JOY
"Frenny good morning! Buti dumating ka na, kanina pa kita hinihintay. Ang akala ko hindi ka pupunta ng school ngayon." Bungad sa akin ng kaibigan ko'ng si Jerlyn. Nakatayo siya sa may gate ng eskwelahan. Kaibigan ko siya mula elementary hanggang high school. Sa kabilang sitio siya nakatira kaya dito lang kami nagkikita sa eskwelahan. Sabado kasi ngayon at last ng intramural. Hindi sana ako pupunta dahil wala naman akong gagawin kaya lang may check attendance kaya pumunta ako ng late.
"Good morning frenny! Pasensya ka na, ang totoo hindi naman talaga sana ako pupunta kaya lang may check attendance kaya pumunta ako. Ang sungit pa naman ng president natin. Kala mo kagandahan mas maganda ka pa nga." Sabi ko kay Jerlyn. Iwan ko ba kung bakit kumukulo ang dugo sa akin ni Myra ang class president namin. Hindi ko naman siya inaano, nagsimula lang naman n'ong nanligaw si Mike sa akin. Hindi ko naman gusto si Mike at wala naman akong balak pa mag boy friend kaya sinabi ko kay Mike na wala akong oras makipag boyfriend. Nalaman namin na gusto pala ni Myra sa Mike ngunit ayaw naman sa kanya ni Mike. Umalis lang si Mike sa school dahil nag transfer ito sa ibang bansa na hindi naging sila ni Myra. Dahil ayaw talaga sa kanya ni Mike kahit anong pagpapansin ni Myra kay Mike. Simula nuon galit na galit sa akin si Myra kaya nga hindi niya ako kinakausap hanggang ngayon.
"Hayaan mo iyon frenny bitter lang iyon dahil hindi siya pinansin ni Mike. Tapos apple of the eye ka pa dito sa campus kaya gigil ang peg." Natatawang sabi ni Jerlyn. Kaya napangiti ako saka niyaya na siyang pumunta sa gym. May basketball ball ngayon kaya duon ang mga tao.
"Hi, Joy, Jerlyn! Good morning! Sa wakas naging masigla na ang araw ko dahil may naka salubong akong dalawang maganda sa school campus. Tiyak makarami ako ng points mamaya dahil may inspiration ako " Nakangiti na sabi ni Arnel. Isa sa mga ka-klasi namin. Ganito siya araw-araw kapag makita niya kami. Pero ang totoo talaga may crush siya kay Jerlyn. Ngunit palipad hangin lang ang kanyang ginagawa. Pakiramdam ko may crush din si Jerlyn sa kanya.
"Naman, Arnel. Kami lang naman kasi ni frenny Joy ang maganda dito. Kaya gaganahan ka talaga mamaya sa laro niyo. Good luck mamaya sa laro niyo." Pa ngiti-ngiti na tugon naman ni Jerlyn. Napangiti lang din ako saka binati din si Arnel. Sabay na kaming tatlong pumunta sa gym. Pagdating namin sa gym nag umpisa ang first game ng basketball pero patapos na. Us usual matalim ang tingin ni Myra sa akin lalo na kasama namin si Arnel at katabi ko pa. May mga bumati din sa amin. Kaya tudo ngiti ako na bumabati sa kanila pabalik. Si Jerlyn na ang kumuha ng attendance paper kay Myra. Baka mabugahan pa ako ng apoy. Ayaw ko naman siyang pansinin o patulan pa. Sapagkat tatlong buwan lang naman ga-graduate na kami at hindi na kami muling magkita. Pumunta naman si Arnel sa kanyang team. Isa si Arnel na maglalaro ng basketball ball. Second game sila kaya napag-usapan namin ni Jerlyn na manuod muna. Pagkatapos namin mag attendance ni Jerlyn. Umupo na kami sa bench para manuod muna ng basketball. Maya-maya pumunta na sa gitna ang team ni Arnel at ang kanilang kalaban. Nang mag-umpisa na ang laro hiyawan na kaagad ang mga tao. Sobrang ingay ng buong tao sa gym dahil magka dikit lang ang score ng bawat team. Kanya-kanya cheer sa paborito nilang player. Hindi namin maiwasan sumigaw ni Jerlyn ng nag shoot si Arnel ng 3 points.
"Go, go, Arnel!" Sabay namin na sigaw ni Jerlyn at ng iba pa. Tumingin si Arnel sa amin o mas tamang sabihin kay Jerlyn saka tinaas niya ang kanyang kamay at nag heart sign. Kaya tudo hiyawan ang mga tao. Bigla naman namula ang mukha ni Jerlyn na parang kinikilig. Pasimple ko naman siyang siniko. Kime naman siyang ngumiti sa akin. Masiglang nag cheer kami sa team ni Arnel. Hanggang sa matapos ang laro, at ang team ni Arnel ang nanalo. Lumapit kami ni Jerlyn at binati siya. Malawak naman ang ngiti ni Arnel habang nagpasalamat sa amin ni Jerlyn.
"Nanalo kami dahil nandito ang inspiration ko. Kayong dalawa." Sabi ni Arnel pero nakatingin kay Jerlyn. Ngumiti lang ako dahil pareho lang naman silang may naramdaman sa bawat isa ngunit pareho silang nagka hiyaan. Pagkatapos namin batiin ang kasamahan ni Arnel. Nagpaalam na ako na umuwi na. Pero uuwi na rin pala si Jerlyn kaya magkasabay kaming umalis sa gym. Gusto sanang sumama ni Arnel palabas pero tinawag siya ni Myra. Kaya umalis nalang kaming dalawa ni Jerlyn dahil wala naman daw siyang kasama sa eskwelahan. Magkasabay kami na naglakad ni Jerlyn sa kalsada pauwi, may nadaanan kaming nagtitinda ng fish ball kaya bumili kami. May sampung piso ako'ng baon kaya binili ko na. Pagkatapos namin bumili ni Jerlyn nagsimula na kaming naglakad habang kinakain ang fish ball. Dahil nasa unang kanto siya, naghiwalay na kami, sa susunod na kanto pa ang ang daan papunta sa namin.
"Bye frenny ingat sa daan. Kita-kits a Monday ." Paalam ni Jerlyn.
"Ba-bye frenny ingat din sa daan." Tugon ko rin kay Jerlyn. Dumiretso na ako sa aking paglakad. Nang makarating ako sa kanto lumiko ako sa kaliwang daan dahil duon ang papunta sa amin. May taniman ng palay sa gilid ng kalsada papunta sa amin. Malawak naman ang daan pwedi nga makadaan ang mga ten wheeler truck. Habang naglalakad ako sa kalsada na nakayuko sapagkat kumakain ako ng fish ball. May biglang bumisina ng malakas sa aking likuran kaya napatalon ako sa kanal sa sobrang gulat at kaba. Dahil ang akala ko masagasaan na ako ng sasakyan. Sumobsob ang mukha ko sa putikan saka natapon pa nag kinakain kong fish ball. Mabuti nalang wala akong dalang bag. Mabilis akong pumunta sa may kanal na may tubig at naghilamos ng aking mukha na puro putik. Nang maka-ahon ako. Nakita ko ang isang bagong sasakyan. Bumukas ang pintuan sa may driver side at lumabas ang isang lalaki na sobrang gwapo. Hindi ako kaagad humahanga sa lalaki. Pero ngayon parang binabawi ko na ang aking sinasabi nuon na walang gwapo sa mundo. Dahil ngayon parang may isang nilalang na bumaba sa lupa na sobrang gwapo. Ngunit nang ma alala ko kung bakit ako nahulog sa kanal hindi na siya gwapo para sa akin.
"Miss okay ka lang? I'm sorry kung nahulog ka. Hindi ko sinsadya, halika tutulungan kita " Ani ng lalaki saka nilahad ang kanyang kamay sa akin. Ngunit sinamaan ko siya ng tingin.
"Sa iyo pa itong kalsada? May pangalan ka ba dito sa kalsada? Ang lawak lawak ng kalsada kung maka busina ka daig mo pa ang ambulance. Kailangan ba talaga bumisina ng malakas. Kita mo naman na nasa gilid na ako ng daan." Mataray ko'ng sabi sa lalaki. Magsasalita pa sana siya ng bumukas ang kabilang pintuan ng kanyang sasakyan. Lumabas ang isang sexing babae na parang puro salamat Dok ang mukha.
"Babe! Let's go. Don't talk ko the trash." Wika ng babae. Biglang nag init ang ulo ko sa kanyang sinabi. Kaya mabilis akong umalis sa kanal at umakyat sa kalsada. May nakita ako'ng putik sa aking damit kaya kinuha ko saka binato sa babae. Hindi pa ako nakuntinto dahil pati ang sasakyan binato din ng putik.
"Trash mo mukha mo." Sigaw ko sa babae. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Pero ng makabawi kaagad siyang sumigaw. Hindi naman kaagad naka kilos ang lalaki sa ginawa ko sa babae at sa kanyang sasakyan.
"Ew! Yuck! Brent it's so mabaho." sigaw ng babae. Tumingin naman ang lalaki sa akin. Hindi ko alam kung magagalit ba siya o may sasabihin dahil nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Kaya inunahan ko na. Dinuro ko siya sa kanyang mukha.
"Ikaw anong tinitingin mo? Porket mayaman at may sasakyan kayo. Ganito nalang ang gagawin niyo sa akin. Bumalik ka sa tingting na kasama mo. Mabuti nalang hindi ako nabalian. Tsee!" Pa-galit at matapang ko'ng sabi saka tinalikuran na sila. Dahil pwedi naman dumaan sa palayan. Duon na ako dumaan at mabilis ang mga hakbang ko para makauwi na sa bahay. Mabuti nalang itim ang t-shirt kong suot. Wala na ako'ng pakialam kung ipatawag ako sa baranggay sa ginawa ko sa babae. Kahit mayaman o anak pa sila ng contractor wala akong pakialam. Mabuti nga iyon lang ang ginawa ko. Ngayon ko lang nakita ang kanilang mga mukha, parang mga dayo. Hindi ko alam kung taga saan sila o sino ang pinuntahan nila dito sa aming lugar. Habang mabilis ang aking paglakad naiinis ako dahil sayang ang sampung piso ko'ng fish ball.