CHAPTER FOUR

1578 Words
HARVEY "Kuya akala ko ba may sakit ka? Bakit ngayon parang wala naman. Saka kanina ka pa panay yakap at halik sa akin. Kapag malaman ito ni Kuya Arvey at Ate Esme lagot ako. Kaya tumigil kana sa paghalik sa akin. Saka magpahinga ka na. Kainin mo na ang soup para makainum ka na ng gamot." Nakanguso na sabi ni Jing sa akin. Ang cute niya talaga. Hindi ko talaga mapigilan ang aking nararamdaman para sa kanya. Kahit anong pilit kong baliwalain kung ano man ang naramdaman ko sa para kanya ngunit mas lalo ko lamang siyang nagustuhan. Unang kita ko pa lang sa kanya nuon kakaiba na talaga ang pagtingin ko sa kanya. Ngunit parang walang pakialam sa akin dahil Kuya lang talaga ako para sa kanya. Kaya n'ong nalaman ko na maiwan siya dito sa America inayos ko na ang aking mga papelis para dito din mag trabaho sa kompanya namin para makasama ko siya. Mabuti nalang pumayag si Kuya Arvey ang kakambal ko. Nauna siyang lumabas kaya kuya ang gusto ni Mommy na itawag ko sa kanya. Kaya n'ong dalawa nalang kami dito ginawa ko na ang lahat para mapansin niya ako. Ngunit hindi niya pa rin napapansin ang mga effort ko sa kanya. Napaka inosenti niya talaga. N'ong sinabi niya kagabi na sobra pa ako sa kanyang mga kapatid, bigla akong kinabahan na baka hindi niya na ako kausapin. Napa sobra na pala ang paghihigpit ko sa kanya, kaya naisipan ko na lang na bumalik nalang muna sa bahay. Naabutan ako kahapon ng ulan habang naghihintay ako sa labas ng kanyang school. Kaya medyo sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na lumala pala pag-uwi ko dito. Hindi kasi ako pwedi mabasa ng ulan. N'ong nakita ako nuon na nagpa lutang-lutang sa dagat, nang magising ako lagi na akong sakitin. Mabuti nalang hindi ako pinabayaan ni Nanay Sonia hanggang sa natagpuan ako ng tunay kong mga magulang. Kaya kanina n'ong dumating si Jing sobrang saya nang puso ko dahil hindi niya pa rin ako matiis. Kaya nang balak niya akong iwan no choice na ako kundi mag drama-dramahan kaya heto kami ngayon nakahiga ulit sa kama. "Baby girl, subuan mo ako. Mahina pa ang katawan ko." Paglalambing ko sa kanya. Napanguso lamang siya na lumayo sa akin. Ngunit hinawakan ko siya sa kanyang baywang. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay kaya napangiti ako. Kahit anong sungit niya sa akin. Napaka ganda niya pa rin sa king paningin. Kaya umayos na ako at sumandal sa headboard ng kama. Kinuha niya naman ang bowl na may soup at inumpisahan niya na akong subuan. Panay kindat ko naman sa kanya kaya namula ang buo niya mukha. "Parang kang baliw Kuya. Nagkasakit ka lang kung ano-ano na ang nasa isip mo. Bilisan mo na nga para makainum ka ng gamot." Sungit-sungitan niya sabi sa akin. Akmang aalis na sana siya sa aking tabi dahil naubos ko na ang isang bowl ng soup ng hinapit ko siya sa kanyang baywang kaya napunta siya sa ibabaw ko ngayon. Nanlaki naman ang kanyang mata habang ang kanyang kamay nasa aking dibdib. Nagtagpo ang aming mata kaya walang kurap ko siyang tinititigan. "Kuya?" Sambit niya sa mahinang boses na parang kinakabahan. "Isang Kuya mo pa, hahalikan na talaga kita." Wika ko sa namamaos na boses. Hinaplos ko ang kanyang maamong mukha. Napaka ganda at inosenti niya talaga. Kaya sobra akong na inlove sa kanya. "Kuya." Sambit niya ulit kaya kaagad ko siyang siniil ng halik sa kanyang mapula at malambot na labi. Humigpit ang kapit ko sa kanyang baywang. Lihim akong napangiti na hindi niya alam kung paano humalik. Kaya napaka swerte ko, na ako ang unang nakahawak at nakahalik sa kanya. Kaya siguradohin ko na ako ang una at huling makahawak At makahalik sa kanya. Handa ko siyang ipaglaban sa kanyang pamilya at sa aking mga magulang. "I love you, baby girl. Please don't call me Kuya again. Boyfriend mo na ako, girlfriend na kita. Kaya hindi maganda pakinggan kung tawagin mo akong Kuya." Malambing kong saad sa kanya n'ong tumigil na ako sa paghalik sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang labi habang seryusong nakatingin sa kanya. Akmang yuyuko sana siya ng hinawakan ko ang kanyang mukha at mabini kong hinaplos ito. "Kuya, natatakot ako, baka magalit ang pamilya mo sa akin. Si Ate Esme, si Kuya Remy at pamilya Weinstein. Si Nanay at Tatay. Saka hindi ka naman nanliligaw sa akin. Bakit naging boyfriend kita kaagad." Nahihiya niya tanong sa akin. Kaya mabilis ko muna siyang hinalikan sa labi at hinaplos sa kanyang ulo. Nasa ibabaw ko pa rin siya habang patuloy ko siyang hinahaplos sa kanyang ulo. "Araw-araw kitang liligawan baby girl. Saka huwag kang mag alala sa pamilya ko at pamilya mo. Ako ang bahala, basta for now mag boyfriend girlfriend na tayo. At lagi mo'ng tandaan na kapag tinawag mo akong Kuya kahit nasa harapan tayo ng maraming tao hahalikan talaga kita. Kaya tandaan mo 'yan baby girl. Maliwanag?" Maoturidad kong saad sa kanya. Wala sa sarili naman siyang tumango kaya pinisil ko ang kanyang ilong. "Bitawan mo na ako, kukunin ko lang ang gamot, para makainum ka na." Aniya ngunit hindi ko pa rin siya binitawan. Kaya tiningnan niya naman ako ng masama. "Say my name, baby girl." Ani ko sa kanya. Alam kong nahihiya siya. Pero gusto ko na marinig mula sa kanya na tawagin ako sa aking pangalan. Napanguso siya at akmang aalis sa ibabaw ko. Pero mas humigpit ang hawak ko sa kanya. "Ha-harvey bitaw na." Nau-utal niyang sabi habang hindi nakatingin sa akin. Kaya bumangon ako kasama siya saka hinalikan ko siya sa labi. Ang sarap pakinggan nang binanggit niya aking pangalan. Siya na ngayon ang nasa ilalalim ko at ako naman ang nasa kanyang ibabaw. Hinawakan ko ang kanyang ulo habang patuloy pa rin ako sa mapusok na halik sa kanya. Hindi pa rin siya tumugon ng halik dahil hindi niya pa rin siya marunong kung paano. Nakapikit ako ninamnam ang tamis ng kanyang labi hanggang sa naramdaman ko na kumapit siya sa aking batok at gumalaw din ang kanyang labi. Kaya minulat ko ang aking mga mata. Nakapikit siya at tumugon na rin sa aking mga halik. Nang hindi na gumalaw ang labi ko. Napamulat siya at inalis niya ang kanyang kamay sa akin batok at umiwas siya ng tingin sa akin. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala muli sa aking batok. "I like your kiss, baby girl. Kaya huwag ka'ng mahiya. I really love it. I love you." Wika ko sabay halik ulit sa kanyang labi. Nang tumugon siya mas lumalim ang aming halikan na dalawa. Paunti-unti marunong na rin siya makisabay sa aking mga halik. Hanggang sa kusa na akong tumigil dahil baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili at maangkin siya. Naramdaman ko na jasi na nabuhay na si buddy. Magiging kuntinto na muna ako sa yakap at halik. Hihintayin ko siya na makatapos sa kanyang pag-aaral. Kailangan ko din muna ipaalam sa pamilya ko at pamilya niya ang tungkol sa amin. Umalis na aki sa kanyang ibabaw at kinuha na ang gamot para inumin. Okay na ang pakiramdam ko, pero kailangan ko pa rin uminum ng gamot para tuluyan na akong gumaling. Sumandal ako muli sa kama at pinaunan ko ang aking braso sa kanyang ulo. Gusto ko muna siyang makasama buong araw. "Ahm! Harvey. Sure ka ba na mahal mo ako? Baka kung ano ang sasabihin ng mga tao sa akin. Bata pa ako at nag-aaral. Saka wala ka ba talagang girlfriend sa Pilipinas o kung saan? Baka sa huli maging luhaan ako kapag pumunta dito ang girlfriend mo?" Tanong niya habang seryuso na nakatingin sa akin. Napalunok ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kong sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Sampaguita. Siya ang anak ni Nanay Sonia na may gusto sa akin. N'ong natagpuan ako ng aking tunay na pamilya nagbigay sila ng tulong sa pamilya ni Nanay Sonia. Pina-aral ni Mommy si Sampaguita sa ibang bansa, ngunit ayaw ni Sampaguita kung hindi ako sasama kanya. Gusto ko munang makasama ang aking tunay na pamilya kaya nakiusap ako kay Sampaguita na susunod ako kapag maka bonding ko na ang aking pamilya. Pumayag naman siya ngunit sa isang kundisyon. Bigyan ko daw siya ng sing-sing para maka siguro siya na susunod ako sa kanya at pakasalan ko siya kapag bumalik siya ng Pilipinas. Kaya kahit labag sa loob ko binigyan ko siya ng sing-sing. Ang totoo nga nakatanggap na ako ng message sa kanya na pauwi na siya ng Pilipinas. Apat na taon na hindi kami nagkita dahil ayaw ko'ng umaasa siya sa akin. Kapatid lang ang turing ko sa kanya. "Harvey?" Napabalik ako sa tamang wesyo ng magsalita ulit si Jing. "Promise baby girl, Ikaw lang. Wala akong girlfriend. Ikaw lang baby girl. I love you." Malambing ko'ng saad sa kanya sabay halik ng mabilis sa kanyang labi. Nakita ko siyang ngumiti kaya niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Ngayon na kami na ni Jing gagawin ko ang lahat huwag lang umiksina si Sampaguita. Kakausapin ko siya kapag magkita kami at ipa-intindi ko sa kanya na kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Buong araw kaming magkasama ni Jing sa aking bahay. Nag-order lang ako ng aming lunch na dalawa. Pagsapit ng alas sais ng hapon sabay kaming umuwi sa kanilang bahay. Bit-bit ulit ang aking mga gamit. Dahil Hindi na Ako papayag na magkalayo pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD