(Alaina)
Agad kaming nagbeso- beso ni Louisse nang nagkalapit kami. Kasama nya si Steven, habang kasama ko naman si Caleb.
Dahil sa pamimilit ni dad, kaya umattend nalang ako sa anniversary ng Montalban's Company bilang representative ng aming kompanya. At si Caleb ang date ko, kasi hindi nya ako tinitigilan hanggang sa hindi nya ako mapapayag.
Marami ang mga bisita at sadyang napakagarbo ng motif sa party ito. Mayaman ang mga Montalban, pares pa ng galing sa angkan Del Fuengo ang asawa ni Mr. Nathan Montalban. Mrs. Janella Del Fuengo Cristomo Montalban, is Ethan's mother, na isang fashion designer, CEO of Blooms na top billed clothing company in Asia.
Nakaupo kami ngayon ni Caleb sa medyo gilid na bahagi, kasama namin sina Steven at Louisse. We were laughing while talking random topics. Pero natigil sa ere ang tawa ko nang napako ang aking paningin sa kapapasok palang sa venue.
Si Haven at kasama nya si Celestine. And they are happily smiling with each other. Nakakapit pa si Celestine sa braso ni Haven.
Nagdilim ang aking paningin sa isipin na niloloko lamang ako ni Haven. Akala ko pa naman na hindi sya makakapunta ngayon.
Kaya ba hindi na naman nya ako naalala nitong mga nakalipas na araw dahil kay Celestine?
Umaapoy ang aking mga mata na nakatingin sa kanila. Sana nakakasunog ang aking titig para sunog na sila ngayon.
How I want to be back the old selfish, mean, snob and b***h Alaina, para hindi na ako maloko muli ni Haven?
Nakakapagod din pala ang pagiging mabait.
Inis na inis kong nasundan ng tingin sina Haven at Celestine. Masayang nagkukwentuhan at nagtawanan pa ang dalawa.
Shit! Na- scam uli ako ni Haven. Na- scam na nga nya ako noon, pati ba naman ngayon.
Wala lang pala sa kanya ang nangyari sa aming dalawa uli. May pa "I miss you" pa syang nalalaman, tapos ginawa lang pala nya akong parausan. Napakasinunggaling talaga nya kahit kailan.
Napatingin sa bungad namin si Haven, at nagkatama agad ang aming mga mata. Rumihistro ang pagkagulat sa kanyang mukha.
Well, hindi siguro nya inakala na nandito ako ngayon at nahuli ko ang kasinunggalingan nya.
Binawi ko ang aking paningin. Pero, gamit ng aking side vision, palihim akong nakatingin sa kanya. Mukhang nagpaalam sya kay Celestine na ngayon masayang nakipagkwentuhan sa mga kakilala nito. Parang papunta sya dito sa bungad namin, kaya mas lalo kong inilapit ang aking sarili kay Caleb.
"Sabi ko sayo, wag masyadong maging possessive sa akin. Sanay na nga akong pinapantasyahan."
Bulong ni Caleb sa akin na ikinatayo ng aking mga balahibo.
Gosh! Hindi ko na talaga mabilang kung ilang beses ko na 'yan narinig mula sa kanya.
Pinilit kong ngumiti ng matamis kay Caleb.
"I can't believe this!" Si Steven. "I mean paano na naging kayo? What I mean, kayo na kasi ang magkasama at ang sweet nyo pang tignan. What's the real score between you two?"
Halata ang kuryusidad sa mukha ni Steven. Nakangiti naman si Louisse na nakatingin sa amin ni Caleb.
And I curious what's the real score between my half sister and Steven. Kanina pa kasi magkahawak kamay ang dalawa.
"Alaina and I are in the process of getting to know with each other. "Sagot ni Caleb.
Mabuti naman at sumagot din ito ng tama.
"At hindi na nakapagtataka na kami ang magkasama ngayon. Inilapit kami ni destiny sa isat- isa. "
Napapitlag ako na hinawakan pa ni Caleb ang aking kamay na nakapatung sa mesa.
Lihim uli akong napatingin kay Haven. Natigil sya sa paghakbang at tila rumihistro ang galit sa kanyang mga mata. Lihim akong napangiti sa naging reaksyong nya.
Kung akala nya na magmumukmok ako at iiyak ng baldeng- balde luha, dahil napaglaruan nya ang aking damdamin. Pwes, nagkamali sya. Bahala syang mamamatay sa kanyang maling akala. Dahil hindi ko 'yang gagawin.
Tumingin ako kay Caleb at ang tamis ng ngiti ko sa kanya. Sa tamis ng aking ngiti, kulang nalang lamgamin ako.
"Destiny!"tumawa si Steven. "Naniniwala ka pala sa destiny, bro? Ang baduy mo pala bro."
Tumawa din si Caleb.
"Hindi noon, pero bigla nalang akong naniniwala mula nang nagkausap kami ni babe Louisse tungkol sa destiny."nakangising sabi ni Caleb. "Diba, babe?"
Kinidhatan pa ni Caleb si Louisse. Napailing nalang na napangiti si Louisse. Sanay na din ito sa malanding si Caleb.
God! Umandar na naman ang sakit nya. Babaero talaga sya!
"f**k! I said don't call her babe."masamang tingin ang iniukol ni Steven kay Caleb, saka sya bumaling kay Louisse. "Kailan kayo nagkausap ng mokong na 'to tungkol sa destiny?"
"Matagal nah! Nandun kapa sa ibang bansa. Madalas nya akong bisitahin sa school namin noon."nakangiting sabi ni Louisse, na hindi pinansin ang pagkabanas ng mukha ni Steven.
Manhid din itong half sister ko. Malinaw pa sa sikat na araw na gustong- gusto sya ni Steven, pero para parin itong bulag na hindi man lamang nakapansin. O sadyang, ayaw lang tanggapin ni Louisse ang katotohanan na 'yon. Kung bakit? Hindi ko alam.
Busangot na busangot ang mukha ni Steven na nakatingin sa nakangising si Caleb.
Ang sarap talagang paluin ng takong nitong suot kong sandal ang ulo nitong malandi kong date.
"If the cat would away, the mouse will play."
Makahulugang sabi ni Caleb. At ngayon umaapoy na ang mga mata ni Steven na nakatingin sa walang hiyang pinsan.
"Louisse, samahan mo ako."Yaya ko ni Louise.
Mukha kasing uminit bigla ang atmosphere. Alam ko kasi na dalawang lalaki ang tila umaapoy ang mga mata na nakatingin kay Caleb. At iwan ko kung bakit pa nakikisali ang manluluko na si Haven.
Siguro, hindi nya ini- expect na nandito si Caleb para sa akin. Bahala sya sa buhay nya!
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Sa restroom."
"Ok."tumayo si Louisse.
Nagpaalam muna sya kay Steven. Tumango lang ang lalaki.
Nag- usap kami ni Louisse tungkol kay dad habang tinahak namin ang pasilyo papunta sa restroom.
Papasok na sana kami ni Louisse sa loob ng restroom nang nakita ko si Celestine kasama ang kaibigan nito. At may pinag-uusapan ang mga ito na nagpakulo ng sobra sa aking dugo.
Agad kong hinila si Louisse at napatago kami sa isang sulok.
"Ano ang-----"
"Ssshhh...."
Iniharang ko ang isang kong daliri sa kanyang bibig para patahimikin sya.
"Buti nalang talaga at umabot pa kami ni Haven sa party. Kanina lang kami dumating galing sa Thailand. Nag- enjoy kami ng sobra doon."
Narinig kong sabi ni Celestine sa kanyang kasama.
"Wow, masaya ako para sa inyo girl. Love is sweeter at second time around."masayang bulalas ng kasama ni Celestine.
"Well, hindi pa ako nakipagbalikan sa kanya. Pero, handa naman daw syang patunayan na mahal nya talaga ako."
Nakikinig lang kami ni Louisse. Kunot- noo si Louisse. Halatang naguguluhan si Louisse kung bakit kami nagtatago.
"Ano ba ang ipinunta mo dito sa restroom? Kasi ako naiiihi ako. Pwede na bang lumabas mula dito sa pinagtaguan natin?"
Tanong ni Louisse na tila bulong lang.
"Ok."nakangiti kong sabi kay Louisse.
Shit! Bakit nga ba ako nagtatago?
Hindi po ako nagseselos sa aking narinig. Bakit naman ako magseselos. Sa ganda ko na 'to.
Kahit magpakasal pa sina Celestine at Haven, wala akong pakialam.
Agad kaming lumabas ni Louisse sa aming pinagtataguan.
-
Sinipa ko ang pintuan ng restroom. Nakagawa ako ng malakas na ingay dahilan para mapalingon sa amin si Celestine at ang kasama nya.
"Alaina, please don't make a scene. Tanggapin mo na sis na maganda kalang pero magaling ako sa kama. Talo talaga kayong magaganda sa aming magaling gumiling."nakangising sabi ni Celestine sa akin.
Inis na inis ako sa kanyang sinabi at hindi ko napigilan na sabunutan sya. Napasigaw sya sa aking ginawa. Gusto din sana nya akong sabunutan pero hindi nya maabot ang aking ulo. Mas matangkad naman kasi ako ng hindi hamak sa kanya, sabayan pa nitong 4 inches na takong ng suot kong sandal.
Tutulungan sana sya ng kanyang kaibigan, pero mabilis na hinawakan ni Louisse ang kaibigan nya. Hindi din kaya ng pandak na kaibigan nito ang matangkad na si Louisse.
Oo, matangkad si Louisse. Magkapatid kaya kami at pareho kaming maganda. At itong dalawang kaaway namin, parehong "thank you doc" ang beauty.
Sigaw na sigaw si Celestine sa aking ginawa. Pinilit nyang kumawala mula sa akin pero kahit anong gawin nya hindi talaga sya makawala mula sa akin.
No one can messed up with Alaina and get away from it. This is the taste of my wrath for Haven.
"Go sis! Go!"Cheer sa akin ni Louisse, habang hinawakan na walang kahirap- hirap ang kaibigan ni Celestine.
Binuksan ko ang gripo. At inimudmud ko ang mukha ni Celestine sa sink. Napasigaw sya. Pangiti- ngiti ako nang nakita na basa- basang ang kanyang mukha at halos hindi na sya mahitsura sa aking ginawa.
I am Alaina and I----
"Alaina! Alaina!"
Halos umaalog- alog na ang aking ulo sa sobrang lakas ng pagkayugyug ni Louisse sa aking balikat.
"H- Ha!"
Para akong nagising sa isang panaginip. Blangko akong nakatingin kay Louisse.
"Anong nangyari sayo at pangiti- ngiti ka dyan!" Kunot- noo si Louisse.
"B- Bakit?"napasilip ako sa loob ng restroom. Wala na doon si Celestine at ang kasama nya.
Shit! Imagination lang pala ang lahat. Akala ko totoo na.
Pero, napangiti parin ako. At least, nailabas ko ang aking galit kahit sa imahinasyon lang.
Napailing- iling ako habang papasok kami ni Louisse sa loob ng restroom.
Ang brutal ko naman masyado kanina. Hindi ko kayang gawin iyon kahit pa nung mga panahon na maldita ako.