bc

WANTED Daddy

book_age18+
1.4K
FOLLOW
20.0K
READ
one-night stand
HE
single mother
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Si Joy Bautista, twenty two years old. Isang dalaga na lumaki sa probinsya. Mahirap ang kanilang buhay kaya naman napilitan siyang ibenta ang kanyang p********e sa isang lalaki na hindi niya kilala. Kailangan niyang gawin iyon para may pambayad siya sa operasyon ng kanyang Papa Eric. Brent Sandoval, CEO at nag-iisang tagapagmana ng Sandoval Company. Nagkaroon ng bachelor party kasama ng kanyang mga kaibigan dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend. Bilang regalo ng mga kaibigan niya sa kanya, nagbayad ang mga ito ng babae para sa huling gabi ng pagka-binata ni Brent. Ngunit ang isang gabing iyon ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya tinuloy ang kasal dahil ginugulo siya ng babaeng naangkin niya ng gabing iyon sa bar. Lalo na at virgin pa ito. Makalipas ang limang taon ay muling pagtatagpuin ng tadhana sina Brent at Joy. Dahil nag-apply si Joy ng trabaho sa kompanya ni Brent at magiging sekretarya siya nito. Makikilala ba nila ang isa't-isa, dahil pareho silang lasing noong may nangyari sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
JOY Masaya kaming nagkulitan habang kumakain kami ni Lola ng nilagang saging na sinasawsaw namin sa bagoong habang hinihintay namin si Lolo at papa Eric galing sa bukid. Nandito kami sa labas ng bahay sa may malaking puno ng mangga sa harapan ng bahay. May mahabang upuan na ginawa si Papa Eric na gawa sa kawayan. Magandang tambayan kapag ganitong oras dahil maganda at presko ang hangin. Si Papa Eric ay kapatid ni Mama. Papa ang tawag ko sa kanya dahil sila ang kasama ko simula n'ong bata pa lamang ako. Lumaki ako na hindi ko nakita o nakasama si Nanay dahil namatay siya n'ong pinanganak niya ako. Ang kwento ni Lola sa akin nagtrabaho nuon si Nanay sa bansang Saudi Arabia bilang katulong. Pagkatapos ng dalawang taon niyang kontrata umuwi siya ngunit buntis na ito sa akin. Anak daw ng kanyang amo ang naka buntis sa kanya. Sa takot ni Nanay hindi niya sinabi sa tatay ko na buntis siya dahil baka daw hindi si Nanay makauwi sa Pilipinas at ipakulong siya ng kanyang mga amo. Habang pinagbubuntis daw ako ni Nanay nalaman na may sakit si Nanay sa puso. Sinabi ng Doktor na kailangan ni Nanay mamili, bubuhayin ba ako para mabuhay siya. Ngunit hindi ni Nanay kaya na mawala ako kaya kinaya niya hanggang sa pinanganak niya ako. Pero buhay naman ni Nanay ang kapalit. May naipundar naman si Lolo sa mga pinadala ni Nanay nuon sa kanila. Iyon ay ang sakahan na pinagkukunan namin ng pagkain. Yun nga lang hindi din sapat dahil nagkasakit nuon si Lolo at dumating ang maraming peste sa palayan kaya walang nakuha si Papa sa palayan at maisan. Hindi na nag-asawa si Papa Eric dahil n'ong nabigo daw siya sa una niyang pag-ibig hindi na siya nagmahal pa muli. Inaalagaan niya ako na parang tunay na anak kaya mahal na mahal ko si Lolo, Lola at Papa Eric. Tatlong buwan na lang ga-graduate na ako ng high school ngunit hindi ako nakakasiguro kung makapag aral pa ako ng college. Pero nakausap ko ang isa ko'ng kaibigan na pumunta ng Manila na kung gusto ko daw magtrabaho. May naghahanap daw na working student. Mag bantay lang daw ng tindahan sa gabi katabi ng bar. Tamang-tama daw kapag naka graduate na ako dahil aalis ang nagbabantay ng tindahan. Nasa bar nagta-trabaho ang kaibigan ko bilang waiter. Pumunta siya duon dahil hindi siya nakapag patuloy ng kanyang pag-aaral. Kaya nakapag trabaho siya sa bar. Hindi daw basta-basta bar lang dahil mga mayaman ang pumapasok at maganda daw ang kanilang trabaho. Pero hindi daw maiwasan na may nag ti-table at may nagpapabayad. Dipindi naman sa kanila. Pero si Denden waiter lang talaga ang trabaho niya. "Apo mag ka-college ka na pala. Nakapag usap kami ng Lolo at Papa mo Eric na ibinta nalang ang sakahan para makapag-aral ka." Sabi ni Lola habang patuloy kami sa pagkain ng saging. "Lola iyon nalang po ang tanging alaala ni Nanay sa atin. Kaya huwag niyo po ibebenta. Okay lang naman po kahit hindi ako makapag aral ng college Lola. Masaya na ako na inaalagaan at pinag-aral niyo ako." Magalang ko'ng sabi kay Lola. "Lola may gusto sana ako'ng sabihin sa inyo mamaya kapag dumating si Lolo at Papa Eric." Dagdag na sabi ko. Sakto naman na dumating si Lolo at Papa Eric na mag dalang mga gulay. "Ano ang sasabihin mo Joy? Ano ang pinag-usapan niyo ni Nanay?" Tanong kaagad ni Papa Eric. Tumayo ako saka hinalikan siya sa kanyang pisnge. Nagmano at humalik din ako kay Lolo. Pagkatapos niyaya naman sila ni Lolo na umupo muna at binigyan ng saging. "Ano ang narinig namin na may gusto ka'ng sasabihin apo?" Tanong ni Lolo Gregory. "Papa, Lolo, na sabi ni Lola sa akin ang tungkol sa pag-aaral ko ng college. Sinabi ni Lola na pinag-usapan niyo na ibinta ang sakahan para makapag-aral ako ng college. Lolo, Papa huwag niyo sanang ibinta dahil iyon nalang ang tanging alaala ni Nanay sa atin. Okay lang naman na hindi muna ako makapag aral. Gusto ko sanang sabihin sa inyo na nakausap ko si Denden na may naghahanap daw nang tindera na kilala niya sa Manila. Gusto ko sana magtrabaho duon." Kinakabahan ko'ng sabi dahil alam ko'ng hindi ako papayagan ni Lolo at Papa. Pero nagbaka sakali baka lang naman baka pumayag sila. Malakas na bumuntong hininga si Papa "Ang layo duon anak. Saka hindi ka sanay magtrabaho. Kung ayaw mo'ng ibenta ang sakahan. Okay lang naman na hindi ka magtrabaho. Hintayin mo lang na makapag ipon ako para makapag aral ka muli. Delikado sa Manila at bata ka pa para magtrabaho. Pasensya kung hindi na nakapag trabaho pa muli si Papa. Kung hindi lang sana ako naaksidente hindi ka mahihirapan." Nalulungkot na sabi ni Papa Eric. Nagtaka trabaho nuon si Papa Eric bilang security guard sa isang banko. Nagkataon na may nangyari hold-up sa kanyang tina-trabahuan kaya nabaril si Papa sa paa sa tuhod. Binigyan naman siya ng pera pero hindi naman sapat. Mula nuon hindi na muli nakapag trabaho si Papa. Sapagkat Hindi na siya makatayo ng matagal at hindi makalakad ng maayos. Kaya tinulungan niya nalang si Lolo sa pagtrabaho sa sakahan. May mga tanim silang mga iba't ibang gulay. Kaya hindi kami nagugutom. Iyon nga lang sakto lang sa pang araw-araw. Lalo na sobrang mura kung bibilhin ang mga paninda ni Lolo at Papa. "Papa, Lolo, Lola subukan ko lang po. Saka mag-iingat naman po ako. Kasama ko naman duon si Denden. Kilala niyo naman po siya, mabait naman po siya sa akin kaya hindi niya ako pababayaan. Kapag hindi ko po kaya, babalik ako dito. Gusto ko na tulungan kayo, alam ko'ng nahihirapan na rin kayo sa bukid. Pangako po kapag makaipon na ako. Mag-aral ako muli para makabawi ako sa lahat ng paghihirap niyo sa akin. Sa pagmamahal niyo sa akin Lolo, Lola at Papa. Mahal na mahal ko po kayo. Saka tatlong buwan pa naman po, bago ako pupunta ng Manila." Madamdaming saad ko sa kanila. Umiyak si Lola at niyakap ako. "Katulad na katulad ka rin ng Nanay mo. Mabait na maganda pa. Alam mo ba lahat ng sahod ng Nanay mo pinadala niya sa amin? Kaya lang naubos n'ong pinagbubuntis ka niya dahil nga may sakit siya. Nalungkot kami sa kanyang pagkawala. Ngunit masaya naman kami na dumating ka sa buhay namin. Mahal na mahal ka namin apo." Naluluha na sabi ni Lola. Hindi naman sa pagmamayabang marami ang nagsabi sa akin na maganda ako. Sa edad na 16 years old, may taas na akong 5'4. Makapal ang kilay ko dahil nga arabo ang tatay ko. Palagi nga ako'ng kinukuha sa mga beauty contest sa eskwelahan at sa baranggay namin pero ayaw ko. Wala naman kaming pang renta ng mga damit o kahit meron man ayaw ko talaga dahil sayang ang pera. Kahit na sasabihin pa na may gustong mag sponsor sa lahat na gagamitin ko, ay ayaw ko talaga dahil nahihiya ako. Minsan may nag bu-bully din sa akin na putok daw ako sa kawayan o nilandi daw ng Nanay ko ang amo niya kaya na buntis ng hindi sa oras. Masakit sa akin ang mga naririnig ko mula sa ibang tao, ngunit binaliwala ko na lamang. Hindi ko na rin sinabi kay Lolo, Lola at Papa. Basta mahal nila ako masaya na ako dahil nan'dyan lang Smsila na nagmamahal at nag-aalaga sa akin. "Mahal ka namin Apo. Pasensya kung mahirap lang tayo. Hindi namin maibigay ang magandang buhay sa iyo." Naluluha din na sabi ni Lolo. "Mahal ka namin anak. Kung gusto mo talaga magtrabaho papayagan ka namin. Ipunin mo ang sahod mo at huwag mo kaming alalahanin dito. Basta kapag hindi mo kaya ang trabaho, bumalik ka dito. Kahit mahirap lang tayo. Hindi ka naman magugutom dito. Mag iipon din ako para makapag aral ka muli. Para matupad mo ang pangarap mo. Lagi mo'ng tandaan na nandito lang kami anak. Pinangako ko sa Nanay mo na hindi kita pababayaan. Siya din nuon ang nagtrabaho para sa amin. Kaya dapat na alagaan ka namin kahit wala na siya. Pasensya anak kung hindi namin maibigay ang marangyang buhay para sa iyo." Madamdaming saad ni Papa Eric. Yumakap ako kay Papa Eric at paulit-ulit na nagpasalamat sa kanya. Hindi ko pinakita sa kanila na malungkot ako. Kailangan ko'ng maging masigla sa harapan nila. Kailangan ko'ng mag sumikap para makatulong sa kanila. Pagkatapos namin mag usap. Nagpatuloy kami sa pagkain ng saging. Masaya kaming nagkulitan na parang walang mga problema. Alas kwatro pa lang naman ng hapon kaya mamaya pa ako magluluto ng hapunan namin. Habang kumakain kami ng saging. Inumpisahan naman ni Papa na ayusin ang kanyang mga dalang gulay para dalhin mamaya sa palengke upang ibenta. Para may pambili naman kami ng bigas. Okay na kami sa gulay basta ang mahalaga may bigas kami sa araw-araw sapat na sa amin. Kaya gagawin ko ang lahat maka-ahon kami sa hirap at mabigyan ko din ng magandang buhay ang aking pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook