bc

THE Billionaires INNOCENT Lover

book_age18+
893
FOLLOW
9.1K
READ
love-triangle
HE
age gap
second chance
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Si Jing, isang simpleng babae na ang tanging pangarap lamang ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Ngunit nang matagpuan ng kanyang Ate Esmeralda ang tunay na pamilya nito ay nagbago ang buhay ni Jing at ng kanyang pamilya. Kahit hindi niya tunay na kapatid si Esmeralda ay tinulungan pa rin sila nito at pina-aral sila ng kanyang kuya Remy sa America. Naging tahimik ang buhay ni Jing hanggang sa pagtungtong niya ng college. Ngunit sa pagdating ni Harvey sa buhay niya, doon ay biglang nagulo ang kanyang tahimik na buhay at puso. Nang mag-isa na lamang si Jing sa America upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa college ay sinamahan siya ni Harvey sa America. Sa araw-araw nilang pagsasama at panliligaw ni Harvey sa kanya ay nahulog ang loob ni Jing kay Harvey. Pero kung kailan naman masaya na si Harvey at Jing sa piling ng isa't-isa ay doon naman dumating ang babaeng pinangakuan ni Harvey ng kasal. Sumapit ang graduation ni Jing at sa mismong Family dinner nila ay sinabi ni Harvey na ikakasal na sila ni Sampaguita- ang babaeng kababata nito na pinangakuan nito ng kasal. Sobrang nadurog ang puso ni Jing at labis siyang nasaktan. Kaya nagdesisyon si Jing na lumayo at bumalik sa kanilang probinsya sa Mindanao, upang kalimutan si Harvey. Ngunit makalipas ang isang taon ay muling bumalik si Harvey sa buhay niya. Kaya ba ni Jing pagbigyan muli si Harvey ng isa pang pagkakataon? O kakalimutan niya na lang ang tuluyan ang binata dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang sakit na binigay sa kanya noon ni Harvey.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
JING "Kuya, bakit kailangan mo pa akong samahan dito? Okay lang naman ako, kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo ako kailangan bantayan. Saka nakahihiya sa pamilya mo. Baka sabihin nila na kung ano ang ginagawa ko sa'yo. Sanay ako sa manga gawain at sa hirap nang buhay. Kaya huwag ka nang mag-alala pa sa akin. Mag pokus ka nalang sa kompanya mo. Saka pwedi ba na huwag mo na akong ihatid at sunduin sa university? Napagkamalan ka nila tuloy na boyfriend ko. Kaya ko naman sumakay ng taxi." Wika ko kay Kuya Harvey. Hindi ko alam sa kanya kung bakit nandito na naman sa school at sinundo ako. Pakiramdam ko hindi na siya pumapasok sa trabaho. Sa bahay na rin siya ng mga Weinstein naka tira. Samantala na bahay naman sila. Isang linggo simula n'ong bumalik si Kuya Remy at Nanay sa Pilipinas kasama si Ate Esma at Kuya Arvey kasama din ang kanilang mga magulang. Iwan ko ba kay Kuya Harvey kung bakit mas pinili niya na dito nalang mag trabaho sa kompanya nila sa America. Gusto niya daw akong samahan dahil mag-isa lamang ako dito. Napansin ko din na palagi siyang naka tingin sa akin. Simula n'ong magkabalikan sina Ate Esme at Kuya Arvey. Panay na rin ang tawag ni Kuya Harvey sa akin. Ang akala ko, kung ano ang kailangan. Kamustahin lang ako saka ibaba ang tawag. Pero n'ong kinasal na si Ate Esme at Kuya Arvey parang kakaiba na kung paano niya ako asikasuhin. Ngayon paglabas ko sa university nasa labas na rin siya ng kanyang sasakyan habang naka sandal sa unahan nag sasakyan. Naka pang opisina pa siyang suot. Ang akala ko nga kanina habang palabas kami ni Rain may artista dahil nagsiksikan ang mga ibang estudyante na kinikilig. Pagdating namin ni Rain sa labas si Kuya Harvey lang pala. Kaya nagpaalam na ako kaagad kay Rain saka mabilis akong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan upang maka alis na kami. Bumuntong hininga siya at tinigil niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan. "Look, baby girl. Tayo lang ang nandito. I just protecting you. You're my little sister to me. Kaya hayaan mo na alagaan at asikasuhin ka. Saka hinabilin ka ni Tita sa akin. At ayos nga na malaman ng mga estudyante na may boyfriend kana. Para hindi na Smsila mag tangka na ligawan ka. Dahil para ka lang sa akin." Saad niya na hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil parang binulong niya lamang. Kaya tumingin ako sa kanya saka tinanong ko kung ano ang huling sinabi niya. Ngunit binuhay niya lamang ang kanyang sasakyan upang makaalis na kami. Alas singko na nang hapon kaya binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan. Ang lamig ng simo'y ng hangin kaya napa pikit ako habang sinasamyo ang hangin sa dumadampi sa aking pisnge. "You're so beautiful." Narinig ko na bigkas ni Kuya Harvey kaya minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya. Nakita ko siya na deritso lang ang kanyang paningin sa kalsada. Kaya tumingin na lamang ako sa daan. At inabala ang aking paningin sa dinadaanan namin. Naging tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Na walang gustong magsalita. "Kung may manligaw ba sa'yo sa school, tatanggapin mo ba, baby girl. O should I say may nagugustuhan ka na ba, na guy?" Pagkuwan na tanong ni Kuya Harvey ngunit sa daan pa rin nakatingin. Kaya humarap ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Wala pa sa isip ko 'yun Kuya. Priority ko ang pag-aaral. Nakahihiya Kmjay Ate Esme at sa pamilya Weinstein kung sayangin ko ang pagkakataon na binigay nila sa akin. Saka wala pa akong nakita na lalaki na nagustuhan ko. Naka pukos ako sa aking pag-aaral. Saka if ever na may dumating man, ang gusto ko ay katulad ni Tatay Diosdado. Saka ayaw ko talaga isipin muna 'yan Kuya." Pranka kong sagot sa kanya. Kahit college na ako, parang ayaw ko pa talaga isipin na magkaruon ng boyfriend. May mga crush din naman ako, pero hanggang crush, crush lang muna. Narinig ko siyang nagpakawala ng malakas na hininga. Na parang ayaw niya sa sagot ko. "Ikaw ba Kuya, bakit hanggang ngayon wala ako'ng nakita na girlfriend mo? O baka nasa Pilipinas lang na hindi ko alam. Nako! Kuya, kung iniwan mo siya sa Pilipinas. Kailangan na bumalik kana duon. Kawawa naman po siya." Ani ko sa kanya. Narinig ko na bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin at bumalik ulit ang paningin niya sa daan. "Actually hinihintay ko lang siya na mapansin niya ang pagpa pansin ko. Napa inosenti niya kasi na parang walang alam sa kanyang paligid. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang mga effort na ginawa ko sa para kanya. Parang lahat nalang pinakita ko sa kanya, pero wala pa rin." Aniya saka huminto sa tapat nang Filipino restaurant ang sasakyan. Tatanungin ko pa sana siya kung kilala ko ba ang babae. Ngunit sinabi niya na kakainin muna kami saka umuwi. Hindi pa ako nakasagot bumaba na siya at umikot papunta sa side ko. "Let's go baby girl." Wika niya pagbukas ng pinto ng kanyang sasakyan at nilahad niya pa ang kanyang kamay sa akin. Napaka gentle man talaga ni Kuya. Kaya napa isip ako kung bakit hindi siya napansin ng babaeng tinutukoy niya. Matanong nga mamaya kung sino. Baka kung kilala ko, matulungan ko pa si Kuya. Sa isip-isip. Pagpasok namin sa loob ng restaurant binati niya ng waiter si Kuya na nakaabang na sa amin. Nagpasalamat naman si Kuya saka sinabi ang kanyang reservation. Sinamahan naman kami kaagad ng waiter sa ami'ng table. Nakapag pa reserve na pala si Kuya. Pagpasok namin sa private room. Namilog kaagad ang aking mga mata na puno ang mesa ng pagkain at halos lahat paborito ko pa. Kaya wala sarili na niyakap ko si Kuya Harvey at nagpasalamat. Nagulat siya sa ginawa ko, kaya parang bigla siyang natuod. Pero kalaunan niyakap niya rin ako pabalik at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Nang tuluyan kaming nakapasok, nagpasalamat ako sa waiter bago siya lumabas. Kaagad na umupo ako saka niyaya rin si Kuya Harvey. Napansin ko na ngumiti siya saka tumabi sa akin. Gusto ko sana magtanong sa kanya kung bakit dito siya umupo sa tabi ko, nang magsalita siya. "Mahirapan ka bumukas ng king crab kaya dito na ako sa tabi mo para pagbuksan ka. Ano ang gusto mo ang buttered shrimp o ang king crab." Aniya saka naghugas ng kanyang kamay. Pakiramdam ko iba ang boses ni Kuya. Parang ang lambing na parang isa akong prensisa na pinag silbihan niya. Nakatingin lang ako kay Kuya na kinuha niya ang shrimp at binalatan. Wala akong kurap na nakatingin sa kanya habang iniisip kung bakit ganito si Kuya Harvey sa akin. "Say ah!" Pagkuwan na sabi niya sa akin. Duon lang ako bumalik sa tamang wesyo dahil gusto niyang isubo ang shrimp sa akin. Kumurap-kurap ako saka nag-iwas ng tingin kay Kuya Harvey. "Ahm! Kuya ako na. Salamat po." Nahihiya kong sabi. Ngunit hindi niya inalis ang kanyang kamay malapit sa bibig ko. "Just eat baby girl." Wika niya habang hinihintay niya na ibuka ko ang aking bibig. Kaya kahit nahihiya man ako. Napilitan akong ibuka ang aking bibig. Nakita ko na malaki ang kanyang ngiti sa labi. Ngunit ganun nalang ang paglaki ng aking mata ng pagkatapos niya akong subuan. Dinala niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig saka dinilaan ang kanyang daliri na may sauce na galing sa aking bibig. Muntik pa akong mabilaukan nang kumindat siya sa akin. " Delicious." Bigkas niya habang dinilaan naman ang isa pa niyang daliri. Nalunok ko ng wala sa orang ang hipon sa loob ng aking bibig kahit hindi ko nanguya ng maayos saka uminum ng drinks. Parang bigla akong na uhaw sa ginawa ni Kuya Harvey. Pero parang wala lang naman sa kanya dahil kumuha ulit siya ng isa pa'ng hipon at binalatan saka sinubo ulit sa akin. Ayaw ko na sana tanggapin ngunit sinabi niya na buksan niya na ang king crab kaya binuka ko ulit ang aking bibig. Katulad kanina pagkatapos niya akong subuan dinala niya ulit ang kanyang kamay sa kanyang bibig at patay malisya na dinilaan. Pakiramdam ko pulang-pula na aking pisnge sa hiya. First time kasi ginawa ni Kuya na dilaan ang kanyang kamay na galing sa aking bibig. Hindi ko naman naramdaman na minamanyak niya ako dahil hindi naman siya nakatingin sa akin. Saka sinabi niya na little sister ang tingin niya sa akin. Kaya pinilig ko na lamang ang aking ulo para mawala ang maling iniisip sa utak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook