SHAWN "Uminum ka muna nang tubig. Ayos ka na ba?" Malumanay na tanong ko kay Analyn. Binuksan ko ang bottle water at binigay sa kanya. Nanginginig kasi ang kanyang kamay sa galit sa nangyari sa pagtangka ng masama kay Khala. Mabuti nalang dumating kaagad si Kennedy at ang mga pulis. Kakapasok niya lang sa loob ng sasakyan bago sila nagpaalam sa isa't-isa ni Khala. Pinuntahan siya ni Analyn dito sa police station. Nakapag bigay na rin ng statement si Khala at Kennedy. Mula n'ong galing kami sa mall na nakita niya ako na kasama si Shen at nakita ko din siyang may kasama na lalaki. Hindi kami ulit nakapag usap. Kasama pa rin kami sa sasakyan upang pumunta ng taniman ngunit hindi niya na talaga ako kinakausap o tinatanggap ang binibigay kung kape at almusal. Kanina n'ong makita ko siyang nang

