MIS 26

1598 Words
(Alaina) Masama akong nakatingin sa lalaking nagmamaneho ng kotse. Pasipol- sipol na naman sya na tulad nung unang beses nya akong kinidnap. "What is this, Haven? Are you going to abduct me again? And where the hell are you going to take me this time?" I asked furiously. "Were not going to hell, were going to heaven." sagot nya na hindi man lang nag- abalang sumulyap sa akin. "s**t naman, Haven! Ibalik mo ako sa restaurant. Kawawa naman si Caleb. Wala syang masasakyan. Nasa talyer ang kotse nya at kasalanan ko." "Hindi 'yon kawawa. Hayaan mo na 'yon, matanda na 'yon." Kalma lang nyang sabi. Hindi nya pinansin ang galit ko ngayon. Inis na inis pa naman ako sa kanya, dahil ang dali lang nya akong kalimutan dahil kay Celestine. Tapos heto na naman sya, ginugulo na naman ako. Nanahimik na nga ako. "Anong hayaan? Can you heard your self? I can't let Caleb commuting because of me. NO! It's because of YOU! Tinangay mo pa naman ako ng basta't- basta." bulyaw ko sabay duro sa kanya. Pabigla nyang inihinto ang kotse. Sa pagkabigla ko, na out of balance ako. Shit! Munting nang tumama ang maganda kong mukha sa dashboard nitong kotse nya. Inayos ko ang aking sarili at naniningkit ang aking mga mata na tumingin sa kanya. Aburido ang kanyang mukha at galit din syang nakatingin sa akin. "Are you planning to destroy my beautiful face, huh?!" "I'm sorry but can you stop mentioning the name of that asshole. Why you keep mentioning his name? Hindi pa nga nawala ang galit ko sa iyo dahil hinayaan mo ang Caleb na 'yon na hawak- hawakan ka. At lagot pa sa akin ang pinsan ko na 'yon. Kaya, wag mo na dagdagan ang galit ko ngayon. So, stop mentioning his f*****g ugly name!" idiniin nya ang bawat salita. "Ano naman 'yon sayo kung uulitin ko ang pangalan ni Caleb? At ano naman sayo kung hawakan ako ni Caleb? Mabait si Caleb. Masayang kasama si Caleb kahit medyo presko sya. Hindi pala! Kahit sobrang presko pala si Caleb. Pero, nag- eenjoy talaga ako na kasama si Caleb. Kaya ibalik muna ako sa parking lot ng restaurant kung saan kami nag- lunch date ni Caleb. Dahil baka hinihintay parin ako ni Caleb doon."pang- iinis ko sa kanya. Nag- close open ang butas ng kanyang matangos na ilong sa aking sinabi. Banas na banas ang kanyang mukha. "If you keep mentioning his name again. I swear to you!" banta nya. "I'm not afraid of you, Caleb. Oppss...I'm sorry, Haven pala ang pangalan mo." natutup ko pa raw ang aking bibig. "Bakit ba naman kasi? Bakit pangalan lang ni Caleb ang nasa isip ko. Si Caleb ka---" "Isa!" galit nyang sabi. " Marunong akong mag- count Caleb...I mean Ha---" "Dalawa!" Kung nakakabulagta lang ang titig baka bumulagta na ako ngayon sa mga titig nya. "Ca---" "f**k!" Pabigla nyang hinapit ang aking batok at siniil nya ng halik ang aking labi. Mapagparusa ang halik na iniukol nya sa akin ngayon. Parang napudpod ang labi ko sa klasi ng kanyang halik. Kaya imbes na tugunan itong halik nya sa akin ay kinagat ko ang kanyang ibabang labi. "f**k?" mura nya. Tumigil na sya sa paghalik sa akin. "Why you do that?" Galit na galit akong nakatingin sa kanya. "I hate you!" bulyaw ko sa kanya. Shit! Ang sakit ng labi ko dahil sa ginawa nya. Nanliit ako sa aking sarili dahil sa ginawa nya. Naramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata. "Alaina?!" nahabag ang kanyang mukha. "Pwede ba Haven, ibalik muna ako sa restaurant. Hindi ako nakipagbiruan sayo. Hindi kita kaano-ano. Wag mo akong pakialaman. Makikipagdate ako sa kahit sino kong gustuhin. Dahil sarili ko ito. At sasabihin ko ng paulit- ulit kahit sinong pangalan na gustuhin ko dahil bibig ko 'to at hindi sayo." pinagalit ko masyado ang aking boses. Pinunasan ko ang ilang butil kong luha. Ano na naman ba itong drama nya? Kinalimutan na nga nya ako. At may bago na syang idini- date ngayon. Alam kong ako mismo ang nagsabi sa kanya na magkakalimutan na kami. At seryoso talaga ako habang sinasabi ko 'yon. Kaya hindi ko sya masisisi kung ginawa lang nya ang sinabi ko. Pero, bakit ba nya ako ginugulo uli ngayon? Tapos na ang lahat. Nagkalinawagan na kami sa tungkol kina Ethan at Alisson. "Alaina, baby!" pupunasan sana nya ang natitira kong luha pero tinampal ko ang kamay nya. "Please, I'm sorry, baby! I just don't want to see you with other man especially with Caleb. Hindi ko kaya!" Wala na ang galit sa kanyang mga mata. Pinalitan na iyon ng pagsusumamo. Ako na ngayon ang galit na galit habang nakatingin sa kanya. Anong karapatan nya?Hindi ko nga sya pinakialaman. "Saan ka pupunta?" tanong nya nang binuksan ko ang pinto nitong kotse nya. "Aalis na. Ayaw na kitang makasama dahil mainit ang dugo ko sayo." Agad akong bumaba mula sa kotse nya. "Alaina naman!" reklamo nya at bumaba rin sya mula sa kotse nya. Hindi ko sya pinansin. Tuloy ako sa paghakbang palayo sa kotse nya, at sa kanya mismo. "Alaina!" tawag nya sa pangalan ko. Hindi ko sya pinansin. Tuloy- tuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko iniinda ang init ng panahon, at ang medyo masama kong pakiramdam. "Alaina naman! Fine! Ibabalik na kita sa restaurant. Basta wag kalang makipagdate kay Caleb." sumunod na sya sa akin. God! Kailangan ko na syang matakasan. Nabuhayan ako ng loob nang nakakita ako ng taxi palapit. Agad ko itong pinara. Salamat nalang talaga at wala itong pasahero. "Alaina!" pigil nya sa akin habang pasakay na ako sa taxi. Hinawakan nya ang aking balikat. Tinampal ko ang kamay nya. Agad naman syang bumitaw sa akin. Walang lingon- lingon sa kanya at sumakay ako sa taxi. Agad naman pinaandar ng driver ang taxi nang nakapasok na ako sa loob. Inutusan ko kasi ang driver na paandarin agad. Buti nalang talaga, hindi na nanggulo pa si Haven. Hindi ako lumingon sa pinanggalingan nya. Pinigilan ko ang aking sarili na gawin 'yon. Sa isipan na hindi man lamang nya ako naisipan kumustahin pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, ay ikinainis ko talaga ng sobra. At galit talaga ako sa masaya nyang mukha habang kasama nya si Celestine. Tapos guguluhin na naman nya ako bigla. Kung kailan, tanggap ko nang walang halaga sa kanya ang mga nangyari sa aming dalawa. Magpapasaya na sya sa piling ni Celestine. Sa babaeng mahal nya. Wag na nya akong guluhin at pakialaman. Ano naman paki ko? Magsama silang dalawa. Alam kong mas tunog nagseselos ako ngayon, kaysa galit. Paki nyo naman! Walang basagan ng trip. - "Nandito ka parin?" laking mata na tanong ko kay Caleb. Naabutan ko syang nakasandal sa hood ng aking kotse. "I am giving you one hour to come back. At tama nga ako, babalik ka. Ikaw ang klasi ng babae na hindi padadaig sa aking pinsan." nakangiti nyang sabi. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang pasalamatan sa kanya sinabi. Baka naman kasi may kakaibang meaning iyon. Ayaw kong mag- assume na papuri 'yon. "Lagot na naman ako nito. Bakit ba naman kasi ang guapo ko, kaya pati mga pinsan ko ay na- insecure sa akin? It's not my fault if I am a lovable." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Grabeh! Wala na talaga syang pag- asa. Kailan kaya sya karmahin sa pagiging conceited, playboy at casanova nya. Lakas talaga ang bilib nya sa kanyang sarili. Hindi lang yata kaguapuhan ang sinalo nya, pati na kakapalan ng mukha. "What?Tama naman ang sinabi ko." pamimilit nya. "Oo nah. Para matigil kana." Binuksan ko ang kotse at pumasok na kami sa loob. Sya ang nagpresenta na magmaneho. Pabor sa aking 'yon kasi medyo masama parin ang aking pakiramdam. "Alam mo Caleb, masaya ka sana kasama, kung hindi mo lang laging isinisingit kung gaano ka kaguapo. Oo na. Guapo kana. Ikaw nah! Sinalo mo na lahat ng kaguapuhan dito sa mundo. Sayo na ang award sa kaguapuhan." parang bata kong sabi. Inunahan ko na sya. Baka naman kasi, iyon na naman ang maging topic namin habang bumabyahe. Napatawa sya sa aking sinabi. Pati tawa ng lalaking ito, ay masyadong makasalanan. Para lang inaakit ka. Mabuti nalang talaga nasa kay Haven na itong buong sistema ko. Gosh! Baka mapasali pa ako sa collection ng mga babae nitong si Caleb. "Really? Well, I won't say thank you. Hindi na kasi bago yang sinabi mo sa akin." Gosh! Nagsimula na naman sya. "Kung ganun sweetheart, sinong mas guapo sa amin ni Haven?" Nag- init yata ang pisngi ko sa tanong nya. Syempre, mas guapo si Haven sa paningin ko kaysa sa kanya. But, ayaw kong sabihin sa kanya yon. Baka maipagkamali pa nyang e- tsismis kay Haven. "Syempre, ikaw! Guapo ba ang Haven na 'yon? Yuck! Ang n***o nung. Sabi ko nga sayo kanina na nasa sayo ang award ng kaguapuhan." Ang nakakainis na masayang mukha ni Haven na kasama si Celestine ang nasa isip ko habang sinasabi ko ito. Nakangisi syang napailing. Inihinto nya ang kotse dahil sa traffic. "Kawawang pinsan. Hayaan mo makakarating sa kanya ito." Kinuha nya ang kanyang cellphone. At may ipinarinig sya sa akin. Shit! Talagang ni- record nya ang aking sinabi. Buti nalang talaga, hindi ko sinabing si Haven ang mas guapo. "Iparinig mo sa kanya. No big deal! Can't wait!" Kala ng Haven na 'yon. "I already sent it to him." Shit din na Caleb na to. Wala talagang sinayang na oras. Sumasakit narin ang ulo ko sa kanya. Ang sarap panglumpungin ng mga ulo nila ni Haven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD