(Abby) Nakaharap ako sa malaking salamin na nandito sa aking suite.Nakasuot na ako ng trahe de boda. Dahil beach wedding ang kasal namin ni kuya Xavier na gaganapin dito sa HPR, kaya isang tea length ang aking wedding gown. Simple lang ang desinyo pero halata ang karangyaan. Mas pinili namin ni kuya Xavier ang isang beach wedding, kahit pa lahat ng membro ng angkan namin ay dapat ikakasal sa San Bartolome Parish Church. Bahagi iyon ng tradisyong Del Fuengo. Nangako nalang kami pareho ni kuya Xavier na magpapakasal din sa SBPC, pagkatapos ng isang taon. Pero hindi na 'yon mangyayari kasi nga hindi naman aabot sa isang taon ang pagsasama namin bilang mag- asawa. Naisip ko na mas mabuti narin na hindi kami sa simbahan ikakasal dahil baka masira lang ang tradisyon ng angkan ko na sinusunod

