Alaina)
"Intramurals has come again, and everyone seems to be excited. There's no doubt! Filipinos are known to be sports-minded people. We give high regards to sports because we gain a lot from it."
Ang lapad ng ngiti ko habang nakatingin kay Haven na nag-speech para sa opening ng EIS Intramurals day.
Nandito kami ngayon sa high school alma mater namin. Haven was invited to give a speech today, and I go with him.
Looking at him, I can't help myself to admire him more. I am so proud of the man he is becoming. And I can't believe that this wonderful man is now my fiancee.
-
(FLASHBACK)
"Alaina, babe, ang tagal kong hinintay ang pagkakataon 'to. Pinangako ko ito sayo noon. Na kahit walang kasiguraduhan ang lahat. Kung babalikan mo pa ba ako. Kung mahal mo ba ako. Pero hindi ako bumitaw. Pinaghahawakan ko ang pangako ko na 'yon, dahil isa iyon sa bumubuhay sa akin. All my life, mula nang minahal kita, 9 years ago. Itinaga ko na sa bato na akin ka, at pakakasalan kita balang araw."
Nakatitig ako sa kanya na nakaluhod sa aking harapan. Nanubig ang aking mga mata habang nakatingin sa diamond ring na hawak nya. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang ginagawa nya ngayon.
"Will you make me the happiest man by marrying me?"nakatingin sya sa aking mga mata.
I can't find my words, parang may nakabara sa aking lalamunan.
Nakatitig lang ako sa kanya, habang puno ng luha ang aking mga mata.
Tila sasabog ang puso ko sa sobrang emosyon na nadarama ko ngayon.
I--- I don't know what to say.
Pinangako namin ito sa isa't- isa noon. Akala ko hindi na ito matutupad pagkatapos ng mga nangyayari sa aming dalawa. Pero, nandito parin kami ngayon. Magkasama parin kami. Mahal nya parin ako na tulad noon. At mahal na mahal ko din sya.
Kung panaginip lang ang lahat, sana hindi na ako magising pa. Akala ko manhid na itong aking puso.
Ni minsan habang nandun ako sa New York, walang lalaki ang nakaagaw sa aking atensyon. 'Yon pala, si Haven lang pala talaga ang gusto ng aking puso.
Nakatitig sya sa akin. Alam ko na excited na syang malaman ang sagot ko. Tulong luha akong nakatingin sa kanya.
(END OF FLASHBACK)
-
I said "YES" to his proposal.
Kahit marami pang akong katanungan na hindi pa nasagot.
Kahit pa hanggang ngayon hinihintay ko parin ang sinasabi nyang paliwanag sa lahat. Pero disidido ako sa aking pasya na pakasalan si Haven.
I need to trust him. And I decided to trust him. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon.
Ang pagmamahal ay parang isang sugal. At pinili kong sumugal uli. At sa pagkakataon ito, sisiguraduhin ko na mananalo ako.
"Let us all take as to unwind since the event is not about any stressful academic weights. It is time to chill, to cheer, to shine, to inspire and to be inspired, and to shout at the peak of your voices for your most valued players. So with no much ado, I welcomed you all to the EastWest International School Intramurals 20--"pagtatapos ni Haven sa kanyang speech.
Halata ang saya sa mukha ng mga estudyante. Meron kasi silang limang araw para makapagrelax at hindi iniisip ang mga academics responsibilities nila.
Ramdam ko ang kasiyahan at excitement nila. Dumaan din ako sa ganitong pakiramdam noon. Sa ganitong yugto ng kabataan at bilang estudyante.
Ang school Intramurals talaga ang pinaka- favorite ko sa lahat ng school activities, dahil maliban sa ito ang may pinakamahaba na celebration, dahil narin sa ibat- ibang school booth, paligsahan ng sports at iba't- ibang pakulo.
Pagkatapos ng speech ni Haven, napagpasyahan namin na maglibot- libot sa buong school. Hawak kamay kaming naglalakad habang nakatingin sa maraming mga estudyante.
May mga nagkukwentuhan na magkakaibigan. Mga nag- uusap na mga magkaklasi. May mga magsyota na hawak kamay habang sweet na nag- uusap. Iba't- iba na bahagi sa pagiging buhay teenager at estudyante.
Habang namamasyal kami ngayon ni Haven sa amin dating paaralan. Hindi ko mapigilan na maalala ang ilang masayang pangyayari sa buhay ko dito. Ilang sa mga masasayang bahagi ng nakaraan namin ni Haven.
How my hatred to Haven turned into love? And we spent those short time that were together happily. He is the most understanding man I ever know. He make me happy with his simple gesture of sweetness.
Everything happens for a reason. Totoo nga kaya na pag itinadhana ang dalawang tao, nakasulat na sa kanilang kapalaran, na magkahiwalay man, magkikita din muli? Totoo man 'yon o hindi. Ang mahalaga binigyan uli kami ni Haven ng second chance.
-
Well, here we are again
I guess it must be fate
We've tried it in our own
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight
-
Nandito kami ngayon sa school gym. Kasalukuyan naghahanda ang mga maglalaro para sa unang laro ng basketball.
Nakangiti kaming nagkatinginan nang nakita namin mismo ang ginawang sandaling halik ng isang lalaking manlalaro sa labi na sa tingin namin girlfriend nya.
I remember, lagi din itong ginagawa ni Haven sa akin noon, bago sya sasabak sa practice nila. Pampalakas daw kasi nya.
-
I still remember when
Your kiss was so brandnew
Every memory repeats
Every step I take retreats
Every journey always brings me back to you
-
"My most unforgettable year in my high school days is when you transfered here. Dun na nagsimulang magkakulay ang high school life ko."
Magkaharap kami ni Haven. Nakatingin sya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagan na 'yon. Tila namumungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Really?"I rolled my eyes. "Kawawa naman 'yon nagiging ibang ex mo, hindi mo sila kinu- consider na nagbibigay kulay sa high school life mo."
"I only have one girlfriend before you. At kahit umabot man sa isang taon ang relasyon namin, but I don't consider it a memorable one. I am just 13 years at that time. I once believe that I love her then later realized, it was just infatuation."
Gosh! Sino kaya 'yon nauna sa akin? Na- curious tuloy ako. Hindi ako nagseselos, na- curious lang ako.
Hindi talaga ako mapakali pag hindi ko malaman kung sino 'yon.
Mas maganda kaya 'yon sa akin? Ano kaya ang ginagawa nila ni Haven? At tumagal pa talaga ng isang taon ang relasyon nila. Infatuation ba ang tawag dun?
Nanggigigil ang kalooban ko sa sobrang pagka- curious ko.
Uulitin ko! Hindi ako nagseselos! Ganito ako ma- curious sa isang bagay.
Parang gusto kong dukutin ang mga mata ni Haven ngayon. Bakit parang nagningning ang kanyang mga mata habang nagkwento tungkol sa kanyang first girlfriend?
"At sino naman ang babaeng 'yon?"agaran kong tanong. Plastik akong ngumiti.
Ikinulong ng kanyang kamay ang magkabila kong pisngi.
"Let's not talk about her. She just part of my past, never in my present and definitely in my future. And you are my past, my present and my future."aniya sa malambing na boses.
Itinapat nya ang kanyang noo sa aking noo sandali, bago nya sandaling pinatakan ng halik ang aking labi. This is one of the sweet gesture that I missed about him.
Na- curious parin ako, pero sa mga susunod na araw ko nalang sya tatanungin.
Sya at ako muna ng iisipin ko ngayon.
Ang ganda ng moment, ayaw kong sirain.
-
After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all
-
Nakaakbay sya sa akin habang palabas kami sa school gym. Tinahak namin ang daan patungo sa school park. Bumalik sa alaala ko ang mga masasayang panahon namin ni Haven na magkasama dito sa school park.
Madalas kami noon dito ni Haven. Dito kami tumatambay at nag-uusap ng kung ano't- ano during our vacant time. Saksi ang lugar na 'to sa bangayan, tuksuhan at tawanan namin ni Haven.
-
When love is truly right
(This time its truly right)
It lives from year to year
It changes as it goes
Oh, and on the way it grows
But it never dissappears
-
After all the stops and starts
We keep comin' back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall
After all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be, forever you and me, after all
-
Lumakad- lakad pa kami ni Haven. At napatigil sya sa nang nakita namin ang marriage booth. Napatawa ako na nakatingin sa kanya. Pumapasok kasi sa isip ko ang kasal- kasalan namin noon.
Napanguso sya. Ang cute nya.
"Let's renew our marriage vow."aniya sa mahinang boses.
Napatirik ang aking mga mata. Pero natutuwa naman ako sa kanya.
"Anong marriage vow ang pinagsasabi mo dyan? Wala tayong marriage vow noon. Tinatakot nyo lang kaya ako ng mga pinsan mo, kaya napilitan ako na pakasalan ka."pagpapaalala ko sa kanya.
Tinamisan ko sya ng ngiti. Napasimangot sya. Ang sarap nyang kurutin sa pisngi.
"Ok. Kaya dapat ulitin natin iyon. Para magkaroon na tayo ng marriage vow."nakangiti nyang sabi.
"Sino na ang susunod na ikakasal?"narinig namin na tanong ng isang lalaki na naka CAT uniform.
"Kami."
Itinaas ni Haven ang kanyang kamay, kasama na ang kamay ko na hinawakan pa nya.
Napatingin sa aming ang halos lahat.
"Haven--"mahina kong saway sa kanya.
Nakakahiya kaya. Nakikisali pa kami sa mga bata. Pinanlakihan ko sya ng mga mata, ngunit ngumisi lang sya.
"Let's go babe. Let's renew our marriage. Hindi na kasi tayo nagkaroon ng pagkakataon noon na ulitin iyon."
Basang- basa ko ang kasiyahan at excitement sa kanyang mga mata. At wala akong lakas na biguin sya.
Kaya natagpuan ko nalang ang aking sarili na naglalakad na naman sa ini- imagine ko aisle. Kung kay Ethan ako nakatingin noon, ngayon tanging si Haven lang ang nakikita ko.
Iba na ang aming pari, ibang tao na ang naging saksi sa kasal- kasalan ito, iba narin ang scenario, pero pareho lang ang maging resulta.
Ikakasal kami ni Haven ngayon sa school marriage booth.
-
Always just beyond my touch
You know I needed you so much
After all, what else is livin' for
-
"I, Haven Cristomo, accept you, Alaina Velasquez, to be my wife for this school year, and soon my wife for a lifetime. I will love and cherish you forever."his vow.
Nakakahiya talaga itong ginagawa namin. Pero kinikilig naman ako. Para lang kaming bumabalik sa kabataan namin.
"I, Alaina Velasquez, accept you, Haven Cristomo, to be my husband for this school year. And I don't want any man to be my husband, only you. I will love and cherish you."
Nagpalakpakan naman ang mga ibang estudyanteng babae na nanood sa aming ngayon. Halatang kinilig ang mga ito.
"You may now kiss the bride!"Ani nitong pari namin.
Napalingon ako kay Haven, at bigla nalang naglanding ang kanyang labi sa aking labi.
Pumapasok sa isip ko bigla ang nangyari noon. Iyon hindi sinasadyang nahalikan ni Haven ang aking labi. Iyon ang first kiss ko. Galit na galit ako dahil ninakaw ni Haven ang first kiss ko. Diring- diri pa ako nung. Ngayon, gustong- gusto ko na.
Napasinghap ako nang biglang umaangat ang aking paa sa lupa.
Gosh! Kinarga nya ako bigla habang nakapulupot ang kanyang braso sa aking hita.
Ang saya nya habang nagkatinginan kami sa mata ng isa't- isa. Ang lakas ng kabog ng aking puso.
Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao na naroon.