Chapter 19

1548 Words
"Bro?" Napatingin ako kay Keith. "Why?" "Aalis ka?" Tanong nito. "Yeah.May meeting ako ngayong umaga, then mamayang hapon pupunta ako sa office ni Ziena." Aniya ko nagmamadali sa pagsuot ng aking necktie. "Pupunta muna kami sa club, sunod ka na lang mamayang gabi." "Sure." sagot ko at lumabas na sa aking silid. Dumiretso na ako lumabas at sumakay na sa aking kotse. Pagdating sa office agad na ako dumiretso sa meeting room.Nandoon na lahat sila. "Good morning Sir," bati sa akin ng mga empleyado. "Ready na ang report?" aniya ko sa aking sekretarya. "Yes Sir." Umupo na ako at pinakinggan ang report ng bawat management. Buti na lang maayos pa rin ang percentage ng kumpanya ko. After ng meeting, nakipagkita muna ako sa investor's sa isang restaurant.Kailangan ko muna ayusin ang mga negosyo ko bago ako pupunta sa Britain.Inayos na daw ni Savannah ang mga papel ko. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Savannah.Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. Halos alas kuwatro na ako nakatapos sa meeting.Bumalik ulit ako sa opisina ko. "Ayusin mo ang lahat na pipirmahan ko, at bukas ko na tatapusin," Aniya ko sa aking sekretarya. Panay ang hilot ko sa aking batok. Fuck! Nakaramdam na ako ng sobrang pagod.Baka hindi na ako makakapunta sa bar, sobrang pagod ko na.Dadaan pa ako sa office ni Ziena, buti na lang pumayag ito na hintayin ako hanggang 5pm. Tumayo na ako.At lumabas na sa aking opisina. "Mauna na ako." "Yes Sir, ingat po kayo." Panay ang hilot ko sa aking batok.Nararamdaman ko ang pangangalay at medyo masakit na rin ang ulo ko sa sobrang pagod. Tamang-tama na alas singko nasa office na ako ni Ziena. "Kapal talaga ang mukha, siya na nga ang may kailangan ako pa naghintay ng matagal." Agad na bungad sa akin ni Ziena. "I'm sorry, sobrang busy ko maghapon." Nanghihinang saad ko sa kan'ya. "Upo ka." Irap na saad ni Ziena. Nanghihinang napaupo ako. Fuck! Sobrang sakit talaga ng batok ko. "Inayos na ni Van ang flight mo, puwede mo na puntahan ang asawa mo sa Britain." Napatingin ako bigla kay Ziena. "Wala namang divorce na nangyari, pareho kayo hindi nagpirma ni Tamara, alangan naman ako ang pipirma!" "S-salamat." masayang saad ko. "At puwede ba Crimson, gamitin mo rin ang utak mo.Gan'yan ba ang tingin mo kay Tamara Mia? Na magpapabuntis lang sa iba? Actually ang totoo niyan, hindi naman talaga na miscarriage ang asawa mo." Nanlalaki naman ang mga mata ko. "P-pero, noong nasa hospital kami--." "Plano lang iyon nila Cathalea, para tumino ka! Tatay ka na, kaya ayusin mo na ang buhay mo!" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "Bawiin mo si Tamara, trentay sais ka na, aba! Putang-ina ang tanda na! Nag join force na kami para kalabanin ang mga Geller para sa iyo, ayaw talaga nila ibigay si Tamara." Hindi ko akalain sa likod ng matapang na pagkatao ng mga Assassin's na ito, may puso pa rin sila.Si Z, Gaia, Ziena at marami pa sila.Kilala ko na sila noon pa na mga mamamatay tao, pero pagdating sa mga kaibigan, patas sila. "Ikaw mas may karapatan sa mag-ina mo, mahal ka ni Tamara, at puwede ba magbago ka na, dapat sa edad mo na iyan, may apo ka na." nakangising saad ni Ziena sa akin. "Salamat, baka sa isang araw, pupuntahan ko na siya." Masayang saad ko. "Sige na, uuwi na rin ako.Oo nga pala, twins ang magiging anak." Nakangisi ito sa akin. "R-really? Paano mo nalaman?" "Si Dra.Lenlyn ay kaibigan namin, nagkataon talaga na naging Doctor ito ni Tamara sa Britain.Then sinabi niya sa amin na about sa mga Geller, at kay Tamara." Tumayo na rin ako.Sobrang saya ko.Mas lalo kong babawiin ang mag-ina ko sa mga Geller. Nagpaalam na ako kau Ziena.Mag-alas siyete na rin ng gabi. Pagdating sa parking lot, sumigaw pa sa akin si Ziena. "Ingat ka Crimson! Congrats bastard!" agad na itong umalis. Napangiti naman ako. Sumakay na ako sa aking kotse at umalis na rin.Habang nagmamaneho, isang kamay ko sa manibela at ang isa naman panay ang hilot ko sa aking batok. Halos isang buwan na hindi na ako nakapunta sa gym. Paliko na sana ako nang may bumungad sa akin ng sobrang nakakasilaw na ilaw. Shit! Isang malakas na tunog ang bumangga sa unahan ng kotse ko. Naramdaman ko rin ang matigas na bagay sa aking katawan. Naipit ako sa loob, wasak ang unahan ng aking sasakyan. "Noooo!" Sobrang labo na ng paningin ko.Nakita ko pa sa salamin na nakasabit sa unahan ng kotse ko ang aking mukha.Duguan ako, kahit ang damit kong suot, puno ito ng dugo. "Nooo...ayoko pa mamamatay! Ang mag-ina ko."aniya ng nasa isip ko habang unti-unti ipinikit ko ang aking mga mata. "Crimson putang-ina mo! Gago....huwag ka mamamatay, paano ang mag-ina mo!" "Bro! Hold on!" "Alcantara! Alcantara! " ************ "I'm so sorry Josh, mahal ko pa rin si Kenjie." mahinang saad ko kay Josh. Ilang beses itong nagtapat sa akin, pero ayoko ko siyang paasahin. "Handa naman ako maghintay Tam, ngayon lang ako umibig ng ganito." Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Josh, look at me.Ganoon din ako noon, ako lang ang nagmamahal, habang ibang babae naman ang mahal ng asawa ko.Ayoko na matulad ka sa akin, please, maghanap ka ng ibang babae na mahal ka at mahal mo rin siya." Malungkot naman itong nakatingin sa akin. "Binago mo ako.Alam mo bang nawalan na ako ng ganang makipag date sa iba and you know having s*x with them, parang hindi ko feel.Tam, mali man na mahalin ka, kahit m-mag-asawa pa rin kayo ni Alcantara, parang gusto kita agawin sa kan'ya." Hinaplos ko naman ang pisngi niya. "Makakahanap ka din ng babaeng karapat-dapat sa iyo.Josh, maraming salamat kasi nandito ka pa rin sa tabi ko." "Gagawin ko ang lahat para sa iyo, Tam." Mahigpit naman ako niyakap ni Josh. Pitong buwan na ang tiyan ko.Dalawang buwan na lang, manganak na ako. Umalis na muna si Josh.Babalik daw ito mamaya. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ito kung may mensahe ulit galing kay Kenjie. Ang huling message niya ay Babawiin niya daw ako. Ikinasal na pala si Belle, at nandoon rin si Kuya Tiger. Tumayo ako pumunta sa kusina.Kinuha ko ang cake at orange juice sa ref.Ito na lang ang gawin kong tanghalian. Kumuha muna ako ng baso at plato. Habang pabalik na ako sa lamesa, biglang nadulas sa kamay ko ang plato. "Ma'am Tam!" agad na sigaw ng katulong. "N-nabitawan ko po, I'm sorry." "Okay lang Ma'am Tam, nandito naman po kami, iutos mo na lang po sa amin next time, buntis ka pati baka mamaya niyam madulas ka." Tumango naman ako. Bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko.Parang kinakabahan ako na hindi ko mawari. Huminga ako ng malalim.Napahawak ako sa aking tiyan.Bigla lang kasi gumalaw ang twins ko sa loob.Panay ang sipa nila ito. Napangiti naman ako. "Sobrang likot niyo." Mahinang saad ko. Napatingin ako sa pinto na humahangos papunta sa akin si Kuya si Josh.Nasa Pilipinas ang mga kapatid ko.Si Josh naman kahapon ito dumating. "Josh?" "T-Tam." malungkot itong nakatingin sa akin. "Bakit?" nagtatakang tanong ko rito. "Uuwi tayo sa Pilipinas, dadalhin kita pauwi." "Ha? Magagalit sila ni Kuya, at si Daddy, walang titingin sa kan'ya." "Ang mga Kuya mo mismo ang nagsabi sa akin na dalhin kita pauwi sa Pilipinas, si Daddy mo naman, ang Nurse na ang bahala." "Payagan ba ako mag travel?" Malaki na ang tiyan ko.Baka kasi pagbawalan ako sumakay sa eroplano. "Kukuha lang tayo ng medical sa Doctor mo." Aniya ni Josh sa akin. "Josh, bakit daw ako pinapauwi? May nangyari ba sa mga Kuya ko?" "W-wala naman, b-basta sumama ka lang." Umiwas ito ng tingin. "Sige, kailan tayo aalis?" "Pupunta muna ako kay Dra.Lenlyn at hihingi ako ng medical mo." Tumango lang ako. "Anong nangyari?" Tanong ni Josh nang napansin nito na nililigpit ng katulong ang basag na plato. "Nabitawan ko, ewan, basta nadulas lang bigla sa kamay ko." Nakangusong saad ko. Narinig kong Napabuntong hininga ito. "Sige na.Alis muna ako, gumayak ka na, okay?" "Okay." nakangiting sagot ko. Pagkaalis ni Josh pumunta muna ako sa silid ni Daddy. "Dad? Uuwi muna ako sa pinas, just wait me okay? Babalik agad ako." Nakangiting saad ko. Lalong lumala na ang sakit ni Daddy, kumuha na rin sila kuya ng personal Doctor at dalawang Nurses. Hinaplos ko ang buhok ni Daddy.Tulog ito, at may aparatos rin nakakabit sa kan'yang katawan. Mas pinili nila Kuya, sa bahay na si Daddy gagamutin.Kaya naman may sariling Doctor ito. "I love you Dad, dalawang buwan na lang manganganak na ako, gusto ko makita mo sila, kaya dapat magpagaling ka na." Malambing na saad ko. Tumayo na ako at nginitian ang dalawang Nurse. "Kayo na po ang bahala kay Daddy." "Huwag po kayo mag-alala Ma'am, namin pababayaan ang Daddy ninyo." "Maraming salamat po." Agad na akong lumabas sa silid ni Daddy at pumunta sa aking silid. Agad na akong nag-impake. Napabuntong hininga ako. Paano kung makita ako ni Kenjie. Bakit kaya pinapauwi ako sa Pilipinas nila Kuya? Pero pakiramdam ko, parang may gumagabag sa akin. Tinapos ko na ang pag-iimpake at hinintay si Josh. Ayoko ko rin tumagal sa Pilipinas, kasi ayoko mapalayo kay Daddy, lalo ngayon malala na ag sakit nito. Itutuloy ‼️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD