(Alaina)
Hindi ko na kaya ang pang aakit ni Haven sa akin. Kaya napagpasyahan ko nalang ang magtago ng buong araw sa loob ng kwarto. Mabuti nalang at hindi nya naisipan na utos- utusan ako.
Nakadapa akong nakahiga sa kama. Maya't maya lang, hindi ko na nalabanan ang antok na nadarama ko.
Napabalikwas ako ng bangon. Parang nakaidlip yata ako sandali. Iniunat- unat ko muna sandali ang aking katawan bago ko napagpasyahan na pumasok sa loob ng banyo. May kukunin lang ako. May naiwan kasi ako dun.
Ngunit napatulala ako sa aking nabuksan. May naliligo kasi sa shower na walang kahit anong saplot sa katawan.
Oh my God! Bingi na ba talaga ako at hindi ko narinig ang lagaslas ng tubig mula sa shower?
Tila haharap ang naliligo sa akin kaya mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagtalikod, bago pa ako tuluyan makakita ng...ahas na may malaking ulo.
"B- Bakit dito ka naliligo?" ininis ko ang aking boses.
"Sira ang hot shower ko." aniya. "Ang sarap pala ng hot shower dito sa kwarto mo. Talagang nakakainit ng katawan."
Hindi ako dapat magpadala sa kanya. Alam ko naman na hindi totoo itong alibi nya. Inaakit lang nya ako para bibigay ako sa kanya.
"Oo. Kasing init yata ng ulo ko ang shower dito." padabog kong pagkakasabi.
"Really? Ganito talaga kainit ang ulo mo? I wonder kung gaano kainit ang katawan mo."
Mas mainit pa sa ulo ko ang katawan ko ngayon.
"Kasing lamig ng yelo ang katawan ko Haven. Kaya wag mo akong landiin." diretsong pagkakasabi ko.
"Ganun ba? Gusto mo painitin ko." tila nang aakit ang kanyang boses.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dahil nakatalikod ako sa kanya. At pinigilan ko ang sarili ko na mapasulyap sa kanya, baka may makita pa ako na hindi ko dapat makita.
Napapitlag ako nang hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.
"A- Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong. Para akong nakukuryente sa ginawa nya sa akin.
"Papainitin ka!" inilapit nya ang kanyang bibig sa tainga ko.
"No! Ayaw kong mai---"
Hindi ko na natapos ang iba kong sasabihin nang pinilit nya akong iharap sa kanya. At sa malas, parang puppet ako na napasunod sa ginawa nya.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
"Open your eyes!" nakakahalina ang bulong nya sa akin.
"Ayaw kong makita ang alaga mo, Haven! Magbihis ka muna." hindi ko mapigilan sambit.
"Are you going to open your eyes or ipapatikim ko sayo ang alaga kong anaconda."
Pananakot nya na ikinatakot ko naman.
Baka kasi totohanin nya ang sinabi nya. At baka makipag- cooperate din ako.
Dahan- dahan kong ibinuka ang aking mga mata. At lumuwag ang pakiramdam ko nang nakita ko sya na nakasuot na ng roba.
Binitawan nya ako. Itinakip nya ang isa nyang palad sa bibig nya at humahagikhik sya. Tila pinaglalaruan pa ako ng mga titig nya.
Kumukulo ang dugo ko sa ginawa nya.
"I hate you!" padabog kong sabi, saka sya nilayasan.
Inis na inis akong lumabas mula sa kwarto. Rinig na rinig ko pa ang hagikhik ng guapong shokoy na si Haven.
-
I hate you Haven Cristomo! Talagang pinaglalaruan mo lang ako. Walang hiya ka talaga kahit kailan! Sinamantala mo ang kahinaan ko.
-
-
-
"Kailan mo ba ako ibabalik sa amin?" inis kong tanong kay Haven.
Nasa lower deck kami ng yate. Nakasandal ako sa railings, habang nakaupo naman sya sa isang upuan na gawa sa mamahaling kahoy, may hawak syang fishing rod. Sa ayos nya, sigurado akong fishing ang trip nya ngayon gawin
"Pag sigurado na ako na hindi mo guguluhin sina Ethan at Alisson." sagot nya na hindi man lamang nag- abalang sumulyap sa akin.
Same as usual, wala na naman syang suot sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Pero, nakasummer short naman sya.
Hindi ba sumasakit ang tiyan nya sa laging outfit nya dito sa yate?
"Ilang beses ko bang kailangan ulit- ulitin na sabihin sayo na hindi na nga ako mangugulo sa kanila? Tanggap ko na, na hindi para sa akin si Ethan."
Totoo naman ito. In fact, kaibigan nalang ang tingin ko kay Ethan.
Huminto sya sa ginagawa at mataman na tumitig sa akin.
"Naalala ko lang, sabi mo sa akin noon na titigilan mo na ang pinsan ko. Pero, may kabaliwan ka palang plano sa kanya. Muntikan mo tuloy akong nagahasa."
Nag- init ang pisngi ko sa sinabi nya.
Shit! Nagawa pa talaga nyang ipaalala 'yon sa akin?
Bumabalik tuloy sa aking gunita kung ano ang ginagawa namin ni Haven noon.
Fuck! Erase! Erase! Napailing ako.
"What makes you think that I'm going to believe you know, when I remember kung gaano ka kahibang kay Ethan noon? Diba, sobrang broken hearted ka nung umalis ka? That's why I won't buy your lies this time." napatla syang napatawa.
"Kung napaniwala mo ang halos lahat sa tricked mo ngayon. Ibahin mo ako. You did it to me once and I won't let you do it again."
God! Hindi paba sya nag- move on sa mga nangyari sa amin noon. Nasaktan din naman ako, huh! At saka, it's already 9 years passed.
Move on- move on, na sana kaming dalawa pag may time, diba?! Wala pa ba syang time?
Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Broken hearted nga ako noon umalis ako. Kung alam lang nya kung gaano ako nasaktan.
Kaysa pansinin ang mga sinasabi nya, mas pinili ko nalang na talikuran sya. After all, masasayang lang ang laway ko sa kanya, hindi din naman sya makikinig sa akin.
Ayaw ko nang makipag- away sa kanya, at baka maalala ko lang kung paano ako naging broken hearted.
Napaharap ako sa railings at napatunghay sa tubig dagat. Pero, hindi ko napaghandaan ang sunod na mangyari sa akin at hindi ko alam kung paano nangyari.