MIS 13

947 Words
(Alaina) Nakaupo ako sa kandungan ni Haven paharap sa kanya. Nasa loob kami ng kanyang kotse. And we can't stop our self kissing, necking and caressing with each other. It's been two weeks since naging kami. At we are so happy together. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay sa isat- isa. Kung pwede palang na tabi na kami sa pagtulog, ay baka ginawa na naming dalawa. By the way, kami nga pala ang klasi sa mag- couple na sakit sa inyong mga mata, lalo na sa mga single na bitter. Mahilig kasi kaming mag PDA as in public display of affection, at wala kaming pakialam sa mga nakakapaligid sa aming dalawa. Bahala silang mamatay sa inggit. Maghanap din sila ng lovelife! Inayos ko muna ang aking sarili bago namin napagpasyahan ni Haven na lumabas mula sa kotse. Hindi po kami nagse- s*x sa loob ng kotse nya. We're just making out. At isa talaga nyang sa madalas namin gawin. Hawak kamay kami ni Haven habang naglalakad papunta sa gym ng aming school. May basketball practice kasi sila. Halos lahat ng mga estudyante ay napapalingon sa amin. 'Yong mga babaeng may crush kay Haven ay tinaasan ako ng kilay. Syempre, tinaasan ko din sila ng kilay. Excuse me, si Alaina kaya ako! Isa akong maldita na medyo bumait na ng kunti ngayon. Ang ganda ko kasi! Kaya bago nila pagplanuhan na agawin si Haven mula sa akin, dapat kasing ganda ko na sila. Oo. Ganyan ako ka- confident sa aking beauty. Walang basagan ng trip! "Bakit nakasimangot kana naman dyan?"puna ni Haven sa akin, saka nya pinatakan ng halik ang aking noon. Naiinis talaga ako sa mga babaeng may crush sa kanya. Possessive kami sa isa't- isa. "Yang mga babae mo, kung makatingin sayo para ka nang hinuhubaran."naiinis kong sabi. Bakit ba naman kasi ang guapo nya tignan sa basketball uniform nya? Dumuble 'yon kaguapuhan nya. Napatawa sya, saka sya bumulong sa akin. "Hanggang imahinasyon lang naman sila dahil sa harapan mo lang ako gustong maghubad." Nag- init ang buo kong pisngi sa kanyang sinabi, at gumapang ang init na 'yon sa aking buong katawan. Tawang- tawa sya habang inilayo ang kanyang bibig sa aking tainga. Pinandilatan ko sya ng mga mata. Ang landi parin nya! Walang pagbabago. "Nandito na pala ang lovers of EIS." Ani ni Tristan. Kapapasok lang namin sa school gym. Si Tristan ang unang nakapansin sa amin. Napatingin naman sa amin ang ibang pinsan ni Haven, pati na si Hayden na kambal nya. Kasali sina Hayden at Haven sa 8% na fraternal twins sa mundo na same gender. Oo. Fraternal twins sila. Though the similarity is very visible pero hindi sila masyadong magkamukha. Isali pa ang malaking pagkakaiba ng personality nila. Si Haven kasi ay friendly at palangiti, tila kay daling lapitan. Habang itong si Hayden, masyadong nakakatakot, para bang kakainin ka ng buhay sa kanyang mga titig. Minsan lang ito nakangiti, at ubod pa ng suplado, higit pa dun parang napakatalas na patalim ang tabas ng dila nito. May isang kawawang babae nga itong pinahiya noon sa harapan ng nakakarami. Narinig ko pa nung kung paano nagalit si Haven sa ginawa ng kambal. Isang linggo yatang hindi nagpansinan ang dalawa. Tulad nang laging nangyayari, bida na naman kami ng tuksuhan. Palundag- lundag ang puso ko sa sobrang kilig. Nagsimula na ang kanilang basketball practice. Ako ang number one taga cheer ng mahal ko. Ako ang kanyang girlfriend s***h alalay, taga bigay ng tubig at taga punas ng kanyang pawis. Wala akong pakialam sa mga mata na nakatutok sa amin. Kung ano man ang kanilang iniisip, I don't care, basta masaya kami pareho ni Haven. Matamis kaming nagkangitian ni Haven habang pinunasan ko gamit ng face towel ang pawisan nyang mukha. Ang nakikita lang namin pareho ay ang isa't- isa. "Kulang nalang langgamin kayo sa sobra n'yong sweet." komento ni Steven, pailing- iling na nakatingin sa amin. "Kung naiinggit ka bro, ligawan mo na si Louisse, wag ka kasing torpe." nakangising baling ni Haven sa pinsan. "f**k!" napamura si Steven. "Hindi ako torpe bro, magkaibigan lang ang turing namin ni Louisse sa isa't- isa. Close friend, 'yon lang." Makahulugan kaming nagkatinginan ni Haven, saka sabay kaming napatawa. Kinuha ni Haven ang kanyang backpack at hawak kamay kaming humakbang palabas sa school gym. "Bro, aalis kana? Mukhang nakalimutan mo na kami. Hindi kana sumasama sa amin mula nang naging kayo ni Alaina." nakangising sabi ni Tristan nang nakasalubong namin ito. "Nakakasawa kasi ang pagmumukha ninyo. Mas gusto kong kasama ang babe ko, dahil lagi akong nagkaroon ng energy pag kasama ko sya." Ani ni Haven, sabay akbay sa akin. "Sa tamang daan kayo dadaan, wag kayong lumiko." Ani naman ni Caleb na nakasunod pala sa amin, kasama sina Ethan, Steven at Hayden. "Don't worry bro, hindi kami doon sa lagi mong dinaanan dadaan, baka magkabacteria pa kami."sagot naman ni Haven. Nagtawanan ang magpipinsan sa tinuran ni Haven. Nakasunod sa amin ang mga pinsan nya habang tuloy ang pangangantiyaw ng mga ito sa amin ni Haven. Namamasyal muna kami sandali ni Haven sa San Bartolome Park, bago kami nagpasya na pumunta sa G- Mall para manood ng sine. Habang nasa loob kami ng sinehan, parehong wala sa pinanood ang pokus naming dalawa, kundi nasa isa't- isa. We keep kissing with each other na parang isa ito sa bumubuhay sa aming dalawa. Pag kayakap ko si Haven ay para akong inilipad sa ulap. Tila hawak ko lahat ng magpapasaya sa akin sa mundong ito. "I love you Alaina, ikaw lang at wala ng iba." bulong sa akin ni Haven. Ang lapad ng ngiti ko. Ipinangako ko sa aking sarili na si Haven lang din ang mamahalin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD