Note: Make sure that you read the Prolugue, for you to understand more what is happening in the present. ** (Abby) Kaharap namin ngayon ni Kuya Xavier sina kuya Xander at ang aking mga magulang. Hindi ko alam kung paano ipinaliwanag ni Kuya Xander sa parents namin ang lahat, at kung bakit kami nang dalawa ni Kuya Xavier ang ikakasal ngayon. Gulong- gulo ako, ni wala nga akong maalala sa nangyari. Ang huli kong naalala ay ang pangkong- pangko ako ni kuya Xavier habang nag- iiyak ako na ikinu- kwento sa kanya ang kataksilan ni Vincent at ang pag- offer ko sa kanya sa aking sarili. Wala na akong maalala pagkatapos. God! Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko nga alam kung may nangyari ba talaga sa aming dalawa. Hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam pagkatapos mag- s*x ang dalawang tao.

