"Maayos naman lahat ng X-ray mo Crimson, then next week puwede ka na makauwi," aniya ni Ate Gaia. "Salamat Gaia." Tumingin ako sa aking asawa.Nakatingin rin ito sa akin. "Sige na, may pupuntahan pa akong pasyente." "Salamat po Ate Gaia." Hinatid ko hanggang sa pinto si Ate Gaia. Umuwi muna si Mommy Karylle kaya ako muna ang nagbabantay kay Kenjie. "Ang laki ng tiyan mo," Aniya ni Kenjie na hinahaplos ang walong buwan kong tiyan. "Yeah.Masaya pati ako kasi malulusog naman sila." Nakangiting saad ko rito. Napatingin ako kay Kenjie nang hinawakan nito ang mukha ko at mariin akong hinalikan sa labi. "I'm sorry. Sorry kasi sinaktan kita noon. Ang laking gago ko na hindi ko pinahalagahan ang pagsasama natin." Hinawakan ko naman ang kamay nito. "Isang nakaraan na iyon, at huwag na nati

