MIS 37

2254 Words
(Alaina) Sabog ang aking kilay at busangot ang aking mukha na nakatingin kay Haven. Naiinis talaga ako sa kanya dahil sa iniimbitahan pa talaga nya si Celestine dito. Bakit ba nya binigyan ng imbitasyon ang Celestine na 'yon? Nasa loob kami ngayon ng aming hotel room. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Kanina pa ako tahimik. Wala sa mood ko ang pansinin si Haven. Inis na inis ako sa kanya. "Babe, are you mad at me?"tanong nya. Tumabi sya sa akin. "Kanina kapa tahimik."puna nya. "May iniisip lang ako. "Matipid kong sagot. Tumayo ako. Wala sa plano ko na pansinin sya. Pumasok ako sa loob ng banyo. Ini- lock ko ito. "Babe!"kinatok nya ako. Hindi ako sumagot. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Hindi naman ako ganito. Hindi naman ako matampuhin. Siguro dahil nakaramdam ako na parang may kakaiba kina Haven at Celestine. Kanina nakita ko sila na may pinag- uusapan na tila importante. Hindi ko narinig ang pinag- uusapan nila dahil nakita ako agad ni Haven. Hindi ko makalimutan ang makahulugang ngiti na pinakawalan ni Celestine sa akin. Para bang may alam sya na hindi ko alam. "Babe! Please open this door. Mag- usap naman tayo! I know galit ka sa akin." Kinatok- katok pa ako uli ni Haven. "Go away Haven! I need my peace right now. Hayaan mo muna ako." Masama ang loob ko kay Haven. Gaano ba kahalaga si Celestine para sa kanya? At nagawa pa talaga nyang bigyan ito ng imbitasyon dito sa Isla? Ako nga, nakapunta lang dito dahil isinama lang nya. Hindi nga nya ako binigyan ng imbitasyon. Hindi naman ako mahilig mangumpara. Pero, gulong- gulo na talaga ako sa relasyon nilang dalawa ni Celestine. Ok fine! He chose me. Pero, ano si Celestine sa kanya? "Babe, please, maniwala ka naman. Walang namagitan sa amin ni Celestine. I just gave her that invitation kasi sabi nya gusto nyang makapunta dito. She's a friend. Hindi ko naman lubos akalain na ngayon sya pupunta dito." Hindi parin ako nakukuntento sa paliwanag nya. "Umalis ka muna Haven. Wag mo muna akong kausapin." "Alaina, babe, please na----" "Please Haven, iwan mo muna ako." My voice is pleading. Nakasandal ako sa pinto nitong banyo kaya narinig ko ang kanyang pagbugtong- hininga. Sunod kong narinig ang mga yapak paalis. Alam kong umalis na sya. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakasandal sa pinto ng banyo. Ang daming pumapasok sa aking isip. Hindi mawaglit- waglit sa aking isipan ang eksenang nasaksihan ko kanina kina Haven at Celestine. Ang lapit ng mga mukha nilang dalawa habang nag- usap sila ng masinsinan. Alam kong may tinatago silang dalawa. Kung ano man ang tinatago nila, aalamin ko ito. Alam ko na ipinangako ko na magtitiwala na ako kay Haven pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na magduda, lalo pa't halatang- halata ko na pinahahalagahan nya si Celestine. Kanina, tinutukso- tukso ni Caleb si Celestine. Nagulantang ako ng biglang nainis si Haven sa kanyang pinsan, na para bang naiinis sya sa ginawa ni Caleb. Para bang nagseselos sya na nilalandi ni Caleb si Celestine. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at napatulo ang aking mga luha. Nasasaktan ako, eh! Nasasaktan ako na harap- harapan kong nasaksihan ang pagseselos ni Haven. Ang masakit hindi para sa akin iyon pagseselos nya. Para kay Celestine. Kaya nga ang lapad ng ngiti ni Celestine kanina. Hindi lang ako nagseselos, naiinsulto din ako. Agad kong pinunasan ang aking mga luha. Saka ako lumabas mula sa banyo. Inayos ko muna ang aking sarili, saka ko napagpasyahan ang lumabas. Naglalakad ako sa dalampasigan. Lihim na hinahanap ng aking mga mata si Haven pero hindi ko sya nakita. Napahinto ako sa paglakad- lakad. Humarap ako sa dagat. Hindi mainit ang panahon, medyo hapon na kasi. Napatingin ako nang may tumabi sa akin. At lihim na napaigting ang aking panga nang nakita ko si Celestine. "Hi Alaina, hindi mo yata kasama si Haven." Nakangiti nyang bati sa akin. Pero hindi naman ako tanga para hindi mahalata na plastik ang kanyang ngiti. "Paki mo."taas kilay kong sabi. Hindi ako plastik na katulad nya. Pag ayaw ko sa isang tao, ipinapakita ko 'yon. Kaya nga maldita ang tingin sa akin ng mga nakakarami, dahil ayaw ko sa plastikan. Naiinis ako sa mga taong plastik. Ngumisi sya habang tinaasan ako ng kilay. "Nasira ko ba ang date nyong dalawa? Ayaw ko sanang pumunta dito ngayon sa Isla, kaya lang pinilit ako ng mommy ni Haven nang nalaman nya na nandito si Haven sa isla. You know, close kami ng mommy nya. His parents always fond of me."nakangisi nyang sabi. Para akong nanliit sa aking sarili sa kanyang sinabi. "How about you, Alaina? Close ba kayo ng parents ni Haven?" Naumid ang dila ko sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung paano sya sagutin. Ni minsan kasi, hindi ko pa nakilala sa personal ang parents ni Haven. Ang ate lang nya ang nakilala ko, at si Caleb pa ang kasama ko nung. Nanliit ako. Sa tingin ko, lamang na lamang sa akin si Celestine. Napatawa sya nang hindi ako nakasagot. Parang gusto kong imudmud ang mukha nya sa buhangin. Ayaw ko syang patulan kaya humakbang ako palayo sa kanya, pero sinundan nya ako. "Stay away from me, Celestine. And stay away from my FIANCEE. Bago ko makalimutan na tao ka at hindi hayop." Naiirita kong sabi sa kanya. Tumawa sya sa aking sinabi. "Fiancee? Sigurado kaba talaga na pakakasalan ka ni Haven?" Napahinto ako sa kanyang sinabi. Marahas akong humarap sa kanya. "Anong sabi mo?" "Kilala ko si Haven mula ulo hanggang paa. May alam ako na tungkol sa kanya na hindi mo alam. And---I have him first." Napakunot- noo ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin. Mapang- uyam syang tumitig sa akin. "Sabihin nalang natin na ako ang kanyang first of many things....first love, first girlfriend, first kiss, first heartbreak and first s*x. Ako ang una at hindi pa naman nakakalimutan ng isang tao ang kanyang una." Nainis ako sa kanyang sinabi. So, sya pala ang first girlfriend ni Haven at nagkabalikan pa ang mga ito nung umalis ako. Lihim kong kinalma ang aking sarili. Galit ako pero ayaw kong bigyan sya ng satisfaction. "Really? So, ikaw pala ang sinasabi nyang "not considered his memorable one". Wala halaga sa kanya ang kanyang first girlfriend. Kawawa ka naman pala." Ako na naman ang napatawa. Napansin ko ang pagkainis sa kanyang mukha. Saka sya ngumisi. "At naniwala ka naman?! Kaming dalawa ni Haven, magkahiwalay man kami pero lagi kaming bumabalik sa isa't- isa. Dahil mahalaga sa aming dalawa ang isa't- isa. May taling nagka- ugnay sa amin. Sa inyo meron ba?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Anong ibig nyang sabihin? "Natigilan ka diba? Mas may karapatan ako ni Haven kaysa sayo. Kahit ilang beses ka nyang yayain ng kasal, ako parin ang pipiliin nya sa bandang huli. Kawawa ka naman, Alaina. Sayang ang ganda mo kung maniwala kalang Kay Haven." Shit! I lost of words. Hindi ko alam kung paano sya sagutin. Parang may pinaghahawakan sya. I calmed myself again. I composed myself. Niloloko lang nya ako para magkasiraan kami ni Haven. "b***h!"Ani ko. Tinalikuran ko sya. Ayaw ko syang patulan. Whatever she said, dapat doon ko kay Haven linawin iyon. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong niloloko ako. Oras na malaman ko na niloloko ako ni Haven ngayon. Hinding- hindi ko sya mapapatawad. "I am not a b***h! You are, Alaina." Napalingon na naman ako uli kay Celestine. Parang papatayin ko na sya sa aking titig. "You are the b***h, because you are using your body para makuha si Haven. Darating ang araw pagsasawaan ka rin nya at babalik din sya sa tunay na nagmamay- ari sa kanya. At ako 'yon!" ngumisi sya. Gusto ko syang sampalin pero, pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw ko ng gulo. "Anyway, hindi na ako nagtaka kung sadyang malandi ka. Kanino ka pa nga naman magmana? Kung ano ang puno, 'yon din ang bunga."insulto nyang sabi. "Anong sabi mo?"galit kong tanong. "I said nagmana ka sa iyong walang kwenta at maniac na da----" Natigil sya sa iba nyang sasabihin nang sinampal ko sya ng ubod ng lakas. Insultuhin na nya ako, wag lang ang daddy ko. nnShe doesn't have the right to talk something like that to my father. Maliban sa hindi ang daddy ko ang kaaway nya, hindi pa nya kilala personally ang aking ama. Nagkamali ang ama ko pero mabuting tao ang daddy ko. Umuusok ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "How could you?" Ani nya sabay sugod sa akin. Sinabunutan nya ako. Pero dahil isa syang duwende kumpara sa akin, kaya nakabawi ako agad. Akala nya magpapaapi ako sa kanya. I am Alaina. Walang umaapi sa akin. Nagkabaliktad ang sitwasyon, sya na ngayon ang nadehado. Natumba na kaming dalawa, pero nagsasabunutan parin kami. Walang magpatalo sa aming dalawa. Hanggang sa may umawat sa amin. "Ano ba bitawan mo ako?" Sabi ko kay Caleb. Galit akong napatingin kay Celestine na nag- iiyak pa talaga habang dinaluhan ni Haven. "Haven, si Alaina. She's jealous. Sinabi ko naman sa kanya na magkaibigan lang tayo." Paiyak- iyak na sabi ni Celestine kay Haven. Napataas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Ang galing pala nyang umakting. Ang OA nya. "Why you do that, Alaina?"tanong ni Haven sa akin. Alam kong galit ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Just wow! At kinampihan pa talaga nya si Celestine. Ok fine! Akala nya na mag- iiyak din ako dahil kinampihan nya ang best actress na si Celestine. Pwes, nagkamali sya. "Haven, just don't go directly to the conclusion. Bakit hindi mo pakinggan ang side ni Alaina?" Si Caleb, saka sya bumaling sa akin. "Ano ba----" "It doesn't matter!" nag- aapoy ang aking mga mata na nakatingin kina Haven at Celestine. Kahit gusto kong maiyak, pero pinigilan ko ang aking sarili. Ngayon ko napatunayan na mas mahalaga kay Haven si Celestine. Haven judged me without procedural due process. Kung nakakakulong lang ang judgement nya, nasa kulungan na ako ngayon. "Magsama kayong dalawa." Sina Haven at Celestine ang aking hinarap. "Pathetic!" Saka ko sila tinalikuran. Alam ko na sinundan ako ni Caleb. "I saw everything." Narinig ko na may nagsasalita. Pero wala na akong time para lumingon pa dahil puno na ng luha ang aking mga mata. " Sya naman ang may kasalanan kasi sinabihan nya 'yon magandang babae na malandi tulad ng kanyang ama. Kaya sinampal sya nung babae, tapos sinugod nya 'yon babae. Ang galing mong umakting miss. b***h! At ikaw naman mister, tanga at uto- uto." ------ Nakayakap ako kay Caleb habang umiiyak ako sa kanyang dibdib. Sobrang sakit ang aking nadarama. At si Haven, kahit narinig na nya ang totoo, pero mas pinili parin nya na samahan si Celestine. Niloloko lang nya ako. Mas matimbang para sa kanya si Celestine kaysa sa akin. "C'mon Alaina. Ayusin mo ang sarili mo. Ilalayo kita dito." Ani ni Caleb. Agad kong ginawa ang sinabi ni Caleb. Nang nakapasok na ako sa hotel room namin ni Haven, agad kong inayos ang mga gamit ko. Kasalukuyan na namin tinahak ni Caleb ang daan patungo kung saan nakadaung ang kanyang speed boat nang..... "Alaina babe...wag mo akong iwan. Please, mag- usap muna tayo." Habol ni Haven sa akin. Hinarangan sya ni Caleb. "Wag kang makialam dito bro." Galit na sabi ni Haven kay Caleb. "Asshole!" Galit na sabi naman ni Caleb sa kanyang pinsan na walang kwenta. Sinenyasan ko si Caleb na tumabi muna. Tumabi naman sya ng kunti. Saka ko hinarap si Haven. Pagdaramdam at galit ang nadarama ko ngayon para sa kanya. "Sinamahan ko lang si Celestine sa clinic kaya hindi ako nakasunod agad. Siniguro ko lang na maayos sya."paliwanag ni Haven sa akin. "Mabuti naman at siniguro mong maayos muna sya, kaysa sa akin. Kita mo naman siguro na may mga galos din ako."puno nang pagdaramdam ang aking boses. "Pero, nag- alala kaba sa akin? Hindi, diba?" "Nandyan si Caleb pa----" "Tama ka, nandito si Caleb para sa akin. And he believes in me. Kung walang nakakita sa tunay na nangyari, maniniwala kaba sa akin Haven? Hindi diba?" He stiffed. Nasapol kasi sya sa aking tanong. Nakatitig sya lang sya sa akin. "You know what Haven---" hinugot ko ang singsing na ibinigay nya sa akin mula sa aking daliri. "Isaksak mo ito sa bunganga ni Celestine. At pakisabi sa kanya na ang baho ng hininga nya." Sabay bato ko sa kanya ng singsing. "Alaina...babe...please...don't do this. I'm sorry. Mahal na mahal kita." Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi, saka ko sya tinalikuran. Mahal ko si Haven pero ayaw kong magpakatanga. Kung si Celestine ang mas gusto nya. Hindi ko sya pipigilan. Ipinangako ko noon na hindi ipipilit ang aking sarili sa taong ayaw sa akin. "Alaina!"nakakahabag na tawag ni Haven sa akin.. "Don't worry bro, she will be fine with me. Aalagaan ko sya na hindi mo nagawa. Hindi sya iiyak sa aking tabi. We will be happy together." Narinig kong sabi ni Caleb. "Hayaan mo kami ni Alaina. Wag kang makialam sa aming dalawa. Ano ba ang pakay mo, huh? At nangingialam ka sa aming dalawa?" Hindi ako lumingon sa dalawang lalaki. Ingat na ingat ako habang sumasakay sa speed boat ni Caleb. "Sabihin nalang natin na naghihintay ako ng chance para maagaw mula sayo si Alaina."napaismid ako sa sinabi ni Caleb. "A- Anong ibig mong sabihin?" Galit na galit ang boses ni Haven. "I love her. I love Alaina!" Shit! Muntik na akong nasubsob sa sinabi ni Caleb. Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD