Chapter 2: She's the Second

2278 Words
Chapter 2 2: She's The Second Reign "Napaka-brutal ng pagpatay sa kaniya," seryosong sabi ng isa sa mga lalaki "Kier, huwag kang masyadong lumapit diyan!" sigaw ni Leian. Kier pala ang pangalan niya. "Hindi ka ba natatakot?" dagdag pa ni Leian. Base sa sobrang pag-aalala niya kay Kier, halatang may crush siya roon. As if I care, pero halata siya. Hindi ba puwedeng pakipot muna? Kaya tayo hindi nasasabihan ng 'Maria Clara', e. Sinisira niyo iyong imahe. "Anong gagawin sa bangkay?" seryosong tanong ni Enzo, ang ka-roommate ko sa napakalaking bahay na ito sa loob ng isang buwan. "May alam akong pwedeng paglagyan niyan!" sigaw naman ni Cindie. "Hindi ba puwedeng ipagbigay alam na natin ang tungkol dito?" takot na takot na tanong ni Bianca. May punto siya roon, bakit nga ba hindi? "Hindi pwede," seryosong sabat ni Hyzel. "Bakit naman?" takang tanong ni Bianca. Alam niyo iyong hitsura ng mukha ni Hyzel? Nakakakilabot, sobra. Ang aura niya. . . sobrang kakaiba, e. May kakaiba sa ugali niya na mahirap basahin, maraming nakatago. I don't want to point fingers, but she keeps on acting weird. It is like she is hiding something. "Gabi na guys, hindi ba kayo natatakot? Masyadong malayo, halos isang bayan ang layo, baka nga dalawa pa. Paano kung may mangyari sa ating masama? May isa na namang mamamatay? Gusto niyo ba iyon? Nasaan ang mga utak niyo ngayon?" giit naman ni Cynthia na may halong galit at takot. "Bukas na natin ipagbigay alam, okay? Sa ngayon, magpahinga na muna tayong lahat para may lakas tayong maglakad ng sobrang layo dahil wala ang bus at driver natin," ani Mexie. Bakas sa kaniya ang pag-aalala. Siguro, natatakot din siya sa puwedeng mangyari kung basta-basta ang magiging desisyon ng lahat. Pero tanga rin siya, e. Siya itong nagpauwi sa driver! Kalandian kasi muna ang pinairal, e! "Saan natin ilalagay ang bangkay ni Lourdes?" Si Lourdes ay isa sa barkada nina Mexie. Naawa ako sa kanila, mahirap mawalan ng kaibigan. Ako nga, napalayo lang sa kaibigan at magkikita rin naman, nalulungkot na ako. Sila pa kaya na pang habang buhay? "Sa isang vacant room muna! Meron ba?" tanong ni Krisie. Sa pagkakaalam ko, sa paglibot-libot ko sa bahay kanina, mukhang walang bakante. "Mangangamoy iyan, pero wala na talagang bakante, e. Masyadong malaki ang pagkakagawa ng bawat kuwarto kaya kaunti ang nagawa. Baka puwede siya sa likod?" suhestiyon ni Mexie na tinanugan ng ilan. "Puwedeng kayo na ang bahalang dalhin ang bangkay ni Lourdes? Kung maaari sana, kahit patay na siya, ayusin niyo pa rin ang pagkakalagay sa kaniya. Kami na ang bahalang mag-linis dito ng mga dugo." Tumango naman kaming lahat. Dito sa may buhanginan natagpuan iyong bangkay ni Lourdes kaya ang ginawa namin, kinuha namin iyong ilang parteng nalagyan ng dugo ngunit sa sobrang dami nito, tinulungan na kami ng mga lalaki. Halos maubos iyong buhangin doon sa parte ng bangkay ni Lourdes. Kung titingnan sa malayo, halata mong kinalbo ang buhangin. ** "Good morning!" bati sa akin ni Enzo pagmulat ng mga mata ko. Medyo magkalayo naman kami, at King-sized ang kama na ito. "Morning. Walang good sa umaga," matamlay kong tugon. How can I enjoy this vacation kung unang araw pa lang, may namatay na agad? Can someone please tell me why am I even here? I just wanna go home. . . but I don't have any. "Bakit naman?" "May nawala agad na isa. Instead of enjoying this vacation, mukhang magiging malungkot pa." Pareho kaming bagong gising. Napagdesisyunan naming lahat na mag-alarm para maghanda sa malayong lakaran. Magluluto na rin iyong iba upang may makakain kami sa layo ng aming tatahakin. Isang bayan nga lang, mahirap nang lakarin, pano kung higit pa roon? Isa lang ang banyo rito, kaya ang isa sa amin ni Enzo ay kailangang bumaba. May ginawa naman ditong banyo ng lalaki at babae--hiwalay rin naman. Kaso, naunahan ako ni Enzo sa pagpasok sa banyo, napaka gentleman talaga.  “Enzo, huwag kang tanga, ako ang babae!” sigaw ko. “Bakla ako!” nang-aasar niyang tugon. Buwisit! Sa huli, lumabas na lang ako ng kuwarto namin, at dumiretso sa banyo ng babae. Marami namang cubicle rito, at sakto para paliguan. Halatang pinaghandaan ito ni Mr. Virgoso para sa bakasyon, sigurado ring kahati ng may ari ng Xavier High School ang planong maggawa ng ganitong bakasyon. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle nang may mapansin akong nakadikit sa may pintuan, pagsarang-pagsara ko palang noon. Pangalan ni Cynthia. Naamoy ko naman iyong mabahong amoy galing sa papel. Amoy masangsang, amoy d-dugo? H-hindi kaya? Si Cynthia na ang kasunod? Siya iyong pangalawa? Dali-dali kong nilaglag iyong pangalan ni Cynthia sa bowl at i-finlush ito. Nakarinig din ako ng ibang boses na pumasok sa cubicle para maligo. Nawala ng kaunti ang kaba ko dahil sa may kasama na ako sa banyo. Sa kasamaang palad, hindi pa ako natatapos sa pagligo nang makarinig na naman ako ng sigaw malapit sa akin. Dali-dali akong nagbuhos, at naabutan si Cindie na naka upo sa sahig, at umiiyak. “What’s happening?” Nang maglakad ako papalapit kay Cindie ay nakaramdam ako ng ilang patak sa ulo ko. Noong una, pinagwa-walang bahala ko pa. Hindi rin ako makalapit kay Cindie dahil nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Ang iba ring mga nasa loob kanina ng cubicle, sumisigaw na rin, ngunit hindi ko naman mahanap ng tingin ang sinisigawan nila. Dahil sa sobrang taka sa kanila, tumigil ako sa puwesto ko--ayaw pa ring tumigil ng tulo sa ulo ko. Mukhang ayaw nila akong makalapit sa kanila. “Can someone please enlighten me? Natutuluan na ako! Should I move or what?” I shouted.  Dumami na rin ang tao sa loob ng banyo naming mga babae. Hindi nila kayang sabihin lahat iyong dahilan ng pagsigaw nila, ngunit naramdaman ko nang tumulo sa mukha ko iyong tumutulo sa ulo ko. Tila walang tigil na sigaw na lamang ang naririnig ko--walang matinong sinasabi. Kumakalat na yata ang tulo sa aking luha, dahil sa sobrang dami. Buong akala ko, tubig lang iyon, ngunit hindi ko naman alam na slow pala ako para hindi malamang dugo na pala iyon. Nalaman ko na lang nang dire-diretso itong tumulo at nalaglag sa sahig. “Putangina,” bulong ko sa sarili ko. This is not happening! I am just dreaming! Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Nabagsakan ako ng ulo ni Cynthia. Cynthia Iyong pangalan niya sa cubicle na pinasukan ko. Agad akong lumayo sa ulo nya, nakasabit iyon sa isang kawit sa taas. Nag-iisa lang iyon, at halatang naplano na. Nasaan ang katawan? Kaawa-awa ang pagkakapatay kay Cynthia. Pinugutan pa talaga siya ng ulo--natanggal na rin iyong balat niya dahil sa pagkaka-kawit kanina. May iwan-iwan pa kasing balat niya roon sa kawit. Paatras akong lumayo sa kaniya habang naka-upo pa rin. May bigla namang humigit sa akin at nang makita ko kung sino iyon, si Kier pala. "Sabihin mo nga, ikaw ba ang killer?" bintang niya sa akin nang makalayo kaagad kami sa banyo ng mga babae. Nakaramdam naman ako ng inis. . . pagbibintangan niya ako kahit wala siyang patunay kahit isa? Napakatanga naman yata niya? "Hindi ako ang killer," diretsong sagot ko. Kahit natatakot ako sa kaniya, pinagwalang bahala ko na muna iyon. Kakaiba na kasi ang kinikilos niya nang hilahin niya ako, parang papatayin niya ako ng tingin. Tinitigan naman niya ako ng masama, senyales na hindi siya naniniwala sa akin. "Bakit? Paano mo nasabing ako ang killer?" tanong ko. Ano nga ba namang alam nito? Malay mo, manghuhula siya kaso laging sablay kaya ako ang inakala niyang killer kahit hindi naman. "Well, if you think that I am the killer here, why would I nod, and say yes to you? A killer's identity must be kept. Hindi naman siguro ako tanga bilang killer--tulad ng sinabi mo--upang basta na lang isiwalat sa iyong ako nga ang gagong pumatay sa dalawang babae." ** Nandito na ako ngayon sa kwarto namin, at inaalis iyong mga dugo. Dapat sigurong maligo ulit ako kasi hindi mawala-wala ang amoy. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Kier sa akin. . . mukha ba akong mamamatay tao? Biktima lamang din ako na nabagsakan ng ulo! Hindi ko alam kung paanong nagawa iyon ng kung sino mang pumapatay, pero inaamin ko, natatakot na ako. Hindi siya basta-basta. Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Ayokong maging mahina, ayokong makita ng pumapatay na mahina ako, dahil baka isunod niya ako. Malakas ka, Reign. Matibay ka. Yes, honey, you're strong enough to handle this. Pasasaan ang lahat ng dinanas mo kung dito ka pa manghihina? Third Person "A-anong gagaw-w-win mo sa akin?" nauutal na tanong ni Cynthia sa taong nasa harapan niya ngayon. Nakaitim ang kaniyang kaharap, at nakatakip ang mukha nito ngunit labas ang labi at mata "Anong sa tingin mo?" tanong nito pabalik kay Cynthia. Paiba-iba ng boses ang killer habang sinasabi ang mga salitang iyon. Masyadong madilim sa kuwartong kinalalagyan ni Cynthia ngayon. "Akala ko ba ay walang vacant room?" tanong nito sa sarili. Tinitigan niya ng mabuti ang kabuuan nito ngunit tiles na makikintab lang ang napapansin niya. "Paanong pag-patay ang gusto mong gawin ko sa iyo? Katulad ba kay Lourdes?" mapang-asar na tanong nito kay Cynthia. "Hindi ka nagsasalita? Bakit naman? Natatakot ka ba?" dagdag na tanong pa niya, at humalakhak, senyales na ito'y naaaliw sa nakikitang takot sa mukha ni Cynthia. "Natakot ba kayo sa ginawa niyo noon? Bakit ngayon, takot na takot na kayo? Ang bilis naman yata ng pagbabago," dugtong pa ulit nito. Napipi na si Cynthia, hindi niya alam kung anong dapat na lumabas sa bibig niya. "Pasensiyahan tayo, pero hindi pa ako nagbago–nais ko pa ring makita ang pagdanak ng inyong mga dugo," muling dumagundong ang nakabibinging halakhak pagkatapos iyon sabihin ng killer. "Kagat lang ito ng Dinosaur. Huwag kang mag-alala, hindi mo naman kasi sinasabi sa akin kung anong gusto mong pag-patay ang gagawin ko sa iyo. Ako na nga lang magpapasiya." Inumpisahan niyang putulin ang dalawang binti ni Cynthia kaya napasigaw ito ng malakas. "Walang kuwenta naman iyang sigaw mo, e. Sound proof ang kinalalagyan mo, at ang lahat ng kwarto rito -- walang makakarinig sa iyo. Ako lang," naka-ngisi niyang sabi. Nilibot niya ang kaniyang mata sa katawan ni Cynthia, tila nag-iisip ng susunod na gagawin. 'Wala na siguro akong pag-asa kahit sumigaw ako,' isip-isip niya. "Kagat lang ito ng Dinosaur, hindi naman masakit ang ginawa ko, hindi ba? Hindi naman kasi totoo ang Dinosaur kaya hindi ka nila makakagat. Kung totoo man, hindi ka pa rin makakagat dahil matagal na silang wala, buto na lang nila ang natira." Nairita bigla si Cynthia. Kung ano-anong bagay ang naiisip niyang maaring dahilan nito. Nanghihina na rin ito dahil sa dami ng dugong patuloy na umaagos. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Tama, dapat na lang na mamatay na siya agad-agad upang wala nang pagpaparusang nagaganap. Wala nang masasakit na pagputol ng killer sa bawat parte ng kaniyang katawan. Sunod niyang pinutol ang kanang kamay ng dalaga. "Makasalanan ang kamay mong iyan, dapat nang alisin sa iyo." "AAAAAAAH!" makamandag balahibong sigaw nito na halos mawalan na ng boses. Walang pagsidlan ang sakit na kaniyang nadarama. Kasabay ng palahaw ay ang pag-agos ng kaniyang luha. Kinuha naman niya iyong putol na kanang kamay ng dalaga at pinutol ang mga daliri nito, sunod naman ang kaliwang kamay at mga paa nito sa daliri. Nakangiti siya habang ginagawa ito -- ligayang-ligaya sa nasasaksihan na tila unti-unting nababawasan ang kapighatian na nadarama noon. Tinutok niya sa leeg ni Cynthia ang hawak niyang kutsilyo at nakangiti ng malapad--isang ngiting tagumpay. "Hindi naman kayo ang pinakang may kasalanan, e. Ngunit dahil sa inyo, naging iba ang tingin sa akin ng maraming tao. Tahimik na sana ako, pero dahil sa inyo, gumulo ang buhay ko. Hindi naman kayo ang ang una sa lahat, ngunit kayo ang dahilan, magulo ba?" Tumango na lamang si Cynthia sa sobrang takot, dahil kapag hindi ito sumagot, baka tuluyan na siya. Sobrang nakakatakot din ang boses nito't puno ng hinanakit. Ano ba talaga? Kanina lang ay gusto na niyang mamatay para wala nang pagpapahirap, ha? Umaasa kaya siyang bubuhayin pa siya at pakakawalan ng killer? Huwag nang umasa, mas masasaktan lang. Ikamamatay mo lalo. "Cynthia, hindi mo ba ako naaalala?" tanong nito sa kaniya. Sunod-sunod ang iling ni Cynthia. Dahil doon, mas lalong nagalit ang killer. Unti-unti niyang itinusok ang kutsilyo sa pisngi nito, napaluha na lamang si Cynthia sa sobrang sakit na nadarama. "Ibigti mo na lang ako! Nasasaktan na ako!" pagsusumamo nito. "Gusto mong ibigti?" tanong niya ng naka-ngiti. "Teka, ganito na lang. . . puputulin ko ang ulo mo at isasabit ko! Masaya iyon, hindi ba? Anong sa tingin mo? E, hindi ba, gusto mo naman ng tinitingala ka? Kayo?" Nanlaki bigla ang mga mata ni Cynthia sa narinig--napaluha na lamang siya. Iyon na lang ang tangi niyang magagawa. Nahihirapan na siya, hindi na kayang lumaban ng kaniyang sistema. Tama ngang pinatay na lamang agad siya dahil hindi na siya mabubuhay pa. "Perfect!" sigaw nito sa kaniya. Dali-dali syang lumapit sa dalaga, at bumulong muna sa tenga nito, "hindi mo na ako maalala. Nakakalungkot naman, Cynthia. Ang bait ko pa noon sa iyo." Tinanggal na niya ang pagkakalapit ng bibig niya sa tenga nito, at tinitigan ang mukha ni Cynthia. "Masyadong nabahiran ang ulo mo sa mga nalaman mo. Dapat putulin din iyan–iyan ang pinakamakasalanan sa lahat. Paalam, Cynthia." Sa binitiwang salita ng killer, unti-unting luminaw ang lahat hanggang sa rumehistro ang imahe ng isang nilalang. Matapos noon ay pinugutan na siya--walang awang pinugutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD