JING
"Magkahawak kamay kami ni Harvey na pumasok sa bahay. Ayaw ko nga sana dahil nahihiya ako sa mga tao sa loob. Ngunit ayaw talaga pumayag ni Harvey at hindi niya talaga binitawan ang aking kamay. kaya wala na akong nagawa nang humakbang na siya papasok sa loob ng bahay. Napatingin si Ate Becca at Ate Hazel sa kamay namin ni Harvey na may panunukso tingin sa akin ngunit naka ngiti naman sila. Kaya sobra akong na hiya, kung dati parang wala naman s akin kahit nga nakaakbay sa akin si Harvey. Ngunit ngayon parang naiilang na nahihiya ako dahil hindi na Kuya ang tawag ko sa kanya dahil girlfriend niya na ako. At boyfriend ko naman siya. Kaya pakiramdam ko pulang-pula ang buo kong mukha sa hiya. Nagulat pa ako ng biglang siyang huminto at sinabi na may relasyon na kaming dalawa.
"Congratulations Jing, sir Harvey." Bati sa amin ni Ate Becca at Ate Hazel. Hinapit ako ni Harvey palapit sa kanya at hinalikan ako sa aking ulo.
"Sabi ko na nga ba eh. Alam mo Jing, bagay na bagay talaga kayo ni Sir Harvey. Matagal na nga namin hinihintay na marinig na kayo na talaga." Wika ni Ate Becca at tumango naman si Ate Hazel. Kaya keme akong ngumiti at nagpasalamat sa kanila. Tamang-tama daw ang pagdating namin dahil nakaluto na sila ng hapunan. Kaya saglit akong nagpaalam na maligo muna. Pakiramdam ko sobrang lagkit ng aking katawan. Magkahawak kamay kami ulit ni Harvey paakyat sa hagdan. Pupunta siya sa kanyang kwarto at ako naman sa aking silid. Una akong dumating sa aking kwarto dahil nasa kabila pa ang kanya. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na sa aking silid kaya binitawan niya ang aking kamay. Pagbukas ko ng aking pinto, papasok na sana ako nang hinawakan niya ako sa aking baywang. Pagharap ko sa kanya sinalubong niya ang aking labi ng kanyang labi. Dahil hindi pa talaga ako sanay kaya nanlaki ang aking mata at naisip bigla na baka may maka kita sa amin. Kaya hinawakan ko siya sa kanyang dibdib upang tumigil na siya. Maya-maya tumigil din at pinahiran ang aking basang labi.
"Kanina ka pa panay halik sa akin. Paano kung makita tayo ng mga kasamahan natin dito? Nakahihiya, baka makarating pa kay Ate Esme. Umalis ka na nga." Sungit-sungitan kong turan sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Ngumiti lamang siya at akmang hahalikan ako ulit ng sinara ko kaagad ang pinto.
" I love you baby girl. Susunduin kita dito para sabay na tayong kumain." Narinig ko na sabi niya sa labas. Ngunit hindi ko na siya sinagot. Napasandal Amako sa pinto at hinawakan ang aking dibdib dahil sobrang lakas ng pagtibok nito. Nuon hindi ko naman ito naramdaman kapag kasama ko si Harvey. Pero bakit ngayon parang nag iba ang lahat. Pumikit ako at pinilig ang aking ulo. Nanatili muna ako ng ilang segundo na naka sandal sa pinto. Bago dumiretso sa loob ng banyo upang maligo. Parang gusto kong magbabad sa tubig kaya pinuno ko ng tubig ang jacuzzi. Nag sindi din ako ng scented candle para masarap sa pakiramdam habang nakababad. Dahil isa lamang ako sa aking silid. Hinubad ko lahat ang aking suot pagtapos lumusong na ako sa loob ng jacuzzi. Pumikit muna ako saka sumandal sa jacuzzi. Hindi ko namalayan naka abot na pala ng dalawang oras akong nakababad sa jacuzzi kaya umahon na ako para magbanlaw. Sakto pag ahon ko bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Harvey na may pag-alala sa kanyang mata. Ngunit ganun nalang ang paglaki ng aking mata ng dumako ang mata ni Harvey sa aking katawan at duon ko nalang naalala na wala pa akong saplot kahit isa sa aking katawan.
"Harvey! Ano ang ginawa mo dito?" Malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang una kong tatakpan ng aking palad. Kaya lumoblub ako sa loob ng jacuzzi.
"Baby girl, I'm sorry. Nag-alala lang ako dahil dalawang oras na kitang hinintay sa labas ng room mo. Pero hindi kapa lumabas. Kaya nag desisyon na akong pumasok. Pero pagpasok ko, hindi kita nakita kaya kinabahan ako at kaagad na binuksan ang banyo. I'm sorry, I have no intention. Saka hindi ko alam, I'm sorry baby girl." Wika ni Harvey nang hinawakan niya ang aking ulo para umahon. Binigay niya sa akin ang towel habang nakatalikod siya. Kaya kahit nakahihiya man tinanggap ko pa rin ito at nagpasalamat.
"I will wait you outside para sabay na tayong kumain." Wika niya at lumabas na ng banyo. Kaya umahon na rin ako para magbanlaw. Mabilis lang akong nagbanlaw at nagsuot na rin ng damit. Habang nagsusuklay ako ng aking damit. Iniisip ko kung lalabas ba ako o hindi. Parang hindi ko kaya na makita si Harvey. Sa tanang buhay ko, siya lamang ang naka kita ng aking kahubaran. Nag sorry naman siya at sinabi na nag alaala lamang siya sa akin. Ngunit parang hindi ko kaya na harapin siya. Nakatulala ako habang nakaharap sa salamin nang naka rinig ako ng katok sa pinto
"Baby girl, are you done? It's already nine in the evening. Let's eat, baby girl." Wika ni Harvey sa labas ng pinto. Ngunit hindi ko siya sinagot. Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok siya. Nakayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nang makalapit siya sa akin hinawakan niya ako sa aking balikat kaya napaayos ako ng upo.
"Jing, don't be shy for what happened earlier. Kasalanan ko, kung bakit ako pumasok na hindi ka tinawag. Kinakabahan lang ako kaya hindi ko na naisip na tawagin ka. I'm sorry, gusto mo ba na dalhan nalang kita dito sa loob ng dinner mo?" Tanong ni Harvey at hinawakan ang aking pisnge.
"Huwag na, sa baba nalang tayo kakain. Nakahihiya naman Kay Ate Becca at Ate Hazel. Aniko, pagkatapos kinuha niya ang suklay sa aking kamay at siya na ang nagpatuloy sa pagsuklay ng aking buhok. Pagkatapos niya suklayin ang aking buhok. Inalalayan niya akong makatayo, nang makatayo na ako. Hinawakan niya ako sa aking baywang at mabilis na hinalikan sa labi.
"I love you." Aniya at hinalikan muli ako sa labi.
"Salamat Harvey." Ani ko dahil parang nahihiya pa akong sagutin ang I love you niya sa akin. Nanibago pa kasi talaga ako sa relasyon namin ni Harvey. Hindi ko pa naranasan kung paano ligawan. Pero heto ako nagka boyfriend na kaagad. Ngumiti siya sa akin saka pinagsiklop niya ang aming kamay upang lumabas na sa aking silid. Paglabas namin sa aking silid. Napasinghap ako at napatingin kay Harvey na nakangiti. Dahil may isang bouquet na bulaklak at malaking teddy sa labas ng aking pintuan. Kinuha niya at binigay sa akin.
"For you, baby girl. Simula ngayon liligawan na kita. Kahit tayo na, araw-araw pa rin kitang liligawan. I love you." Aniya, saka hinaplos ang aking pisnge. Napanganga lamang ako sa kanyang ginawa. Hindi ko akalain na napa sweet ni Harvey kaya biglang may kung anong kilig at saya sa aking puso.
"Salamat, Harvey." Wika ko at inamoy-amoy ang bulaklak. Niyakap ko din ang teddy bear na sobrang lambot. Kinuha niya muna t nilagay sa aking kama. Pagkatapos magka hawak kamay kami na bumaba sa hagdan papunta sa kusina. Pagdating namin sa kusina may mga pagkain na sa ibabaw ng mesa. Hindi ko na nakita si Ate Becca at Ate Hazel.
"Tayo nalang dalawa ang kakain baby girl. Kanina pa nakatulog si Becca at Hazel. Let's eat." Sambit ni Harvey at pinag hila niya ako ng upuan. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Tudo asikaso siya sa akin at sinubuan niya pa ako. Saka isang plato at kutsara lamang ang gamit namin. Una nahihiya pa ako ngunit n'ong nagtagal medyo nasanay na rin ako sa sobrang sweet ni Harvey. Minsan sinusubuan ko rin siya. Panay ang halik niya sa akin kapag kukunin niya na ang kutsara sa aking bibig. Hanggang sa nakatapos kami ng kain na panay ang harutan naming dalawa. Siya na rin ang naghugas ng aming pinagkainan. Kailangan niya daw asikasuhin ang kanyang prensisa. Kinilig naman ako dahil sa kanyang sinabi. Nang makatapos niyang hugasan ang aming pinagkainan. Magkahawak kamay kami ulit na umakyat sa aking kwarto. Mamaya na daw siya papasok sa kanyang silid at manuod daw muna kami ng tv.