"Tam?" aniya ni Kuya Tiger
"S-sana h-hindi na ako u-umalis."
"Tam, huwag mo sisihin ang sarili mo."
Hindi ko akalain ang pag-uwi ko sa Pilipinas, ay masamang balita ang nadatnan ko.Nasa bingit ng kamatayan ang aking asawa.Tatlong linggo na itong walang malay.
Nakatingin lang ako sa loob ng ICU.May nakalagay na tubo sa bunganga nito, maraming aparato na nakakabit.
Sabi nila Kuya ang nakabanggaan nitong sasakyan ay ligtas na daw ito.Si Kenjie ang napuruhan.
"Tam, isipin mo ang anak mo okay? Huwag ka masyado mag-isip baka mapano ang twins mo."
Humarap ako kay Kuya Tiger.Hilam ng luha ang aking mukha.
"But he's in c-critical.H-hindi ko kakayanin, h-hindi ko kaya!" Napahagulhol akong niyakap si Kuya Tiger.
"E-excuse po?"
Napatingin kami ni Kuya sa babaeng nakatayo sa harapan namin.Napakaganda niya.
"Yes?" aniya ni Kuya Tiger sa magandang babae.
"Kamag-anak ba kayo nang nakabangga ni Blake?"
"Asawa ng kapatid ko." seryosong saad ni Kuya
Humarap naman ang magandang babae sa akin.Malungkot itong nakatingin sa akin, at bumaba ang tingin nito sa aking tiyan.
"Prayers lang po ang maitulong ko." aniya nito.
Umiwas naman ako ng tingin.
"S-sige po." Umalis na ito.
Pagkaalis ng babae, agad naman dumating ang apat na lalaki.
Napatingin kami ni Kuya sa apat na lalaking papunta sa aming kinatatayuan.
Ang mga kapatid ni Kenjie.
"So ngayon, ipinakita niyo na si Tamara Mia kay Kenjie, dahil nasa critical na ito!" galit na bungad agad ni Keith.
Last year nakilala ko na ang mga ito noong nagbakasyon din sila dito sa Pilipinas.
"May problema ka ba sa akin Keith? O sadyang gago ka lang!" diin naman na saad ni Kuya.
"f**k you Tiger! Nakiusap si Kenjie sa inyo, pero ayaw niyo siyang pakinggan, kung hindi pa nakialam si Ziena at Savannah!" galit naman na saad ni Keith.
"Putang-ina niyo! Kung kayo ang nasa sitwasyon namin baka gagawin niyo rin iyon!" Dinuro ito ni Kuya.
"Tama na please." pakiuasap ko sa kanila.
Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng ICU.Bawal talaga pumasok sa loob lalo na buntis ako.Pero nakiusap ako kay Ate Gaia.
Tanging tunog lang ng monitor ang naririnig ko.
Hubo't hubad ang asawa ko.Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng kan'yang katawan.May mga aparato nakakabit sa kan'yang dibdib.
"Did you know we have a twins? Boy and girl."
Hinawakan ko ang kan'yang kamay.Sa kan'yang kamay doon nakakabit ang hose na sinasalinan siya ng dugo.
Ang Nurse naman nasa kabilang side ito at nag-aayos ng aparato.
"Please, g-gumising ka na.Kahit h-hindi mo ako mahal, okay lang, aalagaan pa rin kita."
Dinala ko ang kan'yang kamay sa aking tiyan.
"S-sobrang likot nila. Nararamdaman mo?"
Nanghihinang napaupo ako tabi ng hinihigaan nito.
" Alam mo ba isa sa p-pangarap ko? Ang maging kumpleto ang pamilya ko. Lumaki ako na wala si Daddy sa tabi namin ni Kuya Dos. Please, b-bigyan mo na k-kumpletong pamilya ang twins natin!"
Napahagulhol ako habang nakasubsob sa sa kamay ni Kenjie.
"Tam?"
Napalingon ako sa aking likuran.Malabo na amg paningin ko gawa ng aking luha, kahit ang aking suot na salamin basa na rin ito.
Si Ate Gaia at Ate Ziena.
"Hindi ka puwede magtagal dito sa loob, bawal sa iyo lalo't buntis ka." mahinahong saad ni Ate Gaia.
Humarap ulit ako sa aking asawa.
"H-he will be okay?" mahinang tanong ko kay Ate Gaia.
"Depends sa response ng mga gamot sa kan'ya, siya kasi ang napuruhan. Samantala, si Blake Del Fierro ang bumangga sa kan'ya, naka recover na." sagot naman ni Ate Gaia.
"Blake Del Fierro?"
Tinanggal ko ang aking salamin at pinunasan ito sa aking damit.Humarap ulit ako sa kanila.
"Yes, why?" aniya ni Ate Gaia.
Si Blake? Siya iyong sinabi ng babae kanina.
Si Blake, na bata pa lang ako, magkakilala na kami. Kaibigan ni Mommy ang Mommy nito. I was nine years old, noong pumunta ako sa bahay nila.
Then sunod-sunod na taon na lagi ako sa bahay nila. Noong namatay si Mommy, I was 14 that time.Si Blake ang karamay ko.Siya lagi sa tabi ko.When I was 15, he promised to wait me, he promised thay he will marry me someday. Pero umalis ako papuntang Germany, kasama si Kuya Dos. Nagalit si Blake. I was so young that time. Noong bumalik ako sa Pilipinas, wala na akong balita sa kan'ya.
"Tam, hindi ko maipangako na maiiligtas namin siya." mahinang saad ni Ate Gaia.
"I'm a nurse.Ibig sabihin, nakadepende lahat sa i-take niyang medicine, para m-mabuhay lang siya. Right?" diin na saad ko rito.
Malungkot na tumango si Ate Gaia sa akin.
"He need an operation.May dugong namuo sa ulo niya.But, hindi namin sure na after ng operation kung stable siya or.... puwede na..i-ikamatay niya."
Umiiling ako sa kanila.
"A-ayoko! Hindi ko kakayanin!"
Lumapit sa akin si Ziena.
"Hindi hawak ng mga Doctor ang buhay niya, kung hanggang doon lang siya, dapat natin tanggapin." seryosong saad sa akin ni Ate Ziena.
Walang sabi-sabing tumalikod ako at lumabas na ng ICU.Hinanap ko ang babaeng nakausap ni Kuya kanina.
Nakalabas na 3 weeks ago si Blake.
"Tam, saan ka pupunta?" agad na tanong ni Kuya Tiger.
"M-may pupuntahan lang po ako saglit."
Agad akong tumalikod at lumabas na ng hospital.
Tamang-tama nakita ko ang babae na nakakilala kay Blake.Pasakay na ito sa taxi.
"Miss!"sigaw ko rito.
Lumingon ito sa akin.
Dali-dali akong lumapit rito.
"Kilala mo si Blake Del Fierro, right? Puwede ba dalhin mo ako sa kan'ya?"
"S-sige."
Sumakay na kami sa taxi.Panay naman ang haplos ko sa aking tiyan.
Nakarating kami sa napakalaking bahay.
Pagkababa namin, babayaran ko sana ang taxi pero nauna na itong nagbayad.
"O-okay lang Miss, libre ko na lang," aniya sa akin.
Nahihiyang ngumiti naman ako.
Pagkapasok nami sa loob ng bahay, nadatnan namin ang lalaking nakaupo sa sala.
"Blake?" Agad na tawag ng babae.
Humarap naman ang lalaki.
Matagal itong nakatitig sa akin, nanlalaki rin ang mga mata nito.
Bumaba ang tingin nito sa aking tiyan.
"T-Tam?"
Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya.
Nang nasa harap na niya ako.
"S-sana ikaw na lang ang napuruhan! Ikaw ang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko!" Umiiyak na saad ko sa kan'ya.
Nalilito naman ang babae.At palipat-lipat ang tingin sa amin ni Blake.
"Miss, hindi naman tama yata na sabihin mo ito kay Blake." aniya naman ng babae.
Nakita ko sa mga mata ni Blake ang kalungkutan.
"T-Tam, bumalik ka na?"
"I hate you! Dahil sa iyo, nasa critical ang asawa ko!" Sigaw ko sa kan'ya.
"Jia, iwan mo muna kami." diin na saad ni Blake sa babae.
"P-pero--."
"Please, iwan mo muna kami."
Walang magawa iyong Jia kun'di umalis ito.
"Tam, aksidente ang nangyari."
"Pero ikaw ang unang bumangga sa kan'ya!" Sigaw ko rito.
Malungkot itong nakatingin sa akin.
"May asawa ka na pala." mahinang saad ni Blake sa akin.
Hinawakan nito ang aking kamay.
"Naghintay ako Tam, pero....hindi ka nagpakita sa akin."
Hinila ko naman ang aking kamay.
"Can you stop! Look at me.It's unfair, kasi ang Daddy ng mga anak ko iyon ang nasa critical samantala ikaw, malakas at okay lang!"
Hahawakan sana niya ang mukha ko pero umatras ako rito.
"Lalong hindi kita mapatawad kapag nawala sa akin ang asawa ko!"
"Tamara! Hindi ko sinasadya ang nangyari! Kung alam ko lang na asawa mo nga iyon, sana ako na lang nga napuruhan, dahil ayoko makita na nasasaktan ka!"
Namumula ang mukha nito.
Umiiling naman ako.Agad na akong tumalikod pero hinawakan naman ni Blake ang kamay ko.
"Tam, I'm sorry.I'm sorry kung..kung nasaktan ulit kita."
Humarap naman ako kay Blake.
"Hindi ako nagsisi na iniwan kita noon, at hindi rin kita gusto at minahal noon." blangkong mukha na saad ko rito.
Hindi ko na hinintay itong sumagot, agad na akong lumabas at nag-abang ng taxi.
Bumalik ulit ako sa hospital.
"Tam!"
Agad akong sinalubong ni Kuya Tiger.
"Tam, wala na siya! Tam ..!"
Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
Nakita ko ang luha sa mga mata ni Kuya Tiger.
"No!"
"Tamara!"
Yumuko ako.
Nakita ko ang dugo sa na dumadaloy sa aking hita.
Iniwan na niya ako.Sabi ko sa kan'ya, hihintayin niya ako.
"Tamara!"
Bigla na lang nandilim ang aking paningin.