MIS 5

697 Words
(Alaina) "Hoy Haven, mag- usap nga tayo!" agad kong sabi kay "Haven the Demon" nang nakalapit ako sa kanya, kasalukuyan silang nag- uusap ni Ethan. Pero hindi muna si Ethan ang guguluhin ko ngayon, kundi ang impaktong si Haven muna. At bakit ako galit ngayon? Dahil may ginawa na naman kasing kalokohan ang Haven na 'to. Alam kong tama ang tangtiya ko kanina. Magiging kagrupo ko si Ethan. Nagka- count kasi ako sa isip ko. Hindi ko alam kung paano at sya ang nagiging ka-group ko. Chance ko na sana iyon para masolo si Ethan. Vacant time namin ngayon kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na mabulyawan sya sa ginawa nya kanina. "Bakit babe? May nagawa ba akong kasalanan sayo?" At nagmaang- maangan pa talaga sya. Obvious na obvious naman ang ginawa nyang kalukuhan. "Oo! Walang hiya ka talaga! Ano 'yon kalokohan mo kanina?" Ang ikinainis ko naman talaga ng sobra ay ako pa talaga ang ini- presenta nya para maging group leader. Alam naman nyang mahina ako sa history. Lagi nga akong inaantok sa subject na 'to. "Bro, aalis muna ako. Bibigyan ko muna kayo ng privacy ng babe mo." May panunukso sa mga mata ni Ethan nang napatingin sya sa akin. Kaya nangitngit ang loob ko. "Ikaw parin ang gusto ko, Ethan. Wag mo akong itukso sa pinsan mong pangit." Pahabol ko na sabi sa papalayong si Ethan. Kahit isang porsyento, ayaw kong isipin nya na may gusto ako sa pinsan nyang manyak. Napailing si Ethan na hindi man lamang lumingon sa akin. "Pangit?" laking mata na tanong ni Haven. "Ako ba ang tinutukoy mong pangit?" "Obvious ba?" Tumawa sya. "Kung pangit ako sa panginin mo, then, ano si Ethan sa paningin mo? Sa pagkakaalam ko kasi, mas guapo ako sa kanya." Grrr.....Ang kapal talaga ng mukha nya! "Manigas kah! Guapo si Ethan at pangit ka." "Kung pangit ako, bakit nakikipaglapit ka sa akin ngayon?" tukso nya. "Me? Nakipaglapit sayo?" pinandilatan ko sya ng mga mata. "Wag kang hibang! Alam mo kung ano ang kailangan ko sayo. Ano 'yong ginawa mo kanina?" "Ginawa ko kanina?" kunot- noo sya saka sya parang napaisip. "Ikaw, ano 'yon ginawa mo kanina?" Ako na naman ang napakunot- noo. "Anong ginawa ko kanina?" "Talagang nakipagpalit ka ng pwesto ni Celine para maging kagrupo mo ako. Mukhang sa akin ka may crush at hindi kay Ethan. The more you hate, the more you love pa naman." he teased." Sige, umamin kana. Talagang may crush ka sa akin. Don't worry, pwede naman kitang pagtiyagaan." Bweset talaga sya kahit kailan! Saan kaya sya ipinaglihi at ang kapal ng mukha nya? At nag-uumapaw pa ang kapreskuhan? "Wag kang hibang! Kung kaya mo akong pagtiyagaan, pwes, hindi kita kayang pagtiyagaan." Napatawa sya ng malakas dahilan na nakaagaw na sya ng pansin sa mga kaklasi namin. God! Baka isipin pa ng mga ito na may namagitan sa amin sa baliw na Haven na 'to. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Sa tingin ko, puputok lahat ng ugat ko sa sentido dahil sa kanya. "Hindi kaya ikaw ang nakipagpalit ng pwesto kay Ethan para maging kagrupo ko at nang masagawa mo ang masamang plano mo sa akin." Tumawa na naman sya uli. God! Nakakainis talaga ang tawa nya. "No...No!" namilyo ang kanyang ngiti. "Hindi ko kasalanan kung tayong dalawa talaga ang itinadhana na magsama. Baka tayo ang meant to be!" "In that case, I rather die." sarkastik kong pagkakasabi. "You will die drowning!" ngumisi sya. "Drowning because of my sweet kisses." Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Ang landi talaga ng tipaklong na 'to. "Bastos ka talaga kahit kailan! Siguro, kaya mo ako inipresenta bilang group leader dahil gusto mo akong ipahiya" "Ipahiya?" nanlaki ang mga mata nya."Bakit naman kita ipahiya? Ang lapit mo kaya sa puso ko. Hindi ko maatim na ipahiya ang babe ko." nakangisi nyang sabi. Bweset sya! Hindi ko na sya kayang kausapin kahit isang segundo. Bahala na sya sa buhay nya! Baliw! Pagdabog ko syang tinalikuran at nilayasan. "Ingat babe! Don't worry mag- eenjoy tayong dalawa habang ginagawa natin ang LOVE PROJECT natin." Pahabol nya sa akin. Anong LOVE PROJECT na pinagsasabi nya? Baliw na talaga sya! GOD!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD