Chapter 1: Vacation Trip

3237 Words
Chapter 1 1: Vacation Trip Reign "So, guys. . . alam niyo naman iyong tungkol dito sa vacation natin sa rest house namin, hindi ba?" As if namang sasama ako. I am not even interested at all. Aside from that, I don’t think I belong to them. It seems like they already have their seatmates on the bus already. Isa pa, my guts keep on telling me that I shouldn’t go with them as it will just lead to my early death. Oh, I don’t even want that to happen. I cannot even bare to see myself lying on a coffin without anyone crying for me. That would be so disappointing. Baka nga mag-hire pa ang parents ko ng ‘crying ladies’ para lang magmukhang lamay talaga iyon, e.  "Do I need to make ulit-ulit pa?" maarteng sabi ni Mexie, ang anak ng may-ari ng school na ito. Ayaw ko naman talaga ritong mag-aral, e. Nakakasawa kayang makita ang mga pagmumukha nila. Sa loob kasi ng school na ito, may dorm at idagdag mo pa ang mga ugali nilang nakakairita na siyang hindi ko na matiis pa! I'm so done with their shits! Por que mayayaman, nagwawaldas. I don’t like this school at all. May ilan naman akong nakaibigan, pero mas marami sa kanila ang hindi ko napakisamahan ng maayos. Kasalanan din naman nila, e. Sawa na akong maging mabait, parang hindi na siya nakakatuwa, at mas lalong hindi healthy. Bakit ko naman hahayaan ang sarili ko na pagtulungan at kutyain? Naranasan ko na nga sa bahay, hindi pa ba ako papaawat sa posisyon na iyon? This time, ayoko na palang maging bida, nakakaawa lang tignan. Gusto ko sana, ako naman ang mapang-api. Too bad, I wasn’t able to do that. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pumalag at ipagtanggol ang sarili ko.  Sa totoo lang, I was able to prove that mas mababait ang mga hikahos. Mas nag aalala pa sila kaysa sa mayaman. Napaisip ako, bakit hindi na lang ipangtulong sa ibang tao? I mean, this school has lots of charities already, pero why not expand it even more? "Ulitin mo na, mas marami ka kayang alam kaysa sa amin," sagot naman ni Genie. Dahil anak siya ng may-ari ng school, malamang sa alamang na alam na niya iyong tungkol dito. Mexie probably did some changes to the rules kasi mukhang kumikinang pa iyong mata niya habang pinapakinggan ang mga komento ng mga kaklase namin. Mukhang sigurado siyang lahat kami ay makakasama. Well, sorry to burst your bubble, Mexie, but I am not going! Never in a million years. "Ulitin mo na, especially para sa mga bago sa school na ito," dugtong pa ni Megan. I wonder if she’s pertaining to me, but really, she doesn’t have to do that since I have told myself already that I am not going. No one can change my mind. Kung puwede nga lang, may maging representative na lang para sa akin para hindi sayang. "Ano? Ilang months na sila rito, e. Ano ba naman?! Dito na kayo nag-aaral ng nine months pero hindi niyo alam?" You should not waste your saliva saying shits. Sa huli, sasama naman sila maliban sa akin. She keeps on complaining, pero todo bukas ng bibig.  "Nagtanong ka pa kung pwedeng ulitin! Dagdagan mo na ng kaunti pang impormasyon!" "Sikat kaya ang school natin dahil sa vacation na ito! Iyon kaya ang dahilan kung bakit dito nag-aaral ang anak ng mga sopistikado't mayayaman na negosiyante!" Well, not me. I am here to hide from my sister, not to have some fun in this stupid vacation. Naalala ko na naman tuloy siya. I wonder how is she, but I would rather not contact her. Siya naman lagi ang bida, siya naman lagi ang kinakampihan.  I just chose to ignore that thought and sit straight. I don't wanna listen, but I just can't get out of this room. Who knows, mapikon na naman ang maarteng nasa harap namin. "Sikat lang iyan dahil sa malaking tuition fee, ano!" E, ba't kayo nandito kung nagrereklamo kayo sa tuition fee? Really? "Oo nga. Si Daddy kasi, hindi alam kung saan ilalagay iyong pera kaya rito na ako pinag-aral." I can't help but smirk. Sobrang boastful, ganito na ba talaga tao ngayon? Is this the reason why I hate to continue living?  "Masyadong lang mahal dito kaya sikat!" Is this the reason why I would rather die than be with them? I hate them so much. “Alam niyo? Tama na kasi ang reklamo. Why not talk about this calmly?” Ilan lang iyon sa mga bulong nila. Dalawa nga lang pala kaming transferee rito--ako at si Yuri. Magkatabi kami, pero hindi ko siya kinakausap. Wala naman kasi akong kaibigan dito, naiwan sila sa dati kong school. Halos wala na akong kausap dito kahit kalapit ko. Ewan ko ba, I just don't like their attitude at all.  How I wish I can go back there. It is not like they like my attitude, I am not here to please them, but they are not aware na hindi tama ang kilos nila. Not because they are rich, that doesn't justify the fact that they are exempted with being good. Nandito ako dahil sa. . . basta hindi tungkol sa pera. Mayaman kami, tagapagmana naman ako, pero hindi ko naman ugaling waldasin ang pera ko sa ganitong karangyang paaralan. I'd rather go to a public school kaysa rito. Hello, I still value my money. I am not going to waste it if it is not for my own safety. At para na rin sa ikakabuti ng loob ng pamilya ko. I love them, yes. But sometimes, they are being too much. I don't know why they have to do this when we can just settle everything, but I did mot bother to ask. For me, their decision is right, but it just hurts me so much to think that I have to sacrifice everything for the sake of others. Graduating na ako in a week. Masaya sanang pakinggang ga-graduate na ako, kaso hindi. Sino ba ang aakyat sa stage? Si yaya, manang, o iyong guard namin? I wonder kung sa college ba, ang mga magulang ko naman ang aakyat. Elementary pa nga lang, hindi na sila, e. Hindi na rin ako umaasa ngayong high school. Kahit college na lang talaga sana. My thoughts are hurting me again. I don't wanna think anymore, I just want to sleep, and stop thinking about them. Nandito na nga ako, e. Makakarao na ulit ako. I just hope that after this graduation, everything will be alright.  I actually wonder I have so many buts. Is there something wrong with trying first? Maybe I am scared to know what is really happening? I am not sure. "Okay, hindi ba, 4th year high school na tayo? Magkakaroon tayo ng one month vacation. Dalawa ang rest house na maaari nating gamitin doon. So, 15 sa isang rest house, at 15 sa kabila. May makakasama tayong boys. Hindi naman kasi kasiyahan ang dahilan ng pagbabakasyon natin doon after nating maka-graduate." Hindi ko na namamalayan na nag uusap pa pala sila. Baka nga gusto lang niya ng kalandian doon, e. "Para sa mga nagsimula rito from first year, wala na tayong nakakasamang lalaki, hindi ba? So ang tendency, hindi na tayo sanay makisalamuha sa iba dahil sa naka-dorm tayo at every Sunday lang maaaring lumabas. Kailangan na kasi nating masanay sa ibang tao. Oo, masasanay naman tayo dahil aalis na tayo rito at magi-stay sa mga family natin, pero hindi niyo ba naisip na malay niyo, hindi na tayo magkita-kita? Paano kung may lumayong iba? Edi, hindi na tayo magkakasama-sama. One month lang naman ang hini-hingi, e. And the rest of the year, kasama na natin ang parents natin, hindi ba?" dugtong pa niya. It is not like I am going to miss them, but yeah, she caught my attention. Napaisip ako. May point siya, ngunit ayoko pa rin. Mas gusto ko talaga sa pamilya ko. Isa pa, nagpromise na ako sa mga kaibigan ko na buong bakasyon, magsasaya kami. Mukhang nagkanda letse-letse yata. Alam ko naman iyong tungkol sa bakasyon na ito ngunit hindi ko ine-expect na malulungkot ako. Na-guilty ako kasi paano nga naman, hindi ba? Oo may alumni, pero baka kulang pa rin. Pag-iisipan ko kung sasama pa ba ako sa bakasyong ito. "So, sasama kayong lahat, ha? Thirty lang tayo sa room na ito. Wala ng iba pang section dahil kaunti ang nag-aaral dito. Magbubunutan tayo--kung sino ang makakabunot ng may mga number one, kasama ko sa isang rest house. Sa mga number two, kayo ang magkakasama. Exciting naman kasi may mga lalaki roon, hindi boring, hindi ba? Sixteen daw ang sa amin, at fifteen sa mga makakabunot ng number two. Thirty-one kasi silang mga lalaki, e." Iyong mga lalaki yata ang pinagpipilitan niya, e. Naghahanap nga talaga ng malalandi itong si Mexie. As if namang mababago niya ang isip ko dahil lang sa mga lalaki. I am too young for that. I have tried before, pero hindi naman nag work. I would rather get old alone.  ** "Ma, Pa?" tawag ko sa kanila. Ilang buwan ko rin silang hindi nakita. Imagine, nasa Pilipinas kami pareho pero hindi kami nagkikita. Feeling ko, ilang taon akong nawala. I feel like everything has changed. Kung noon, hindi talaga ako ang paborito, ngayon, parang mas lumala.  In fact, wala akong nakikitang litrato ko sa mansyon. Yes, there are lots of photos, paintings, and other decorations, but I don't see anything that might remind of myself. There is a big frame, nandoon ang family picture. . . nila.  It seems like I don't live in this house at all. Parang nakikibahay lang ako. I feel different. Is this even the house that that I left months ago? I want to cry, but I don't want them to see how weak I am.  "Why are you here?" tanong ni papa. Napakagandang bungad naman niyan, papa! Na-touch ako, e. Wala manlang bang, "I miss you, anak. Sorry kung dinala ka namin sa school na iyon."? Wala, e. Ano pa ba ang aasahan ko? I grew up not getting any affection from them. Sige, noon. Pero noong mga panahong maayos pa kami ng ate ko.  "Bakasyon na, papa, hindi na ako sa dorm. So, puwede na ako rito sa bahay?" masaya kong tanong kahit na alam kong ayaw nila ng ideya na iyon. Mukhang alam ko na nga kung saan mapupunta ang usapang ito. I have to adjust again and leave. Pero saan ako pupunta? I don't even know how to travel by myself. Wala na akong matitirhan, unless, tanggapin ako ng mga kaibigan kong iniwan ko para sa kanila.  "I'm sorry anak, pero rito nakatira ang ate mo, magkakagulo lang kayo," paliwanag ng aking napakabuting ama. As usual, he is going to protect her again. What about me? I am younger than her, pero bakit ako ang kinakawawa? Ampon lang ba ako? Binaba ko agad iyong gamit na dala ko--iyong mga damit na gamit ko sa school. Nakapag-impake na kasi ako, naisipan ko ring huwag nang sumama sa bakasyon nila dahil mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa kanila. Family over classmates. I believed that we can still settle everything, but I am wrong. I think my mind is laughing at me right now.  "'Pa, si ate na naman, e. Kailan ba magiging ako?" May tumulong luha galing sa mga mata ko. Hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na hinahangad ko mula sa pamilya ko. Ang sakit-sakit lang na kaya nila ako inilipat sa school na may dorm ay dahil sa rito titira ang ate ko. Hangga't maaari, ayaw niyang makikita kahit anino ko kaya dinala ako roon nina mama at papa. Hindi ko naman kasalanan iyon, e. Sadyang rebelde lang siya kaya ako ang pinili ni Lolo na maging tagapagamana ng lahat ng business namin. Nagmakaawa naman akong bilhan ng condo pero ayaw nila. It seems like they want me to just stay somewhere na wala akong kalayaan masyado, and that is our school. Ilang buwan kong naramdaman na preso ako. Hanggang ngayon pa ba? Bakit ba hindi na natapos ito? Deserve ko ba lahat ng ito? May nagawa ba akong masama? "Hindi ba't may bakasyon kayo bukas? Sumama ka sa kanila, at sa susunod naman na buwan ng bakasyon, baka mapaki-usapan natin ang ate mo." In fact, they already said that excuse. I already told them that I will come back here, but look, it seems like they did not even prepare something for me. Halatang wala silang planong patirahin pa ako sa bahay. I want to take legal actions, pero sinong maniniwala? Ayoko rin naman silang makulong. Hindi ako masamang anak at kapatid. Tinataboy ako ng papa ko, funny, right? Kapag nandiyan si ate, naiitsapuwera ako. Kahit naman nasa rehab ang ate ko, siya pa rin ang iniisip, e. Kung 'kumusta na siya?', 'okay na kaya iyong lagay niya?', 'kumakain ba siya ng maayos?' Hindi manlang ba nila ako kukumustahin? Kung nag rebelde rin ba ako, mapapansin din nila ako? Magiging bukang bibig din ba nila ako? Kailan ba nila makikita ang worth ko? I know that I sound so insensitive for comparing myself, for wishing that I should go to rehab as well, pero masisisi ba nila ang anak na katulad ko? I have been longing for their love, but I cannot get anything from them at all.  "Okay, pupunta lang ako sa kuwarto ko. Maghahanap ako ng damit na kakailanganin ko para bukas," matamlay kong sabi. Silang pamilya ko ang pinili ko, pero tinaboy ako ni papa. Sigurado akong kapag si mama, hihingi siya ng nakakasawang sorry niya, ngunit itataboy rin naman ako. Alam kaya nilang salututorian ako? Malamang ay sa hindi, dahil si manang naman ang pumunta sa graduation, e. Nilagpasan ko na lang si papa. Ayoko rin namang makita niya na naiiyak na talaga ako. “I graduated without anyone from my family comgratulating me. In case you are not aware, I graduated as Salutatorian.” Nagdire-diretso ako sa aking kuwarto at nang buksan ko ito, alikabok ang tumambad sa akin. Ganito na ba talaga? Kahit kaunting alaga man lang sa naiwan ko, wala? Nanghihina akong napaupo sa kama. Hindi man lang napalitan ang bed sheet. Mukhang hindi nga man lang nalabhan. Lahat ng mga nawalang picture na naka-display, sa kuwarto ko lahat tinambak. I guess, that only means na ako na ang bahalang mag alaga sa mga ito. Tears streamed down my face as I examine my room. Life, why are you so cruel to me? If you are punishing me, puwede bang tama na? ** "Bunot kayo, guys. Kung ano ang makuha ninyong number, doon kayo uupo. Maganda ang pagbabakasyunan natin--beach! Oh, wala pa lang babaeng puwedeng magkatabi kasi lalaki ang makakatabi niyo, para may thrill. Susunduin sila ng bus natin, e." Hilig sa bunutan ni Mexie, nagpapabunot din kaya ito sa labas ng mga public schools na kung saan makakatanggap ng iba't ibang laruan? O, baka iyong sisiw? Tumango naman kaming lahat. Number five ang nabunot ko, wish me luck sa makakatabi ko. Sana mabait iyon--ayoko kasi ng makulit. May problema kaya ako, at gusto ko i-enjoy itong bakasyon namin. Kaso, hindi kami puwedeng magdala ng cellphone. Kahit anong gadgets except sa camera, iyong DSLR at iba na puwedeng ipang-soundtrip na lang ang dinala ko since iyon lang ang puwede. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang dalhin ako sa isang mahimbing na tulog. "Excuse me, miss?" Ano ba iyan?! Ilang minuto pa lang akong nakapikit, may manggigising agad? Dumilat ako, at binigyan ko siya ng masamang tingin, masaya ako kapag walang kakausap sa akin. "Kung diyan ang upuan mo, sige maupo ka na. Huwag mo na akong gisingin." Pero ang kulit niya. Please, bigyan niyo po ako ng napakaraming pasensya para sa buwang ito. "Tumahimik ka nga riyan." "Hindi na ako nagsasalita, ah. Kinakalabit lang naman kita." Binuksan ko ang mata ko. Tinignan ko siya, ngunit hindi ko naman siya kilala. Kung makapag-salita kasi, feeling close. Ugh, hindi ko na lang siya pinansin, bahala nga siyang mangalay riyan. I would rather slee than be with this dumb boy. ** "We're here!" masayang sigaw ni Bianca. Kung dayaan lang naman ang pag-uusapan, ang grupo ni Mexie ang nangunguna. Sinabi nilang magbubunutan kung sino magkakasama pero hindi sila bumunot, kasi kaibigan nila si Mexie, at hindi sila dapat magkahiwa-hiwalay. Kaya ang totoong nakabunot lang dito ay sina Yuri, Leian, Hyzel, Krisie, Jenny, Nikka, at ako. Masyado ring malayo ang rest house na ito sa mga bahay. Siguro, isang bayan na ang layo nito--baka nga dalawa pa, e. Iyong nagda-drive naman ng bus, aalis din--sa susunod na buwan na ang balik. Ayaw kasi ni Mexie ng extra, gusto niya, kami-kami lang. Ie-enjoy ko lang naman ito. Tumayo na ako sa upuan ko nang may mapansin akong papel na nakaipit sa may bintana ng bus, doon sa may part ng taasan, o babaan na pipihitin para sa bintana. Kinuha ko iyon ngunit pagsisi ang gumuhit sa aking mukha nang mabasa iyon. Para sa akin ba ito, o naiwan lang talaga sa bintana ng bus na na-hire? "'Wag kang magtitiwala sa lahat. 'Wag na 'wag." "Ano iyan?" Nilagay ko iyong kamay ko sa likod ko para hindi niya makita iyong hawak ko. Mahirap na, hindi ko naman pati alam kung sa akin ito, o nasama lang. But I hope, it was just a pure coincidence. Pero wala iyon kanina nang maupo ako. "Ka-room niyo iyong katabi niyo sa upuan kanina ng bus, okay ba? Lahat ng nandito, leader. Ang gusto ng isa, gusto rin ng lahat. Huwag tayong KJ, okay? Magsasaya lang tayo rito, ibaba na natin iyang mga gamit dito sa sofa. Libutin niyo muna iyong buong bahay." Nagkahiwa-hiwalay na iyong iba, sobrang laki ng rest house nila. Rest house pa lang ito, ha? Grabe, super laki! Ano nga ba namang ine-expect mo sa mga Virgoso, hindi ba? Tiyak na mayayaman, e. Mahirap nga lang maging Masaya kung ang pinakang baon mo ay kalungkutan. ** "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Enzo sa akin, ang ka-roommate ko for the whole month. His name sounds so manly kaya sana, huwag na siyang maging makulit. "W-wala." Umiwas na lang ako ng tingin, at pinunasan ang aking mukhang puno ng luha. Anong sasabihin ko? Na, nagpunta ako rito para mag-enjoy pero hindi ko naman na-e-enjoy? I'd rather keep everything to myself. Magmumukha lang akong kawawa. "Alam mo, kung hindi ka naman masaya, puwede mo akong lapitan. Oo, makulit ako, pero hindi naman siguro mali ang damayan ang isang kasama sa bakasyon na ito, hindi ba?" Gumaan bigla ang pakiramdam ko. 9:30 na ng gabi pero hindi pa ako natutulog. Masyado ng gabi para sa iba iyon pero sa akin, hindi pa. Actually, this kind of time is the best time to cry. "Pamilya ko lang iyong iniisip ko. Is it my fault kung sa akin binigay ng lolo ko ang buong kumpanya na pagmamay-ari niya?" Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko ngunit nakarinig kami ng sigaw--napakalakas na sigaw na nakapagpanindig ng balahibo ko. Agad kaming lumabas at hinanap ang boses, nakita namin si Bianca roon na nakatayo at nakahawak sa bibig--halata mong gulat na gulat siya. Sinundan ko ang tinitingnan niya, at napatakip din sa bibig. A-anong. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD