(Alaina)
Napakunot ang aking noo habang ipinarada ang aking kotse sa parking lot ng mansyon namin. May apat na kotse kasi na bago sa aking paningin.
May bisita ba si dad?
Dala ang pinamili ko na mga personal ko na gamit. Agad akong naglakad papasok sa mansyon namin.
"Ano--"
Napahinto ako sa aking pagpasok sa malaking sala nang nakita ko ang mga bisita.
Si Haven ang nakita ko at may mga kasama sya.
"Baby Alaina, mabuti naman at nandito kana. Kanina kapa hinihintay ng mga bisita mo."
Si dad ang unang nakapansin sa akin.
Naninigas ako at hindi ako makakilos. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan.
Ano bang nangyari dito?
"Alaina ija." Ani ng isang magandang ginang. Tumayo sya at nakipag- beso- beso sa akin nang nalapitan na nya ako. "Tama nga ang lagi kong naririnig, you are so beautiful. Hindi na nakapagtataka na patay na patay sayo ang anak ko."
Basang- basa ko ang paghanga sa kanyang mga mata.
"Hello ija, welcome to the family." Ani naman ng isang matandang babae, saka bumeso- beso din sya sa akin.
Welcome to the family? Teka, ano bang ganap?
Lumapit si Haven sa akin.
"Babe, this is my mother Monique and my grandmother Yumi."
Napanganga ako.
God! Hindi ko napaghandaan ito.
Kaya, para na akong mabibingi sa lakas na pagkabog ng aking puso ngayon. Sunod- sunod ang lihim na paglanghap ko ng hangin. Parang hindi ako makahinga dahil sa sobra kong pagkabigla sa nangyari ngayon.
Ngumiti sa akin ang mommy at lola ni Haven. I can't find my words kaya nginitian ko nalang sila.
Inakay ako ni Haven palapit sa iba pang bisita na nakaupo sa sofa, kausap ng daddy ko.
"Babe, this is my grandfather Drew and my father Bret. Kilala mo na ang ate Arielle ko. Nagkita na kayo minsan. Ito naman kasama nya ay ang kanyang asawa na si Luijie."
Ngitian at kamayan ang nangyari after.
Disoriented parin ako. Hindi parin ako nakarecover mula sa pagkabigla.
Katabi ko na ngayon si Haven. Hawak na hawak nya ang isa kong kamay na ipinatong nya sa kanyang kandungan. Hindi ko magawang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya dahil kaharap namin ang kapamilya nya at ang daddy ko.
"We're here para personal na mamanhikan sa anak mo, Henry." Ang daddy ni Haven ang nagsalita.
What? Mamanhikan?
I shook my head again and again, I even close my eyes to sink in the words that I've heard to my confused mind.
Mamanhikan? Tama ba ang rinig ko?
I open my eyes. At para yatang gusto ko nalang na lamunin ako ng tiles nang napatanto ko na sa akin sila nakatingin lahat.
"Any problem ija? Ayaw mo bang magpakasal sa apo ko?"tanong iyon ng Lola ni Haven.
"H-Ha?"
----
----
Inis akong nakatingin kay Haven. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na dadalhin nya ang kapamilya nya dito sa amin para mamanhikan.
Wala man lamang abiso sa akin, at hindi pa nga kami nagkaayos. Para tuloy akong iwan kanina na tango- tango lang sa mga gusto nila. Ayaw kong lumabas na bastos kaya nakisabay nalang ako.
"I want you to fix this Haven."galit kong sabi sa kanya.
Kaaalis lang ng pamilya nya. Nakasandal sya sa kotse nya habang nakatingin sa akin.
"There's nothing to fix. We will continue our plan to get married."
Nanggigigil ako sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang ginawa nya ngayon.
"Are you insane? Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak mo Haven. We already separated, tapos ngayon, dinala mo pa ang pamilya mo dito. Ano ba talaga ang gusto mo?"napatulo ang aking luha sa galit ko sa kanya.
Galit na galit talaga ako sa kanya. Sa tingin ko, pinaglalaruan lang nya ako.
Yes! Napaiyak ako sa interview nya. Pero, ganun nalang 'yon? Dahil inamin nya sa lahat ang tungkol sa amin ay okay na kami.
Mahal ko sya. Pero urong sulong sya eh!
Mahal nya ako pero pag nandyan na si Celestine, si Celestine na naman ang gusto nya. Para bang walang katiyakan 'yon sinasabi nyang pag- ibig sa akin. Walang patutunguhan.
"I'm sorry babe kaya lang, wala na akong naisip na paraan para matuloy 'yong plano natin magpakasal."
Rumihistro ang pagkaalala sa kanyang mukha, dahil siguro sa nakita nya ilang takas kong luha.
Akma nyang punasan ang aking luha pero tinampal ko ang kamay nya. Bigo syang napasandal uli sa kanyang kotse. Bagsak balikat sya.
"I'm not joking around with you Haven. Fix what you have done now." Pinunasan ko ang aking mga luha.
Tinalikuran ko sya para sana layasan na pero napalingon din ako agad nang...
"Please babe, I'm sorry! I love you."
Matapang akong humarap sa kanya.
"Before you say you love me Haven. Make sure na wala ka ng hidden buntot. Na pag nagpakita uli, retreat ka na naman sa sinasabi mong mahal mo ako. Kasi alam mo, hindi ka lang nakakasakit ng puso, nakakainsulto kapa ng tao."
Napaawang ang labi nya sa aking sinabi. Sinamantala ko ito para layasan sya.
Its a choice if magpakatanga ka sa pag- ibig kahit harap- harapan ka ng niloloko, and I chose na hindi magpakatanga.
I love Haven. There's no doubt. Pero sya, gaano ba kalalim ang sinasabi nyang pagmamahal sa akin?
Hindi ba gaanong kalalim na kaya nyang hugutin oras na nandyan 'yong the other woman nya?
Pero, si Celestine nga ba ang the other woman nya? Kung paghuhugutan ko ang mga pinagsasabi ni Celestine, para bang pinalalabas nya na ako ang kabit at sya ang tunay.
Ayaw kong maniwala kay Celestine pero pag nandyan sya, bigla nalang nagbabago si Haven.
Narinig ko ang pagtawag ni Haven sa aking pangalan. Pero, hindi ko na sya nilingon.
My heart is bleeding right now. Wag na sana nyang palalain pa.
Tumuloy ako sa aking kwarto. Tumunog ang message tone ng aking phone. Si Haven ang nagtext sa akin.
Haven: Babe, please, mag- usap naman tayo! Ipapaliwanag ko lang 'yon side ko sa nangyari doon sa isla.
Me: Fix what you have done now. Just give me some time. I need to think things first. Give me my peace for God sake.
Haven: Until when? I can't wait any longer. We need to resolve the conflicts of our relationship now.
Me:?? (furious emoji) Tell me what's your secret with Celestine.
Haven: ? (pleading emoji) I'm sorry babe!
That's it. I turned off my phone.
Sabihin na maarte ako, pero hanggang walang kasiguraduhan ang tungkol sa amin ni Haven, mas mabuti ng maghiwalay muna kami. Magkakasakitan lang kaming dalawa.
If he just man enough to tell me kung ano ang namagitan sa kanila ni Celestine. Kung ano ang sekretong tinatago nilang dalawa. Baka maintindihan ko pa sya. Baka maayos na sana kami ngayon.
Pero, hanggang wala sa bukalaryo nya ang sabihin sa akin ang buong katotohanan, mas mainam nang maghiwalay muna ang mga landas namin.
Bweset!
-
Mabigat pa ang talukap ng aking mga mata, kanya hindi ko muna tuluyang ibinuka ito. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pagsesenti ko kanina.
Kinapa- kapa ko ang aking phone, hanggang sa nakapa ko ito.Half open pa ang aking mga mata nang napatingin ako dito. Plano ko kasing tignan kung anong oras na. Pero napakunot- noo ako ng off pala ang phone ko. Tuluyang napabuka ang aking mga mata, the I turned on my phone.
It's 10 na pala ng gabi. Ang haba naman ng tulog ko.
Itatabi ko na sana ang aking phone nang tumunog ito. Napatingin ako sa caller. Unknown number ito. Ayaw ko ng disturbo kaya kinansel ko ang tawag. Pero, tumunog na naman uli ito. Wala akong nagawa kundi inis na sagutin ang tawag.
"Hello!"naiinis ang aking boses.
"Alaina, thanks God. You answering my call."
Pamilyar sa akin ang boses ng tumawag pero hindi ko maalala kung sino.
"Sino ba 'to?"kunot- noo ako.
"This is Tristan. I get your number from my cousin's phone. I need your help."
Napatayo ako bigla.
"Help?"
"Haven now is very drunk. Plano na yatang magpakalunod sa alak. And he is uttering your name. Mas mainam daw na mamatay nalang sya."
Tuluyan akong napaalis sa aking kama. Naging balisa ang aking pakiramdam. Kinakain ako ng pagkaalala ko kay Haven.
"Tell me where he is?"
Nang nasabi sa akin ni Tristan kung nasaan si Haven, walang bihis- bihis at agad akong umalis.
Halos paliparin ko na ang aking kotse sa bilis ng aking pagpapatakbo nito. Pumapasok sa isip ko ang nangyaring disgrasya kaybEthan noon. Ayaw kong mangyari iyon kay Haven.
Mabuti nalang talaga ang magaling akong magpatakbo ng kotse. Sumasali kasi ako sa mga car racing doon sa New York at lagi akong natatalo. I'm not that good racer, libangan ko lang naman 'yon.
Nahabag ako sa aking naabutan. Lasing na lasing nga si Haven at halos hindi na nga makakilos. Nakasubsob na 'yong ulo nya sa mesa ng bar counter. Kasama nya ang pinsan nyang si Tristan.
"What happen to him?"
Shit! Nagtanong pa ako, alam ko naman.
"He is dead drunk. Tulungan mo ako na maiuwi sya sa kanyang condo dito sa San Bartolome."
Hindi na ako nagkumento pa sa sinabi ni Tristan.
Magkasing- tangkad at magkasing katawan lang sina Haven at Tristan, pero nahihirapan parin kaming dalawa ni Tristan na dalhin sya sa parking lot.
Parang wala syang alam sa nangyayari. At tama nga si Tristan, wala syang tigil sa pagsambit sa aking pangalan.
Mas pinili namin na sa kotse ko sya isakay. Pagkatapos namin isakay si Haven sa kotse ko, agad akong sumakay sa driver seat. Nasa likuran bahagi naman si Haven at para parin walang malay sa kalasingan.
Pumunta naman si Tristan sa kanyang kotse. Mag convoy nalang daw kaming dalawa.
Habang nagmamaneho ako. Rinig na rinig ko ang pag- ungol ni Haven na alam ko naman na pangalan ko lang naman ang tinatawag nya.
Gosh! Inlove ba talaga sya sa akin?
Mabuti nalang nauna ng dumating si Tristan. Nagtulungan na naman kaming dalawa para maipasok si Haven sa kanyang unit. At sa todo hirap ng amin ginawa, ngayon nakahiga na si Haven sa sofa na nasa sala ng kanyang condo unit.
Agad din naman umalis si Tristan kaya naiwan na ako dito.
Hinubad ko ang suot na T- shirt ni Haven. Saka ko pinunasan ng basang bimpo ang buo nyang katawan.
Napaungol sya. And again, sinasambit na naman nya ang aking pangalan.
"I am here Haven." Sagot ko sa kanya sa malumanay na boses. Naawa ako sa kanyang sitwasyon.
Talagang magpapakalasing sya ng ganito para lang sa akin.
Bahagya nyang ibinuka ang kanyang mga mata.
"A-Alaina, babe..." ngumiti sya at----
"s**t!" Hindi ko mapigilan mura.
Inis akong nakatingin sa ngayon nakapikit na mga mata na si Haven. Sumusuka pa talaga sya. Kainis naman, oh!
Mahal ko sya pero tama bang maglilinis ako ngayon ng sinusuka nya? Never in my whole life na ginawa ko ang maglinis ng kung ano. Ngayon palang at sinusuka pa talaga. Kaya nga, diring- diri ako ngayon. Pagkatapos kong linisin ang isinuka ni Haven, ako na naman ngayon ang nagsusuka dito sa banyo.
Pagkatapos kong palitan ng komportableng damit si Haven. Ako na naman ang nagbihis. At damit nya ang isinuot ko. Wala naman akong damit na pamalit. Ang baho na kasi ng suot kong damit dahil sa isinusuka ni Haven.
Iwan ko kung ano ang pumapasok sa isip ko at napagpasyahan ko pa talaga na ipasok sya sa kanyang kwarto. Naawa kasi ako sa kanya. Parang ang liit naman kasi ng sofa kung sya ang hihiga doon.
Sa todo hirap ng aking pinagdaanan, sa wakas tagumpay narin ako na madala si Haven dito sa kanyang kwarto.
Pero nang inihiga ko na sya, nahila nya ako ng hindi sinasadya, kaya kaming dalawa ang napahiga sa kama. Bahagya syang napaibabaw sa akin. Sinubukan kong makaalis mula sa pagkakapasada nya sa akin, pero hindi ako nakawala mula sa kanyang braso na nakapulupot sa akin.
Napagpasyahan ko na hayaan nalang ang posisyon namin. Tumingin ako sa kanyang mukha.
I sighed.
"Bakit ba hindi kita kayang tiisin?"