CHAPTER THREE

1721 Words
JOY "Apo anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Napano ka? Sinong may gawa sa'yo niyan?" Sunod-sunod na tanong ni Lola nang dumating ako sa aming bahay. Nakaupo siya sa kanyang upuan na tumba-tumba. "Lola hindi muna ako mag mano sa iyo. Maliligo muna ako La. Huwag ka nang mag-alala pa La. Ayos lang ako. May herudes at ting-ting lang po sa daan na kung magpatakbo ng sasakyan parang nasa kanila ang daan. Bumisina ba naman ng malakasnsa aking likuran. Kaya ang akala ko masagasaan ako, kaya napatalon ako sa kanal na puro putik. Pero naka ganti na ako sa kanila La. Akala mo kung sinong mga mayaman porket nakasakay sa magarang sasakyan." Pag sumbong ko jay Lola. Napaayos naman ng upo si Lola sa aking sinabi. "Kamusta ka apo, hindi ka ba nasugatan o nasaktan? Mabuti walang nangyaring masama sa'yo ng tumalon ka. Sa susunod mag-ingat ka apo. O siya sige maglinis ka muna ng katawan mo baka dumating pa ang papa at Lolo mo makita na ganyan ka, baka mag-alala pa iyon sa iyo." May pag-alala na sabi ni Lola kaya mabilis akong pumunta sa likod bahay upang maligo sa may puso. Nag igib ako ng tubig upang dalhin sa loob ng banyo na gawa din sa kawayan. Kaagad akong naligo dahil malagkit na ang aking katawan ng putik. Pagkatapos ko'ng maligo kaagad na rin akong nagbihis dahil habang naliligo ako. Dinalhan ako ni Lola ng damit. Sakto pagbalik ko sa loob ng bahay nakaupo na si Lolo at Papa sa upuan. Marami silang dalang gulay dahil sabado ngayon. Bukas araw ng linggo kaya ibebenta nila sa palengke. Nagmano ako kay Lolo at humalik naman ako sa pisnge ni Papa. Nakaluto na oala si Lola kaya ako na ang naghanda ng mga plato sa mesa. Hinanda ko na rin ang kanin at gulay. Ang bango ng amoy ng gulay na hinahulan ni Lola ng pritong isda na galonggong. Kaya pagkatapos ni Lola magdasal. Kaagad akong nagsandok ng gulay. Napangiti naman si Lolo, Lola at Papa sa akin. "Bukas kapag maubos ang mga gulay na ibebenta ko bukas bibili ako ng baboy para iulam natin sa tanghalian. Pagkatapos ko'ng kumain babalik pa ako sa taniman natin ng gulay. Kailangan ko pa mamitas ng talong at okra. Inuna ko lang itong kangkong at sitaw." Magiliw na sabi ni Papa. "Ay wow, papa! maubos talaga iyan bukas papa. Tutulungan ko po kayo papa. Para mabilis maubos." Masayang turan ko habang patuloy sa pagkain. "Tamang-tama ang dala mong kangkong at sitaw Eric anak. Dumaan dito si Mareng Brenda nagpahatid ng 20 tangkay na kangkong mamayang alas kwatro ng hapon." Sambit ni Lola. Dahil sinabi ni Papa na babalik pa siya sa taniman ng gulay. Ako na ang nag presinta na maghahatid. Malapit lang naman ang palengke. "Sigurado ka Joy anak? Mabilis lang naman ako mamitas lang naman ako ng talong at okra babalik naman ako kaagad. Ako na ang maghahatid. Samahan mo nalang dito ang Lolo at Lola mo. Magpahinga ka nalang dito sa bahay. Kamusta pala kanina ang pagpunta mo sa eskwelahan? Anong aras ka nakauwi? Hindi ka na ba babalik sa eskwelahan niyo?" Tanong ni Papa Eric sa akin. Uminum muna ako ng tubig bago ako sumagot kay Papa Eric. "Tapos na Pa. Awarding nalang naman po kaya okay na hindi na ako babalik. Saka okay lang Pa, na ako ang maghahatid. Wala naman po ako'ng gagawin. Saka pagod ka na mamaya, diba Pa aayusin mo pa ang mga gulay na ibenta mo bukas? Kaya ako nalang Pa. Malapit lang naman po." Magalang ko'ng sabi. "Basta apo mag-ingat ka sa daan. Tingnan mo ang nilalakaran mo at ang sasakyan na dumaan. Lagi ka'ng dumaan sa gilid. Alam mo naman ngayon ang mga kabataan kung magpatakbo ng mga sasakyan." Saad ni Lolo. "Ay sinabi mo pa Lolo." Tugon ko kay Lolo. "Bakit anak? May nangyari ba sa'yo sa daan?" May pag-alala na tanong ni Papa. Tumingin muna ako kay Lola bago sumagot. "Ahm! Wala naman po Papa. Kasi po kahit nga mga school mates ko kung may mga motor sila, akala mo kung mga sino na. Ang bilis po magpatakbo sa daan kahit walang mga license po." Sagot ko kay Papa. "Kaya nga! Kaya ikaw mag-ingat ka talaga." Bilin ni Papa sa akin. Tumango lang ako saka pinagtuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos namin kumain. Ako pa rin ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ko'ng maghugas tumabi ako kay Papa habang inaayos niya na ang mga kangkong na dadalhin ko mamaya kay Aling Brenda. Inaayos niya din ang sitaw, patola, talbos ng kamote at malunggay. Nasa kabila naman si Lolo at Lola habang nagka kape. "Papa pwedi ka na po kayong mag-asawa." Pagbibiro ko kay Papa. Tumawa naman si Lolo at Lola. "Anak kayo lang sapat na. Nandito si Lolo at Lola mo at Ikaw masaya na ako. Hindi ko na kailangan mag-asawa. Saka may magka gusto pa ba sa akin na ganito ako? Alagaan ko nalang ang Lolo at Lola mo. Basta ikaw palagi mo'ng ingatan ang sarili mo. Mag iipon ako para makapag aral ka ng college." Madamdaming saad ni Papa Eric. Kaya niyakap ko siya sa kanyang balikat. "Maraming salamat Papa. Kahit hindi na ako makapag aral papa ayos lang sa akin. Ang importante wala kayong sakit ni Lolo at Lola. Kaya huwag ka nang mag-alala sa akin Pa. Mahal na mahal ko po kayo ni Lolo at Lola. Kapag makapag trabaho na ako sa Manila at maka ipon. Saka na ako mag-aral muli Pa." Madamdaming saad ko din kay Papa. "Ang bait bait talaga ng apo namin. Ka-awaan ka ng panginoon Apo." Masiglang turan ni Lolo at Lola. Kaya ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Pagkatapos ni Papa maayos ang mga gulay. Nagpaalam na siya na babalik na sa bukid. Ako naman nagpaalam na papasok muna sa aking silid upang humiga saglit. Pagsapit ng alas tres y medya ng hapon. Lumabas na ako ng silid para ihatid na kay Aling Brenda ang tangkay ng kankong. Pero hindi lang kangkong ang dadalhin ko. Wala si Lola at Lolo sa labas. Kaya Sinukbit ko ang iba pang mga gulay para ibenta sa daan baka may bumili. Nang maayos ko na ang lahat. Sumulat muna ako sa papel para malaman ni Lola na dinala ko ang ibang mga gulay. Pagkatapos nilagay ko sa ibabaw ng mesa saka lumabas na ako ng bahay. Habang nasa kalagitnaan na ako ng daan. Biglang nag-init ang ulo ko ng huminto ang sasakyan na nakita ko kanina. Handa na sana akong sinagawan ang taong nasa loob ng sasakyan nang dumukwang si Aling Corazon na Mayordoma ni Mayor. Kaya sa halip na sigawan ko sana, kime akong ngumiti at binati si Aling Corazon. Kaya pala kung sino ang herudes maka busina kanina dahil bisita pala sila ni Mayor. "Magandang hapon po Aling Corazon. Ano po ang atin?" Magalang ko'ng tanong. Nakita ko ang lalaki kanina na siya parin ang driver at ang ting-ting na nakatingin sa akin kaya inirapan ko silang dalawa. "Joy kamusta? Anong dala mo? Sa palengke ka ba pupunta? Sumama ka na sa amin. Saka may kangkong ka ba? Pabili ako." Saad ni Aling Corazon. Kaya ang kaninang inis na naramdaman ko sa dalawang tao na bumwesit sa akin. Biglang nawala dahil may bumili na kaagad ng paninda ko. "Tamang-tama Aling Corazon may dala po ako. Ilang tangkay ba Aling corazon ang gusto mo? Bagong kuha lang ito ni Papa kaya fresh na fresh po ito. Hindi gaya ng nakikita ko mukha lantay gulay na." Nakangiting sabi ko kay Aling Corazon. Ngumiti naman si Aling Corazon sa sinabi ko. Napansin ko ang babae na matalim ang tingin sa akin ngunit, binaliwala ko na. "Tig sampong piso pa rin ba ang tangkay? Pabili ako ng limang tangkay. Sarap niyan mamaya sa sinigang at adobohin ko ang iba." Wika ni Aling Corazon. "Wow, Nay! magluluto ka mamaya ng sinigang? Na-miss ko po iyon Nay, lalo na may kangkong." Narinig ko'ng sabi ng lalaki. "What babe you eat that kind of grass?" Ma-arti na tanong ng babae. "Magda, hindi iyan damo. It's a kind of healthy vegetable, one of my favorite." Sagot ng naman ng lalaki. "Whatever, I didn't eat that kind of grass." Sagot naman ng babae sa lalaki. "Aling Corazon baka gusto mo ng sitaw? May dala din po ako. Tig 20 lang po." Turan ko kay Aling Corazon. Hindi ko na pinansin ang pinag-usapan ng dalawang tao na kasama ni Aling Corazon. "Okay sige Joy bigyan mo ako ng tatlo. Saka sumakay ka na. Maluwag pa naman sa tabi ko. Sir Brent pwedi ba makasakay si Joy? Sa palengke naman siya pupunta." Tanong ni Aling Corazon sa lalaki. Brent pala ang kanyang pangalan. "It's okay Nay." Sagot ng lalaki. "No, Aling Corazon. Baka marumihan ang sasakyan ni Brent, saka marami siyang pawis baka mangamoy ang loob ng sasakyan." Malditang sabi ng babae. "Iha, hin....." Hindi na natapos ni Aling Corazon ang sasabihin ng magsalita ako. "Excuse me ting-ting at salamat Dok. Kahit puno ako ng pawis at kahit isang linggo ako na hindi maligo wala ako'ng amoy. Saka hinding-hindi ako papasok o sasakay sa sasakyan ng mga matapobre. Kahit limang oras pa ang lalakarin ko." Sigaw ko sa babae sa sobrang inis sa kanya. Nakita ko na ngumiti si Aling Corazon. "Sige na Aling Corazon maraming salamat sa pagbili po. Mag-ingat kayo kay ting-ting at puro salamat Dok ang mukha." Paalam ko kay Aling Corazon at ngumisi sa babae. Binuhat ko na ulit ang aking dala saka lumakad. "Wait ,what did you say? Ako ba ang sinasabihan mong ting-ting at salamat Dok?" Tanong ng babae. Ngumisi ako sa kanya habang nakataas ang aking isang kilay. "Feeling mo ikaw ba? Kung sa tingin mo ikaw, e di ikaw na nga! Sige mauna na ako ting-ting. Mag-ingat ka, baka kapag wala ka nang pambayad para ipaayos iyang mukha mo. Baka maging mukhang grass ka na. Grasshopper." Nakangiti ko'ng sabi at kaagad na tumalikod. "I hate you." Narinig ko'ng sigaw ng babae. "Shut! Up! Brenda." Narinig ko rin na sabi ng lalaki. Nagpa kinding-kinding pa ako sa paglakad. Alam ko'ng galit na galit ang babaeng ting-ting. Maya-maya dumaan ang sasakyan sa gilid ko, kumaway pa si Aling Corazon sa akin. Nag thumbs up naman ako kay Aling Corazon at nagpatuloy sa paglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD