JING
Pagpasok ko sa loob ng bahay sobrang tahimik. Alam ko naman ang pasikot-sikot dito sa loob ng bahay. Dahil ilang beses na akong nakapasok dito nuon kasama si Ate Esme at Kuya Arvey. May sariling kwarto na nga kami rito. Pagdating ko sa sala, nilagay ko muna ang aking bag saka dumiretso sa kusina. Naisip ko na baka nasa loob ng kwarto niya si Kuya Harvey kaya inayos ko sa tray ang dala kong pagkain. Kumuha na rin ako ng gamot sa cabinet para kung sakaling wala siyang gamot sa kanyang kwarto. Hindi ako maghanap pa. Nang maayos ko na ang pagkain at tubig sa tray. Lumabas na ako sa kusina upang pumunta sa kanyang silid. Nasa second floor ang kwarto ni Kuya kaya dahan-dahan lang ang aking mga hakbang baka ma bitawan ko ang aking dala. Pag tapat ko sa kanyang pinto nagpakawala muna ako na malakas na hininga bago ako kumatok sa pinto. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko kagabi. Napa sobra yata ako sa sinabi ko sa kanya kagabi. Tatlong beses akong kumatok ngunit walang sumasagot. Kaya hinawakan ko ang sinadura kung naka lock ba ito o hindi. Mabuti nalang hindi naka lock kaya binuksan ko ang pinto. Pagbukas ko, pumasok ako kaagad. Nakita ko si Kuya Harvey sa gitna ng kama habang naka talokbong ng kumot. Kaya lumapit ako sa mesa upang ilagay muna ang dala kong tray. Pagkatapos lumapit ako sa kanya at ginising siya. Ngunit hindi siya sumasagot. Kaya nag desisyon akong kunin ang kumot sa kanyang katawan. Ganun nalang ang kaba na aking naramdaman na basa ng pawis ang kanyang katawan at sobrang init nito na nanginginig pa. Kaya mabilis akong pumunta sa kanyang banyo upang kumuha ng basang towel. Inumpisahan ko siyang punasan mula ulo hanggang paa. Nanginginig pa ang aking kamay nang dumako ito sa kanyang katawan. Pero kailangan kong punasan para mawala ang kanyang lagnat. Nakita ko na dahan-dahan na nagmulat ang kanyang mga mata.
"What are you doing here?" Tanong niya sa namamaos na boses. Ngunit hindi ko siya sinagot dahil patuloy pa rin ako sa pagpunas ng kanyang tiyan.
"I'm okay! here, you can go back to your house. You don't have to do this. I can take care of myself." Wika niya at pumikit. Pero patuloy pa rin ako sa pagpunas. Mabuti nalang medyo nawala na ang init sa kanyang katawan.
"I'm, said! I'm okay!" Wika niya sa malakas na boses kaya napa tigil ako sa aking ginagawa. Ngayon lang ako sinigawan ni Kuya Harvey kaya hindi ko mapigilan na tumulo ang aking mga luha.
"I'm sorry, po! Kuya. Gusto lang sana kitang alagaan. I'm sorry kung ayaw mo pala na alagaan kita. Tatawagan ko nalang si Ate Hazel para pumunta dito. Tatawagan ko din ang Doktor niyo para ma check up ka. I'm sorry po. Kung kaya mo na ang sarili mo'ng bumangon, may soup akong dala at kape. At may gamot na rin. Sige po Kuya, aalis na po ako. Sorry ulit." Humihikbi kong sabi. Kaagad akong tumalikod at akmang hahakbang na sana ako ng magsalita siya.
"I'm sorry, baby girl! Please stay with me. I'm sorry kung napa lakas ang boses ko!" Wika niya sa garalgal na boses. Ngunit parang ayaw ng paa ko makisabay dahil hindi ko kayang humakbang pa harap sa kanya. Sunod-sunod pa rin ang pag patak ng aking mga luha. Parang nabigla lang talaga ng sinigawan niya ako.
"Please, I'm sorry! baby girl. Ang akala ko ayaw mo akong makita. Ang akala ko galit ka sa akin. Dahil pakiramdam mo over protective ako sa'yo. Kaya nga umuwi nalang ako dito para hindi kana masasakal sa akin. But please stop crying I'm sorry. It's hurt me a lot to see you crying." Wika niya sa mahinahon na boses. Kaya pinunasan ko ang aking mga luha saka dahan-dahan na humarap sa kanya. Sakto na nasa harapan ko na pala siya. Hindi ko napaghandaan na biglang naglapat ang aming mga labi. Kaya nanlaki ang aking mga mata. Bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. Parang may naramdaman akong bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Naramdaman ko na lang na gumalaw ang labi ni Kuya Harvey sa aking labi. Humawak pa siya sa aking baywang habang patuloy sa paghalik sa akin. Nang matauhan ako, malakas ko siyang tinulak ngunit hindi manlang na tinag. Tumigil siya sa paghalik sa akin ngunit mas humigpit ang paghawak niya sa aking baywang.
"I like you baby girl. I'm sorry, dahil nagustuhan kita. Hindi ako mag so-sorry dahil hinalikan kita. I'm sorry dahil kahit anong pigil ng aking naramdaman para sa'yo ngunit ayaw tumigil. I really like you the first day i saw you. I love you Jing." Wika niya sa namamaos na boses. Parang walang pumasok sa aking isipan sa mga sinabi ni Kuya Harvey. Naramdaman ko na hinaplos niya ang aking likod.
"Please allow me to court you. I love you baby girl. Hindi ko lang alam kong hindi mo talaga napapansin ang mga effort ko sa'yo. Ang pag bibigay ko sa'yo ng mga bulaklak. Ang pag-alaga ko. Ang pagiging over protective ko. Dahil gusto kitang alagaan. Mahal kita, sana huwag kang magalit sa akin. Sana payagan mo akong ligawan ka. Handa naman akong maghintay pagka graduate mo." Wika niya ulit malapit sa aking punong tainga. Naramdaman ko rin ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Kaya biglang tumayo ang lahat na mga balahibo ko sa aking buong katawan. Unti-unting lumuwag ang paghawak niya sa aking baywang saka hinaplos niya ang aking pisnge. Dahil hindi ko alam ang aking sasabihin at sobra akong nabigla sa mga sinabi niya. Wala akong paalam na lumabas. Narinig ko pa na tinatawag niya ako ngunit hindi ako lumingon. Mabilis ang mga hakbang ko pababa ng hagdan para sana lumabas. Ngunit narinig ko siyang sumigaw kaya napa hinto ako sa akma kong paglabas ng kanyang bahay.
"Kapag lumabas ka, hinding-hindi mo na ako makikita. Hindi ako aalis o magpakalayo kundi tatalon ako dito mula second floor hanggang diyan sa'yo. Kaya mamili ka! Kapag tumuloy ka sa paglabas wala ka talagang pakialam sa akin. Pero kapag bumalik ka sinasagot mo na ako. Boyfriend mo na ako, girlfriend na kita." Sigaw niyang sabi. Nanlaki ang aking mga mata. Parang parehas na lugi ako sa kanyang pina papili sa akin. Kaya humarap ako at sinamaan siya ng tingin. Mahalaga naman si Kuya sa akin pero ano daw? Kapag bumalik ako boyfriend ko na siya?
"Kuya, na babaliw ka na ba? O epikto 'yan ng sakit mo? Anong pinagsasabi mo? Ang bata ko pa. At ano nalang ang sabihin ng pamilya mo sa akin? Ano nalang ang sasabihin ni Ate Esme at ng pamilya niya sa akin? Uuwi na ako. Papuntahin ko dito si Ate Hazel at tatawagan ko ang Doktor niyo para matingnan ka. May sira na yata ang isip mo." Sungit-sungitan kong sabi.
"Isang hakbang mo, tatalon talaga ako. Hindi ako nagbibiro. Tama nga ang sinabi mo. Baliw na ako, baliw na baliw sa'yo." Seryuso niyang sabi habang humawak sa railing ng hagdan. Sinampa niya na ang kanyang isang paa. Kaya nakaramdam ako ng takot. Baka kung tumalon nga siya, ako pa ang sisihin ng kanyang mga pamilya. Baka magalit pa sa akin si Ate Esme. Kaya padabog akong humakbang paakyat sa itaas. Napansin ko na malaki ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Dahil sa inis ko, hinampas ko siya sa kanyang dibdib. Duon ko lang naalala na naka suot lamang pala siya ng boxer. Kaya tumalikod ako sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang kanyang bisig na yumakap sa akin mula sa aking likuran.
"I love you! baby girl. Promise I'm a good boyfriend to you." Saad nito sa akin. Kaya nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Kinuha ko ang kanyang kamay upang maka wala sa kanyang yakap. Saka medyo lumayo muna ako sa kanya bago ko siya hinarap.
"Anong pinagsasabi mo Kuya? Paano kita naging boyfriend!?" Napalakas ang boses ko dahil sa pagka bigla. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Parang wala naman siyang sakit. Kanina nanginginig siya, pero ngayon parang malakas na rin siya.
"Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko sa'yo. Kapag bumalik ka, girlfriend na kita. Boyfriend mo na ako. Kaya for now on. Tayo na." Saad niya at hinalikan ulit ako sa aking labi.