KABANATA 4

1854 Words
Sun's POV Mainit na ang sikat ng araw na pumapasok sa kwarto nang ako'y magising. Nanatili akong nakatitig sa kisame ng ilang minuto hanggang sa mapagpasyahan kong bumangon.   “Rise and shine, Sunny,” sambit ko sa sarili at binuksan ang kurtina hanggang sa tuluyan nang bumaha ang liwanag sa kuwarto.   Nag-inat ako ng buto at nag-jumping  jack para maging energize ang katawan hanggang sa madako ang tingin ko sa higaan.   Laking dismaya ko ng makitang wala na si Art dito ngunit inaasahan ko na iyon. Tanging ang side ko lamang ng higaan ang nagusot habang ang kaniya’y tila walang nagbago. Napangiti ako ng malungkot lalo na nang maalala ang nangyari kagabi.   Last night was supposed to be the best night of my life. Aside sa debut ay first night as a newly-wed couple sana namin iyon ngunit...   Malalim akong napabuntong hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may gilid at pumasok na ng banyo. Ginawa ko ang lahat ng morning duties katulad ng pag-tooth brush at paliligo hanggang sa napagpasyahan kong lumabas na upang magbihis.   Sinadya kong bagalan ang kilos habang naghahanap ng maisusuot dahil una sa lahat, tinatamad akong kumilos. Pangalawa, umaga pa lang pero wala na akong gana at higit sa lahat... Alam ko namang walang maghihintay sa akin kaya kahit abutin ako ng sampung oras dito ay walang maghahanap.   ‘Ang bitter mo naman, Sunny. Akala ko ba rise and shine ang peg mo daily?’ Sita ko sa sarili at pinilit maging masaya para hindi masira ang buo kong umaga ngunit hindi e. Iba ang impact ni Art sa akin at kahit simpleng kilos niya lang na wala namang malisya sa kaniya ay malaki ang epekto sa akin.   "What took you so long?"   Napatigil ako sa pagmumuni nang tumambad ang mukha ng lalaking hinahanap ko lamang kanina. He is only wearing his boxer shorts and nothing more. Kita ang six-pack abs nito na puwede nang pandesal ngayong umaga at kape na lang ang kulang. Halata din na bagong gising ito na nagpatalbog sa aking puso.   ‘Ibig sabihin ay dito siya sa bahay natulog?’ Halos tumalon ako sa tuwa sa naiiisip ngunit pinigil ko ang sarili dahil mas lalong nangunot ang noo ng guwapong lalaki sa harapan ko.   “I hope Tito taught you how to share space and not use all the time in the world especially that we’re sharing all the amenities in this house.”   Agad akong napagilid habang dire-diretso siyang nagtungo sa walk-in wardrobe. Nanatili akong tulala at namumula sa sinabi niya kahit pa dapat ay mahiya ako. Nasa ganoon akong posisyon ng lumabas siya na nakatapis lamang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan ang nothing more.   Dinig ko pa ang pag-tsk nito ang pag-iling saka nilampasan ako. Nadinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto ng banyo bago ako natauhan at napalupaypay sa lapag.   ‘What’s wrong with you, Sunny?’   Ipinilig ko ang ulo at inayos ang sarili saka bumaba na sa kusina. Balak kong makapag-gawa ng breakfast para sana makabawi sa kaniya and besides... It’s still our second day of being married. Lahat naman magkakamali and all so sino ako para sumuko lalo pa at nasa akin na ang matagal kong pinapangarap?   Nagsimula na akong magluto ng itlog at hotdog sa kawali. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may mali ngunit hindi ko iyon pinansin at tinuloy ang ginagawa.   Nang matapos akong haluin ito ay sinipat ko kung may kanin na ba at napangiti ako nang makitang may laman ang rice cooker.   Nagsimula na din akong maggayat ng bawang, kamatis at sibuyas katulad ng napapanood ko kila Manang Elsa at home at sinimulan isangag ito.   “This takes too long to get crispy,” nakakunot na sambit ko at iniwanan siya sa kawali habang kinukuha ko ang phone  na nasa mesa. Magpapatugtog lang sana ako ng music from Spotify to create an nice ambiance ngunit nadako ang tingin ko sa pop-up message na nagmula mismo kay Ariella.   ‘Good evening, sweetheart. Though I know that it’s morning in there so happy morning! Keep safe always, imy ily :)   Napangiti ako sa ka-sweet-an na taglay niya at pinisa ang new message tab para mag-reply sa kaniya.   ‘Good evening to you and good morning to me! I have some chika’s so i’ll ttyl. Call me oki? Ilysm, tc :*’ Masyado akong nawili sa pakikipag-usap dito ng biglang manlaki ang aking mata nang awtomatikong bumukas ang fire alarm at naglabas ng tubig mula sa sprinkler.   Dinig ko ang mabilis na yabag ni Art palapit sa kusina na ngayon ay puno ng usok.   “Sunny!” Tawag niya sa pangalan ko at iginala ang mata. Kita ko ang concern dito na nagpalambot sa aking puso at napatulala sa kaniya.   Napansin yata nitong may nakatingin sa kaniya at tila nagi-slow mo lahat nang magtama ang aming mga mata. Tila naghugis puso ang aking mga mata habang nakatitig sa kaniya. Malakas din ang kabog ng aking dibdib at ramdam ang kakapusan ng hininga habang papalapit ito sa aking puwesto.   Akala ko ay yayakapin niya ako ngunit ganoon na lang ang takot na namuo sa aking pagkatao nang ang kaninang concern sa mga mata nito ay naglaho na parang bula at napalitan ng galit.   Hindi ako nakaiwas nang lumapit ito at mahigpit na humawak sa braso ko.   “What the hell are you thinking?! Do you want this house to be burned down?!” Galit na sigaw niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.   “A-Aray...” Daing ko at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya ngunit mas hinigpitan niya pa lalo ang hawak dito. Ramdam ko ang pagbaon ng kaniyang kuko sa aking balat at pakiramdam ko ay mahihila nito at mapuputol ang aking braso ano mang oras sa higpit ng hawak niya.   “Palibhasa kasi wala ka namang ambag sa pagpapatayo nito. You’re just a damn spoiled brat who gets everything without spending a dime or breaking a sweat.”   Halos manlambot ako nang tuluyan niyang binitawan ang aking kamay. Ramdam ko ang pangangalay mula dito at kita ang bahagyang pangingitim nito.   ‘Sana hindi magpasa,’munting  hiling ko at pinanood siya habang binubuksan ang mga bintana para mabawasan ang usok. Nai-on niya na din ang special feature ng vacuum para makatulong na mawala ang usok.   Nang tuluyan itong humupa ay napatitig siya sa dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog ngayon lang.   “You’re stupidly cooking hotdogs on a boling mantika STILL with the plastic on it?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya. Nalipat naman ang tingin nito sa isinasangag ko at kung may mas ilalala pa ang ekspresyon niya ay mas malala ito ngayon.   “Iyong sibuyas ang lalaki ng hiwa. ‘Yung bawang aside sa may balat pa ay hinati mo lang sa gitna at higit sa lahat...” Napa-pause ito para huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili. Wala pa siyang sinasabi ngunit ramdam ko na ang panlulumo at hindi ako nagkamali dahil as sunod na sinabi nito.   “Nagsasangag ka ng bagong saing na kanin?! Do you even know how to do basic cooking and chores?!”   Ang kaniyang titig ay siyang nagpalambot lalo sa akin. Ang kaniyang tingin na puno ng pang-uuyam at pagpipigil na magsabi pa ng kung ano-ano laban sa akin. Kita ko ang mabibigat nitong paghinga kasabay ng inis na paghampas sa lamesa bago tuluyang lumabas.   “Anong nagawa ko?” Nanghihinang tanong ko sa sarili at napapikit.   Second day failed again. May magagawa pa ba akong tama para mag-work ang relationship na ‘to?   Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Alam kong hindi iyon akin dahil iba ang ringtone ko. Kahit nanlulumo ay tumayo ako para hanapin iyon at hindi ako nabigo dahil nakita ko itong nasa may hagdanan.   ‘Mukhang nabitawan ni Art ang phone kanina pagmamadaling tingnan ang katangahan mo...’ Sambit ng isang bahagi ng isip.   Kanina ay kinikilig ako dahil sa concern sa mga nito ngunit napakagaling masyado ng kaniyang bibig at masyadong matalas ang dila kaya parang hindi ko na matandaan anong feeling ng tuwa kanina dahil kapalit nito ay takot sa kaniya.   Saktong pagkapulot ko ng phone ay namatay ang tawag. Nagkibit balikat ako at hinanap si Art para sana ibalik ang phone niya nang marinig ko ang tunog ng sasakyan sa garahe. Nasilip ko siyang pinapainit ang makina at papaalis na kaya’t kumaripas ako ng takbo para mahabol siya.   “Art!” Sigaw ko at humarang sa dinaraanan niya. Malakas itong napabusina sa inis at muling pinatay ang makina ng sasakyan.   “Ano bang problema mo?” Inis niyang tanong habang matalim ang tingin sa akin.   Tinatagan ko ang sarili at hinigpitan ang hawak sa phone niyang muling nag-vibrate sa kamay ko.   “N-Naiwan mo...” Inilahad ko ang palad para iabot iyon sa kaniya ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natuon ang tingin ko sa lockscreen nito.   Litrato iyon ng magkahawak ang kamay habang kita ang singsing sa daliri ng babae. Napatigil ako sa pag-abot dahil tila ako naupos sa kinatatayuan.   Wala man mukha ay alam kong kay Art ang isang kamay doon. Mulingnag-vibrate ang phone at lumabas ang isang message na nagpagulo sa utak ko ngayon.   ‘Yes, see you later. I love you too...’   "Thanks." Malamig na sagot nito at hinablot ang phone mula sa aking kamay saka walang pasabi na pumasok ng kotse. Tuloy-tuloy ang andar ng sasakyan hanggang sa hindi ko na nakita pa ito.   And at that moment, my tears started falling as I felt something inside of me has been broken. -- "E gago pala s'ya e! Pagkatapos niyong makasal biglang may ibang naga-I love you sa cellphone niya ha?"  Nanggigigil na saad ni Krissy.    "Sinabihan ka na ba no'n ng three words na 'yon ha? E no'ng kasal n'yo nga akala mo kinakasal ka sa robot!" Dugtong pa nito.   Si Krissy ay kababata ko na super ka close ko. Sa kanya ko ino-open lahat bukod kay Ariella, at gano'n din naman ysila sa 'kin. Kahit pa tutol talaga s'ya sa amin ni Art ay wala na s'yang nagawa.   "Kris naman, malay mo pinsan n'ya o kamag-anak o ano 'di ba? Saka baka gano'n lang sya ka-sweet sa iba."   "Wag ka ngang tanga, Sun. Since high school dakilang stalker ka na no'n. Alam natin pareho lalo ka na, na hindi s'ya sweet na tao! Hindi s'ya nagsasabi ng I love you maski sa pamilya n'ya! Kaya h'wag mo kong umpisahan n'yang ka-martyran mo ha! Pano kung si W ---"   "Stop." Napatigil naman s'ya sa sinabi ko at apologetic na tumingin.   "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. Akin na s'ya 'di ba? Kasal na kami, ako pa rin ang legal."   "Pero hindi ikaw ang mahal," makahulugang sambit nito bago magpaalam at umalis na sa bahay.   Tinawagan ko s'ya pagkaalis ni Art. Ayokong mabaliw kakaisip ng nangyari pero hindi maitatago sa akin na tamaan sa lahat ng sinabi n'ya.   Hindi n'ya PA ako mahal, pero soon he will love me MORE than he loves HER. I am Sunny Aether Hale – Silvesa at hindi ako papayag na hindi siya mahulog sa akin because... What Sunny wants, Sunny gets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD