CHAPTER TWO

1611 Words
JING "Salamat, Kuya! Sa dinner sobrang nabusog po ako. Mauna na po ako. Kuya." Pasalamat ko kay kuya Harvey pagdating namin sa bahay. Us usual dito na naman siya matulog. May sariling silid naman siya dito kaya malaya siyang makatulog kahit anong oras gustuhin niya. Nagtaka lamang ako dahil ang laki ng kanilang mansyon. Pero naisip ko na baka malungkot mag-isa kaya mas dito niya gustong matulog. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kuya Harvey kaagad akong bumaba ng kanyang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Pagkatapos namin kanina kumain, nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago umuwi. Sobrang nabusog talaga sa kinain namin. Ang plano kong mag diet Hindi na, natuloy dahil sa mga pagkain kanina na inorder ni Kuya. "Magandang gabi po Ate Becca." Bati ko ng makita ko siya sa sala habang nanunuod ng tv. Mabuti nalang talaga puro Pinoy ang mga katulong ng mga magulang ni Ate Esme. Kaya hindi ako makaramdam ng lungkot kahit hindi ko ngayon kasama sina Nanay at Tatay. Parang gusto ko rin manuod kasama sila kaya pagkatapos akong batiin din ni Ate Becca. Nagpaalam ako saglit sa kanya upang magbihis ng aking uniform. Alas siete pa lang naman ng gabi kaya maaga pa. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako kaagad upang bumalik sa sala. Sakto pababa ako ng hagdan nang nakasulubong ko si Kuya Harvey. Nangunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. "Where are you going? Saka bakit 'yan ang suot mo?" Tanong niya sa akin na parang naiinis. Kaya hindi Amako kaagad naka sagot. "Baby girl, saan ka pupunta? Saka bakit 'yan ang suot mo?" Tanong niya ulit sa akin. Kaya napanguso ako, kung bakit tinanong niya kung ano ang suot ko. Naka sando lamang kasi ako at naka suot ng maikling short. Nasa loob lang naman ako ng bahay at walang ibang tao. Kaya nagtaka ako kung bakit ganito siya magtanong. "Bakit Kuya? Ano ang masama sa suot ko? Saka gusto ko muna manuod ng tv sa sala kasama si Ate Becca." Mas lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. Nag isang guhit ang linya ng kanyang noo. "You, want to watch TV? May TV naman sa loob ng kwarto mo. Bakit kailangan mo pang manuod sa sala? At ganyan ang suot mo?" Akmang lalampasan ko na siya dahil kung ano-ano ang sinasabi. Ngunit hinawakan niya ako sa aking kamay. "Kuya, gusto ko lang manuod ng TV kasama si Ate Becca. Ang lungkot jasi mag-isa kapag na nunuod. Saka walang pasok bukas, mamaya na ako matulog kaya naisipan ko munang manuod kasama si Ate Becca." Ngunit sa halip na pakawalan ako. Hinila niya ako pabalik sa taas. "Kung gusto mong manuod na may kasama. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pwedi naman kitang samahan sa kwarto mo o kung gusto mo sa kwarto ko. Bakit kailangan gusto mo pang sumama sa iba? Saka may kasama si Becca na nanunuod. Nandun ang dalawang driver kaya hindi ka pwedi pumunta duon habang ganyan ang suot mo. Makita nila ang katawan mo." Mautoridad niyang sabi sabay hila papasok sa aking silid. Hindi pa nga ako nakasagot. Sinabi niya na hintayin ko siya dahil magbihis lamang siya at babalik kaagad. Kaya wala sa sarili na umupo lamang ako sa aking kama. Naguguluhan talaga ako kay Kuya Harvey. Hindi naman ganito nuon sa akin si Kuya Remy. Parang mga Tatay na namin ang driver at security guard ng mga Weinstein. Siya lang talaga ang super strict sa akin. Dinaig pa si Kuya Arvey at Kuya Remy. Limang minuto lang ng nakaalis siya. Kaagad naman siyanh naka balik. Naka suot siya ng shirt na itim at short. Hindi ko siya sinagot n'ong tinanong niya ako kung ano ang gusto ko'ng panuorin dahil nainis ako sa kanya. Kung bakit ba nandito siya at kung makabantay sa akin sobra pa sa aking mga kapatid. "Baby, girl, are mad at me? Ayaw mo ba akong makasama na manuod? Gusto lang naman kitang protektahan." Malumanay niyang sabi sa akin. Ngunit hindi ko pa rin siya sinagot. Hindi ko jasi alam kung bakit ganito siya sa akin. Kapag makita niya ako na may kausap na lalaki, magtatampo siya sa akin. Palagi niya rin akong binibigyan ng bulaklak at dinadala sa mga mamahalin na restaurant. Iniisip ko na baka malaman ng kanyang mga magulang ano nalang ang sasabihin sa akin. Narinig kung bumuntong hininga siya saka umupo sa aking tabi. Kaya hindi na Ako maka tiis at nagsalita na ako. "Kuya, bakit napaka higpit mo sa akin? Bakit ba nandito ka natutulog, samantala may bahay naman kayo? Ayaw ko po na may masabi ang mga tao lalo na ang pamilya mo. Kapag nalaman nila ang ginagawa mo sa akin na pagbibigay ng mga mamahalin na gamit at pagdala sa mamahaling restaurant. Kuntinto na ako kahit tuyo at itlog lang ang kakainin ko. Hindi na po ako bata. Kaya ko na po ang sarili ko. Kaya sana bumalik ka na sa bahay niyo at huwag na akong ihatid sundo sa aking school." Pranka na wika ko kay Kuya Harvey. Nagulat ako ng hinawakan niya ang aking kamay. Biglang may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Bigla din kumabog ang aking dibdib na hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba o kung ano. Seryuso siya na tumingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "I'm sorry kung sa tingin mo mali ang ginawa ko. I'm sorry kung napa sobra na ako. Sige, kung gusto mo na kasama si Becca manuod. Go ahead, you can watch with them." Aniya saka tumayo. "I will go back to my room. Good night." Wika niya ulit saka humakbang na palabas. Gusto ko sanang magsalita ngunit parang ayaw bumuka ng aking bibig. Nakatanaw lamang ako hanggang sa tuluyan na siyang naka nakalabas sa aking silid. Nawalan na rin ako ng gana na manuod. Kaya humiga nalang ako sa kama para matulog. Ngunit hindi pa nga ako naka pikit nang may kumatok sa aking pinto. Kaya bumangon ako para pagbuksan kung sino ang kumakatok. Pagbukas ko si Ate Becca na parang kinakabahan na hindi mapakali. "Jing, tulog ka na ba? Pasensya kung nadisturbo kita. Si sir Harvey kasi umalis dala ang kanyang maleta. Hindi na raw siya babalik dito. Nag-away ba kayo? Saka ang bilis niya magpa takbo ng kanyang sasakyan. Napansin ko na masama ang kanyang pakiramdam. Nag-alala ako sa kanya. Sapagkat mag-isa lamang siya sa kanyang bahay. Mahina kasi ang batang 'yun kapag nagkasakit." Malumanay na sabi ni Ate Becca. Nakaramdam din ako ng kaba sa sinabi ni Ate Becca. Hindi ko naman akalain na aalis pala siya. Hindi ko naman sinasadya ang mga sinabi ko kanina sa kanya. "Pero pinasunod ko si Waldo sa kanya. Kaya huwag ka ng mag-alala pa. Sinabi ko kay Waldo na na tatawagan niya ako mamaya kapag makarating siya sa bahay ni Sir Harvey kung masama nga ba ang kanyang pakiramdam." Wika ulit ni Ate Becca kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagpaalam na rin kaagad si Ate Becca kaya bumalik ako sa aking kama. Gusto ko sana siyang tawagan ngunit hindi ko alam ang aking sasabihin. Kaya binalik ko na lamang ang aking cellphone sa mesa sa gilid ng aking kama. Pabaling-baling ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog sa pag-iisip kay Kuya Harvey. Sana lang talaga hindi masama ang kanyang pakiramdam. Kaya lala kanina medyo namamaos ang kanyang boses at tatlong beses siya napa hatsing. Alas tres nang madaling araw ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kaya binuksan ko nalang ang TV para manuod. Ngunit hindi ko naman naiintindihan ang palabas dahil akupado ng ng utak ko si Kuya Harvey. Hindi ko lang talaga kasi maisip na kung bakit palagi niya akong binabantayan. Nagpasalamat naman ako na nan'dyan siya sa akin bilang kapatid. Ngunit parang sumusobra na kasi siya. Kaya hindi ko na talaga kanina mapigilan ang aking sarili na pagsabihan siya. Sa pag-iisip ko sa kanya hanggang dumating ang umaga hindi talaga ako nakatulog. Kahit nahihilo ako sa puyat. Pinilit ko pa rin ang aking sarili na bumangon. Naligo muna ako para kahit papano mawala ang hilo nang ulo. Gusto ko rin kasi maki balita kung kamusta si Kuya Harvey. Pagkatapos kong maligo at magbihis kaagad akong lumabas at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Kuya Waldo , Ate Becca at Ate Hazel. Binati ko silang tatlo at kaagad na tinanong ko si Kuya Waldo kung kamusta si Kuya Harvey. N'ong sinabi niya na may sakit nga talaga si Kuya Harvey nakaramdam ako ng kaba at guilty sa aking sarili. Kaya nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo para umakyat muli pabalik sa aking silid upang magbihis ng damit. Pupuntahan ko si Kuya sa kanilang bahay para alagaan. Pagkatapos kong magbihis pagbalik ko sa kusina dahil magpahatid ako kay Kuya Waldo sa bahay ni Kuya Harvey. Sakto naman na natapos ng lutuin ni Ate Hazel ang corn soup para kay Kuya Harvey. Nagtimpla din ako ng kape para sa kanya. Nang malagay ko na lahat sa paper bag. Kaagad naman kaming umalis ni Kuya Waldo papunta sa bahay ni Kuya Harvey. Sampung minuto na pag byahe namin. Nakarating narin kami kaagad sa bahay ni Kuya Harvey. Sinabi ko na lamang kay Kuya Waldo na ako na ang bahala kay Kuya. Tatawagan ko nalang siya mamaya kapag mag pa sundo na ako sa kanya. Pagbaba ko sa sasakyan kumaway muna ako kay Kuya Waldo bago ako pumasok sa gate ng bahay nila. May susi naman ako, kaya hindi na ko na kailangan na kumatok pa. Once a week kasi naglilinis dito si Ate Becca kasama ni Ate Hazel kaya may sarili silang susi. Kaya bago ako kanina pumunta dito pinahiram nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD