa amin. Maya-maya lumapit din si Ros e at Rina upang makisali. Kaya tuloy ang pag drama namin kanina nauwi sa masayang tawanan. Ma-miss ko ang mga kapatid ko, pero kailangan mag tiis para sa kanilang kinabukasan.
Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ng almusal namin. Hindi muna ako magtrabaho sa tubuhan dahil pupunta ako sa bahay ni Ana Mae upang sabihin ang desisyon ko. At kakausapin ko din si Aling Glorya para sabihin na pumayag na ako na sa kanya muna ang mga kapatid ko. Pagka tapos pupuntahan ko naman si Mang Ensing Hacienda Pula upang magpaalam na hindi na ako magtrabaho sa tubuhan. Sa sunod na araw na kasi ang balik ni Ana Mae. Kaya susulitin kong makasama ang aking mga kapatid. Baka kasi isang taon ako bago makauwi. Kailangan kong mag-ipon para makapag aral muli ang aking mga kapatid.