Chapter 41 part 2

1003 Words
(Alaina) May pinuntahan ako na malapit lang HAF, kaya napagpasyahan ko na daanan si Haven. Hindi ako nagsabi sa kanya na pupuntahan ko sya ngayon dito. I'm going to surprise him. At plano ko narin sabihin sa kanya na buntis ako. Naliwanagan ang aking isip mula ng nagkausap kami ni Louisse. Tama si Louisse, dapat kong sabihin kay Haven ang totoo. I have to know his side before concluding. Kaya paikot- ikot itong relasyon namin ni Haven dahil pareho kaming dalawa na hinuhusgahan agad ang isa't- isa. Malaman din naman nya ang kalagayan ko later on, lalaki at lalaki din ang tiyan ko. So, bakit ko patatagalin? At tama din si Louisse, impossible naman na hindian ni Haven ang ipinagbubuntis ko. Masyadong mapagmahal ang mga Del Fuengo sa mga dugo't laman nila. Ako lang siguro ang nag- iisip ng hindi maganda. Hindi ko nakita ang sekretarya ni Haven kaya dumiretso nalang ako sa loob ng opisina ni Haven. Sabi naman nya sa akin na pwede ko syang puntahan dito kahit anong oras. Nakangiti ako na binuksan ang pinto nang opisina pero napalis ang ngiti ko sa aking nakita. Parang sinasaksak ng paulit- ulit ang aking puso. Agad na naitulak ni Haven si Celestine nang napako ang kanyang paningin sa akin. Kaya napaghiwalay ang kanilang mga labi. "B-babe." Ramdam ko ang paninigas ni Haven. Tulong luha akong nakatingin sa kanya. Napatingin naman si Celestine sa akin at ngumisi sya. "Alaina, babe..l-let me explain. M-Mali ang iniisip mo." His eyes is pleading. Hindi ako makakilos. Naninigas ako sa sobrang paninikip ng aking dibdib. Habol ko rin ang aking paghinga. Sunod-sunod lang ang pagpatak ng aking mga luha. "C'mon Haven, nakita na tayo ni Alaina. Nahuli na tayo. There's no need para lukuhin mo pa sya. Maawa ka naman sa kanya."mapang-uyam na ngumisi si Celestine. "Shut up!"bulyaw ni Haven kay Celestine. "Don't shout at me, Haven. Baka nakalimutan mo na ako ang ina ng anak mo." "A-anak?"hindi ko mapigilan sambit. Parang may bomba na pumutok sa aking harapan. "Oo, anak. May an---" "Tumigil ka, Celestine."nagbabanta ang tinig ni Haven. Galit itong tumingin kay Celestine. Bumaling si Haven sa akin at naroon ang pagsumamo sa kanyang mga mata. "Babe, please, magpapaliwanag ako. Makinig ka muna sa akin, please." Hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Hindi ko kaya ang aking narinig. Humakbang si Haven palapit sa akin pero napatigil sya nang nagsalita si Celestine. "Don't prolong the pain Haven. Nakaganti kana tulad ng gusto mo. Hindi mo kailangan magpakasal pa sa kanya tapos iwanan sya sa altar. Ituloy na natin ang plano nating dalawa. Alam mo naman na matagal nang pangarap ng anak natin ang mabuo tayo. Palalang- palala na ang sakit nya, kailangan kaba makutento sa paghihiganti mo sa kanya. Please, itigil mo na 'to."diretsong pagkakasabi ni Celestine, namumula din 'yong mga mata nya. "You said that you only have to do this for your revenge. Kaya please, hindi ko narin kaya na parang ako ang lumalabas na kabit sa aming dalawa." "Tumigil ka Celestine, wag mong palakihin ang galit ko sayo sa mga pinagsasabi mo." "At bakit ako tumigil. Sinasa----" "Shut up!"galit na bulyaw ni Haven. Napahampas sya sa mesa, kaya napatigil si Celestine. At tila nahabag ang buntot ni Celestine na napatayo sa gilid. Blurred na 'yon paningin ko dahil sa mga luha ko. Pinunasan ko agad ang mga ito gamit lang ang kamay ko. Lumapit si Haven sa akin. Hinawakan nya ang aking mga kamay. "Babe please, magpapaliwanag ako. Please, makinig ka sa akin. Hindi sa---" "Ano pa ang ipapaliwanag mo Haven? Nasabi ko na la---" "I said shut up!" Binawi ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ni Haven. "Did you really plan to have your revenge on me?" Sa wakas nakapagsalita narin ako. Nilakasan ko ang aking loob kahit sobrang durog na aking puso dahil sa mga rebelasyon ni Celestine. "Oo..I mean, hi---" Napatigil sya nang sinampal ko sya. "So, masaya kana?"hindi ko na naman mapigilan na mapaluha. "Congratulation ha, dahil nagtagumpay kana kahit hindi ko alam kung bakit mo ako ginantihan. Sobra kasi akong nasaktan ngayon. Sobrang nadurog ang aking puso." Pinunasan ko ang aking luha. "You succeeded in breaking my heart. My world is collapsed right now. So, congratulation Haven. So please, wag ka ng magpakita sa akin." "Alaina please, magpapaliwanag ako."lumuhod sya sa aking harapan. "Please, please, mahal na mahal kita." Yumakap sya sa binti ko. Inalis ko ang kanyang mga braso mula sa pagkakayakap nya sa akin. I don't know how he manage to say he loves me if he just wanted to hurt me in the first place. Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala mula sa kanya. Mabuti naman at binitawan din nya ako. Walang sabi-sabi na tinalikuran ko sya, at nilayasan. Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko. Plano nya akong sundan pero pinigilan sya ni Celestine. Sobrang paninikip ng aking dibdib. Kaya nang nakapasok ako sa aking kotse, hindi ko mapigilan ang mapahagulhol. Ang sakit sakit! Sunod- sunod ang paglanghap ko ng hangin dahil parang akong kinakapos sa aking paghinga. I can't believe na nagawa ito ni Haven sa akin. Buong akala ko mahal nya ako. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya at ginantihan nya ako? At saka may anak na pala sila ni Celestine. Niloloko nya lang ako sa simula pa lang? Alam kaya ng pamilya ni Haven ang tungkol sa anak nya kay Celestine. Ibig sabihin, niloloko lang din nila ako. Bakit? Bakit ba nagawa ito ni Haven sa akin? Ang sinabi ko ba sa kanya noon na ginamit ko lang sya ang ikinagalit nya? Akala ko ba nakalimutan na namin pareho iyon at magsisimula na kami uli ng panibago. Kinalimutan ko na nga ang kataksilan nya sa akin noon. Hindi ko na nga inuungkat ang nakita kong paghahalikan nila ni Celestine noon. Napahaplos ako sa aking tiyan. "Kakayanin natin ito baby. Kakayanin natin na tayo lang dalawa." Naiiyak kong sabi. Itatago ko ang anak ko at kahit kailan, hindi ko sasabihin kay Haven na may anak kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD