"Muntik ka na mapaanak Mia, iwasan mo ang sobrang stressed." aniya sa akin ni Kuya Terrence. "Gusto ko siya makita." Umiiyak na saad ko. "Pinagbabawal ka na bumiyahe." mahinahong saad ni Kuya Terrence. Sabi ko hihintayin niya ako bumalik, pero bumigay na ang katawan ni Daddy. Dahil maraming sakit itong dumapo sa kan'yang katawan, hindi na niya ito nakayanan. Bumalik sa Britain sila Kuya, at si Kuya Terrence at ako ang nandito sa Pilipinas. "Dadalhin dito ang abo ni Daddy." mahinang saad ni Kuya. Napahawak naman ako sa aking tiyan. Dinugo ako dahil sa sobrang pagod at stressed. "H-hindi niya makikita ang twins ko." mahinang saad ko habang umiiyak. "Don't worry, alam kong nasa tabi lang si Daddy to guide us. Lalo ka na, nakabantay si Daddy sa iyo." Niyakap naman ako ni Kuya Terrenc

