CHAPTER ONE
JERLYN
"Good morning, Mayor." Narinig ko'ng bati ng mga tao dito sa loob ng canteen. Kaya napaangat ako ng ulo. Nagtaka ako, kung bakit nandito si Arnel. Magkahiwalay naman ang canteen sa munusipyo. Isang buwan bago ang election umuwi siya galing ibang bansa. Sapagkat siya ang tatakbo bilang Mayor dahil siya ang papalit bilang Mayor kay Tito Arley na Daddy niya. Dahil tatakbo bilang governor si Tito Arley Dahil wala naman siyang kalaban bilang Mayor. Automatic na naging Mayor siya sa aming bayan. Nanalo naman bilang governor si Tito Arley. Ako naman ang secretary ni Arnel. Actually secretary talaga ako ni Tito Arley, n'ong mayor pa siya. Pero ngayon Governor na si Tito Arley at may iba siyang secretary. Dalawang buwan na si Arnel bilang Mayor kaya dalawang buwan na rin ako'ng secretary niya. Ang akala ko nuon sa kanyang pagbalik maging kami pa. Pero simula n'ong dumating siya hindi kami nagkausap dahil iniiwasan niya ako. Sobrang sakit sa aking pakiraramdam dahil ang akala ko mahal niya pa ako, na hindi nawala ang pagmamahal niya sa akin. Ngunit akala ko lang pala ang lahat. Dahil parang may sakit ako'ng nakakahawala kong iwasan niya ako. Ilang beses ko sinubukan na kausapin siya. Ngunit palaging niyang sinasabi na marami siyang ginagawa kahit wala naman. Excited pa naman ako nuon nang nalaman ko na dadating na siya, nang sinabi ni Tito Arley at Tita Mina na uuwi na si Arnel. Sinabi din nila na wala itong naging girlfriend sa ibang bansa dahil ako ang gusto nila para kay Arnel. Pero sobrang lungkot ko ng hindi niya ako pinansin pagdating niya.
"Mayor anong gusto niyo? Magka kape ba kayo, o kakain ng almusal?" Narinig ko'ng tanong nila kay Arnel. Nakaupo siya sa kabilang mesa. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. Kaya kaagad ako'ng umiwas. Ang akala ko kasi hindi siya ngayon papasok dahil narinig ko na may pinuntahan daw siya sa kabilang bayan. Kaya pumunta muna ako sa canteen para uminum ng kape. Kahit mainit pa ang kape, inubos ko kaagad para makalabas sa canteen. Kahit secretary niya ako, hindi kami nag-usap. Civil lang kaming dalawa kapag may iutos siya sa akin. Hindi na nga ako nag go-good morning sa kanya dahil hindi niya naman ako sinasagot. Pagkaubos ko ng kape, kaagad ako'ng tumayo at dumaan sa likod ng canteen. Madaanan ko kasi siya kapag sa harapan ako ng pintuan dadaan.
Habang naglalakad ako pabalik sa sa kanyang opisina. Pa simple ko'ng pinahiran ang aking luha. Naisip ko na rin na baka hindi na ako mahal ni Arnel kaya nakapag desisyon na ako na kalimutan siya kahit sobrang sakit. Hihintayin ko lang matapos ang kasal ni Joy at Brent saka aalis din ako dito. Hahanapin ko muna ang sarili ko. Dahil kahit wala si Arnel dito nuon, sa kanya lang umikot ang mundo ko. Umaasa na sa kanyang pagbalik maging maayos ang sa amin. Ngunit parang malabo na magkabalikan kami dahil hindi niya na ako mahal. Mahal na mahal ko siya, pero kailangan ko nang bumitaw. Total ilang beses ko naman sana siyang gustong kausapin pero ayaw niya na. Alam ko naman na may kasalanan ako nuon sa kanya. Pero parang malaki talaga ang galit niya sa akin. Pagdating ko sa aking mesa, umupo ako kaagad dahil sobrang bigat ng aking pakiraramdam. Hindi lang ngayon, kundi araw-araw simula n'ong dumating si Arnel. Pinatong ko ang aking ulo sa mesa dahil gusto ko'ng sumigaw. Habang nakayuko ako, pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaya umangat ako ng aking ulo. Laking gulat ko na, naka tayo si Arnel sa aking harapan at seryuso na nakatingin sa akin. Kaya yumuko ako muli. Tumigil pa siya sa harapan ko ng ilang segundo bago pumasok sa kanyang opisina. Hindi ko naman maiwasan na tumulo ang aking luha. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka tiningnan ang mga papelis sa mesa. Wala naman talaga ako'ng trabaho dito. Hindi ko din alam kung bakit alam ni Arnel ang kanyang schedule samantala wala naman ako'ng sinabi sa kanya. Nakaupo lang ako maghapon hanggang sa oras ng uwian na walang ginagawa. Kapag may meeting naman siya, ang kasama niya ay ang body guard niya. Isang beses nga nuon na hindi ako pumasok, pinasundo niya ako sa kanyang body guard dahil may ipagawa daw siya sa akin. Pagdating ko sa opisina, pinaupo niya lang pala ako hanggang mag hapon.
Alas onse y medya na nang tanghali pero hindi naman ako tinawag ni Arnel. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung saan siya kakain. Kung mag order ba ako. Hindi ko kasi nakita na pumasok ang kanyang body guard para dalhan siya ng lunch. Usually kasi may nag hahatid ng pagkain niya. Nagtatalo ang isip ko kung tatanungin ko siya o hindi. Pero sa huli, nanatili nalang ako'ng nakaupo at hindi siya tinanong. Hihintayin ko nalang mag alas dose ng tanghali saka pupunta ako ng canteen para kumain ng lunch. Habang inaayos ko ang mga papel sa aking mesa. Napatingin ako sa aking harapan ng may tumikhim. Nakangiti si Jomar sa aking harapan.
"Magandang tanghali Joy. Kain na tayo, kanina ka pa nakatulala diyan. Kaya nilapitan kita para yayain kumain ng lunch sa canteen. Total malapit na rin mag alas dose. Kaya tara na, mamaya na muna iyan." Yaya sa akin ni Jomar. Isa din si Jomar sa empleyado dito sa munusipyo. Ngumiti ako saka tumango sa kanya. Akmang tatayo na sana ako ng tumunog ang intercom mula sa loob ng opisina ni Arnel.
"Get inside." Mautoridad na utos ni Arnel. Kaya sinabi ko kay Jomar na mauna na siya at susunod na lang ako. Ngumiti si Jomar saka umalis. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa pintuan ng opisina ni Arnel. Kumatok muna ako ng tatlong beses saka pumasok. Pagbukas ko ng pintuan, dumako ang tingin ko sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata. Nakasandal siya sa kanyang swivel chair habang walang kurap na nakatingin sa akin. Ilang segundo pa kami nagkatinginan. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
"Me-Mayor may ipag-uutos ba kayo?" Pormal ko'ng tanong.
"Pumasok at umupo pa." Utos niya. Kaya pumasok na ako at sinara ang pinto. Dumiretso ako sa sofa saka umupo.
"Matagal na kayo nag-uusap ni Jomar?" Tanong niya sa akin. Kunot-noo ako'ng tumingin sa kanya kung bakit alam niya na kausap ko si Jomar. May folds naman na nakaharang sa loob ng kanyang opisina kaya hindi nakita ang tao sa loob at labas. Sasagot na sana ako ng may kumatok sa pintuan.
"Come in." Sambit ni Arnel. Bumukas naman kaagad ang pintuan. Isang delivery boy at may dalang paper bag na alam ko'ng pagkain. Dahil may tatak ng pangalan ng restaurant. Naalala ko na, no'ng unang date namin nuon sa restaurant kami kumain. Katulad ng pangalan ng nakatatak sa paper bag.
"Please put it on the table." Utos ni Arnel sa delivery boy. Dinala ng delivery boy sa mesa at pinatong ang dalawang paper bag. Pagkatapos nagpaalam rin kaagad.
"Thank you." Pasalamat ni Arnel bago lumabas ang delivery boy. Binigyan niya pa ito ng pera.
"Kumain ka na." Aniya. Hindi ko alam ko'ng ako ba ang sinabihan niya dahil hindi niya naman binanggit ang pangalan ko. Kaya hindi ako kumilos.
"Para sa iyo iyan. Tumawag si Mommy na nagpa deliver daw siya ng lunch mo. At sinabi ni Mommy, na dito ka sa loob kumain. Kaya kumain ka na, para ma piktiyuran kita at ma send ko kay Mommy. Bilin niya sa akin para daw sure siya na kinain mo ang inorder niya para sa iyo." Wika ni Arnel. Mapait ako'ng ngumiti dahil kung hindi pala dahil kay Tita hindi niya ako kinausap. Ang akala ko, pina deliver niya, para sa akin.
Dahil nakaramdam na rin ako ng gutom at baka magtampo si Tita kung hindi ko kakainin ang pinadala niya. Tumayo ako saka lumapit sa mesa. Binuksan ko ang laman ng mga container. Umupo ako sa upuan at inumpisahan nang kumain. Hindi ko na siya niyaya dahil ayaw niya naman ako'ng makasama o kausapin. Siguro napilitan lang siya dahil sa utos ni Tita. Pilit ko na pinakalma ang aking sarili para hindi lumabas ang aking luha. Dahil kahit pangalan ko parang ayaw banggitin ni Arnel. Ibang-iba na talaga siya. Dati sobrang ma-alaga at malambing siya sa akin. Pero ngayon parang allergy na siya sa akin. Mabilis ang bawat pagsubo ko para makalabas ako kaagad. Parang awkward kasi na magkasama kami dito na parang hindi naman magkakilala. Habang kumakain ako, parang naramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Kaya pa simple ako'ng tumingin sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na parang may gustong sabihin. Kaagad ako'ng umiwas at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit na sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Pinilit ko'ng maging kalmado baka kasi mabilaukan ako sa aking kinakain. Hindi ko naubos ang pagkain sa sobrang dami. Kaya inayos mo muli ang container at tinakpan. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung itapon ko ba. O magpaalam ako na dadalhin ko pauwi sa bahay. Pero sa huli nagsalita din ako.
"Itatapon ko ba? Pero sayang dahil ang dami. Uuwi ko nalang sa bahay." Mahinang sabi ko. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Tinuon niya ang kanyang mata sa kanyang laptop. Kaya tuloy hindi ko alam ko'ng itapon ko ba o dadalhin sa baby. Sa huli bit-bit ang paper bag, lumabas ako ng kanyang opisina na hindi nagpasalamat at nagpaalam. Parang hangin lang naman kasi ako sa kanya. Kaya ayaw ko nang sayangin ang laway ko. Tatlong buwan na pagsuyo sa kanya, siguro sapat na iyun. Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko sa kanya kung ayaw niya na talaga sa akin. Mag move on nalang talaga ako.